Araling Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan–Modyul 6:
(Ikaanim na Linggo)
Patakarang Pang-Ekonomiya Sektor ng
Industriya at Sektor ng Paglilingkod

MELCs:
 Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng
industriya at mga patakarang pang-ekonomiyang
nakatutulong dito (AP9MSP-IVe-11)

 Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng


paglilingkod at mga patakarang pang-ekonomiyang
nakatutulong dito (AP9MSP-IVh-17)

Inihanda ni:
SHEILA B. PUNZALAN
Teacher III
Pagudpud National High School
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Sektor ng Industriya at Sektor ng
Paglilingkod
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila B. Punzalan


Editor: Benigno B. Baay
Tagasuri: Benigno B. Baay
Maricel T. Pascua
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz, EdD, CESO V
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Michael George C. Acupido

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos
Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
(Ikaanim na Linggo)
Sektor ng Industriya at
Sektor ng Paglilingkod
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba‟t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

iii
Alamin

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang
sumusunod na kakayahan:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng
pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya;
2. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiyang
nakatutulong sa sektor ng industriya;
3. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod; at
4. Napahahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiyang nakatutulong
sa sektor ng paglilingkod: Batas na nagbibigay proteksiyon at
nangangalaga sa mga karapatan ng manggagawa.

Subukin
Panuto: Basahin mong mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw
na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. Industriya C. paglilingkod
B. Agrikultura D. impormal na sector
2. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang
ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel
na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o
interaksiyon ng dalawang sektor?
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura
samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang
ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay
lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing
panibagong uri ng produkto.
D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang
agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.

3. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran


ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung
nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging
industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa
sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng
mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
1
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay
nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.
C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at
masyadong mabilis na industriyalisasyon.
D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin
ng mataas na pambansang kita.

4. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad


ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong
pampamayanan, panlipunan, at personal?
A. agrikultura C. paglilingkod
B. industriya D. impormal na sektor

5. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang


suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang
ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa
anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy
pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga
manggagawa?
A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay
kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang
kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa
mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas
pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.
D. Lahat ng nabanggit ay wasto.

6. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan


ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit
itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at
serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.
B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng
trabaho sa isang bansa.
D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

7. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi


nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi
nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo?
A. agrikultura C. paglilingkod
B. industriya D. impormal na sektor

8. Ito ay patakarang pang-industriya na naglalayun na mapalakas ang


pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board
of Investment (BOI)
A. Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
198
B. Tariff and Customs Code ng Pilipinas
C. Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act
D. RA 8424

2
9. Ito ay patakarang industriya na may layuning mahikayat ang mga pribadong
sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at
mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat.
A. Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
198
B. Tariff and Customs Code ng Pilipinas
C. Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act
D. RA 8424

10. Ito ay nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,


humuhubog sa kakayanan ng mga manggagawa.
A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor Paglilingkod
B. Sektor ng Industriya D. Setor ng Pangangalak

3
Aralin
Ang Sektor ng Industriya
1

Balikan
Gawain 1: I – REMEMBER!
Kilala
A. COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP)2003 nin
B. COMMUNITY LIVELIHOOD ASSISTANCE PROGRAM (CLASP) ang
C. NATIONAL INTEGRATED PROTECTED AREAS SYSTEM SYSTEM mga
(NIPAS) Patak
D. SUSTAINANBLE FOREST MANGEMENT STRATEGY atara
E. PHILIPPINE FISHERIES CODE OF 1998 n at
F. FISHERY RESEARCH Progra
G. NATIONAL RESETTLEMENT AND REHABILITATION mang
ADMINSTRATION (NARRA) Pangk
aunla
ran sa
Sektor ng Agrikultura. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa guhit.
1. Ito ay naglalayong pagtuturo sa sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa
mga likas na yaman ng bansa. Ang halimbawa nito ay ang mangrove farming sa
Bohol.
_________________________________________
2. Ito ay itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
____________________________________________

3. Ito ay naglalayon na magpatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka


upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa mga magsasaka.
____________________________________________

4. Itoy ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at


maprotektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop
at pananim dito.
____________________________________________

5. Ito ay pamamaraan ng pamahalaan upang matakdaan ang permanente at sukat


ng kagubatan upang maiwasan ang suliraning squatting, hiwad at ilegal na
pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
____________________________________________
4
Tuklasin

Gawain 2: PRIMARYA – SEKONDARYA HALA!


Panuto: Sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa sektor ng
agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa
ekonomiya ng bansa. Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Iugnay ang mga
larawan sa kanan at sa kaliwa

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?
2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles?
Ipaliwanag.
3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon ng
mga produkto?
5
Suriin

ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA


Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ay
may malusog na sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya. Subalit
kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya
upang makapagbukas ng mas maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho
ang mga mamamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya
ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing layunin
nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang
makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao. Karaniwang nagmumula sa
agrikultura ang mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong
maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto
tulad ng tornilyo sa kotse. Bunga nito, nakapagbibigay ang sektor na ito ng
trabaho sa maraming Pilipino na ipinakikita sa Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Kabuuang Empleyo Ayon sa Industriya at Kabuuang Lakas
Paggawa (libo) 2000-2010
2002 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Kabuuang
Lakas
33,674 35,120 35,629 35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289
Paggawa

Kabuuan
g lakas-
paggawa 30,251 31,553 31,741 32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489

Agrikultura 11,311 11,741 11,785 12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260

Industriya 4,669 4,948 4,880 4,883 4,895 4,849 5,076 5,144 5,364

Paglilingkod 14,271 14,865 15,076 15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865

Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office.(n.d.).www.census.gov.ph retrieved on August 16, 2014

Batay sa talahanayan, ikatlo ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho


sa mga mamamamayan. Higit itong mababa kompara sa agrikultura at
paglilingkod. Ang karagdagang dami rin na napapabilang dito ay mas maliit kaysa
sa potensiyal na kaya nitong tanggapin. Sa kabila nito, kinakailangan pa ang
ibayong pagtutok upang maging maayos at malusog ang sektor ng industriya.
Kung magiging malakas ang sektor, higit na maraming tao ang magkakaroon ng
hanapbuhay. Ang mataas na kita ng ekonomiya ay higit na mararamdaman kung
ang halos lahat ng mamamayan ay mayroong pinagkakakitaan. Ang bansa na may
mataas na pag-unlad sa kanilang kabuuang kita ay inaasahan na makapaghahatid
ng mas maayos na buhay para sa mga mamamayan.
Ang Sektor ng Industriya ay Nahahati sa Sumusunod na Sekondaryang
Sektor:
 Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-
metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang
gawing tapos na produkto (halimabawa ay hikaw na gawa sa ginto) o
kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa kotse). Ang
mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa

6
bansa. Tingnan ang Talahanayan 2, 3, at 4 na nagpapakita sa uri ng
mineral na matatagpuan sa bansa, dami ng reserba at tinatayang halaga ng
mga ito. Ang pagpaplano at wastong paggamit ng mga yamang nasa
talahanayan ay maaaring magdala ng higit na kaunlaran sa bansa.
Talahanayan 2. Philippine Metallic Ore Reserves Profile 1973-1996
Mineral/ Commodity Estimated Reserves in Average Grade Estimated Value
Metric Tons (Mt) (In US $)
1. Nickeliferous 1,569,870,000 1.1% Ni 229,326,609,600
Laterite
2. . Aluminous Laterite 292,010,000 21% Al, 37% Fe 98,897,216,780

3. Primary Gold 2,108,260,000 2.4 gm Au/Mt 73,473,199,950


4. Primary Copper 4,052,087,000 0.4% Cu 2,489,238,173
5. Silver* (2,108,260,000) n.d.a. 2,489,238,173
6. Molybdenum 30,600,000 0.08% Mo 1,809,072,000
7. Chromite 91,576,000 21.3% - 43.5% 1,494,212,625
Cr
8. Iron (lump ore / 1,619,933,090 40.5% - 47% Fe 754,706,023
laterite/ magnetite
sand)
9. Mercury 1,474,602 flasks 6.9 lbs Hg/Mt 365,760,280
(Quicksilver)
10. Lead 9,318,000 2.3% Pb 186,667,494
11. Zinc 6,162,000 2.9% Zn 182,629,356
12. Manganes 7,537,000 48% Mn 136,751,328
13. Cadmium 47 0.10% Cd n.d.a.
14. Platinum 942 0.08 oz/Mt Pt n.d.a.
15. Uranium 200 0.04% U3)8 n.d.a.
16. Cobalt Nickel by-product n.d.a. n.d.a.

TOTAL $ 464,966,247,400
*Commonly associated with gold ores; average ratio of gold to silver, 1:2; n.d.a. = no data available
SOURCE: Mines and Geo-Science Bureau

Talahanayan 3. Philippine Non-metallic Mineral Reserves Profile, 1973-1996


Mineral/ Commodity Estimated Reserves (in Estimated Value (In US$)
Metric Tons)
1. Asbestos 5,811,000 98,787,000
2. Barite 163,000 1,304,000
3. Bentonite 1.381.946 10,551,671
4. Clay (all types) 450,432,000 2,815,200,000
5. Diatomaceous Earth 4,573,000 396,326
6. Dalamite 650,070,000 1,904,705,100
7. Feldspar 22,706,000 123,974,760
8. Guano 297,000 270,270
9. Gypsum 2,438,000 25,599,000
10. Limestone-Cement 19,361,673,000 1,723,188,897
Materials
11. Limestone-Marbleized 44,411,000 cu.m* 3,552,880
12. Magnesite 52,276,000 398,343,120
13. Marble 10,800,000,000 cu.m.* 52,352,000,000
14. Pebbles 22,557,000 60,903,900
15. Perlite 13,922,000 14,850,133
16. Pumice and Pumiate 21,981,000 373.667,000
17. Pyrite 13,798,000 154,399,620
18. Rock Aggregates 1,467,166,000 cu.m.* 3,711,929,980
19. Rock Phospate 513,000 1,698,030
20. Sand and Gravel 82,863,000 cu.m.* 299,964,060

7
21. Shale 1,145,297,000 732,990,080
22. Silica 1,793,035,000 4,357,075,050
23. Sulphur 19,534,000 1,035,302,000
24. Talc 512,000 1,715,040
25. Volcanic Tuff (Adobe) 152,407,000 644,681,610
26. Rock Asphalt 550,000 n.d.a.
27. Saprolite 172,981,000 n.d.a.
28. Salt n.d.a. n.d.a.
29. Peat n.d.a. n.d.a.
30. “Zambales Jade” et n.d.a. n.d.a.
al.
31. “Mindoro Jade” et al. n.d.a. n.d.a.
32. Jasper/ Chart et al. n.d.a. n.d.a.
33. Garnet et al. n.d.a. n.d.a.
34. Petrified Wood et al. n.d.a. n.d.a.
35. Rhodonite et al. n.d.a. n.d.a.
36. Tektite n.d.a. n.d.a.
37. Pearl, coral, shell, et n.d.a. n.d.a.
al.
38. Amber n.d.a. n.d.a.
TOTAL $ 71,765,078,605
*cu.m. refers to cubic meters; n.d.a. no data available.
Source: Mines and Geo Science Bureau

Talahanayan 4. Philippine Mineral Energy Resources Profile, 1986-1996


Mineral Commodity / Estimated Reserves Estimated Value
Location of Deposits (in US $)
1. Coal Total Resource - 1.5 $ 26,730,000,000
Cagayan Valley Billion metric tons
Polillo-Batan- 42% lignite (carbon @ 40-
Catanduanes 70% volume) to
Southern Mindoro subbituminous coal (70-
Semirara 80% carbon)
Samar-Leyte 5.5% sub-bituminous to
Negros bituminous coal (80- 91%
Cebu carbon)
Surigao 3% bituminous to semi-
Agusan-Davao anthracite coal (91-98%
Cotabato carbon)
Zamboanga del Sur
2. Natural Gas Recoverable wet gas $ 1,496,959,000,000
Palawan reserves -- 3 to 5 trillion
San Antonio cubic feet or approx.
Malampaya 112.3 billion cu. m.
Max pipeline capacity @
650 million cu. ft. per day
- dry gas
3. Petroleum Ave annual production $ 55,000,000,000
Palawan (1979 - 2004) @
El Nido 4,000,000 barrels of
Matinloc crude oil, or approx.
N. Matinloc 100,000,000 bbl = 10%
W. Linapacan Total Reserves -- 1 billion
Malampaya bbl.
TOTAL $ 1,578,689,000,000
Sources: Mines and Geo-Sciences Bureau, Luna, Telesfora W. Jr. Business World
Pinagkunan: Philippine Rural Reconstruction Movement. (n.d.). Mining Potential in the Philippines. Retrieved from
http://www.prrm.org/publications/gmo2/mpotential.htm on November 7, 2014

8
 Pagmamanupaktura. Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang
pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa
pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Dagdag dito, inilarawan
din ng Australian and New Zealand Standard Industrial Classification
(ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga
materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto. Ipinakikita ng
Talahanayan 5 ang mga industriyang mayroon sa Pilipinas na karaniwang
tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan sa araw-araw at
napapaloob sa sekundaryang sektor ng pagmamanupaktura.

Talahayanan 4. Growth Rate of Gross Value Added

Pinagkunan: Philippine Rural Reconstruction Movement. (n.d.). Mining Potential in the Philippines. Retrieved from
http://www.prrm. org/publications/gmo2/mpotential.htm on November 7, 2014

 Konstruksiyon. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga


gusali, estruktura at iba pang land improvements halimbawa ay tulay,
kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga
mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa
pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at
pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga
tirahan. Ang Pigura 2 ay nagpapakita sa distribusyon ng konstruksiyon at
dami ng kabuuang lakas paggawa sa 901 na establisimyento.

Pinagkunan: National StatisticsAuthority. 2012. Philippine business and industry construction sector establishments. Retrieved
from http://www.census.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industry-construction-sector-establishments-total
on November 7, 2014

9
 Utilities. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente,
at gas. Sa sekondaryang sektor na ito, malaki ang papel ng pamahalaan
upang masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa mga tungkuling ito ang
paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na teknolohiya upang maihatid
ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong ang
bawat mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo.

Pinagkunan: National Statistics Authority. (2012). Philippine business and industry construction sector establishments. Retrieved
from http://www.census.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industry-construction-sector-establishments-total
on November 7, 2014

Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi ng


ekonomiya ng bansa. Ang bansa, ayon sa artikulo mula sa Economy Watch, ay
ikatatlumpu‟t dalawang (32) bansa na may pinakamalaking ekonomiya sa mundo
at may GDP na US$188.719B noong 2010. Dahil dito, ang Pilipinas ay may
napakalaking potensiyal upang maging ganap na industriyalisado. Dagdag ni
Ginoong Usui ng ADB, „ang Pilipinas ay maaaring maging pangunahing lokasyon ng
produksiyon sa Asya. Sa panahon na naghihigpit ang pamilihan ng manggagawa sa
ibang mundo, at habang patuloy na bumabangon pa lamang mula sa mga
kalamidad ang ibang bansa at sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng Yen,
ang Pilipinas ay may isang napakalaking pagkakataon upang makaakit ng mga
dayuhang mamumuhunan. Inaasahang ang tagumpay ay hindi malayo para sa mga
Pilipino.‟

Makikita mula sa Talahanayan 6 ang papataas na kontribusyon ng sektor sa


kabuuang kita ng bansa. Higit ang inaasahang paglaki nito pagkalipas ng 2010
dahil na rin sa mataas na GDP ng bansa. Katulad ng nabanggit, ang sektor na ito,
kung maisasaayos at mapalalakas, higit na maraming Pilipino ang mabibigyan ng
trabaho, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na mga posisyon. Sa
gayon, asahang ang pagbuti ng ekonomiya ay mararamdaman ng nakararaming
mamamayan dahil sa mga pagkakataong maibibigay sa kanila.

10
Talahanayan 5. Gross Domestic Product by Industrial Origin 1st Qtr 2000 -
4th Quarter 2010 (in million Php)

Period At Current Prices At Constant 1985 Prices


Agriculture, Industry Service Agricult Industry Service
Fishery and ure,
Forestry Fishery
and
Forestry
2000 528,868 1,082,431 1,743,428 192,457 345,041 435,462
2001 548,739 1,191,707 1,933,241 199,568 348,165 453,982
2002 592,141 1,308,219 2,122,334 206,198 361,167 478,718
2003 631,970 1,378,870 2,305,562 215,273 363,486 506,313
2004 734,171 1,544,351 2,593,032 226,417 382,419 545,458
2005 778,370 1,735,148 2,930,521 230,954 396,882 583,616
2006 853,718 1,909,434 3,268,012 239,777 414,815 621,564
2007 943,842 2,098,720 3,606,057 251,495 442,994 672,137
2008 1,102,465 2,347,803 3,959,102 259,410 464,502 693,176
2009 1,138,334 2,318,882 4,221,702 259,424 460,205 712,486
2010 1,182,374 2,663,497 4,667,166 258,081 515,751 763,320
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). (2013). Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp on September 12,
2014
Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.
Australian Bureau of Statistics. (2012). Manufacturing Statistics Using Manufacturing Statistics Frequently Asked Questions What is Manufacturing?.
Retrieved from http://www.abs.gov.au/websitedbs/c311215.NSF/88e17471717cdbc5ca25778a001d9500/616cc124f6
101381ca2570a400119093!OpenDocument on August 21, 2014
(2013). Retrieved from http://www.ft.com/cms/s/0/1497f650-c8d8-11e2-acc6-00144feab7de.html#axzz39ucypQ5L on August 16 2014
Economy Watch Content. (2010). Philippine industry sectors. Retrieved from http://www.economywatch.com/world_economy/ philippines/industry-
sector-industries.html on August 6, 2014
Asian Development Bank. (2012). Expanding Industrial Sector Key to Philippines‟ Growth, Job Creation. Retrieved from http://www.
adb.org/news/philippines/expanding-industrial-sector-key-philippines-growth-job-creation on August 15, 2014

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya


Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran.
Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay
alinsunod sa modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter
Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga
dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang
aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa
mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung
magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa „pagiging rural,
agricultural, atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at
modern‟. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa sa maraming panig
ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang debate
tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang
papaunlad. Ngunit sa anomang kaparaanan, malinaw ang mensahe na ninanais ng
bawat bansa, ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang mayayamang bansa
tulad ng Japan, Singapore, Switzerland, at iba pa.
Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga
makinarya at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang
pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura,
panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang
teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak
na katibayan ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na pagawaan.
Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat
ng mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-
paggawa.”
Pinagkunan: Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publication., http://www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_development Retrieved on November 7, 20002

11
Pagyamanin

Gawain 3: ECO-SIGNS
Panuto: Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil
sa layunin nitong mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang teksto,
hayaan ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit ng Eco-signs na hango
sa konsepto ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO at CAUTION.
Ang STOP ay ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran ay ihinto, GO
kung nais ipagpatuloy at CAUTION kung itutuloy nang may pag-iingat.

BATAS ECO-SIGNS DAHILAN


 Pagsusog
(amendments) sa
Executive Order (EO)
No. 226 o ang
Omnibus Investment
Code of 1987
 Pagpapatibay sa anti-
trust/ competition law
 Pagsusog sa Export
Development Act
 Pagpapabuti sa
industriya ng Aviation
 Pagsusog sa Tariff and
Customs Code ng
Pilipinas
 Pagsusog sa Local
Government Code

12
Isaisip

Mga Patakaran at Programa Upang Mapaunlad ang Sektor ng


Industriya at Pangangalakal
Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng
kongklusyon na ang Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan
dito. Sa pagdaan ng mga panahon, matitiyak ang unti-unting pagbaba sa
kontribusyon ng sekondaryang sektor ng pagmamanupaktura sa ekonomiya,
gayundin ang pagbaba sa pangkalahatang pamumuhunan.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from
http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay


hindi maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:
Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last
among five ASEAN members; next to last in infrastructure; and 51st in
economic performance in the IMD Global Competitiveness Report; and placed
139th out of 180 countries (6th among the ASEAN-6) in the Transparency
International‟s Corruption Perception Index. In 2010, the country ranked 144th
among 183 countries and also last among the ASEAN-6 in the International
Finance Corporation/ World Bank‟s (IFC/WB).”

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine


Development Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa
nasabing plano, ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at
akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na
paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili.

13
Tuklasin
Gawain 1: ON THE JOB!
Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa susunod na pahina. Ano ang
trabaho ng mga makikitang tao sa larawan? Ipaliwanag ang iyong batayan.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman


tungkol sa sektor ng paglilingkod at kung ano ang bahaging ginagampanan
ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa.

1 2 3

4 5 6

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang callout upang inisyal na


masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng paglilingkod.

14
Gawain 2: CALLOUT
Panuto: Sagutin mo ang una at pangalawang speech balloon. Samantala, ang
panghuling icon ay masasagot pagkatapos ng aralin na ito.

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol


sa sektor ng paglilingkod, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng
aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang sektor na ito.

Suriin
ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-
unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba‟t ibang kalakal
at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal
at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong
hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa
hinaharap.
Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang
pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang
sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media,
pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin
ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan,
at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa. Kilala rin ito bilang
tersarya o ikatlong sektor ng ekonomiya matapos ang agrikultura at industriya.
Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga
damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinokonsumo
ng mga mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga
15
produktong agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng
sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan
at pagtitingi, transportasyon,pag-iimbak, komunikasyon, at mga paglilingkod na
pampamayanan, panlipunan, at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may
mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang sektor ng
kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking
makarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan.
Malaki rin ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas.
Kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng porsiyento ng paglago ng sektor ng
paglilingkod sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng bahagyang pagbaba noong 2001.
Isa sa mga kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas ng
business process outsourcing lalo na ang call center companies na nagkakaloob ng
trabaho sa maraming Pilipino. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang
pagbibigay ng paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto. Ang pormal na
industriyang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay ang sumusunod:
 Transportasyon, komunikasyon, at mga imbakan – binubuo ito ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga
paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
 Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba‟t-ibang
produkto at paglilingkod.
 Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na ibinibigay ng iba‟t ibang
institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan,
remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
 Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment,
mga developer ng subdivision, town house, at condominium.
 Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa
pribadong sektor ay kabilang dito.
 Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng
pamahalaan.

Sa mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo, ipinapakita rito ang


malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga lipunan mula sa
pangangaso at pangangalap ng pagkain sa kapaligiran at ekonomiyang agrikultural
patungo sa ekonomiyang industriyal. Dahil sa pagbabagong ito, lumawak ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang pagkakaroon ng
espesyalisasyon sa paggawa sa iba‟t ibang larangan ang nagturo ng landas para sa
efficient na paraan ng pagbibigay ng paglilingkod sa mga tao. Sa tila napakabilis na
takbo ng panahon, kailangang umagapay ang tao sa pagbabago sa kanyang
kapaligiran. Maraming gawain ang mga tao ang hindi nila matugunan sa sarili
lamang kaya‟t malaking tulong ang paghahatid ng iba‟t ibang paglilingkod mula sa
iba.
Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

16
Pagyamanin

Gawain 3: TEKSTO-GRAPH
Panuto: Batay sa iyong binasang teksto, kompletohin ang nilalaman ng graphic
organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod?
2. Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
3. Sumasang-ayon ka bang ang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod sa
bansa ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya?
Pangatwiranan.

17
Isagawa

Gawain 4: TRI-QUESTION CHART


Panuto: Punan ang tsart sa ibaba batay sa iyong mga naunawaan. Itala ang mga
ito ayon sa mga hinihingi sa bawat titik. Sagutin ang mga tanong sa bawat hanay.

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD


Ano-anong gawaing Ano-ano ang halimbawa Paano nakakatulong
pang-ekonomiya ang nito? ang mga gawaing
nasasaklawan ng ito sa pambansang
sektor ng ekonomiya?
paglilingkod?

Ang mga Manggagawang Pilipino sa Sektor ng paglilingkod

Ang mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sector ng paglilingkod ay


hindi pahuhuli sa nasabing larangan. Taglay nila ang mataas na antas na
katangian ng isang mahusay na tagapaglingkod. Sila ay masipag, malikhain,
matiyaga, at nakatutulong nang malaki upang umangat sa larangang ito. Sa
akdang A Moral Recovery Program: Building a People-Building a Nation ni Patricia
Licuanan, inilahad na ang pagiging malikhain, at mapamaraan ng mga Pilipino ay
naipakikita sa kanilang kakayahang iangkop ang kanilang pamumuhay saan mang
panig ng mundo. Bukod pa rito, ang kanilang pagiging bukas at handa sa
pagkatuto sa iba‟t ibang kasanayan ang isa pa sa mga katangian ng mga Pilipino
na labis na hinahangaan, hindi lamang dito sa loob ng bansa kundi lalo‟t higit pa
sa ibang panig ng mundo.
Ang matinding pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya kung saan
kabilang hindi lamang ang kanilang mga anak at asawa kundi maging sa kanilang
mga lolo, lola, tiyuhin, tiyahin, pinsan, at mga pamangkin ang nagtutulak sa
kanilang harapin ang anumang pagsubok alang-alang sa kanila. Ang
pagmamalasakit ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang pamilya ang
nagtutulak sa kanila na pumunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Sa
katunayan, ayon sa pinakahuling datos ng National Statistical Coordination Board
(NSCB) mahigit 2.04 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o tinatayang 2% ng
kabuuang populasyon ng Pilipinas ang umalis ng bansa noong taong 2010 para
magtrabaho.
Marami nang parangal ang inani ng maraming Pilipino sa iba‟t ibang panig
ng daigdig na kumilala sa kanilang kahusayan sa larangan ng caregiving,
bartending, entertainment, healthcare, at pati ang pamamahala sa tahanan bilang
kasambahay. Lamang ang mga Pilipino sa pag-unawa at pagsasalita ng wikang
18
Ingles kompara sa ibang mga nasyonalidad kaya naman mas tinatangkilik ng mga
banyagang employer ang mga Pilipino. Sa katunayan, nangingibabaw ang Pilipinas
pagdating sa business process outsourcing (BPO). Ang mataas na antas ng
kasanayan at kasipagan ng mga Pilipino ang nagbibigay-daan sa de kalidad na
paggawa na siya namang gustong-gusto ng mga mamumuhunan.
Marami ring Pilipino ay may mataas na pinag-aralan at bihasa sa paggamit
ng mga makabagong teknolohiya. Sila ay computer literate at bihasa sa iba‟t ibang
larangan ng pagbibigay ng paglilingkod na nagpapatunay ng kanilang kahandaang
makipagsabayan sa pandaigdigang larangan ng paglilingkod.
Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from
http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp on September 12, 2014
http://www.crvp.org/book/series03/iii-7/chapter_iv.htm Retrieved on November 7, 2014 Business Mirror. (2014). Large
potential for bpo sector remains in Philippines. Retrieved from http://www.businessmirror.com.ph/
index.php/en/business/companies/28894-large-potential-for-bpo-sector-remains-in-phl on November 7, 2014

Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglili

Department of Labor & Employment (DOLE)


– nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa
pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng
mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng
mga manggagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at
kapayapaan sa industriya ng paggawa
sa bansa

Overseas Workers Welfare Administration


(OWWA)
– ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa
karapatan ng mga Overseas Filipino Workers

Philippine Overseas Employment


Administration (POEA)
– itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong
1982 na may layuning isulong at paunlarin ang
mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong-dagat at pangalagaan ang

Technical Education and Skills Development


Authority (TESDA)
19
– itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong
1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin
ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa,
mga lokal na pamahalaan, at mga institusyong
Professional Regulation Commission (PRC)
– nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng
mga manggagawang propesyonal upang matiyak
ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong
propesyunal sa bansa.

Commission on Higher Education (CHED)


– nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at
kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng
edukasyon sa mataas na antas.

20
Gawain 5: TULONG PAGLILINGKOD
Panuto:Batay sa iyong binasang teksto, kompletohin ang nilalaman ng graphic
organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Klasipikasyon ng Ahensiya Mga Ahensiya ng


Pamahalaan

Mga
Ahensiyang
tumutulong sa
Sektor ng

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang bansa?


2. Alin sa mga ahensiya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga manggagawang
Pilipino?
3. Bakit kailangang siguruhin ang kapakapanan ng mga manggagawang Pilipino
sa ibang bansa?

Isaisip

Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng Manggagawa


ARTIKULO XIII
KATARUNGANG PANLIPUNAN
AT MGA KARAPATANG PANTAO PAGGAWA

Sek. 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal


at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang
employment at pantay na mga pagkakataon sa trabaho/empleyo para sa lahat.

Dapat nitong garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga


manggagawa sa pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang
pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos,
kasama ang karapatang magwelga nang naaayon sa batas. Dapat na may
karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho,
at sa sahod na sapat ikabuhay.
21
Dapat din silang lumahok sa mga proseso
ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na
may kinalaman sa kanilang mga karapatan at
benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.
Dapat itaguyod ng Estado ang
prinsipyong hatiang pananagutan ng mga
manggagawa at mga employer at ang
preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga
pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan,
kabilang ang konsilyasyon, at dapat ipatupad
ang pagtalima rito ng isa‟t isa upang maisulong
ang katiwasayang industriyal.
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan
ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa karapatan ng paggawa
sa karampatang bahagi nito sa mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga
negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago.
.Pinagkunan: http://www.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/ Retrieved on November 7,
2014

Noong taong 2014 ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng


Department of Labor and Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga
manggagawa ayon sa batas. Ito ang magsisilbing gabay at makapagbibigay ng
dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa larangan ng paggawa. Narito
ang ilan sa mahahalagang probisyon ng nasabing handbook.

 Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)


– nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang
pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba‟t ibang pang-industriyang
sektor na kinabibilangan ng sumusunod: hindi pang-agrikultura (non-
agriculture), plantasyong pang-agrikultura at di-pamplantasyon,
cottage/sining sa pagyari sa kamay, at pagtitingi/serbisyo, depende sa
bilang ng mga manggagawa o puhunan o taunang kita sa ilang mga sektor.
 DAGDAG NA BAYAD TUWING PISTA OPISYAL (Holiday Pay - Artikulo 94)
- tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw
na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.
 DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY
(Premium Pay - Artikulo 91-93) - karagdagang bayad sa manggagawa sa
loob ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days
 DAGDAG NA BAYAD PARA SA TRABAHO NG LAMPAS SA WALONG ORAS
(Overtime Pay - Artikulo 87) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho na
lampas sa walong (8) oras sa isang araw
 DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI (Night Shift
Differential - Artikulo 86) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na
hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na sahod sa
bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng
umaga
 SERVICE CHARGES (Artikulo 96) - Lahat ng manggagawa sa isang
establisimyento o kahalintulad nito na kumokolekta ng service charges ay
may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa walumpu‟t limang
porsiyento o bahagdan (85%) na kabuuang koleksiyon. Ang service charges
ay kadalasang kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan o restaurant,
night club, cocktail lounges at iba pa.
 SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL – Artikulo 95) - Ang bawat manggagawa
na nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat

22
magkaroon ng karapatan sa taunang service incentive leave (SIL) na limang
(5) araw na may bayad.
 MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282) - Ang bawat
nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor,kasal
man o hindi, ay makatatanggap ng maternity leave na animnapung (60)
araw para sa normal na panganganak o pagkakunan; o pitumpu‟t walong
(78) araw para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section,
kasama ang mga benipisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%)
ng humigit kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa
batas.
 PATERNITY LEAVE (RA 8187) - maaaring magamit ng empleyadong lalaki
sa unang apat (4) na araw mula ng manganak ang legal na asawa na
kaniyang kapisan; Para sa layuning ito, ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy
sa obligasyon ng asawang babae at asawang lalake na magsama sa iisang
bubong.
 PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG (RA 8972) -
ipinagkakaloob sa sinomang solong magulang o sa indibidwal na napag-
iwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang
 LEAVE PARA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN SA
KABABAIHAN AT KANILANG MGA ANAK (Leave for Victims of Violence
Against Women and their Children - RA 9262) – Ang mga babaeng
empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, sikolohikal, o
anomang uri ng paghihirap, kasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng
sustento, pagbabanta,
pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang
makisalamuha o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating
asawa o kasintahan ang may karapatang gumamit ng leave na ito.
 SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN (RA 9710) - Kahit sinong
babaeng manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil, ay may
karapatan sa special leave benefit kung ang empleyadong babae ay
mayroong gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent
physician.
 THIRTEENTH-MONTH PAY (PD 851) - Lahat ng empleyo ay kinakailangang
magbayad sa lahat ng kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month
pay anomang estado ng kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng
kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na sila ay nakapaglingkod
nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay
makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay. Ang thirteenth-month
pay ay ibinibigay sa mga empleyado nang hindi lalagpas ng ika-24 ng
Disyembre bawat taon.
 BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO (Separation Pay - Artikulo
297-298) - Kahit sinomang manggagawa ay may karapatan sa separation
pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa
Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines. Ang karapatan ng
manggagawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang
pagkakahiwalay sa paglilingkod. Maaaring mahiwalay sa trabaho ang
manggagawa kung may makatwirang kadahilanan (i.e., malubha o palagiang
pagpapabaya ng manggagawa sa kaniyang mga tungkulin, pandaraya, o
paggawa ng krimen), at iba pang mga kahalintulad na dahilan na nakasaad
sa Artikulo 296 ng Labor Code. Sa pangkalahatan, maaari lamang
magkaroon ng bayad sa paghihiwalay sa trabaho kung may mga
awtorisadong kadahilanan.

23
 BAYAD SA PAGRERETIRO (Retirement Pay - Artikulo 3015) - Ang
sinomang manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa
edad na animnapung (60) taon hanggang animnapu‟t limang (65) taong
gulang at nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.
 BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PROGRAM (PD 626) -
isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang
compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga
manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sektor
sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho,
pinsala, kapansanan, o kamatayan.
 BENEPISYO SA PHILHEALTH (RA 7875, as amended by RA 9241) -
Ang National Health Insurance Program (NHIP), dating kilala bilang
Medicare, ay isang health insurance program para sa mga kasapi ng SSS at
sa kanilang dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa
pananalapi sa may sakit, na maaaring mangangailangan ng pinansiyal na
tulong kapag sila ay naospital.
 BENEPISYO SA SOCIAL SECURITY SYSTEM (RA 1161, as amended by
RA 8282) - nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon
ng kamatayan, kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at katandaan ng
empleyado. Ang Social Security System (SSS) ay nagbibigay bilang kapalit sa
nawalang kita dahil sa mga nabanggit na contingencies.
 BENEPISYO SA PAG-IBIG (Republic Act No. 9679) - Ang Home
Development Mutual Fund, na kilala bilang Pag-IBIG (Pagtutulungan Sa
Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya sa Gobyerno) Fund ay isang a
mutual na sistema nang pag-iimpok at pagtitipid para sa mga nakaempleyo
sa pribado at pamahalaan at sa iba pang grupo na kumikita, na suportado
sa pamamagitan ng parehas na ipinag-uutos na mga kontribusyon na ang
pangunahing investment ay pabahay.
Pinagkunan: http://www.bwc.dole.gov.ph/userfiles/file/Handbook-Tagalog.pdf Retrieved on November 7, 2014

Samantala, isa sa pinakamabigat na suliranin ng mga manggagawang


Pilipino sa sektor na ito kagaya ng ibang sektor ay ang lumalalang
kontraktuwalisasyon sa paghahanapbuhay. Isa itong patakaran kung saan ang
isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng 5
buwan lamang. Nagbunsod ito ng kawalan ng seguridad sa trabaho at pagkait sa
mga benepisyo.. Ito ay dulot na rin ng pabago-bagong polisiya ng pamahalaan ukol
sa paggawa, pagpayag sa mga kompanya na gamitin ito bilang iskema sa
pagtanggap ng mga empleyado at pag-abuso sa probisyon ng “labor-only
contracting” na pinagtibay sa Artikulo 106 ng Atas ng Pangulo Blg. 442 o Kodigo sa
Paggawa.
Maliban sa mga batas na nabanggit, ayon naman sa International Labor
Organization (ILO) ang pinakamahalagang karapatan ng manggagawa ay ang
sumusunod:
 Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na
malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
 Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo
bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
 Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang
mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bunga ng ng pamimilit o „duress‟.
 Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.
Samakatuwid mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para
sa mga kabataan.
 Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho:
pantay na suweldo para sa parehong trabaho.

24
 Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib
at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.
 Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.
Pinagkunan: http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/ Retrieved on November 7, 2014

Subukin

Gawain 6: BATAS-PAGLILINGKOD
Panuto: Batay sa iyong binasang teksto ukol sa mga benepisyo ng mga
manggagawa ayon sa batas, kompletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa
ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang Guide Question Sheet.
Batas: Mahalagang Probisyon:

Batas na
nangangalaga sa
karapatan ng mga
manggagawang
Pilipino

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw
na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. Industriya C. paglilingkod
B. Agrikultura D. impormal na sector
2. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang
ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel
na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
25
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o
interaksiyon ng dalawang sektor?
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura
samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang
ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay
lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing
panibagong uri ng produkto.
D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang
agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.

3. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran


ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung
nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging
industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa
sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng
mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay
nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.
C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at
masyadong mabilis na industriyalisasyon.
D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin
ng mataas na pambansang kita.

4. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad


ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong
pampamayanan, panlipunan, at personal?
A. agrikultura C. paglilingkod
B. industriya D. impormal na sektor

5. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang


suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang
ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa
anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy
pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga
manggagawa?
A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay
kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang
kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa
mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa
ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.
D. Lahat ng nabanggit ay wasto.

6. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan


ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit
itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at
serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.
B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

26
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng
trabaho sa isang bansa.
D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

7. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi


nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi
nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo?
A. agrikultura C. paglilingkod
B. industriya D. impormal na sektor

8. Ito ay patakarang pang-industriya na naglalayun na mapalakas ang


pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board
of Investment (BOI)
A. Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
198
B. Tariff and Customs Code ng Pilipinas
C. Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act
D. RA 8424

9. Ito ay patakarang industriya na may layuning mahikayat ang mga pribadong


sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at
mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat.
A. Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
198
B. Tariff and Customs Code ng Pilipinas
C. Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act
D. RA 8424

10. Ito ay nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,


humuhubog sa kakayanan ng mga manggagawa.
A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor Paglilingkod
B. Sektor ng Industriya D. Setor ng Pangangalak

27
.
Karagdagang Gawain

Gawain 7: PAGGAWA NG COLLAGE


Panuto: Gamit ang mga materyales na maaaring gamiting muli (recyclable) o mga
materyales na indigenous sa inyong lugar, bumuo ng isang dayagram ng paikot na
daloy at idikit ito sa kalahating bahagi ng illustration board o cartolina.

KATAMTA- NANGANGAI-
MAN (2) LANGAN NG
MAGALING (3) PAGSISIKAP NAKUHANG
(1) PUNTOS

NILALAMAN Naipakita ang Naipakita ang Hindi


lahat ng sektor ilang sektor na naipakita nag
na bumubuo bumubuo sa ang mga
sa paikot na paikot na sektor na
daloy at ang daloy at ang bumubuo sa
tungkuling tungkuling paikot na
ginagamanan ginagamanan daloy at ang
ng bawat isa ng bawat isa tungkuling
ginagamanan
ng bawat isa
KAANGKUPANG Lubhang Angkop ang Hindi angkop
KONSEPTO angkop ang konsepto at ang konsepto
konsepto at maaaring at hindi
maaaring magamit sa maaaring
magamit sa pang-araw- magamit sa
pang-araw- araw na pang-araw-
araw na pamumuhay araw na
pamumuhay pamumuhay

28
29
SUBUKIN/TAYAHIN
1. A
2. C
3. D
4. C
5. A
6. A
7. D
8. A
9. D
10. C
ISAGAWA(Gawain5)
1. TESDA 4. DOLE
BALIKAN 2. PRC 5. OWWA
1. B 3. CHED 6. POEA
2. E
3. A
4. C
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Aklat:

Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon,


Batayang Aklat ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon. Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc., 2012.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal Group,
Inc.,2015.

Rhodora R. Tolentino. Bagong Kalakaran sa Ekonomiks Para sa Mataas na


Paaralan. Quezon City: Saint Bernadette Publications, Inc.,2001.
Tereso S. Tulla, Jr. Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino,
Ikalawang Edisyon. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 1998.

Online:
https://www.slideshare.net/kazekage15/makroekonomiks-at-ang-paikot-na-
daloy-ng-ekonomiya

https://economics000rainargifel.wordpress.com/paikot-na-daloy-ng-ekonomiya/

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02KFe55rarAadH78qEs_sBpd7Vca
g%3A1612410438766&ei=Rm4bYOqsLtOZr7wPoNW82AI&q=paikot+na+daloy+ng
+ekonomiya&oq=paikot+na+daloy+ng+ekonomiya&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzIECC
MQJzIECAAQQzICCAA6BwgAELADEEM6BwgAEEcQsAM6BQgAEJECOgIILjoHC
CMQsAIQJzoECAAQDToICAAQCBANEB46BQgAEMsBUOUUWMddYMdmaAZwA
ngEgAG0BogB_EeSAQ8wLjExLjEyLjcuMi4xLjGYAQCgAQGqAQdnd3Mtd2l6yAEK
wAEB&sclient=psy-
ab&ved=0ahUKEwjq57z7qM_uAhXTzIsBHaAqDysQ4dUDCA0&uact=5

https://prezi.com/ix3rrm-vt35q/aralin-1-paikot-na-daloy-ng-ekonomiya/

https://www.google.com/search?q=paikot+na+daloy+ng+ekonomiya&sxsrf=ALeK
k01sLX3veEqvoEkqTLhfRosxX81neA:1612410454425&tbm=isch&source=iu&ict
x=1&fir=x_fZdjifZctC1M%252CzsdLCoEWwufHPM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kR6oeliE-
QnvcqcrVKa8qmAgz1tWw&sa=X&ved=2ahUKEwjaxPiCqc_uAhWQwpQKHVWqCF
oQ9QF6BAgHEAE&biw=1366&bih=625#imgrc=x_fZdjifZctC1M

https://www.google.com/search?q=paikot+na+daloy+ng+ekonomiya&sxsrf=ALeK
k01sLX3veEqvoEkqTLhfRosxX81neA:1612410454425&tbm=isch&source=iu&ict
x=1&fir=x_fZdjifZctC1M%252CzsdLCoEWwufHPM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kR6oeliE-
QnvcqcrVKa8qmAgz1tWw&sa=X&ved=2ahUKEwjaxPiCqc_uAhWQwpQKHVWqCF
oQ9QF6BAgHEAE&biw=1366&bih=625#imgrc=fJdYhJT0225qiM

https://www.coursehero.com/file/70279363/EKONOMIKSdocx/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like