Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Sa ekonomiks, madalas na gamitin ang mga salitang “pagsulong” at “pag-


unlad” na tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at
pangkalahatang pagbuti ng antas ng pamumuhay.
2. Ang pagsulong ay itinuturing na bunga ng isang proseso na nagpapakita ng
pagbabago sa isang ekonomiya.
3. Ang mga mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa pagtatamo ng
kaunlaran ng bansa tulad ng mga sumusunod: (1) tamang pagbabayad ng
buwis, (2) pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan at (3) tamang pagboto.
4. Ang Pilipinas at ang ibang bansa sa dagdig ay may ugnayan na kadalasa’y
nakasentro sa ekonomiya upang madagdagan ang pagtugon sa mga panustos
para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
5. Ang pag-unlad ay isang salita na maaaring gamitin upang tukuyin ang
pagbabago na nararanasan ng isang bansa. Makikita ang kaunlaran ng isang
bansa sa pamamagitan ng pagsulong.
6. Ang pag-unlad ay tunay na masusukat sa epekto nito sa pamumuhay ng mga
tao.
7. Ang nilalayon ng administrasyong Duterte para sa pambansang kaunlaran ay
pagkaroon ng pagbabago sa lahat ng aspekto ng ating ekonomiya at maging
ang mga sangay ng ating pamahalaan.
8. Maraming paraan upang maipakita ang gampanin ng mga Pilipino tungo sa
pambansang kaunlaran. Isang palatandaan ng pagiging mapanagutang
mamamayan ay sa pamamagitan ng tamang pagbabayad ng buwis
9. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing
kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat
gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Isa sa mga bagay na
maaari mong gawin upang makatulong sa ating bansa ay ang tangkilikin ang
mga produktong sariling atin.
10.Industriyang sektor ang tumutugon sa mga pangangailangan sa pagkain at
mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon.
11.Ang pangunahing subsector ng Sektor ng Agrikultura ay pangungubat,
pangingisda, pagsasaka at paghahayupan.
12.Maituturing na ang agrikultura ang pinakamalaking sektor ng ekonomiya dahil
ang bansa ay napapalibutan ng iba’t ibang likas na yaman.
13.Ang higit na suliranin ng paghahayupan ay ang pagkalat ng mga sakit sa mga
hayop ang nagpapahina sa lokal na industriya.
14.Sa ilalim ng batas na CARL (Comprehensive Agrarian Reform Law), ipinamahagi
ng ating pamahalaan ang mga lupa sa mga magsasaka at ito ay maaari lamang
gawing taniman.
15.Isa sa mga mahahalagang batas ng pamahalaan hinggil sa pagpapalakas ng
sektor ng agrikultura ang CARP ay ang pagbibigay ng proteksyon sa mga may-
ari ng lupa na katutulong sa mga magsasaka.
16.Upang masolusyunan ang suliranin ng mga magsasaka, ipinatupad ang 1902
Land Registration Act upang pagkalooban ng lupa ang mga magsasakang
Pilipino.
17.Ang sektor ng agrikultura ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
ekonomiya ng isang bansa tulad ng mga sumusunod: ito ay nagbibigay ng
trabaho, nagpapasok ng dolyar sa bansa at ang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales.
18.Ang kontruksyon na sektor ng industriya ang tumutugon sa pagpapagawa ng
mga gusali, tulay at iba pang istruktura.
19. Ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang
kaunlaran ng bansa at ang pangunahing layunin ng sektor na ito ay
maiproseso ang hilaw na produkto para makabuo ng panibagong produkto.
20.Maraming dayuhang namumuhunan ang kakompetisyon ng mga lokal na
namumuhunan ang suliraning kinakaharap ng industriya.
21.Ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa isa’t
isa. Galing sa agrikultura ang hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng
mga produktong ginawa sa industriya. Ang sektor ng industriya ang siyang
nagpoproseso ng mga produkto mula sa agrikultura. Ang mga kagamitang
ginagamit sa agrikultura ay produkto ng industriya.
22.Ang sektor ng paglilingkod ay umaalalay sa buong yugto ng produksiyon,
distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng
bansa.
23.Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay sektor ng
paglilingkod na humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga
sa kapakanan ng mga manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at
kapayapaan sa industriya ng paggawa ng bansa.
24.Isa sa mga napakalaking problemang kinahaharap ng sektor ng paglilingkod
ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap
lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila na hindi
lalampas sa anim na buwan. Narito ang mga sumusunod na dahilan kung
bakit patuloy parin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta
ng mangagawa.
(1) Mas makakatipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay
kontraktwal dahil wala silang benepisyo tulad ng SSS at Philhealth.
(2) Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggawang kontraktwal,
lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
(3) Ang mga manggagawang kontraktwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga
overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa
itinakdang oras ng paggawa sa batas.
25.Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay sektor ng paglilingkod na
humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan
ng mga manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa
industriya ng paggawa ng bansa.
26.Ang mga sumusunod ay suliranin sa sektor ng paglilingkod: pagbaba ng
produksyon ng ekonomiya, pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang
bansa at pagkakaloob ng trabaho at seguridad sa mga mamamayan.
27.Ang mga sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong
ng ekonomiya ng isang bansa: teknolohiya, likas na yaman at yamang tao.
28.Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang
kahig,isang tuka”. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga
Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
29.Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagkakaroon ng impormal na sektor:
malabanan ang matinding kahirapan, makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan at magkaroon ng hanap-buhay nang hindi nangangailangan ng
malaking kapital o puhunan.
30.Ang Impormal na Sektor ay isang sektor ng ekonomiya na walang salat at may
pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-
ekonomiya
31.Ito ay ang iba’t ibang anyo ng impormal na sektor: pagiging mamanahi sa loob
ng tahanan, pagkakawanggawa sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at
pagbebenta ng taho.
32.Makaligtas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksyon sa pamahalaan ay kabilang sa mga dahilan ng impormal
sektor.
33.Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng isang bansa
sa iba pang mga bansa.
34.Ang paglabas ng dayuhang salapi ay isang ang mabuting epekto ng Kalakalang
Panlabas.
35.Ang mga sumusunod na pahayag ang kahalagahan ng kalakalang panlabas sa
ating bansa: (1) dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring
pamilian ng mga tao, (2) mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng
produksiyon upang tumaas ang kalidad ng mga produkto at (3) nakikilala at
tinatangkilik sa ibang bansa ang mga produktong Pilipino dahil sa husay ng
mga ito.

You might also like