Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SULATING PAMPANANALIKSIK:

BUTO’T BALAT… NAGLALAKAD


nina: Bautista, K., Mendoza, A., Pescante, N., Ramos, G., at Zipagan M.,
(2008-2009)

Ang presentasyon o dokumentaryo mula sa programang I-Witness ng GMA Public


Affairs na pinangunahan ni Kara David at pinamagatang “Buto’t Balat” ay nagpapakita nang
tunay na kaganapan ng bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang pamilyang dumaranas ng kahirapan.
Ang kahirapan na ito ay nagiging dahilan ng isa sa pinakamalungkot na suliraning nararanasan
ng mga Pilipino— ang malnutrisyon. Sa pagtalakay ng usaping ito, mas nabigyang diin at
napalawak pa ang kaalaman patungkol sa kakulangan sa nutrisyon at kahirapan sa pamamagitan
ng paghanap ng pag-aaral na tumatalakay sa parehong isyu.
Ang isang papel pananaliksik patungkol sa malnutrisyon na may pamagat na “Buto’t
Balat… Naglalakad” ay inilimbag ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng
Sto. Tomas noong taong 2008-2009. Ang mga mananaliksik na ito ay sina Bautista, K.,
Mendoza, A., Pescante, N., Ramos, G., at Zipagan M., na naglalayong makapagbigay ng
kaalaman sa mga mambabasa patungkol sa malnutrisyon sa ating bansa. Nais din nilang
manghikayat ng mga mananaliksik na bumuo rin o magsagawa ng mga pag-aaral patungkol sa
isyung ito, sapagkat ang kahirapan at malnutrisyon ay malaking epekto sa buhay ng bawat
Pilipino.
Nakasaad sa pananaliksik nina Mendoza et al. (2009) ang pag-aaral ng malnutrisyon sa
NCR o NNC Report taong 2006. Ayon sa datos, pinakikitang ang Malabon ang may
pinakamaraming bilang ng mga taong nakararanas ng malnutrisyon (7.91 porsyento), samantala
ay Makati naman ang may pinakamababang bilang (1.20 porsyento). Sumusunod sa Malabon
ang Valenzuela na may 6.45 porsyento. Ang datos naman sa Visayas o FNRI Survey sa taong
2006 din, pantay ang bahagdan ng Central Visayas at Negros Oriental sa may pinakamaraming
bilang nang nakararanas ng malnutrisyon 12.01 porsyento). Samantala ay pinakamababa ang
Bohol na may bahagdang 11.06.
Ang pag-aaral na sinagawa ng mga Narsing na mag-aaral sa Unibersidad ng Sto. Tomas
ay nagpokus lamang sa malnutrisyon. Inalam nila ang iba’t ibang salik na nakakonekta sa
nasabing isyu. Bilang pagsusuri, isang pamilyang naninirahan sa Luneta ang kanilang
pinagtuunan ng pansin; sinuri at pinag-aralan ang estado ng pamilya.
Sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon, sila ay gumamit ng metodolohiyang
interbyu o pakikipanayam sa mga pamilyang naninirahan sa Luneta at tinungo ang isang
Pediatric Nutrition Center o ang Malward ng Charity Division ng Unibersidad ng Sto. Tomas
Hospital. Nakausap nila ang isang project dietian doon na si Melizza M. Ortono, na kung saan ay
nakakalap sila ng mga impormasyon patungkol sa kalagayan ng mga batang may malnutrisyon.
Ang ganitong uri ng instrumento sa kanilang pag-aaral ay nakatulong sapagkat nagkaroon ng
kaalaman ang mga mananaliksik gayundin ang mga mambabasa patungkol sa malnutrisyon na
mayroon ang ating bansa.
Sa pag-aaral ng paksang malnutrisyon na binigyan ng pamagat na “Buto’t Balat…
Naglalakad”, nabigyan ito ng linaw sa mata ng mga mananaliksik. Ang isang pamilyang
naninirahan sa Luneta ay napag-alamang kumakain naman ng tatlong beses sa isang araw ngunit
hindi sapat ang nutrisyon na mayroon sa kanilang kinakain. Hindi rin nakaiinom ng marami ang
magkakapatid mula sa pamilyang iyon kaya’t masasabing hindi pa rin nakatatanggap ng sapat na
nutrisyon ang kanilang mga katawan. Binahagi rin sa pag-aaral na ito ang mga pisikal na
obserbasyon sa mga bata, kadalasan sa magkakapatid ay pare-parehong may kuto at sugat sa
katawan. Sa resulta ng pananaliksik, binahagi ng mga mag-aaral na Narsing ang mga katangian
ng mga taong may malnutrisyon ayon kay Melizza M. Ortono— ayon dito, ang mga taong
nakararanas nito ay maaaring mabawasan ang timbang o maging payat ngunit malaki ang tiyan,
samantalang may kaso ring nagmamanas ang katawan. Kwashiorkor at Marasmus ang tawag sa
malnutrisyon na iyon. Ang sanhi ng kanilang malnutrisyon ay ang kakulangan sa kaalaman
patungkol sa proper hygiene, kawalan ng sapat na ideya sa mga pagkaing dapat kainin o mga
pagkain na masusustansya at ang kahirapan o kawalan ng trabaho ng kanilang mga magulang.
Sa pananaliksik na sinagawa ng mga mag-aaral sa Sto. Tomas, nabigyan ng isang
halimbawa o aktwal na pamilyang nakararanas ng malnutrisyon. Dito ay nagkaroon ng ideya ang
mga mananaliksik sa kung ano ang sanhi at maaaring maging bunga ng malnutrisyon. Ang
pamilyang naninirahan sa Luneta na naging pokus ng mga Narsing students sa Unibersidad ng
Sto. Tomas ay iilan lamang sa mga pamilyang nakararanas ng kahirapan at malnutrisyon sa ating
bansa. Gayunpaman, ang pag-aaral na ito ay maaaring maging daan sa bawat isa upang mapuksa
ang isang suliranin ng lipunan. Binahagi ang mga solusyon o maaaring gawin upang malunasan
ito: una ay suriin ang lugar ng tirahan, bigyan ng payo o kausapin ang mga magulang
(counseling), pagbibigay kaalaman sa food pyramid, at pagkakaroon ng kaalaman sa
paghahanap-buhay. Ang mga ito ay maaaring maging gabay rin sa mga mambabasa upang
mabago ang estado ng lipunan.

REFERENCE
Bautista, K., Mendoza, A., Pescante, N., Ramos, G., Zipagan, M., 2009, “Buto’t Balat. . .
Naglalakad” Isang pananaliksik papel tungkol sa Malnutrisyon,
https://cupdf.com/document/butot-balat-naglalakad.html

You might also like