Aralin 7 - Pang Uri

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

ARALIN 7: Pang-uri

PANIMULA
Sa araling ito, matutuklasan natin ang iba’t ibang uri at anyo ng pang-uri.
Tatalakayin dito ang kayarian, kailanan at kaantasan ng pang-uri. Ang lahat ng ito ay
bahagi ng pananalita at kinakailangang araling mabuti upang magkaroon tayo ng
kaalaman sa mga iba’t ibang nakapaloob dito.

TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri.
2. Nakikilala ang mahahalagang uri at anyo na bumubuo sa pang-uri.
3. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa sarili na naglalaman ng iba’t ibang
uri ng pang-uri.

PANIMULANG PAGTATAYA (PRE-TEST)


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Bilugan ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang uri ng pang-uri?
a. Maamong
b. Mapanlinlang
c. Masayang
d. Hangin

2. Anong uri ng pang-uri ang tumutukoy sa dami o bilang ng isang bagay?


a. Pamilang
b. Pantangi
c. Pasukdol
d. Panlarawan
3. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pang-uring pantangi?
a. Sabon
b. Halaman
c. Siyentipiko
d. Aklat

4. Anong uri ng pang-uri ang tumutukoy sa pangngalang pambalana?


a. Pantangi
b. Pamilang
c. Paghambing
d. Panlarawan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng pang-uri?


a. Marikit
b. Maluwang
c. Umaga
d. Malamig

6. Ano ang kasingkahulugan ng “maganda”?


a. Pangit
b. Maganda rin
c. Magandang-maganda
d. Mahinhin

7. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pang-uring pamilang?


a. Ika-apat na
b. Matalino
c. Malaki
d. Matamis

8. Ano ang kasingkahulugan ng “masarap”?


a. Masakit
b. Masarap din
c. Masarap na masarap
d. Hindi masarap

9. Anong uri ng pang-uri ang naglalarawan ng hugis, laki, o anyo ng isang bagay?
a. Pamilang
b. Pantagi
c. Pasukdol
d. Panlarawan

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang uri ng pang-uri batay sa gamit nito sa
pangungusap?
a. Panlarawan
b. Pamatnig
c. Pamanahon
d. Pamilang
PAGTATALAKAY
Ano nga ba ang pang-uri?
Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ay isang bahagi ng pananalita na
naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga bagay, tao, lokasyon, kaganapan, at marami
pang ibang bagay.
Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng
pangngalan (noun) 0 panghalip (pronoun).

TATLONG URI NG PANG-URI

Pang-uring Panlarawan
Ang pang-uring panlarawan ay naglalarawan ng hugis o anyo, lasa, amoy, kulay,
at laki ng mga bagay. Naglalarawan ito ng mga katangian at ugali ng isang tao o hayop.
Naglalarawan din ito ng layo, lawak, at iba pang katangian ng mga lugar at mga bagay-
bagay.
Halimbawa:
Isang mataas na bundok ang Arayat.
Pang-uring nagbibigay turing sa pangngalan.

Siya ay mabait at maunawain.


Pang-uring nagbibigay turing sa panghalip.

Pang-uring Pamilang
Ang pang-uring parnilang ay mga salitang nag sasaad ng bilang ng mga
pangngalan. Ito ay nagsasaad ng dami o kakauntian ng mga pangngalang inilalarawan.
Ito ay nahahati pa rin sa maraming uri.
a. Patakaran – Ito ay batayang bilang sa pagbilang. Ito ang mga basal na bilang.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo
b. Panunuran – Nagsasabi ng pagkakasunud-sunod ng mga pangngalan.
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo

c. Pamabagi – Nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuuan.


Halimbawa: kalahati, kapat, tigatlo

d. Palansak – Nagsasaad ng pangkatan, minsanan, maramihan ng mga pangngalan.


Halimbawa: apatan, sampuan, limahan

e. Pabalaga – Nagsasaad ng halaga ng mga bagay na binili.


Halimbawa: piso, dalawampiso, sandaan

f. Patakda – Tinitiyak nito na ang bilang ay hindi mababawasan o madadagdagan.


Halimbawa: dadalawa, lilima, aapat

Pang-uring Pantangi
Ang pang-uring pantangi ay binubuo ng pang- ngalang pambalana at pangngalang
pantangi na ang huli ay naglalarawan sa una. Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy
sa pangngalang pambalana.
Halimbawa: mamamayang Pilipino, suhang Davao, pansit Malabon
KAYARIAN NG PANG-URI
1. Payak – Ito’y binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
hinog sariwa
lanta buo
bilog bata
pangit sabog

2. Maylapi – Ito’y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlapi. Ang mga pamilyar
na panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pang-uri ay ka-, ma-, ma- in, ma-hin, -in,
hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin- at kay-.
Halimbawa:
kaedad maganda masintahin malapalasyo
kapantay matalino mainipin maladonya
kamukha madaldal matuwain malaprinsesa
singganda sing-amo kaysaya iyakin
kasimbango simputi kayganda pasanin
kasindami sinlupit kaysigla kulahin

3. Inuulit – Dito’y inuulit ang buong salita o bahagi ng salita.


Halimbawa:
a. Pag-uulit na ganap
batambata bata-bata
pulang-pula

b. Pag-uulit na di-ganap
maputi-puti
dala-dalawa
4. Tambalan – Ito’y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa:
ningas-kugon kapit-tuko
biglang-yaman pusong-bakal
anak-dalita ngiting-aso

KAILANAN NG PANG-URI
May tatlong kailanan ang pang-uri ayon sa bilang ng nais nitong ilarawan.

1. Isahan – Ito’y naglalarawan sa iisa lamang. Kadalasan, ang pang-uri ay nilalapian


ng ma- nang hindi inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat na nilalapian. Maaari
ring gamitin ang mga panlaping pang-. Sa kailanang ito ng pang-uri ay hindi
ginagamit ang katagang mga.
Halimbawa:
Mataas ang puno ng niyog.
Masaklap ang nangyari kay Lumen.
Pamburda ang sinulid na ginagamit niya.

2. Dalawahan – Ito’y naghibigay-turing sa dalawa. Kadalon panlaping sing, kasing,


magsing, magkasing at ang mga kauri nito, singing paring pamilang na dalawa,
kapes o upang ipakitang dalawa ang pinag-uusapan Kuns
Halimbawa:
Magsinsipag ang magkapatid na Aldrin at Lindo.
Dalawang bata ang nagpapalipad ng saranggola Parehong Pilipino ang nanalo sa
timpalak.
Kapwa doktor ang dalawang anak ni Mang Justo.
3. Maramihan – Ito’y naglalarawan ng higit sa dalawa. Gaya ng gumagamit din ito
ng panlaping ma- datapwat sa pagkakabit nito, inuulit ang unang pantig o bahagi
ng nilalapiang salitang-ugat. Karaniwang
Halimbawa: Matataba ang mga baboy ni Aling Orang Mapuputla ang mga bilanggo.

Ganito rin ang nangyayari, inuulit ang unang pantig o bahagi nito, kapag gumagamit ng
ibang pantapi, gaya ng pagka- at nag-han.
Halimbawa:
Pagkatatamis ng mga mangga.
Naggagandahan ang mga dalaga.

Kung minsan naman, ginagamit ang mga panlaping magkakasing-, magkakasim- o


magkakasin-. Pansinin ang pag-uulit ng pantig na ka-.
Halimbawa:
Magkakasinghusay ang mga sumali sa timpalak-bigkasan.

Pansinin na halos lahat ng mga pangungusap na maramihan ay gumagamit ng katagang


mga. Ang katagang mga ay maaaring gamitin nang ito lamang. Hindi na kailangang
gumamit ng anyong maramihan ng pang-uri upang ipakita ang pagiging maramihan nito.
Halimbawa:
Mga mapagpakumbaba ang mag-anak na Reyes.

KAANTASAN NG PANG-URI
1. Lantay – anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan
o panghalip.
Halimbawa:
Ang dating malinis na lawa ay unti-unting nasisira.
Nagbago na rin ang amoy ng dating sariwang hanging nalalanghap.
Malinaw niyang tubig, hindi ko na maaninag.
Ang maruming lawa ba ang kapalit ng pag-unlad?
2. Pahambing – anyo ng pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng
dalawang pangngalan o panghalip.
May dalawatig uri ng pang-uring pahambing:
a. Pahambing na Pasahol o Palamang – nagsasaaad ng naka- hihigit o
nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na
pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang mas, bigit na kaysa
kay/sa, lalong … kaysa kay/sa.
Halimbawa:
Ang lawa ng Laguna ay mas malinis noon kaysa ngayon.

b. Pahambing na Patulad – nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na


katangian ng dalawang pangngalano. Panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o
ng mga salitang kapwa, pareho.
Halimbawa:
Ang lawa ng Laguna noon at Lawa ng Laguna ngayon ay magsinghalaga sa lahat
ng mga nabubuhay kaya’t dapat nating pagpalain.
Ang lawa ng Laguna at Ilog Pasig ay kapwa marumi na ngayon.

3. Pasukdol – anyo ng pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatinding o


pinakasukdulang katangian sa paghaham bing ng higit sa dalawang pangngalan
o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-, pagka- kasunod
ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

Halimbawa:
Ang pinakamalaking lawa sa buong bansa ay ang Lawa ng Laguna.
Nanganganib itong mamatay dahil sa napakaraming basurang itinatapon ng tao
rito.

4. Moderasyon o Katamtaman – naipakikita ito sa paggamit ng medyo, nang


bahagya, nang kaunti, atb., o sa pag-uulit ng satang-ugat o dalawang unang pantig
nito.
Halimbawa: mainit-init, mapurol nang kaunti
HULING PAGTATAYA (POST-TEST)

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa sarili. Ang gagawing sanaysay ay


kinakailangang naglalaman ito ng iba’t ibang uri at anyo ng pang-uri. Isulat ito sa isang
malinis na buong papel.

You might also like