Mga Bahagi NG Pananalita SURENA

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 56

Mga Bahagi

ng
Pananalita
__________________________
AIRA M. CABREA
DYNABE V. CERVANTES
JONALYN S. CLAUDIO
DANN MARK N. DE GUZMAN
MARICEL C. FERNANDEZ
KIMBERLY C. GARCIA
ANGELICA JOYCE F. JIMINEZ
SHAIRA MAE C. JOAQUIN
MJ B. MAMARIL
ERICK JOHN M. NEUDA
SUNDAE GEE C. SOLANO
CHRISTINE ANGELA N. SORIANO
CHERISH C. TUGADE

_____________________________________

1
PASASALAMAT
Nais ng mga may-akda na magpasalamat sa mga taong naging bahagi
ng pagtatapos ng modyul na ito, sa walang sawang suporta, tulong at gabay
upang maisakatuparan ang hangaring makatulong sa mga guro at mag-aaral
na Pilipino. Utang na loob at taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-
akda sa mga sumusunod:

Una sa lahat, ang aming guro na si Bb. Mary Grace Ubando na siyang
gumabay at nagbigay ng suporta sa amin upang maisakatuparan ang
modyul na ito.

Pangalawa, sa aming minamahal na mga magulang na nagbigay ng


suporta at tulong upang mapagtagumpayan ang paggawa ng modyul na ito.

Higit sa lahat, ang Dakilang Tagapaglikha sa kaniyang pag-gabay at


pagbibigay ng kaalaman at karunungan para sa ikatatagumpay ng modyul
na ito.

2
PANIMULANG SALITA
Malugod na pagbati sa inyong lahat!

Ang modyul na ito ay ginawa upang matugunan ang mga


pangangailangan ng mga mag-aaral sa sekondarya.

Sa modyul na ito, ating tatalakayin ang mahahalagang bahagi ng


pananalita na nagbibigay ng kaayusan at kahulugan sa ating mga
pangungusap. Ang pag-unawa sa mga ito ay isang pundamental na
kasanayan sa pagpapalawak ng ating kaalaman sa wika.

Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga bahagi ng pananalita,


magkakaroon tayo ng mas malalim na pag-unawa sa pagbuo ng mga
pangungusap at sa tamang paggamit ng mga salita. Ito rin ay magbibigay sa
atin ng kakayahan na maging mas epektibo at malinaw sa pagpapahayag
ng ating mga ideya at damdamin.

Nawa'y maging gabay at kaagapay ninyo ang modyul na ito sa


paglalakbay natin tungo sa mas malawak at mas mataas na antas ng
kaalaman sa Filipino.

Magtulungan tayo at sama-sama nating pag-aralan at unawain ang


mga bahagi ng pananalita. Handa na ba kayong simulan ang paglalakbay?

Maraming salamat at mabuhay ang wika at kultura ng ating bansa!

Mga May Akda

3
Talaan ng mga Nilalaman
Pahina

PASASALAMAT .......................................................................................................1

PANIMULANG SALITA ...........................................................................................3

Mga Bahagi ng Pananalita ....................................................................................6

Aralin 1: Pangngalan .............................................................................................6

Panimula...................................................................................................................................6

Mga Klasipikasyon ng Pangngalan.......................................................................................7

Mga Uring Pansemantika.......................................................................................................7

Mga Uring Pangkayarian......................................................................................................8

Kasarian ng Pangngalan ......................................................................................................9

Kailanan ng Pangngalan ....................................................................................................10

Aralin 2: Panghalip …………………………………………………………………………11

Mga Uri ng Panghalip …………………………………………………………….………..14

Aralin 3: Pandiwa ……………………………………………………………..……………19

Aspekto ng Pandiwa ……………………………………………………………………….20

Uri ng Pandiwa ayon sa Panauhan ……………………………………………………..21

Ang Pawatas at Pautos na Panagano ng Pandiwa …………………………….…..22

Ang Pasakali at Paturol na Panagano ng Pandiwa ………………………………..22

Pokus ng Pandiwa ……………………………………………………………………..…..23

Aralin 4: Pangatnig …………………………………………………………..…………….26

Wastong Paggamit ng Pangatnig ………………………………………………………27

Aralin 5: Pang-ukol …………………………………………………………..…………….30

Mga Uri o Karaniwang Pang-ukol ………………………………………………………31

Dalawang Pangkat ng Pang-ukol ………………………………………………………31

Aralin 6: Pang-angkop .……………………………………………………..…………….33

Dalawang Uri ng Pang-angkop ………………………………………………………….34

Aralin 7: Pang-uri ..…………………………………………………………..…………….36


4
Tatlong Uri ng Pang-uri …………………………………………………………….……..38

Kayarian ng Pang-uri ……………………………………………………………….……..39

Kailanan ng Pang-uri ……………………………………………………………….……..40

Kaantasan ng Pang-uri ……………………………………………………………………41

Aralin 8: Pang-abay ..………………………………………………………..…………….43

Mga Uri ng Pang-abay …………………………………………………………………….44

Aralin 9: Pantukoy …………………………………………………………..…………….49

Dalawang Uri ng Pantukoy ………………………………………………………………51

Aralin 10: Pangawing ………………………………………………………..…………….54

5
Mga Bahagi ng Pananalita
Aralin 1: Pangngalan

Panimula
Sa aralin na ito, tatalakayin natin ang mga konsepto at kaalaman ukol sa
mga pangngalan. Ang pangngalan ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa mga
bagay, tao, hayop, lugar, ideya, o kaisipan. Mahalaga ang pangngalan sa pagbuo ng mga
pangungusap dahil ito ang nagbibigay-tangi o nagtutukoy sa mga bagay na binabanggit.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, makikilala natin ang iba't ibang uri ng pangngalan,
kung paano ito naipapahayag sa pangungusap, at kung paano ito ginagamit sa
komunikasyon.

Tunguhin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:


1. Natutukoy ang kahulugan ng pangngalan,
2. Nakikilala ang mga mahahalagang uri at anyo na bumubuo sa pangngalan, at
3. Nagagamit ang pangngalan sa pagtukoy sa paligid.

Panimulang Pagtataya (Pre-Test)

I. Panuto: Tukuyin at ikahon ang pangngalan ng pangungusap. Isulat sa patlang


kung ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.

_______________1. Ako ay papasok na sa paaralan.


_______________2. Si Nanay ay masarap magluto.
_______________3. Napakabait ng alaga kong aso.
_______________4. Pumunta ka ba sa kusina?
_______________5. Bukas ay araw ng pasko.
_______________6. Bumili ka ba ng bagong unan?

II. Panuto: Hulaan kung ano ang ngalan ng bawat larawan. Isulat ang iyong
kasagutan sa ibaba ng mga larawan.

1. 3 .

_______________ _________________

2. 4 .

________________ ________________
6
PAGTATALAKAY

Ano nga ba ang tinatawag na pangngalan? Ito ay mga salitang tumutukoy sa


pangalan ng tao, pook, bagay, o pangyayari. Ito ay maaaring pantangi o pangalan.

Mga Klasipikasyon ng Pangngalan

Ang mga pangngalan ay muuri ayon sa kahulugan o kayarian ng mga


ito bilang isang salita. Ang unang pag-uuri ay klasipikasyong pansemantika,
ang ikalawa naman ay pangkayarian o pang-istruktura.

Mga Uring Pansemantika

Sa ilalim ng pag-uuring pansemantika ay may dalawang paraan ng klasipikasyon.


Ang una ay batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat, at
ikalawa ay batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi
tahas.

Ayon sa unang batayan, ang mga pangngalan ay maaaring (1) pangngalang


pantangi o (2) pangngalang pambalana. Ayon naman sa ikalawang batayan, ang
pangngalan ay maaaring (1) tahas o (2) basal.

Pantangi ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari. Ang ibig sabihin ng tangi ay partikular na tao, hayop, bagay, pook, o
pangyayari.

Narito ang ilang halimbawa:


1. Mga Pangngalang Ngalan ng Partikular na Tao
Melissa Bb. Dela Cruz
Clara Dr. Santos
2. Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Iba’t Ibang Uri ng Hayop
Tagpi Spot
Muning Brownie
3. Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Iba’t Ibang Bagay
Nescafe Bear Brand
Mongol Toyota
4. Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng Pook
Boracay Ilog Pasig
Baguio Puerto Azul
5. Mga Pangngalang Partikular na Pangyayari
Buwan ng Wika Paligsahan Bb. Universe ng Taong 1975
Araw ng Maynila Pasko

Tingnan naman natin ang kahulugan ng pangngalang pambalana.

Pambalana ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkahalatang diwa.


Halimbawa, ang pangngalang tao ay tumutukoy sa lahat ng nilalang na may katawan at
kaluluwang rasyunal.

7
Narito ang ilang halimbawa.
1. Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Tao
bata guro
lalaki mag-aaral
2. Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Hayop
aso baka
pusa insekto
3. Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Bagay
kape kotse
gatas relo
4. Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pook
ilog paliguan
kapatagan lungsod
5. Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari
sayawan gulo
kapistahan banggaan

Ang mga pangngalang pantangi ay sinisimulan sa malaking titik kapag sinusulat.


Ang mga pangngalang pambalana ay sinisimulan naman sa maliit na titik maliban kung
simula ng pangugusap.

Ngayon ay kunin naman natin ang isa pang pag-uuring pansemantika ng


pangngalan: (1) ang tahas at (2) ang hindi tahas o basal

Tahas ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na materyal o iyong mga bagay
na nakikita o nahahawakan.
Mga Halimbawa:
tao puno pagkain
hayop gamot damit
Basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi materyal. Ito ay nagsasaad ng
mga bagay na matatagpuan lamang sa diwa o kaisipan.
Mga Halimbaw:
pag-asa tapang sama
galit sipag bait

Mga Uring Pangkayarian

Ang mga uri ng pangngalan, batay sa kayarian nito, ay ang mga sumusunod:

Pangngalang Payak
Payak ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang. Wala itong
kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi
nito. Ang pangngalang payak ay binubuo ng isang morpema lamang.
Mga Halimbawa:
asin balak
bunga diwa

Pangngalang Maylapi o Hinango


Ang pangngalan ay tinatawag na maylapi o hinango kung binubuo ng
salitang-ugat at panalping makangalan.
Mga halimbawa:
kaklase pagbasa
8
kabuhayan maganda

Pangngalang Inuulit
Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.
Batay sa kung ano ang inuulit, may dalawang uri ng pag-uulit: (a) ang pag-uulit
na di-ganap o pag-uulit na parsyal at (b) ang pag-uulit na ganap.
Mga halimbawa:
bali-balita dala-dalawa
sali-salita bali-baligtad

Pangngalang Tambalan
Ang pangngalang tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang
salitang pinag-iisa. Binubuo ito, samakatwid, ng dalawang morpemang malaya..
Mga halimbawa:
kapitbahay bahay-kubo
bahaghari hampaslupa

Kasarian ng Pangngalan

Ang tao, hayop, bagay, atb., na tinutukoy ng pangngalan ay maaaring uriin sa


dalawang klasipikasyon ayon sa sekso: (1) yaong may sekso at (2) yaong walang sekso.
Tao at hayop ang mga walang sekso; bagay, pook, at pangyayari ang mga walang sekso.

Dalawa ang uri ng sekso: (1) lalaki at (2) babae, kaya’t ang pangngalan ay
maaaring tumukoy sa isang tao o hayop na lalaki, o sa isang tao o hayop na babae.
Ngunit may mga pangngalang maaaring tumukoy sa alinman sa babae o lalaki.

Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian

1. Pambabae ang pangngalan kapag tumutukoy sa mga pangngalang nauukol


lamang sa babae.

tiya ate ale nanay


lola hipag ginang dalaga

2. Panlalaki naman ang mga pangngalang tumutukoy sa mga lalaki.

kuya tiyo hari pari


ginoo lolo tatay bayaw

3. Kapag di matiyak kung ang tinutukoy ay babae o lalaki, ang pangngalan ay di-
tiyak.

pamangkin guro pulis asawa


Pinsan pangulo mag-aaral drayber

4. Ang mga bagay na walang buhay ay itinuturing na walang kasarian.

mesa pamaypay aklat bahay


bulaklak papel bundok tinapay

9
Kailanan ng Pangngalan

Ang pangngalan ay mauuri sa kailanan o sa dami ng tinutukoy. Makikita ang


kailanan sa pamamagitan ng pananda o marker, pamilang at panlaping makangalan, at
maaari rin siyang matukoy sa pamamagitan ng quantifier or panukat para maging tiyak
ang bilang.

3 Kailanan ng Pangngalan

1. Isahan- tumutukoy sa isang pangalan.


Pananda: ang, ng, sa, si, ni, kay, isa
Mga halimbawa:
ang pamahalaan kay Efren
si Dr. Melendez sa pintuan

2. Dalawahan- tumutukoy sa dalawang pangngalan.


Pananda: mag, dalawa

Mga halimbawa:
mag-ama mag-asawa
magkapitbahay ang dalawang ibon

3. Maramihan- tumutukoy sa tatlo o higit pang pangngalan.


Pananda: mga, sina, kina, nina, at quantifier na marami,
ilan at iba pang pamilang a higit sa dalawa at paggamit ng
panlaping -mang at pag-uulit sa unang pantig ng salita.

Mga halimbawa:
mag-aama sina Ben, Pedro at Juan
magkaklase ang mga ibon

HULING PAGTATAYA (POST-TEST)

Ngayong nalaman mo na ang mga mahahalagang bagay tungkol sa pangngalan ay


tiyak kong magagawa mo ang nakalaan na gawain ngayon. Ito’y para masukat natin kung
naintindihan mo ba ang iyong nabasa sa itaas. Ilabas ang papel at panulat, ihanda ang
sarili at gawin ng buong katapan ang iyong huling pagtataya.

I. Panuto: Magtala ng tig-dalawang (2) pangngalan ng tao, bagay, hayop, pook at


pangyayari sa iyong paligid o pamayanan.

TAO BAGAY HAYOP POOK PANGYAYARI

II. Panuto: Gamitin ang mga naitalang pangngalan sa pangungusap na nagsasabi


ng tungkol sa inyong paligid.

1._____________________________________________________
2._____________________________________________________
3. _____________________________________________________
10
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
6. _____________________________________________________
7. _____________________________________________________
8. _____________________________________________________
9. _____________________________________________________
10. ___________________________________________________

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pangngalan at nagawa


mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo. Ngayon
masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikalawang bahagi ng
pananalita, ang PANGHALIP. Ihanda ang isipan at siguraduhing
nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang bagong paksa.

11
Aralin 2: Panghalip

Panimula
Sa aralin na ito, ating tatalakayin ang kahalagahan, mga uri at
tamang paggamit ng panghalip. Ang panghalip ay isang
mahalagang bahagi ng pananalita na madalas ginagamit sa ating
pang-araw-araw na komunikasyon. Ito ay mga salitang humahalili o pumapalit sa
pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa parehong tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari. Ang paggamit ng panghalip ay nakatutulong upang gawing
mas malinaw, maayos, at masining ang ating mga pangungusap.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:

1. Nauunawaan ang kahulugan, uri, at tamang paggamit ng mga panghalip sa


wikang Filipino,
2. Nailalarawan ang iba’t ibang uri ng panghalip,
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip,
4. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pangungusap, at
5. Nakabubuo ng sariling mga pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Bilugan ang Titik ng Tamang Sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang panghalip na pamatlig para sa malayo sa nag-
uusap?
a. ito
b. iyan
c. iyon
d. dito
2. Anong panghalip ang dapat gamitin upang ipakita ang pagmamay-ari ng isang
bagay?
a. ako
b. sila
c. kanyang
d. ikaw
3. Alin sa mga sumusunod ang tamang panghalip panao na ginagamit para sa ikatlong
panauhan sa maramihan?
a. ako
b. siya
c. sila
d. tayo

12
4. Anong uri ng panghalip ang ginagamit para sa bagay na hindi tiyak ang dami?
a. Panao
b. Panaklaw
c. Pamatlig
d. Paari
5. Alin sa mga sumusunod ang panghalip na panao para sa unang panauhan sa
maramihan?
a. ako
b. tayo
c. siya
d. ikaw
6. Anong uri ng panghalip ang salitang “kanya”?
a. Panao
b. Pamatlig
c. Panaklaw
d. Paari
7. Alin sa mga sumusunod ang panghalip na pamatlig?
a. siya
b. ito
c. kami
d. sino
8. Alin sa mga sumusunod ang panghalip pananong?
a. sino
b. kami
c. tayo
d. ito
9. Anong panghalip ang tumutukoy sa dami ng tao o bagay na hindi tiyak?
a. ako
b. sino
c. ilan
d. kami
10. Alin sa mga sumusunod ang tamang panghalip pamatlig na ginagamit para sa
malapit sa kausap?
a. ito
b. iyan
c. iyon
d. sila

13
Pagtatalakay
Sa anumang uri ng pagpapahayag-pasalaysay, paglalarawan,
paglalahad at pangangatwiran, gumagamit tayo ng mga
pangngalang siyang gumaganap na simuno o paksa ng pangungusap. Upang maiwasan
ang paulit-ulit na pagbanggit ng pangngalan, pasalita o pasulat man, gumagamit tayo ng
salita na panghalili. Ito ang panghalip. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang pag-ulit sa
pangngalan ng tao, bagay, lunan at pangyayari.

Tinatawag na panghalip ang mga salita at katagang ginagamit sa pangugusap na


panghalili sa mga pangngalang nabanggit na at hindi na dapat ulitin. Sariwain natin sa
alaala ang ilang mahalagang uri ng panghalip. May apat na uri ang panghalip: (a) panao,
(b) pamatlig, (c) panaklaw, (d) pananong.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao

Panao ang Panghalip kapag ito ay ipinanghahalili sa ngalan ng tao o mga taong
gumaganap ng pagkasimuno ng isang pangungusap. Halimbawa, sa pangugusap na

Si Dr. Jose ay manggagamot ng baryo.

Ang Si Dr. Jose ay maaaring palitan ng siya, kaya’t ang pangungusap ay magiging

Siya ay manggagamot ng baryo. O kaya’y

Manggagamot siya ng baryo.

Mapapangkat sa tatlong anyo ang mga panghalip na panao: panghalip panao sa


anyong ang, panghalip panao sa anyong ng, at panghalip panao sa anyong sa.

Narito ang tsart ng mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo. Pinag-iiba rin sa
tsart ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung sino ang tinutukoy: unang panauhan
(kumakausap), ikalawang panauhan (kinakausap), at ikatlong panauhan (pinag-
uusapan).

Gayundin, pinapangkat ang mga panghalip ayon sa kailanan o bilang ng tinutukoy:


kailanang isahan, kailanang dalawahan, at kailanang maramihan.

Tsart I.

Mga Panghalip na Panao

Anyong ang Anyong ng Anyong sa


Panauhan/Kailanan
(Palagyo) (Paukol) (Paari)

Isahan

Una ako ko akin

14
Ikalawa ikaw, ka mo iyo

Ikatlo siya niya kanya

Dalawahan

Una *(kata) *(nita) *(kanita)

kita, tayo natin atin

Ikalawa kayo ninyo inyo

Ikatlo sila nila kanila

Maramihan

Una kami namin amin

Ikalawa kayo ninyo inyo

Ikatlo sila sila kanila

Ipinakikita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang
panauhan, at sa iba’t ibang kailanan.

2. Panghalip na Pamatlig

Ang panghalip na pamatlig ay mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao,


bagay, lunan, pangyayari at iba pa na itinuturo.

Halimbawa:

Hayan sa mesa ang aklat na hinahanap mo.

Ito ang damit na isusuot ko sa party.

Doon gaganapin ang karera ng bisikleta.

Ang iba pang halimbawa ng mga panghalip na pamatlig ay makikita sa sumusunod


na tsart.

Tsart II.

Mga Panghalip na Pamatlig

I. Pronominal
A. Anyong ang (Paturol)
1. *ire (ibang anyo: yari)
2. ito
3. iyan (ibang anyo: yaan)
4. iyon (ibang anyo: yaon)
B. Anyong ng (Paari)
1. *nire (ibang anyo: niyari)
2. nito
3. niyan
15
4. noon (ibang anyo: niyon,niyaon)
C. Anyong sa (Paukol)
1. *dine
2. dito
3. diyan
4. doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun
III. Patulad
1. *ganire
2. Ganito
3. Ganyan
4. Ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Palunan
1. *narini (ibang anyo: nandini)
2. Narito (ibang anyo: nandito)
3. Nariyan (ibang anyo: nandiyon)
4. Naroon (ibang anyo: nandoon)

(Ang mga anyong may tandang asteriko (*) ay bihira nang gamitin sa ngayon, lalo na ng
mga kabataan)

Mapapangkat sa apat na uri ang mga panghalip na pamatlig: pronominal,


panawag-pansin o pahimaton, patulad at palunan.

Ang uring pronominal ay yaong pamalit at nagtuturo lamang sa ngalan ng tao o


bagay, at wala nang iba pang kahulugang kasangkap, tulad ng paghihimaton sa tao, o
bagay, paghahambing, o pagsasaad ng pook na kinaroroonan ng tinutukoy, na siya
namang kahulugan ng iba pang mga uri.

Ipinakikita sa tsart ang apat na uri ng panghalip na pamatlig. Ang bawat uri ay may
apat na kategorya: malapit na malapit sa nagsasalita1 , malapit sa nagsasalita2 , malapit
sa nakikinig, at malayo sa kapwa nagsasalita at nakikinig.

3. Panghalip na Panaklaw

Panghalip na panaklaw ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan,


dami, o kalahatan ng tinutukoy.

Halimbawa:

Nabahala ang lahat sa pagyanig ng lupa sa paligid ng Mayon.

Ang balana ay pinag-iingat.

Anuman ang mangyari ay bahala na ang Diyos.

Ang iba pang mga kauri nito ay ang mga sumusunod:

isa alinman

iba sinuman

16
balana ilanman

lahat kailanman

tanan saanman

pawa gaanuman

madla magkanuman

anuman kuwan

4. Panghalip na Pananong

Panghalip na pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa


na ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pasimuno ang gamit ng mga ito.
Mapapangkat ang mga ito sa dalawang kailanan: isahan at maramihan.

Halimbawa:

Sino ang kasama mo sa pagpunta sa Maynila?

Sino-sino ang mga kasama mo sa pagpunta sa Maynila?

Ano ang maaari nating bilhin doon?

Ano-ano ang maaari nating bilhin doon?

Naririto pa ang ibang halimbawa ng panghalip na pananong:

alin alin-alin

kanino kani-kanino

ilan ilan-ilan

Ginagamit natin ang sino at kanino bilang panghalili sa pangalan ng tao; ang ano
at alin ay para sa mga bagay o lugar; at ang ilan ay maaaring panghalili sa ngalan ng
tao, bagay, lugar at iba pa.

Huling Pagtataya
Bahagi I: Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Si Maria ay mabait. Sila ay laging tumutulong sa kanya.


2. Ako ang magdadala ng pagkain sa piknik.
3. Kami ay pupunta sa sinehan mamaya.
4. Ibigay mo ang liham sa kanya.
5. Ikaw ba ang may-ari ng librong ito?

17
Bahagi II: Tukuyin ang uri ng panghalip na ginamit sa bawat pangungusap (panao,
pamatlig, pananong, panaklaw). Isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________1. Sino ang sumulat ng liham na ito?

__________2. Ang isang ito ay maganda.

__________3. Lahat ay dumalo sa pulong.

__________4. Ako ay masaya sa balita.

__________5. Kanino mo ibinigay ang regalo?

PAGBATI! Matapos mong makumpleto ang pag-aaral at pagsusulit


sa panghalip, handa ka nang tumungo sa susunod na mahalagang
bahagi ng pananalita: ang PANDIWA. Ihanda ang iyong isipan at
tiyakin na handa kang pag-aralan at unawain ang bagong paksa.

18
Aralin 3: Pandiwa

Panimula
Sa modyul na ito, ating tatalakayin ang “pandiwa”. Ito ay bahagi ng
pananalita na naglalarawan ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga pandiwa, mas maiintindihan natin ang mga aksyon
at kilos sa pangungusap. Samahan ninyo kami sa paglalakbay sa mundo ng mga
pandiwa at pagpapalalim ng inyong kaalaman sa wikang Filipino.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng pandiwa,
2. Nakikilala ang iba’t ibang uri,aspekto, at pokus ng pandiwa, at
3. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang pandiwa.

Panimulang Pagtataya (Pre-Test)

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na salita at tukuyin kung ang kilos na isinasaad
ay naganap, nagaganap o magaganap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

___________1. magtatanim ____________6. magsusulat

___________2. naglaro ____________7. sasayaw

___________3. uminom ____________8. nagluto

___________4. nagdidilig ____________9. natutulog

___________5. Maglalaba ____________10. nahulog

19
Pagtatalakay

Paano na kaya ang pangungusap kung aalisin natin ang kilos na isinasaad nito:

Halimbawa: ________ ng bestida si Aling Orang.

Ano ang ipinahahayag ng pangungusap? Wala, sapagkat nawawala ang mahalagang


bahagi nito – ang kilos na ginagampanan ng simuno.

Ganito kahalaga ang pandiwa sa isang pangungusap. Ito ang bahagi ng pananalitang
nagsasaad ng kilos. Sa pamamagitan nito, nabubuo ang kahulugan ng pangungusap.

Ano nga ba ang tinatawag na pandiwa? Ito ay mga salitang tumutukoy sa


pangalan ng tao, pook, bagay, o pangyayari. Ito ay maaaring pantangi o pangalan.

Ang pandiwa ay kadalasang binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi.

Ang mga panlapi ang siyang palatandaang nagsasabi kung ano ang aspekto ng
pandiwang ginagamit.

Halimbawa: Ang bata ay sumasayaw.

Ang pusa ay kumakain ng isda.

Naglalaro ang aso sa daan.

Aspekto ng Pandiwa

Aspekto – tawag sa panahon ng pagkakaganap ng kilos

Ang mga pandiwang hindi pa nababanghay ayon sa iba’t - ibang aspekto ay tinatawag
na mga pandiwang pawatas (PW).

May tatlong aspekto ang pandiwa:

1. Perpektibo – ang kilos ay naganap o nangyari na


Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Perpektibo
ayon umayon umayon

2. Imperpektibo – ang kilos ay nagaganap o kasalukuyang nangyayari


Salitang ugat Pawatas Imperpektibo
kaway kumaway kumakaway

3. Kontemplatibo – ang mga kilos ay mangyayari o magaganap pa lamang


Salitang ugat Pawatas Kontemplatibo
asa umasa aasa

20
Uri ng Pandiwa Ayon sa Panahunan

Napag-aralan mo na ang tungkol sa pandiwa. Napag-alaman mo na ang pandiwa ay


tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos o gawa. Ang pandiwa ay mayroon ding
panahunan na nagpapakita kung kailan ginawa o nangyari ang kilos. Maaaring ito ay
naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.

Ang kilos ay naganap kung ito ay nangyari na. Ang kilos ay naganap kung tapos na
ito. Pag-aralan ang larawan at ang pangungusap sa ibaba nito.

Ang kilos ay nagaganap kung ito ay kasalukuyang ginagawa. Pag-aralan ang larawan
at ang pangungusap sa ibaba nito.

Samantala, ang kilos ay magaganap kung ito ay hindi pa nagawa at gagawin pa lamang.
Pag-aralan ang larawan at ang pangungusap sa ibaba nito.

21
Ang Pawatas at Pautos na Panagano ng Pandiwa

Isang kakanyahan ng pandiwaa ang pagtataglay nito ng iba’t-ibang panagano.

1. Panaganong Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat. Wala itong


panahunan kaya hindi ito nababanghay. Sa pangkalahatan, ang kilos nito ay hindi pa
mangyayari at maaarinh mangyari kahit kailan.

Mga Halimbawa

Mag-aral tayo ng aralin natin. Magpunta tayo sa Camiguin.

Makiusap ako sa nanay ko. Maglakbay na tayo.

Magdaan tayo sa Baguio.

2. Panaganong Pautos – katulad lamang din ito ng panaganong pawatas. Wala rin itong
tiyak na panahon at ginagamit sa pakikiusap at pag-uutos.

Mga Halimbawa

Ibigin natin ang Diyos. Humingi ka ng pera.

Bumili ka sa akin. Ilagay mo sa mesa.

Matulog ka na.

Napag-aralan mo sa naunang aralin ang dalawang panagano ng pandiwa at ito ang


panaganong pawatas at pautos. Sa araling ito, pag-aaralan mo ang dalawa pang
panagano: pasakali at paturol.

Ang Pasakali at Paturol na Panagano ng Pandiwa

3. Panaganong Paturol – Iba ito sa lahat ng panagano ng pandiwa sapagkat nag-iiba


ang anyo ng pandiwa sa iba’t-ibang aspekto: naganap o tapos na ang kilos, nagaganap
o kasalukuyang ginagawa ang kilos at magaganap o gagawin pa lamang ang kilos.
Mahalaga ang paggamit ng Pandiwang Panaganong Paturol dahil nalalaman natin kung
kailan naganap ang kilos sa isang pangungusap.

Mga Halimbawa

Ugat Panlapi Naganap Nagaganap Magaganap

1. kain um kumain kumakain kakain

2. sayaw mag magsayaw nagsasayaw magsasayaw

3. kagat in kinagat kinakagat kakagatin

4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti

22
4. Panaganong Pasakali - walang ipinagkaiba ito sa panaganong paturol ngunit
ginagamitan lagi ito ng mga pangatnig o pang-abay upang maihayag ang kalagayang
pasubali o pasakali.

Mga Halimbawa

1. Baka matuloy kami kung may pera.

2. Kung dumating siya sana’y masaya ako ngayon.

Tandaan Natin
Ang pandiwa ay mahalaga upang mabuo ang isang pangungusap.
Mahalaga ito upang mailarawan ang kilos na isinasagawa ng pangngalan
at panghalip.

Pokus ng Pandiwa

Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng ibat-ibang panlapi ng pandiwa sa naging


posisyon ng paksa sa pangungusap.

1. Pokus sa Tagatanggap o Aktor Pokus

Ang paksa ang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa


pangungusap;sumasagot sa tanong na "sino?". (mag-, um-,mang-,ma-, maka-,makapag-
, maki-, magpa-.)

Halimbawa:

• Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.


• Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
• Bumili si Rosa ng bulaklak
• Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.

2. Pokus sa Layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”


[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object.

Halimbawa:

• Nasira mo ang mga props para sa play.


• Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
• Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. Lokatibong Pokus o Pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa


tanong na “saan?” [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]

Halimbawa:

23
• Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
• Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
• Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
• Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa


tanong na “para kanino?” [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object.

Halimbawa:

• Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.


• Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos
ngmpandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”
[ipang- , maipang-]

Halimbawa:

• Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.


• Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
• Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw

6. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na “bakit?” [i- , ika- , ikina-]

Halimbawa:

• Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.


• Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
• Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag –anak.

7 .Pokus sa direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?” [-an , -han , -in , -hin]

Halimbawa:

• Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.


• Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Huling Pagtataya (Post-test)


I. Pag- aralan ang mga sumusunod na salita at tukuyin kung ang kilos na isinasaad ay
naganap, nagaganap o magaganap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________1. magtatanim ____________6. magsusulat

_____________2. naglaro ____________7. sasayaw

24
_____________3. uminom ____________8. nagluto

_____________4. nagdidilig ____________9. natutulog

_____________5. maglalaba ____________10. nahulog

II. Isulat mo ang hinihinging panahunan ng pandiwa sa bawat pangungusap.

1. ( laba - naganap )

Napagod si Noli dahil ______________ siya ng damit kanina.

2. ( lakad – nagaganap )

Nakita kong ________ kanina sa simbahan si Mang Alfred.

3. ( punas – magaganap )

Umalis nang maaga si Ria dahil _____________ siya ng upuan sa paaralan.

4. ( igib - naganap )

___________ si Noemi ng dalawang balde ng tubig kahapon.

5. ( talop - nagaganap )

Masayang ________ ng mangga si Karenina.

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang mga patungkol sa pandiwa at


nagawa mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo.
Ngayon masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikaapat bahagi
ng pananalita ang PANGATNIG. Ihanda ang isipan at siguraduhing
nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang bagong paksa.

25
Aralin 4: Pangatnig
Panimula
Sa aralin na ito, tatalakayin natin ang mga konsepto at kaalaman ukol sa
mga pangatnig. Ang pangatnig ay isang bahagi ng pananalita na pang-ugnay sa mga
salita, parirala at sugnay. Mahalaga ang pangatnig sa pagbuo ng mga pangungusap dahil
ito ang nagbibigay ng pag-uugnay sa bawat salita upang makabuo ng wastong
pangungusap. Sa pamamagitan ng modyul na ito, makikilala natin ang iba't ibang uri ng
pangatnig, kung paano ito naipapahayag sa pangungusap, at kung paano ito ginagamit
sa komunikasyon.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:

1. Natutukoy ang kahulugan ng pangatnig

2. Nakikilala ang mga iba’t ibang uri at anyo na bumubuo sa pangatnig.

3. Nagagamit ang pangatnig sa pagbuo ng pangungusap.

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Guhitan ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Sumama sa ilog ang aking pinsan pati ang aking kaibigan.

2. Kung mag-aaral kang mabuti, makakakuha ka ng mataas na marka.

3. Ang nanay raw niya ang pinakamahusay magluto sa ating lugar.

4. Kung ano ang iyong itinanim, siya ring iyong aanihin.

5. Nandirito ka pala kagabi, kung gayon ikaw ang nagbukas ng ilaw.

6. Natapos ko na rin sa wakas ang aking sasabihin.

7. Umalis siya nang maaga sapagkat ayaw niyang makipagsiksikan sa mga tao.

8. Kahit ang nanay mo o tatay mo ay magagalit sa ginawa mo.

9. Ang kuya mo di umano ang kumuha ng ulam sa mesa.

10. Nag-aral si Eddie bagaman masakit ang kaniyang ulo.

26
Pagtatalakay

Ang Wastong Gamit ng Pangatnig

Ang pangatnig ay ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Mga uri ng Pangatnig:

1. Pamukod – ginagamit sa pagbukod o pagtatangi. Ang mga ito ay ang o, ni, maging,
at man.

Halimbawa: Tayo man o sila ay gustong Manalo sa paligsahan.

2. Panubali – nagsasabi ito ng pag-aalinlangan. Ang mga ito ay ang kung, kapag, pag,
sakali, disin sana.

Halimbawa:

a. Kung hindi siya darating, hindi tayo aalis.

b. Hindi ako aalis kapag hindi ko nakita ang aking pitaka.

c. Baka hindi mo na siya abutan sakaling hindi ka kaagad makaalis.

3. Paninsay – kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang


bahagi nito. Ang mga ito ay ang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman,
kahit.

Halimbawa:

a. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kahit na marami ang hindi naniniwala sa


kaniyang kakayahan.

b. Nakarating pa rin si Loisa datapwat tapos na ang handaan.

c. Umalis si Edgar bagaman masakit ang kaniyang tiyan.

4. Pananhi – nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang


mga ito ay ang dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:

a. Nagalit siya dahil napikon siya sa kaniyang kaibigan.

b. Nagkaroon ng pagguho mangyari’y sa pagkawala ng mga puno.

c. Lumaganap ang illegal logging dahil sa walang nagsusumbong.


27
5. Panapos – nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang mga ito ay
ang upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa:

a. Sa wakas, nasabi ko nang lahat ng gusto kong sabihin.

b. Sa lahat ng ito, dapat tayong mag-isip nang mabuti.

c. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay ang tamang pagbibigay ng hatol.

6. Panlinaw – ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng sinasabi. Ang
ginagamit dito ay kung gayon at kaya.

Halimbawa:

a. Nagkasundo na ang mga rebelde at sundalo, kung gayon matitigil na


ang digmaan sa ating lugar.

b. Nahuli na ang mga illegal logger kaya matitigil na ang illegal logging.

7. Panimbang – ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan.


Ang mga ito ay ang at-saka, pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:

a. Sina Marco at Philip ay naglaro sa plasa.

b. Nadamay sa sunog pati ang mga bagong damit ni Wily.

8. Pamanggit – gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng daw, raw, sa ganang


akin/iyo, di umano.

Halimbawa:

a. Siya raw ang pinakamagaling sa ating paaralan.

b. Ang sabi di umano ng kaniyang nanay ay mahusay siyang umawit.

28
9. Panulad – tumutulad ng mga pangyayari o gawa. Ang mga ito ay ang mga kung
sino…siyang, kung ano… siya rin, kung gaano… siya rin.

Halimbawa:

a. Kung ano ang naranasan ko noon, siya ring nararanasan ko ngayon.

b. Kung sino ang unang sumigaw, siyang nakakita sa ahas.

c. Kung gaano kalaki ang ibinigay mong tulong, siya ring babalik saiyo.

Huling Pagtataya (Post-test)

Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa bawat pangungusap. Isulat ito sa patlang.

1. Darami ang iyong ipon ______ dadamihan mo ang iyong inilalagay sa iyong alkansya.

a. pati b. kung c. sapagkat

2. Hindi niya naisuot ang kaniyang uniform ______ hindi siya nakapaglaba.

a. pati b. raw c.dahil

3. Siya _____ ang nawawala mong kapatid pero hindi ako naniniwala sa kaniya.

a. kahit b. di umano c. o

4. Lumalamig na ang panahon _____ malapit na ang pasko.

a. at b. kung sakali c. kung gayon

5. Hindi na siya naawa, _____ ang kaniyang anak ay kaniyang binugbog.

a. ngunit b. sakali c. maging

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pangatnig at nagawa


mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo.
Ngayon masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikalawang
bahagi ng pananalita, ang PANG-UKOL. Ihanda ang isipan at
siguraduhing nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang
bagong paksa.

29
Aralin 5: Pang-ukol

Panimula
Sa araling ito, matutuklasan natin ang iba’t ibang konsepto at kaalaman
patungkol sa pang-ukol. Tatalakayin dito ang mga pangkat na bumubuo sa pang-ukol.
Ang mga ito ay bahagi ng pananalita na kung saan ito ay makakatulong upang mas
maunawaan ng mga mag-aaral ang tama at wastong paggamit ng mga ito sa pagbuo ng
pangungusap.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:

1. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng pang-ukol,


2. Nakikilala ang iba’t ibang konsepto na nakapaloob sa pang-ukol, at
3. Nakagagawa ng isang (yung post test, ex. sanaysay, kwento).

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Salungguhitan ang mga pang-ukol sa pangungusap.

1. Ayon sa balita, ang ulan ay lalakas pa sa mga susunod na araw.


2. Ang pagkain na ito ay para kay Cristopherson.
3. Ang liham na ito ay mula sa kaniyang inang namayapa na.
4. Si Mary ay naisipang dumalaw kina Anne at Vice.
5. Ang pulong na ito ay hinggil sa gaganaping Buwan ng Wika.
6. Ayon kay Jaime, ang pamilya niya ay may limang sasakyan.
7. Ang kanilang pinag-usapan ay tungkol sa mga bayarin sa paaralan.
8. Labag sa batas ang manigarilyo sa mga pampublikong lugar.
9. Ang protestang ito ay laban sa pag-alis ng mga tradisyunal na dyip.
10. Para sa nakararami ang desisyong ginawa ng Gobyerno na suspendihin ang klase.

30
Pagtatalakay
Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag- uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ito ay ginagamit upang
matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula sa tungo, ang kinaroroonan,
ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak, ari o layon.

Mga Uri o Karaniwang Pang-ukol


sa/sa mga labag sa ayon sa/kay

ng/ng mga sa/kay tungo sa

ni/nina alinsunod sa/kay mula sa

kay/kina hinggil sa/kay

sa/kay laban sa/kay

Dalawang Pangkat ng Pang-ukol


A. Ginagamit na pag-ugnay sa pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, ayon sa,
tungkol sa at para sa.

Halimbawa:

1. Ukol sa kalusugan ang paksa ng usapin.


2. Ang mga aklat na ito ay para sa mayayaman.
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.

B. Ginagamit na pang-ugnay sa ngalan ng tanging tao o pantangi – ang gawa, ari,


layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng tungkol kay, para kay at
ayon kay.

Halimbawa

1. Para kay Berto ang pagkaing ito.


2. Ayon kay Manuel, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
3. Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kay Andres Bonifacio.

Iba pang Halimbawa ng Pang-ukol

Kay/kina – nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka sa pinag-uusapan na


pangalan.

Halimbawa:

1. Ang saging na ito ay kay Anna.

31
2. Pupunta kami bukas kina Mang Kaloy at Mang Dino.

Ni/nina – nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng pansariling pangalan.

Halimbawa:

1. Binili nina Alden at Nadine ang bagong bahay.


2. Ibinigay ni Jose kay Ester ang bagong damit.

Ng – nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan. Halimbawa:

Anak ng bayan.

Sa – inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.


Halimbawa:

Kamay sa balikat.

Huling Pagtataya (Post-test)


Panuto: Salungguhitan ang wastong pang-ukol sa pangungusap.
1. (Para sa, Ayon sa) balita, ang klase mula elementarya hanggang sekondarya ay
sinuspende na.
2. (Para kay, Hinggil kay) Jonalyn ang mga bulaklak na ito.
3. Ang adobong manok na ito ay niluto (ng, nang) aking Ina.
4. (Alinsunod sa, Laban sa) batas ang pagbabayad ng tamang buwis ng lahat.
5. Ang illegal na pagmimina ay (labag sa, tungo sa) ordinansa.

II.Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may limang pang-ukol patungkol sa mga


napapanahong isyu.

BINABATI KITA! Lubos mo ng naunawaan ang pang-ukol at nagawa


mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo. Ngayon
masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikaanim na bahagi ng
pananalita, ang PANG-ANGKOP. Ihanda ang isipan at siguraduhing
nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang bagong paksa.

32
Aralin 6: Pang-angkop

Panimula
Sa aralin na ito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng pang-angkop. Ang
pang-angkop ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring at sa salitang
tinuturinga. Sa pamamagitan ng modyul na ito, makikilala natin ang iba't ibang uri ng
pang-angkop, kung paano ito naipapahayag sa pangungusap, at kung paano ito
ginagamit sa komunikasyon.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nagagamit ng wasto ang mga pang-angkop (na at ng) sa parirala o


pangungusap.
2. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang pang-angkop.
3. Nasasabi kung kailan ginagamit ang mga pang-angkop.

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Pag-ugnayin ang bawat pares ng mga salita sa ibaba. Gumamit ng pang-angkop
na na o ng. Isulat ang sagot sa inihandang patlang.

1. matalik _________kaibigan
2. lakas __________ tao
3. prinsesa _________ basahan
4. balon ____________ malalim
5. katanghalian ______ tapat
6. puso _______ maawain
7. sampalok _________ panigang
8. damo ____________ ligaw
9. singsing _______ mahiwaga
10. mesa __________ kainan

33
Pagtatalakay
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na
salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga
salitang binibigyang turing nito. Ang mga salitang nag-uugnay sa pang-uri at sa mga
salitang inilalarawan nito ay tinatawag na mga pang-angkop.

May dalawang pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita:

11. Ang pang-angkop na na - pinag-uugnay nito ang dalawang salita. Ang unang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang hiwalay sa dalawang
salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:

• mabagsik na hari
• marahas na utos
- Ang mabagsik na hari ay nagbigay ng marahas na utos sa kanyang mga
nasasakupan.
- Ang maitim na tubig sa estero ay mabaho (pinag-ugnay ang maitim at tubig)
- Si Elicar ay nagtanim sa malawak na bukid. (pinag-ugnay ang malawak at bukid)
Iba pang halimbawa:

• bulag na pag-ibig
• hiwalay na dalangin
• bulaklak na sariwa
12. Ang pang-angkop na ng - idinudugtong ito sa huling patinig ng mga salita upang
umugnay sa isa pang salita.
Halimbawa:

• ibang paraan
• nabigong prinsipe
• ibong nagsasalita (ibon)
- May ibang paraan upang harapin ang galit ng hari ngunit ang nabigong prinsipe ay
walang nagawa kundi ang umalis ng Bumbaran. Sa kanyang pagkamatay ay isang
ibong nagsasalita ang nakakilala kay Bantugan.
- Iniiwasan nilang daanan ang mabahong kanal. (pinag-ugnay ang mabaho at kanal) e
grand
- Namasyal ako sa malaking bahay. (pinag-ugnay ang malaki at bahay)
Iba pang halimbawa:

• panahong kulimlim
• lumang damit
• sipong may ubo

Pansinin na sa halip na isulat nang:

panahonng kulimlim lumanng damit siponng may ubo

- ay kinaltas ang sa hulihan ng salitang-ugat at pinalitan ito ng pang-angkop na ng.


Samakatwid ay wala tayong pang-angkop na g, hindi tulad ng sinasabi sa
matatandang aklat sa balarila.

Medyo marami ang nalilito rito ngunit ang g ay hindi maaaring ituring na pang-angkop
sapagkat ang sabon, halimbawa, ay napalitan lamang ng ng na kumakatawan din sa
isang ponema o makahulugang tunog.
34
Huling Pagtataya (Post-test)
Panuto: Pag-ugnayin ang dalawang salita sa bawat bilang gamit ang tamang pang-
angkop. Gamitin ito sa pangungusap.

Halimbawa: maganda + binibini (magandang binibini).

Si Grace ay magandang binibini.

1. taimtim + nagdarasal
2. marumi + dagat
3. maalinsangan + panahon
4. maikli + tula
5. mabango + bulaklak

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pang-angkop at nagawa


mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo.
Ngayon masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikalawang
bahagi ng pananalita, ang PANG-URI. Ihanda ang isipan at
siguraduhing nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang
bagong paksa.

35
Aralin 7: Pang-uri

Panimula
Sa araling ito, matutuklasan natin ang iba’t ibang uri at anyo ng pang-uri.
Tatalakayin dito ang kayarian, kailanan at kaantasan ng pang-uri. Ang lahat ng ito ay
bahagi ng pananalita at kinakailangang araling mabuti upang magkaroon tayo ng
kaalaman sa mga iba’t ibang nakapaloob dito.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri.
2. Nakikilala ang mahahalagang uri at anyo na bumubuo sa pang-uri.
3. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa sarili na naglalaman ng iba’t ibang
uri ng pang-uri.

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Bilugan ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang uri ng pang-uri?


a. Maamong
b. Mapanlinlang
c. Masayang
d. Hangin

2. Anong uri ng pang-uri ang tumutukoy sa dami o bilang ng isang bagay?


a. Pamilang
b. Pantangi
c. Pasukdol
d. Panlarawan

3.Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pang-uring pantangi?

a. Sabon
b. Halaman
c. Siyentipiko
d. Aklat

36
4.Anong uri ng pang-uri ang tumutukoy sa pangngalang pambalana?

a. Pantangi
b. Pamilang
c. Paghambing
d. Panlarawan

5.Alin sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng pang-uri?

a. Marikit
b. Maluwang
c. Umaga
d. Malamig

6.Ano ang kasingkahulugan ng “maganda”?

a. Pangit
b. Maganda rin
c. Magandang-maganda
d. Mahinhin

7.Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pang-uring pamilang?

a. Ika-apat na
b. Matalino
c. Malaki
d. Matamis

8.Ano ang kasingkahulugan ng “masarap”?

a. Masakit
b. Masarap din
c. Masarap na masarap
d. Hindi masarap

9.Anong uri ng pang-uri ang naglalarawan ng hugis, laki, o anyo ng isang bagay?

a. Pamilang
b. Pantagi
c. Pasukdol
d. Panlarawan

10.Alin sa mga sumusunod ang hindi isang uri ng pang-uri batay sa gamit nito sa
pangungusap?

a. Panlarawan
b. Pamatnig
c. Pamanahon
d. Pamilang

37
Pagtatalakay

Ano nga ba ang pang-uri?

Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ay isang bahagi ng pananalita na


naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga bagay, tao, lokasyon, kaganapan, at marami
pang ibang bagay

Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng
pangngalan (noun) 0 panghalip (pronoun).

Tatlong Uri ng Pang-uri

Pang-uring Panlarawan

Ang pang-uring panlarawan ay naglalarawan ng hugis o anyo, lasa, amoy, kulay, at laki
ng mga bagay. Naglalarawan ito ng mga katangian at ugali ng isang tao o hayop.
Naglalarawan din ito ng layo, lawak, at iba pang katangian ng mga lugar at mga bagay-
bagay.

Halimbawa:

Isang mataas na bundok ang Arayat.

Pang-uring nagbibigay turing sa pangngalan.

Siya ay mabait at maunawain.

Pang-uring nagbibigay turing sa panghalip.

Pang-uring Pamilang

Ang pang-uring parnilang ay mga salitang nag sasaad ng bilang ng mga pangngalan. Ito
ay nagsasaad ng dami o kakauntian ng mga pangngalang inilalarawan. Ito ay nahahati
pa rin sa maraming uri.

a) Patakaran – Ito ay batayang bilang sa pagbilang. Ito ang mga basal na bilang.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo

b) Panunuran – Nagsasabi ng pagkakasunud-sunod ng mga pangngalan.


Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo

c) Pamabagi – Nagsasaad ng isang bahagi o parte ng kabuuan.


Halimbawa: kalahati, kapat, tigatlo

38
d) Palansak – Nagsasaad ng pangkatan, minsanan, maramihan ng mga
pangngalan.
Halimbawa: apatan, sampuan, limahan

e) Pabalaga – Nagsasaad ng halaga ng mga bagay na binili.


Halimbawa: piso, dalawampiso, sandaan

f) Patakda – Tinitiyak nito na ang bilang ay hindi mababawasan o madadagdagan.


Halimbawa: dadalawa, lilima, aapat

Pang-uring Pantangi

Ang pang-uring pantangi ay binubuo ng pang- ngalang pambalana at pangngalang


pantangi na ang huli ay naglalarawan sa una. Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy
sa pangngalang pambalana.

Halimbawa: mamamayang Pilipino, suhang Davao, pansit Malabon

Kayarian ng Pang-uri

1. Payak – Ito’y binubuo ng mga salitang-ugat lamang.


Halimbawa:
hinog sariwa
lanta buo
bilog bata
pangit sabog

2. Maylapi – Ito’y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlapi. Ang mga pamilyar
na panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pang-uri ay ka-, ma-, ma- in, ma-hin, -in,
hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin- at kay-.
Halimbawa:
kaedad maganda masintahin malapalasyo
kapantay matalino mainipin maladonya
kamukha madaldal matuwain malaprinsesa
singganda sing-amo kaysaya iyakin
kasimbango simputi kayganda pasanin
kasindami sinlupit kaysigla kulahin

3. Inuulit – Dito’y inuulit ang buong salita o bahagi ng salita.


Halimbawa:
a. Pag-uulit na ganap
batambata bata-bata
39
pulang-pula
b. Pag-uulit na di-ganap
maputi-puti
dala-dalawa

4. Tambalan – Ito’y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.


Halimbawa:
ningas-kugon kapit-tuko
biglang-yaman pusong-bakal
anak-dalita ngiting-aso

Kailanan ng Pang-uri

May tatlong kailanan ang pang-uri ayon sa bilang ng nais nitong ilarawan.

1. Isahan – Ito’y naglalarawan sa iisa lamang. Kadalasan, ang pang-uri ay nilalapian


ng ma- nang hindi inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat na nilalapian. Maaari
ring gamitin ang mga panlaping pang-. Sa kailanang ito ng pang-uri ay hindi
ginagamit ang katagang mga.
Halimbawa:
Mataas ang puno ng niyog.
Masaklap ang nangyari kay Lumen.
Pamburda ang sinulid na ginagamit niya.

2. Dalawahan – Ito’y naghibigay-turing sa dalawa. Kadalon panlaping sing, kasing,


magsing, magkasing at ang mga kauri nito, singing paring pamilang na dalawa,
kapes o upang ipakitang dalawa ang pinag-uusapan Kuns
Halimbawa:
Magsinsipag ang magkapatid na Aldrin at Lindo.
Dalawang bata ang nagpapalipad ng saranggola Parehong Pilipino ang nanalo sa
timpalak.
Kapwa doktor ang dalawang anak ni Mang Justo.

3. Maramihan – Ito’y naglalarawan ng higit sa dalawa. Gaya ng gumagamit din ito


ng panlaping ma- datapwat sa pagkakabit nito, inuulit ang unang pantig o bahagi
ng nilalapiang salitang-ugat. Karaniwang
Halimbawa: Matataba ang mga baboy ni Aling Orang
Mapuputla ang mga bilanggo.

Ganito rin ang nangyayari, inuulit ang unang pantig o bahagi nito, kapag gumagamit ng
ibang pantapi, gaya ng pagka- at nag-han.
Halimbawa:
Pagkatatamis ng mga mangga.
40
Naggagandahan ang mga dalaga.
Kung minsan naman, ginagamit ang mga panlaping magkakasing-, magkakasim- o
magkakasin-. Pansinin ang pag-uulit ng pantig na ka-.
Halimbawa:
Magkakasinghusay ang mga sumali sa timpalak-bigkasan.

Pansinin na halos lahat ng mga pangungusap na maramihan ay gumagamit ng katagang


mga. Ang katagang mga ay maaaring gamitin nang ito lamang. Hindi na kailangang
gumamit ng anyong maramihan ng pang-uri upang ipakita ang pagiging maramihan nito.
Halimbawa:
Mga mapagpakumbaba ang mag-anak na Reyes.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay – anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang


pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang dating malinis na lawa ay unti-unting nasisira.
Nagbago na rin ang amoy ng dating sariwang hanging nalalanghap.
Malinaw niyang tubig, hindi ko na maaninag.
Ang maruming lawa ba ang kapalit ng pag-unlad?

2. Pahambing – anyo ng pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng


dalawang pangngalan o panghalip.
May dalawatig uri ng pang-uring pahambing:
a. Pahambing na Pasahol o Palamang – nagsasaaad ng naka- hihigit o
nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na
pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang mas, bigit na kaysa
kay/sa, lalong … kaysa kay/sa.
Halimbawa:
Ang lawa ng Laguna ay mas malinis noon kaysa ngayon.

b. Pahambing na Patulad – nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na


katangian ng dalawang pangngalano. Panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o
ng mga salitang kapwa, pareho.
Halimbawa:
Ang lawa ng Laguna noon at Lawa ng Laguna ngayon ay magsinghalaga sa lahat
ng mga nabubuhay kaya’t dapat nating pagpalain.
Ang lawa ng Laguna at Ilog Pasig ay kapwa marumi na ngayon.

41
3. Pasukdol – anyo ng pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatinding o
pinakasukdulang katangian sa paghaham bing ng higit sa dalawang pangngalan
o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-, napaka-, pagka- kasunod
ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga salitang ubod ng, hari ng, sakdal, sobra.

Halimbawa:
Ang pinakamalaking lawa sa buong bansa ay ang Lawa ng Laguna.
Nanganganib itong mamatay dahil sa napakaraming basurang itinatapon ng tao
rito.

4. Moderasyon o Katamtaman – naipakikita ito sa paggamit ng medyo, nang


bahagya, nang kaunti, atb., o sa pag-uulit ng satang-ugat o dalawang unang pantig
nito.
Halimbawa: mainit-init, mapurol nang kaunti

Huling Pagtataya (Post-test)

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa sarili. Ang gagawing sanaysay ay


kinakailangang naglalaman ito ng iba’t ibang uri at anyo ng pang-uri. Isulat ito sa isang
malinis na buong papel.

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pang-uri at nagawa mong


gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo. Ngayon
masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikalawang bahagi
ng pananalita, ang PANG-ABAY. Ihanda ang isipan at
siguraduhing nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang
bagong paksa.

42
Aralin 8: Pang-abay

Panimula
Sa araling ito matatalakay natin ang patungkol sa pang-abay, magkakaroon
din tayo ng kaalaman sa mga iba't ibang uri ng pang-abay.

Ang mga kaalamang mapupulot sa araling ito ay tiyak na makatutulong


upang maging mapanuri, at makabuo ng maayos na pangungusap.

Alam kong kayo'y nasasabik ng pag-usapan ang tungkol dito, kaya't halina't
ating pagnilay-nilayan ang usaping ito.

Tungguhin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;

1. Natutukoy ang kahulugan ng pang-abay

2. Nakikilala ng isa-isa ang mga bumubuo sa pang-abay

3. Nalalaman ang kahalagahan ng pang-abay

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Tukuyin at bilugan ang mga pang-abay na ginamit sa bawat bilang.

1. Sa Palawan sila magbabakasyon ngayong Disyembre.


2. Kahapon ipinagdiwang ang kaarawan ni Betty.
3. Tunay na mababa ang kaniyang nakuhang iskor sa kanilang pagsusulit.
4. Ayaw ni Marie sumama sa kaniyang ina papuntang Amerika.
5. Siguro siya’y hindi na darating.
6. Marami ang naging kaibigan ni Jasmin simula nang siya ay lumipat ng
eskwelahan.
7. Bakit siya ang iyong nagustuhan?
8. Baka siya’y walang masakyan kaya siya ay na late.
9. Sa bahay ni Ken isinagawa ang pagpupulong ukol sa gagawing proyekto.
10. Kagabi pa nakauwi si Yaz galing sa kaniyang kaibigan.

43
Pagtatalakay

Ang Pang-abay na mga salita ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-


turing sa isang pandiwa, sa isang pang-uri, o sa isa pang kapwa pang-abay. Ito ay
nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano naganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:

1. Pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwa

Mahusay makipaglaban sina Aliguyon at Pumbakhayon.


Pang-abay Pandiwa

2. Pang-abay na nagbibigay-turing sa isang pang-uri

Lubhang mahirap ang labanang namagitan sa dalawa.

Pang-abay Pang-uri

3. Pang-abay na nagbibigay-turing sa isang kapwa pang-abay.

Tunay na mahirap unawain ang dulot na hiwaga ng pag-ibig.

Pang-abay Pang-abay Pandiwa

Mahalaga ang mga pang-abay na salita sapagkat ito ay mga salitang naglalarawan,
nagiging higit na malinaw ang mga pangungusap kapag ginamitan ng pang-abay.

Mga uri ng Pang-abay

1. Pamaraan
2. Pamanahon
3. Panlunan
4. Pang-agam
5. Panggaano
6. Panang-ayon
7. Pananggi
8. Panulad
9. Pananong

44
PANG-ABAY NA PAMARAAN

Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan sa kung paano naganap, ginanap, o


magaganap ang isang uri ng kilos.

May dalawang palatandaan ang mga pang-abay na ito. At ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ang panandang nang
2. Ang pangawil na na o ng

Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
1. Masayang nagbalita si Rony.

2. Umalis na nagdaramdam ang binata.

3. Si Elsa ay pumasok nang hindi pa nag-aalmusal.

PANG-ABAY NA PAMANAHON

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan ang kilos ay naganap.

Mayroong dalawang pangkat ang pang-abay na pamanahon. At ito ay ang mga


sumusunod:
1. May pananda
2. Walang pananda
3.

Ang pang-abay na pamanahon na may pananda ay yaong gumagamit ng


pambungad na nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang.

Halimbawa:
1. Buhat nang umalis si Celia ay nalungkot na ang ina.

Ang mga pang-abay na pamanahon na walang pananda ay gumagamit ng mga


salitang kahapon, bukas, kanina, taun-taon, at iba pa.

Halimbawa:
1. Taun-taon ay ipinagdiriwang ni Lucia ang kaniyang kaarawan.

45
PANG-ABAY NA PANLUNAN

Ang pang-abay na panlunan ay nagsasabi sa kung saan ginawa, ginagawa, o


gagawin ang kilos.

Halimbawa:
1. Sa Baguio sila magbabakasyon ngayong Abril.
2. Nagpunta kina G. at Gng. Reyes ang mga nangangampaniya.

PANG-ABAY NA PANG-AGAM

Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahayag ng di-katiyakan sa kilos na


ipinapahayag ng pandiwa. Ang karaniwang mga salita na ginagamit dito ay ang mga
salitang tila, marahil, baka, siguro, at iba pa

Halimbawa:
1. Tila uulan mamayang gabi.
2. Siguro siya ay hindi nag review kaya mababa ang kaniyang nakuhang iskor sa
pagsusulit.

PANG-ABAY NA PANGGAANO

Ito'y nagsasaad ng timbang, sukat, bilang o dami. Sumasagot ito sa tanong na gaano
o ilan tulad ng labis, wala, katamtaman, katakot-takot, kaiigihan, sapat, kaunti,
marami, at iba pa.

Halimbawa:

1. Ang pagkain na dala ko ay sapat para sa ating dalawa.

2. Marami ang sumali sa pagligsahan ng pag-awit.

PANG-ABAY NA PANANG-AYON

Ito'y nagsasaad ng pagsang-ayon, gaya ng ipinapahayag ng oo, opo, tunay, totoo,


talaga, walang duda, tiyak.

Halimbawa:

1. Tunay na malaki ang kinita ng kanilang negosyo.

2. Talagang nakagigimbal ang mga pangyayari.

46
PANG-ABAY NA PANANGGI

Kataliwas ng panang-ayon, ang mga pang-abay na ito ay nagsasaad ng pagtanggi


gaya ng hindi, ayaw, wala, at iba pa.

Halimbawa:

1. Hindi nakatanggi si Mang Pedro sa hiling ng anak na si Sionym.

2. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ng kanyang asawa.

PANG-ABAY NA PANULAD

Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Ang karaniwang mga salitang


ginagamit dito ay ang mga salitang di gasino, gaya, tulad, higit, di hamak, mas, kaysa,
at lalo.

Halimbawa:

1. Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

2. Tulad ng leon, siya ay matapang at malakas.

PANG-ABAY NA PANANONG

Ito'y mga salitang ginagamit sa pagtatanong. Naiiba ito sa mga panghalip na


pananong sa dahilang ito'y ginagamit na kasama ng pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-
abay.

Halimbawa:

1. Kailan ipinanganak si Andres Bonifacio?

2. Bakit maitim ang uwak?

Huling Pagtataya (Post-test)


Panuto: Bilugan ang mga pang-abay sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay
pang-abay na pamaraan, pamanahon, panlunan, pang-agam, panggaano, panang-ayon,
pananggi, panulad, o pananong.

1. Kamakailan lamang ay sumakabilang-buhay na ang dakilang pintor.

2. Dinamdam nang labis ng mga mamamayan ang kanyang pagkamatay.

3. Mula sa ituktok ng gusali ay kitang-kita ang sunog na nagaganap.

47
4. Bakit pula ang kanyang mga mata?

5. Hindi ako dadalo sa kanyang kaarawan.

6. Di hamak na mas masarap ang luto ni Aling Nena kumpara sa luto ng kanyang anak.

7. Kaunti lamang ang tao sa paligid natin ngayon kaya't tahimik ang lugar.

8. Sumikat ang araw kaninang ala singko y medya ng umaga.

9. Walang duda na si Maria ang pinakamagaling na manunulat sa aming grupo.

10. Marahil ay hindi siya uuwi sa darating na bakasyon.

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pang-abay at nagawa


mong gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo.
Ngayon masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang ikalawang
bahagi ng pananalita, ang PANTUKOY. Ihanda ang isipan at
siguraduhing nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang
bagong paksa.

48
Aralin 8: Pantukoy

Panimula
Ang araling ito ay naglalayong bigyang-linaw at kahulugan ang konsepto ng mga
pantukoy sa wikang Filipino. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at halimbawa,
tatalakayin natin kung paano nagagamit ang mga pantukoy sa iba't ibang uri ng
pangungusap at kung paano ito nakatutulong sa pagpapahayag ng mga ideya.

Tungguhin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;

1. Maipaliliwanag ang kahulugan at paggamit ng mga pantukoy.

2. Makapagbibigay ng mga halimbawa at pagsasanay.

3. Maipamamalas ang iba’t ibang uri ng Pantukoy.

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Pumili ng tamang sagot sa mga
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pantukoy para sa salitang "bahay"?
A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___2. Anong pantukoy ang gagamitin sa salitang "guro”?


A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___3. Piliin ang tamang pantukoy para sa salitang "Maria".


A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng pantukoy?
A. Ang mga bahay ni Juan ay malaki.
B. Si mga guro ay mababait.
C. Ng aso ay tumakbo sa kalsada.
D. Kay libro ay nasa mesa.
49
___5. Anong pantukoy ang nararapat gamitin para sa pangngalang pook (lugar)
"paaralan"?
A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___6. Piliin ang tamang pantukoy para sa pangngalang bagay na "laruan".


A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___7. Anong pantukoy ang gagamitin sa pangngalang pambalana "aso"?


A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may maling gamit ng pantukoy?
A. Ang mga bata ay naglalaro.
B. Si Juan ay matalino.
C. Ng mga magulang ay nag-aalala.
D. Ang kalye ay matao.

___9. Anong pantukoy ang gagamitin para sa pangngalan na tumutukoy sa pangalan ng


tao "Dr. Santos"?
A. Ang
B. Si
C. Ng
D. Kay

___10. Alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng pantukoy?


A. Ang Juan ay nag-aaral.
B. Ng bahay ay malaki.
C. Si Maria ay kumakanta.
D. Kay aso ay tahimik.

50
Pagtatalakay

Ang pantukoy ay katagang laging nangunguna sa pang-ngalan o panghalip na


ginagamit na simuno o kaganapang pansimuno, o pamuno sa alinman sa dalawa.

Ang mga pantukoy, samakatwid, ay pananda ng gamit na palagyo ng pangngalan o


panghalip.

Sa kahulugang pansemantika, masasabing ang mga pantukoy ay kataga o mga


katagang lumilinaw sa kailanan ng kasamang pangngalan o panghalip at kung ito ay
tumu-tukoy sa tao o sa bagay o pook.

May dalawang uri tayo ng pantukoy:

(1) Pantukoy na Pambalana at

(2) Pantukoy na Pantangi.

(1) Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana.

“ang, ang mga, mga”

ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)


Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

(2) Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa mga pangngalang pantangi (tiyak na tao)


“si, sina, ni, kay, kina”

si (isahan)
Halimbawa: Si Bb. Soriano ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga
Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. Neuda at Gng. Miam.

ni (isahan)
Halimbawa: Inintindi na lamang ni Erick ang mga manlalaro sa Basketball kaysa sa
patulan pa ang mga ito.

51
nina (maramihan)
Halimbawa: Pinagtulungan nina Nicole at Rico and dekorasyon sa entamblado.

kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Kyla ang kanyang mensahe kay Sam.

kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Catherine kina Lesley at Mara.

Huling Pagtataya (Post-test)

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong. Siguraduhing basahing mabuti ang
bawat pangungusap at suriin kung ano ang hinihinging pantukoy bago pumili ng sagot.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Alin ang tamang pantukoy sa pangungusap na ito? "___ mag-aaral ay masipag
mag-aral."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___2. Piliin ang angkop na pantukoy para sa pangungusap na ito: "Siya ay bumisita
kay ___ Lolo at Lola."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Sina

___3. Alin ang tamang pantukoy na gagamitin sa pangungusap na ito: "___ bahay na ito
ay malaki."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___4. Piliin ang wastong pantukoy: "Nakita ko ___ Juan sa palengke."


A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___5. Alin ang tamang pantukoy para sa sumusunod na pangungusap: "Ang mga
estudyante ay nag-aral sa ___ silid-aralan."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Sina
___6. Piliin ang tamang pantukoy: "___ aso ay matapang."
52
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___7. Alin ang pantukoy na gagamitin: "Ang mga bulaklak ay para kay ___ Maria."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___8. Alin ang tamang pantukoy: "Ang guro ay nagbigay ng aralin sa ___ klase."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___9. Piliin ang angkop na pantukoy: "Si Ana at ___ Ben ay magkaibigan."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

___10. Alin ang tamang pantukoy para sa pangungusap: "Ang paboritong kulay ni ___
ay asul."
A. Ang
B. Ng
C. Sa
D. Si

BINABATI KITA! Nalaman mo na ang pantukoy at nagawa mong


gawin ang mga pagtataya na nakalaan para sa’yo. Ngayon
masasabi ko na handa ka ng pag-aralan ang huling bahagi ng
pananalita, ang PANGAWING. Ihanda ang isipan at
siguraduhing nakakondisyon ka na pag-aralan at unawain ang
bagong paksa.

53
Aralin 10: Pangawing

Panimula
Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang Pangawing o ang ay bilang pananda ng
ayos ng pangungusap. Ang ay ay tinatawag na pangawing sapagkat ito ay nagsisilbing
kawing sa panaguri at paksa. Mahalaga na matalakay natin na ang pangawing ay hindi
maituturing na pandiwa sapagkat isa lamang itong pananda sa pangungusap. Kaya’t tayo
na at palawakin ang ating kaalaman sa patungkol sa pangawing.

Tunguhin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay kailangang:

1. Nauunawaan ang kahulugan ng pangawing

2. Nagagamit ng wasto ang panandang ay sa pangungusap

3. Nakabubuo ng sariling mga pangungusap gamit ang natalakay.

Panimulang Pagtataya (Pre-test)


Panuto: Tukuyin ang mga pangungusap sa ibaba kung ito ba ay nagpapakita ng
panandang pangawing. Lagyan ito ng tsek kung mayroon man at ekis naman kung wala.

___1. Ang mga tao sa parke ay nagtatakbuhan

___2. Nagluluto ng masarap na ulam si Marta.

___3. Malakas sumigaw ang mga bata.

___4. Si Sally ay panganay na anak ni Aling Ising.

___5. Ang tsuper ay nagpasakay pa ng dalawang pasahero.

Pagtatalakay
Ang pangawing o pangawil ay isang bahagi ng pananalita na
nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. Ipinapakita o ibinabadya nito na
ang karaniwang ayos ng pangungusap, ang ayos na una ang panaguri sa paksa, ay
nilagyan ng pagbabago. Palatandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng
pangungusap.

54
Sa madaling salita ang ay ay itinuturing na isang pananda na nagpapakita na ang
simuno ng panangungusap ay nauuna sa panaguri nito. Ito ay nagsisilbing kadena upang
mabuo ang pangungusap kung ito ay nasa ayos na una ang simuno kaysa panaguri.

Halimbawa:
1. Ang bata ay nadapa.

Simuno Panaguri

2. Siya ay matalino.
3. Si Roy ay masipag.

Huling Pagtataya (Post-test)


Panuto: Bumuo ng sampung sariling pangungusap gamit ang pangawing na tinalakay.

1.____________________________________

2.____________________________________

3. ____________________________________

4. ____________________________________

5. ____________________________________

6. ____________________________________

7. ____________________________________

8. ____________________________________

9. ____________________________________

10. ___________________________________

MAHUSAY! Nalaman mo na ang patungkol sa panandang


pangawing. Sa pagtatapos ng ating pagtalakay ay lubos
mong nauwaan ang ibat ibang mga bahagi ng pananalita.
Ikaw ay handa na sa susunod pa na talakayan.

55
Sanggunian
Anastacio, T. M., Cruz, T. C., Aguilar, E. C., & Cruz, E. C. (2001). Filipino sa
Makabagong Henerasyon Ikatlong Edisyon . Makati City : Bookmark, Inc. .

Santiago, A. O., & Tiangco, N. G. (1991). Makabagong Balarilang Filipino Binagong


Edisyon . Quezon City : Rex Printing Company, Inc.

56

You might also like