Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Ang mabuting karunungan ng nakaraan at

ngayon ay tanda ng pagsasapraktika ng


wikang gamit sa kasalukuyan, ito’y
sapagkat ang wika at kultura ay repleksyon
ng isa’t-isa.
Ano ang mangyayari kapag labis
ang pagkiling sa nakaraan?

Kung sa kasalukuyan naman?


Ang labis ng pagkiling sa nakaraan ay maaaring
maging hadlang sa progreso ng isang bayan;
gayong ang malabis na pagkiling sa kasalukuyan
ay magiging tanda ng paghanap ng kaakuhan.
Ngunit tinuran na nang marami na ang ‘di
lumingon sa pinanggalingan ay walang
patutunguhan at sa huli, sa alikabok ang
hantungan.
•Sa ganitong kalagayan
maaaring tanawin ang
kalagayan ng wikang
Pambansa, ang Filipino.
•Filipino ang wikang
nagpapakita ng
pagsasanib ng nakaraan at
ngayon na tanda ng
pagsasapraktika sa
kasalukuyan.
• Sinabi ni Roberto T. Anonuevo,
ang Direktor –Heneral ng
Komisyon sa Wikang Filipino
(2018).

• “Napatunayan ng (wikang) Filipino


na kaya itong tanggapin sa
iba’t-ibang rehiyon at gawing
katuwang ng wika ng rehiyon dahil
ang komposisyon ng Filipino ay
hindi nalalayo sa naturang wika.”
Anu-ano ang mga dahilan bakit
napigil ang progreso ng wika
upang manatiling buhay?
• Sa marami, ang nais na pambansang wika ay dapat na purista lamang at
‘di ang may varayti.
• Ang nais ng iba ay taal na Tagalog, gayong sa praktika, sumasalungat
ang kanilang mga dila.
• Ang nais naman ng iba, isang wikang rehiyonal na ‘di naman
kasasalaminan ng pagkakaiba ng mga lahing Pilipino.
Ang ganitong mga isipin ay pumipigil sa progreso ng
wika upang manatiling buhay. Ang wikang buhay ay
dinamiko, nagbabago, at umaangkop sa
pangangailangan ng bayan.
Sa Konstitusyon ng 1987 kinilala na ang Filipino bilang umiiral na
Wikang Pambansa. Taong 2013, sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 13- 05 ng
KWF, binigyang-definisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa isa’t –isa ng mga pangkating
katutubo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay
dumadanas ng paglinang at pagpapayaman sa pamamagitan ng mga
panghihiram sa mga katutubong wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa nagiging
paggamit ng Filipino sa iba’t-ibang sitwasyon at pangyayari, pasalita
man o pasulat na pahayag, ng iba’t-ibang pangkating panlipunan at
pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba’t-ibang paksain at
disiplinang akademiko.
Ang Hamon ng Mother-Tonque-Based Multilingual
Education
• Nang naluklok na Pansamantala sing Punong Komisyoner ng KWF si Dr.
Ricardo Ma. Duran Nolasco ay nagging direksiyon ng ahensiya ang
pagtangkilik sa multillingguwalismo, katuwang ang Kongresista o
Representatibo na si Kgg at Abogado Magtanggol Gunigundo ng
Valenzuela.
• Ang orihinal na House Bill Blg. 3719 na humihikayat na ipagamit ang
unang wika ng mga mag-aaral bilang midyum ng pagtuturo ay unang
isinumite sa Senado noong 2008 na ang paksa ay ang paggamit sa
unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga basikong
edukasyon.
• Kinatigan ito ng Kagawarang ng Edukasyon at Isports sa
pamamagitan ng paglalabas ng Ordinansa Blg. 74 na nagtatakda sa
pagsasainstitusyon ng paggamit ng unang wika ng mga
mag-aaral.
• Ang Mother Tonque-Based Education (MTB-MLE) ay higit na
naaangkop sa mga bansang mullti-lingual o ang mga bansang
maraming wikang nagagamit katulad ng Pilipinas.
• Sa Pilipinas na kung saan may mahigit 181 wika ang nagagamit ay
Malaki ang maitutulong ng Mother Tonque-Based Multilingual
Education (MTB-MLE) sapagkat sa pamamagitan nito
nabibigyang-pansin ang iba pang katutubong wika at magamit ito sa
pagtuturo at hindi tanging Filipino at Ingles na hindi naman ang
uanang wika ng karamihan sa mga mag-aaral.
• Pinagdiinan ni Virgilio Almario na walang duda na kailangan ng Pilipinas
ang MTB-MLE.
• Aniya, higit na mas mabilis na matuto ang batang Pilipino kung wika nila
ang gagamitin sa pag-aaral at dagdag pa niya ang natutong bumasa at
sumulat sa unang wika ay mas mabilis matuto ng ibang kompetensiya.

• Napakalaki ng nagging epekto ng pagsasakatuparan ng Mother


Tonque-Based Miltilingual Education (MTB-MLE) .
• Sa unang sipat ay tunay naming Mabuti ang intensiyon sa pagbuhay sa
mga unang wika ng isang pook o rehiyon at pagpapagamit sa mga
mag-aaral upang matiyak ang literasiya, ngunit laking malas
sa mga nasa tersyaryong antas sapagkat muntik sumapit ang
panahon na ang kaunting espasyo sa kolehiyo para sa pagtalakay
gamit ang wikang Filipino, ang Wikang Pambansa, ay kitlin ng
isang memorandum buhat sa Komisyon sa lalong Mataas na
Pag-aaral o Commission on Higher Education at mas kilalang
bilang CHED.

•Sa isang tula ni Propesor Arlan Camba ng PUP, dalawang tula


ang sinipi na may kaugnayan sa isyu sa muntik nang
pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Takdang-aralin:

Dagdagan Ating Kaalaman


Alamin ang kalagayang ekonomiko ng mga bansang may
maraming wika. Sa iyong palagay, may kaugnayan kaya ang
ekonomiya ng bansa sa pagkakaroon ng maraming wika. Sumulat
ng sanaysay batay sa naging resulta ng iyong pagbabasa.
Limitahan ang iyong sagot sa 100 salita lamang.

You might also like