Filn Midterm

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON SA KOMUNIKASYON

Maituturing na komplikadong gawain ang pagpili ng angkop na babasahin. Sa mga seminar-workshop ukol sa
pagbasa, karaniwan na ang pagpapalitan ng kuro tungkol sa mga gamit ng kraytirya sa pagpili ng artikulo. Ilan sa mga
kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at ito’y isang magandang palatandaan para sa magandang pagbuo ng
pananaliksik (Adriano, et.,2008) Sapagkat ang pagbuo ng pananaliksik o anumang impormasyon na nais ipahayag o
ibahagi sa iba ay nangangailangan ng patotoo, nararapat lamang na wasto at balido ang mga datos na kakailanganin.
Mahalaga sa mga gawaing nabanggit ang paghahanap ng tamang batis (sources) ng impormasyon. Ang pananaliksik
ay tapat at totoo na mga impormasyong sinusugan o pinagtitibay na mga kaisipan/impormasyong hinango sa
bibliograpiya.
Ang bibliograpiya ay listahan ng mga ginamit na sanggunian sa pagsasaliksik. Ito ay inihahanay ayon sa
Kronologikal na pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng awtor (Abueg.et al.,2012).

Ilan sa mga halimbawa na maaaring batis:

- Aklat - Anunsyo
- Pahayagan - Panitikan
- Dokumento ng pamahalaan - Larawan
- Internet - Encyclopedia
- Pananaliksik - Dyornal, Atbp.

Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo: primarya, sekondarya, tersyarya. Ganito
ang paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa mga nasabing batis ng impormasyon o hanguan:

Hanguang primarya

- ito ang mga hanguang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika nga. Sa Kasaysayan, halimbawa, kinapapalooban
ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay- bagay, mapa, maging kasuotan. Sa
Literatura o Pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang tekstong pinag-aaralan at ang mga datos ay
ang mga salitang nakalimbag sa bawat pahina.

Hanguang sekondarya

- ay mga ulat na gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya. Sinulat ang mga ito para sa mga
iskolarli at/o propesyonal na mambabasa. Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa
kani-kanilang larangan at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay
pagpapabulaan.

Hanguang tersyarya

- kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan
para sa pangkalahatang mambabasa.

Hanguang elektroniko (hindi kategorya, kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng mga hanguan)

- dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksiik sa ano mang datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na
ito totoo ngayon. Maging ang mga akademiko ay umaasa na ngayon sa Internet upang maakses ang mga
hanguan. Ang mga datos na ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na
counterpart.

Ang Internet ay maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na walang
laybraryan. Marami ang nagpo-post sa Internet tungkol sa ano mang paksang kanilang kinawiwilihan o
mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito, totoong maraming
datos ang makukuha sa Internet. Ang problema, hindi lahat ng datos mula sa Internet ay mapagkakatiwalaan. Kaya
nga, ang payo nina Booth, et al. (2008): Gamitin ang Internet kung ang hanguan ay primarya.

PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON


Makrong Kasanayang Pangwika

- Pagbasa - Pagsasalita

- Pakikinig - Pagsulat

Pagbasa

- ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Isa ito sa mga makrong
kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat.
- ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.
- nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman libangan pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay
na buhay.
- 80% na ating ginagawa sa araw –araw ay nauukol sa pagbabasa (Villamine et .al 1998)
- sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng pagkilala sa salita, pag-unawa sa kahulugan ng salita, pagreak sa
kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman ng
bumabasa. (Gray,1956).

Proseso ng Pagbasa

 Persepsyon- pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo na nabasa.


 Komprehensyon- pagproseso at pag-unawa sa binasa.
 Reaksyon- paghatol o pagpasya ng kawastuhan, kahusayan at aral ng teksto.
 Assimilasyon- iniuugnay ang kaalamang nabasa sa dating kaalama o karanasan.

Pananaw at teorya sa Pagbasa

 Teoryang Bottom-up- ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.
- Proseso: Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga bottom-up.
 Teoryang Top-down- ang mambabasa ay may taglay na dating kaalaman (prior Knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency).
- Proseso: nagsisimula sa mambabasa(top) tungo sa teksto (down)
 Teoryang Interaktib- kombinasyon ng Teoryang Bottom up at Top down. Bi-directional.
 Teoryang Iskima – bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskima. Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay may taglay na siyang ideya sa nilalaman ng teksto.

Iba’t ibang uri ng Pagbasa

 Iskaning- kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa
mga susi na salita o key word, pamagat at subtitles.
 Iskiming- ito ay pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin.
 Previewing- ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at
register ng wika ng sumulat.
 Kaswal- pagbasa ng pansamantala o di palagian.
 Pagbasang pang-impormasyon- ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad ng pagbasa
sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala.
 Matiim na pagbabasa- nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang
binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng reports, riserts, at iba pa.
 Re-reading o muling pagbasa- paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap
na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
 Pagtatala- ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-
iimbak ng impormasyon.

Pananaliksik ng Impormasyon

- Iba-iba ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkuha ng impormasyon gayundin sa
kanilang pagkatuto. Ang bawat isa ay may unique o natatanging kahusayan, kaalaman at kakayahan upang
mapagtagumpayan, maunawaan ang mga paksa at kaalaman na nais maintindihan at maibahagi rin sa kanyang
kapwa.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
1. Benepisyong edukasyonal

- Ang pananaliksik na nakatutulong sa guro upang magsilbing gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay
mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral. Para naman sa mga mag-aaral,
natututo sila sa mga isyu metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan.

2. Benepisyong personal

- Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na pag-iisip na


magbubunga ng kanyang pagiging matatag sa buhay.

3. Benepisyong propesyonal

- Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na karera dahil sa


nasasanay sa siyang magbasa at mag analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng malawak na kaalaman
sa kanyang propesyon.

4. Benepisyong pambansa

- Sa pamamagitan ng pananaliksik natatamo ang pagunlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng


matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat.

5. Benepisyong pangkaisipan

- Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa
natitipon niyang mga ideya at pananaw mula sa ibat-ibang kaalaman.

6. Benepisyong pangkatauhan

- Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa ang kagalingan ng isang mag-aaral sa


pakikipagkapwa tao.

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


 Tsismisan o pagsasagap ng alimuom- kadalasan na makikita ang gawaing ito ng dalawa o higit pang tao sa
tabi ng lansangan, sa palengke, sa tindahan, maging sa mga tanggapan na pinapasukan ng mga manggagawa
sa mga panahong sila ay libre o walng ginagawa. (Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng
pagsisinungaling, pag-imbento ng kwento, pagmamalabis, bagamat kung minsan ay may halong
katotohanan.)
 Umpukan- ay tumutukoy sa maliliit na pangkat o grupo ng tao na nag-uusap tungkol sa mga usaping may
interes ang bawat kasama sa pangkat o grupo. (May hawig rin ito sa Tsismisan.)
 Talakayan- tumutukoy ito sa proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para sa isang nararapat o
mahalagang desisyon. (Napakapormal nito kung ihahalintulad sa komunikasyong nagaganap sa umpukan
sapagkat mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa daloy ng komunikayson sa talakayan na hindi makikita sa
proseso ng komunikasyon sa umpukan.)
 Pagbabahay-bahay- kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo sa
dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang alinman sa kanilang mga layunin.
(Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba
pang tao.)
 Pulong bayan- karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamamayan o
particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin. (Mayroon itong lider
na kung saan siya ang mangunguna sa pagtalakay sa isang usapin.)

Komunikasyong Berbal ng mga Pilipino

- ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man. (Naipapahayag mo
ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pasulat/pasalita.)

Komunikasyong Di-berbal ng mga Pilipino

- Kinasasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan ang uri ng komunikasyong ito. (Nagagamit ito sa
paraang pakikipagkomunikasyon sa may mga kapansanan. Sa mga senyas o kumpas ng kamay
naipapahayagnatin ang nais natin sabihin.)

Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-berbal

 Kinesika- pinatutunayan sa anyong ito ng komunikayson na ang bawat kilos at galaw ng katawan ng tao ay
may kaakibat na kahulugan. (Bahagi nito ang ekpresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at
tindig ng katawan.)
 Prosimika- pinahahalagahan ng pag-aaral na ito ang espasyo bilang makabuluhang sangkap ng di-berbal na
komunikasyon. (ang agwat o ang proximity ng tao sa kapwa tao at mga bagay-bagay ay may karampatang
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng taong tatanggap ng mensahe.)
 Oras (Chronemics)- ang pag-aaral sa oras ay isa ring esensyal na paksa ng pagtalakay sa komunikasyong di-
berbal. Tumutukoy ito sa interdependente at integratibong antas ng karanasan sa paggamit ng oras.(Ang
paggamit ng tao sa oras bilang bahagi ng kanyang buhay ay maaaring lumikha ng pananaw sa ibang tao na
tinitingnan ito bilang akto ng komunikasyon.)
 Paralanguage- ay tumutukoy sa mga di-lingwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita katulad ng
intonasyon, bilis at bagal ng pagsasalita, at kalidad ng tinig.(Ang bilis ng pagsasalita ay maaaring tumukoy sa
mga pagkakataon na mataas ang antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa larangan ng kanyang pagtalakay)
 Kapaligiran- ay maaaring bigyan ng pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin dito. (Ang kaayusan ng
lugar na pagdarausan ng gawain ang makatutulong upang malaman kung ang magaganap na talakayan ay
pormal o impormal.)

You might also like