Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

5
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
DISTRICT OF IROSIN 1
Irosin

EPP
KWARTER 3 - GAWAING PAGKATUTO KOMPETENSI BILANG 4
Pangalan:_________________________________________
Petsa:_______________________________
Baitang/Seksyon:__________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing pang elektrisidad ay isang paghahanda upang ang
isang mag-aaral ay matutong gumawa nang maayos, magmahal at magpahalaga sa paggawa, maging
malikhain , at mapamaraan.

II. KASANAYANG PAGKATUTO MULA SA MELCs


Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing elektrisidad
EPP5IA-0C-3, MELC 2.2

III. MGA GAWAIN


A. Pagbalik-aralan Mo.
1. Ano-ano ang mga gawaing pang-industriya?

B. Pag-aralan Mo.
Bago magsimula ang ating aralin, nais kung malaman nyo kung ano ang Gawaing
elektrisidad. Ang Gawaing elektrisidad ay isa pang mahalagang lawak sa Edukasyong
Pangkabuhayan. Dito makakamit ng mga mag-aaral ang batayang kaalaman at kasanayan tungkol sa
elektrisidad, mga kaukulang pag-iingat at mga pangkaligtasang gawi upang makaiwas sa sakuna. Ito
ay gawain na ginagamitan ng elektrisidad o kuryente. Isa sa mga gawain dito ay ang paggawa ng
extension cord, simple circuit at iba pa.
Tingnan ang larawan na nasa ibaba. Ano-anong mga ginagawa ng nasa larawan ang nakikita
mo?

 Ang mga gawain na ipinapakita sa larawan ay ilan lamang sa mga kaalaman at kasanayan na
dapat matutunan bilang isang mag-aaral upang lumaki kang produktibo at kapakipakinabang

1
sa iyong sarili , pamilya at lalo’t higit ay sa pamayanan kaya dapat na iyo itong matutunan
habang bata ka pa. Ito ay mga gawaing may kinalaman sa elektrisidad.
 Ang extension cord – ay tinatawag na power extender, rop cord, o extra extension lead ay
isang haba ng nababluktot na di-kuryenteng power cable (flex) na may isang plug sa isang
dulo at isa o higit pang mga socket sa kabilang dulo.

 Ang paggawa ng extension cord ay isang kaalaman at kasanayan na dapat yung matutunan bilang
isang bata. Maaari mo itong mapakinabangan sa bahay upang di ka na bumili pa.

Ilustrasyon ng simple circuit

 Ang simple circuit ay isang kaalaman na dapat mo ring matutunan. Ito ay isang circuit na
pinagdadaanan ng daloy ng kuryente, at ang isang simpleng circuit ay naglalaman ng tatlong mga
bahagi tulad ng baterya, switch at isang bombilya.
 Ngayon namn ay dumako tayo sa mga kagamitan at kasangkapang ginagamit sa gawaing
elektrisidad.

 Electric drill- ay kasangkapang ginagamit na pambutas ng metal,


kahoy at iba pa na ginagamitan ng kuryente.

 Multitester- ito ay ginagamit upang masukat ang boltahe ng kuryente sa


produktong gagawin mo na may kinalaman sa gawaing elektrisidad.

 Test light- ito ay ginagamit upang malaman kung may daloy ng


kuryenye ang isang outlet o ang ginawa mong extension cord.

 Side Cutter- ito ay ginagamit na pamutol ng maliliit o


malalaking wires

 Combination pliers- ginagamt na panghawak o pamputol ng wires,


kable o maliliit na pako

 Long nose- ito ay ginagamit na panghawak, ikot at putol ng alambre at


wire

2
 Wire stripper- ito ay ginagamit na pambalot ng mga wire ng hindi
napuputol ang wire

 Philips Screw driver - ginagamit para luwagan o higpitan ang


turnilyo na ang dulo ay hugis krus.

Mga Materyales na Pang-elektrisidad


Pangalan Larawan Gamit
Ito ay pinaglalagyan at humahawak sa ilaw o
Lamp holder bombilya
Switch Ito ang nagsisilbing kumukuntrol upang
mapatay o mabuhay ang ilaw

Male plug Ito ang isinasaksak sa convenience outlet para


dumaloy ang kuryente
Convenience outlet Dito isinasaksak ang male plug. ito ang
pansamantalang pinagkukunan ng kuryente
para sa mga de-kuryenteng kasangkapan.

Fuse Ito ay ginagamit na pamprotekta sa di-


kuryenteng kasangkapan na kusang
pumuputok upang putulin ang daloy ng
kuryente kapag nagkakaroon ng “short circuit”
Circuit breaker Ito ay pamprotekta sa de-kuryenteng
kasangkapan na kung saan pumuputol ang
daloy ng kuryente tuwing magkakaroon ng
overload o short circuit
Junction box Dito ipinagkakabit-kabit ang mga wire. Ito rin
ang nagpoproteksyon sa mga wire

Utility box Ito ay hugis parihaba na yari sa PVC o plastic


kung saan ang mga nakabaon sa pader na
gamit gaya ng convenience outlet at switch ay
magkakabit
Flat cord Ito ay dinadaluyan ng kuryente mula sa outlet
papunta sa kasangkapan
Conduit pipes Ito ang nagpoproteksyon sa mga wire. Dito sila
pinadadaan,

Clamps Ito ang humahawak upang maayos ang


pagkakabit ng mga wire at di madaling
matanggal
Connectors Ito ay inilalagay sa dulo ng conduit para
makabit nang maayos sa junction box at utility
box

3
Electrical tape Ito ay ginagamit upang maiwasan ang
pagkakuryente. Binabalutan ang mga wires na
nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires

C. Pagsanayan Mo.
Pagsasanay 1
Ibigay ang pangalan ng sumusunod na kagamitan, kasangkapan, at materyales na
ginagamit na may kinalaman sa elektrisidad.

1. 2. 3. 4. 5.
Pagsasanay 2
1. Ano ang dalawang gawain na ginagamitan ng elektrisidad?
2. Ano ang pwedeng maging trabaho ng may alam sa gawaing
elektrisidad?

D. Tandaan Mo.
Mahalagang matutuhan ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing pang-
elektrisidad sapagkat ito ay magiging batayan sa paggawa at pagkakaroon ng
mapagkakakitaan.
E. Gawin Mo.
A. Tukuyin at ihanay ang mga sumusunod na kagamitan na ginagamit sa gawaing elektrisidad sa
kagamitan nito. Isulat ang titk ng tamang sagot.
A B
1. pambutas ng metal, kahoy at iba pa na ginagamitan a. side cutter
ng kuryente
2. pamutol ng mga wire b. screwdriver
3. ang nagpoproteksyon sa mga wire at dito sila
pinadadan c. electric drill
4. panghigpit o pangluwag ng mga turnilyo d. lamp holder
5. pinaglalagyan at humahawak sa ilaw o bombilya e. conduit pipes

V. SANGGUNIAN
Manwal ng Guro, Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, pp. 50-52
Batayang Aklat, Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, pp. 192-194

4
5

You might also like