Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of albay
Legazpi City

Banghay Aralin
ARALING PANLIPUNAN II
(with Integration on Climate Change)

I-Layunin
Panlahat:Nasusuri ang kaugnayan ng yamang tao ng mga bansa ng Asya sa pag-uunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa –

 Dami ng tao
 Komposisyon ayon sa
gulang
 Inanasahang haba ng
buhay
 Kasarian
 Bilis ng paglaki ng
populasyon

Tiyak
` 1.Naipapaliwanag ang mga dahilan at kahinaan ng lumalaking bilang ng mga
Asyano.
2. Nasusuri ang kaugnayan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa pabagu-bagong
kalagayn ng panahon.
3.Napahahalagahan ang kalusugan para sa inaasahang haba ng buhay.

II- Nilalaman
A. Paksa: YAMANG TAO SA ASYA
B. Kasanayan: Pagsusuri ng kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng asya sa
pagpaunlad ng kabuhayan at lipunan.
C. Sangguniang: PSSLC I-B 1.11,Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pp 88-104
D. konsepto: kaunlaran,populasyon,kalusugan,yamang-tao,
E. Kagamitan : Talahanayan 7.3, 7.4, 7.5, 7.6, 7.7
Kaugnay na larawan na nagpapakita ng maraming tao, mga bata at
matanda, lalaki at babae.

III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Dril: Kopyahin ang discussion web sa inyong kwaderno. Sa pamamagitan nito
talakayin ang antas ng teknolohiya sa Asya.

Lunsaran:
Idikit sa pisara ang mga kaugnay na larawan na nagpapakita ng maraming
tao, bata at matanda lalaki at babae. Hayaan ang mga mag-aaral na
makapagbigay ng reaksyon sa mga nakapaskil na larawan.

B. Paglinang ng Aralin
1. Ipaskil sa pisara ang talahanayan 7.3 – 7.7 na tumutulong sa distribusyon ng bata
at matanda, kalalakihan at kababaihan, death rate, birth rate at life
expectancy.
2. Hatiin ang klase sa 5 pangkat.Bawat pangkat ay gagawa ng grap batay sa inaatas
na talahanayan. Ang napiling lider ang mag-uulat sa klase.
Pangkat 1- Talahanayan 7.3 – Bar Grap
Pangkat 2- Talahanayan 7.4 – Pie Grap
Pangkat 3- Talahanayan 7.5 – Line Grap
Pangkat 4- Talahanayan 7.6 – LineGrap
Pangkat 5- Talahanayan 7.7 – Line Grap
3. Batay sa ginawang grap, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Anong mga bansa ang may mataas at mababang birth rate? May
kaugnayan ba dito ang kalagayan ng klima natin sa ngayon?
b. Paano naaapektuhan ng pabagu-bagong kalagayan ng panahon ang life
expentancy ng mga tao?
c. Ano ang kahalagahan ng kalusugan para mabatid ang birth rate, death rate
at life expectancy ng mga Asyano?
d. Ano ang mga dahilan at epekto ng lumalaking bilang ng populasyon sa
Asya?

C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat: Ano ang epekto ng mabilis na pagdami ng populasyon sa mabilis na
pag-init ng mundo?
Pagpapahalaga:
Bakit mahalagang pangalagaan ng lumalaking populasyon ng Asya ang
kanilang kalusugan?

Paglalapat: Paano natin mapipigilan ang masamang epekto ng lumalaking bilang ng


populasyon sa patuloy na pag-init ng mundo?

IV- Ebalwasyon
Ibigay ang hinihinging kasagutan:
_________1. Pagtataya ng bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa.
_________2. Bilang o dami ng tao sa isang lugar.
_________3. Bilang ng sanggol na ipinanganganak sa bawat 1,000 populasyon sa
loob ng isang taon.
_________4. Ang bahagdan ng kabuuang bilang ng namamatay sa kabuuang
populasyon sa isang particular na lugar sa loob ng isang taon.
_________5. Inaasahang haba ng buhay.

V- Takdang Aralin
1. Ano ang kaibahan ng pook urban sa pook rural?
` 2.Anong mga hakbang ang nararapat ipatupad ng pamahalaan upang mabawasan ang
paglipat ng tao mula sa pook rural patungong pook urban?
3.Bakit mahalagang salik ng kaunlaran ang migrasyon o pandarayuhan?

Sangguniang Aklat:
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pp. 97-104

Inihanda nina: MELVIN M. GOYENA GENIE C. BOLIMA Edited By:VIVIAN N. PANGAN


T-II,Anislag NHS T-II,Malabog NHS MT-I, Malabog NHS

You might also like