Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Catch-up
Filipino Grade Level: Baitang Anim
Subject:
Date: Marso 8, 2024
Duration: 2 hours and 30 mins (time allotment as per DM 001, s. 2024)

Time: (schedule as per existing Class Program)

Session Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.


Objectives:
References: Alab Filipino 6 pahina 120-121

Materials:
Aklat, larawan, journal notebook, graphic organizer sheets, PPT

Components Duration Activities


Pre Reading 10 mins Panimulang Gawain:
Itanong sa mga bata kung anong kalamidad ang
ipinapakita sa bawat larawan.

Itanong:
a. Anu-anong mga kalamidad at sakuna ang
ipinapakita sa bawat larawan?
b. Nakaranas ka na ba nito?

Panuto: Alamin ang kahulugan ng bawat


matalinhagang salita na may salungguhit sa bawat
pangungusap.

1. Ang lahat ng nangyari sa paligid ay isang


kisapmata lamang. Naguho lahat ang mga
gusali.

Page 1 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

A. Mabagal B. madamdamin C. mabilis

2. Marami ang binawian ng buhay matapos ang


malakas na bagyo.
A. ninakawan B. namatay C. nagkapera

3. Ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at


pagkasira ng kanilang bahay ay parang
pinagtakluban siya ng langit at lupa.
A. masyadong malungkot
B. masayang pangyayari
C. nakabibigla

4. Gusto na lamang niyang iguhit sa tubig ang


lahat ng malungkot na pangyayari sa kanyang
buhay upang hindi na siya lubhang masaktan.
A. kalimutan
B. alalahanin
C. balik-balikan

While Reading 50 mins


Unang Gawain: Webbing

Pag-usapan sa bawat grupo kung anong salita ang


maiaangkop nila sa salitang bagyo.

Page 2 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Ikalawang Gawain: Basahin sa Alab Filipino 6 pahina


120-121 ang kuwentong ”Yolanda”

Yolanda

Ang bagyong Yolanda ay maituturing na isa sa


pinakamatinding bagyong tumama sa Pilipinas.
Pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility o PAR
noong ika-3 ng Nobyembre, 2013. Dahil sa isang
kisapmata ang naging pagpasok ng bagyo sa bansa,
nagtaas ng babala ang Philippine Atmospheric ,
Geophysical and Astronomical Service Administration o
PAGASA sa maraming lalawigan at kapuluan sa bansa.
Sinasabing hinagupit ng bagyong Yolanda ang
Tacloban. Leyte, at ang karatig-bayan nitong Samar na
may bilis na hanging tumatakbo ng 315 kilometro
bawat oras. Naitala ng PAGASA na anim na beses na
tumama ang mata ng bagyo sa lupa kung kaya’t
nagdulot ito ng pinakamalaking pinsala sa maraming
lalawigan sa Kabisayaan. Maraming kabahayan at
gusali ang lumubog sa tubig-baha dahil sa walang tigil
na pagbasak ng ulan. Halos pitong libo ang binawian
ng buhay dahil sa hindi inaasahang pagdaluyong ng
malalaki, malalakas at matataas na alon. Hanggang
ngayon ay sinasabing hindi pa rin nakababangon sa
pagkakalugmok ang bayan ng Tacloban dahil para
silang pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa
malawakang perwisyong idinulot ng bagyo. Maraming
nagsasabing hindi nila maaaring iguhit na lang sa
tubig ang kanilang naging karanasan sa kamay ni
Yolanda.

Ikatlong Gawain: Pangkatang Gawain – Pang-unawa


sa Binasa

Pangkat 1 – Ibigay ang mga detalye kaugnay ng


paghagupit ng bagyong Yolanda sa Pilipinas. Paano ito
tumama sa bansa. (News Reporting)

Page 3 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Pangkat 2 – Sanhi at Bunga

Pangkat 3 – Problema at Solusyon

Pangkat 4 – Go Bag
Iguhit sa loob ng bag ang mga mahahalagang
kagamitan na ilalagay sa Go Bag kung may kalamidad

Page 4 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Pangkat 5 – Kumpletuhin ang tsart.


Anu-ano ang gagawin mo....
Bago dumating Habang may Pagkatapos ng
ang bagyo bagyo bagyo

Ikaapat na Gawain: Pag-uulat ng bawat pangkat

Pair Square: Pagbabahagi ng Karanasan kapag may


lindol

a. Maghanap ng kapareha. Ikuwento ang sariling


karanasan kapag nagkakaroon ng lindol.
Post Reading 10 mins
b. Pipili ang guro ng 3 bata na magbabahagi ng
kanilang karanasan kapag may lindol.

Sa panahon ng malalakas na kalamidad tulad ng bagyo


at lindol, marami ang nawawalan ng bahay, kagamitan
Reflective
15 mins at pagkain. Paano natin pinaghahandaan ang
Journaling
pagtulong at pagkakawanggawa sa mga
nangangailangan?

Inihanda ni:

Page 5 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

MELIZZA N. MINA

Recommending Approval:

GLENDA D. TABAQUIRAO

Principal III

Contents Noted:

ROWELA R. CADAYONA
Education Program Supervisor

Page 6 of 6

You might also like