Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NAME: _________________________________________________________________ LEVEL: ________________

ARALING PANLIPUNAN 6

I: PILIIN ANG TAMANG TITIK, ISULAT SA PATLANG ANG SAGOT.

_____1. Tingnan ang larawan sa itaas, sa anong digri matatagpuan ang Prime meridian?
A. 0° B. 30° C. 90° D. 180°
_____2. Saang bahagi ng Asya kabilang ang Pilipinas?
A. Silangan B. Kanluran C. Timog- silangan D. Hilagang-kanluran
_____3. Ano ang tawag sa maliit na modelo o replika ng mundo?
A. Globo B. Oblate spheroid C. Kontinente D. Pulo
_____4. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa malaking tipak ng mga lupain ng Asya, Aprika, Antartika, Australya, Hilagang Amerika,
Timog Amerika at Europa?
A. Isla B. Bansa C. Rehiyon D. Kontinente
_____5. Ano ang tawag sa distansya sa pagitan ng dalawang meridian?
A. Relatibong lokasyon B. Latitud C. Prime meridian D. Longhitud
_____6. Anu-ano ang dalawang uri ng panahon na nararanasan sa klimang mayroon ang Pilipinas?
A. Tagsibol at tag-init C. Tag-ulan at tag-init
B. Taglagas at tag-ulan D. Wala sa mga binanggit
_____7. Ano ang guhit na pahalang na humahati sa globo sa hilaga at timog hatingglobo?
A. Latitud B. Longhitud C. Ekwador D. Prime meridian
_____8. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na representasyong grapikal ng lahat ng bahagi ng mundo sa isang patag na ibabaw?
A. Meridian B. Mapa C. Parallel D. Ekwador
_____9. Anong mga direksyon ang ginagamit sa paghahanap ng longhitud?
A. Hilaga at Timog C. Silangan at Kanluran
B. Hilaga at Silangan D. Timog at Silangan
_____10. Ano ang nabubuo kapag pinagsama ang guhit latitud at longhitud sa mapa o globo?
A. Prime meridian B. Tropiko ng Kanser C. Grid D. Ekwador

II: Gamit ang iyong mga dating kaalaman hinggil sa relatibong lokasyon o bisinal, isulat ang tamang lokasyon ng mga bansa, pulo, at
anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas. (Hilaga, Timog, Kanluran, Silangan). Isulat sa patlang ang sagot.
1. Dagat Pilipinas - _______________ 6. Thailand - _______________
2. Karagatang Pasipiko - _______________ 7. Taiwan - _______________
3. Dagat Kanlurang Pilipinas - _______________ 8. Dagat Sulu - _______________
4. Myanmar - _______________ 9. Tsina - _______________
5. Lagusan ng Bashi - _______________ 10. Indonesia - _______________

III: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____ 1. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansang nakapalibot sa Karagatang Pasipiko na naglalayong magpatupad ng mga
patakaran ng malayang kalakalan?
A. ASEAN B. UN C. APEC D. WTO
_____ 2. Ano ang samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na ang layunin ay pataasin ang ekonomiya ng rehiyon at
panatilihin ang kapayapaan sa bawat kasaping bansa?
A. ASEAN B. UN C. APEC D. WTO
_____ 3. Ano ang ibig sabihin ng ASEAN?
A. Association of Southeast African Nations
B. Association of Southeast Asian Nations
C. Association of Southeastern African Nations
D. Association of Southeastern Asian Nations
_____ 4. Bakit interesado ang Estados Unidos sa pagsuporta sa Pilipinas sa usapin ng agawan ng teritoryo sa Dagat Kanlurang
Pilipinas?
A. Kaaway ng Estados Unidos ang Tsina
B. Banta sa kapangyarihan ng Estados Unidos ang Tsina
C. May interest din ang Estados Unidos sa pinag-aagawang teritoryo
D. Nais patatagin ng Estados Unidos ang relasyon nito sa Pilipinas
_____ 5. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan?
A. Napadali ang pakikipagkalakalan
B. Naging madali ang pagpasok ng mga ibang dayuhang mananakop
C. Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungo sa ibang bansa
D. Napadali ang komunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang dako ng mundo

IV: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang.

_____1. Aling bahagi ng ating Saligang Batas isinasaad na kailangang gampanan ng mga Pilipino ang pagbabantay at pangangalaga sa
ating teritoryo?
A. Artikulo 2, Seksiyon 1 C. Artikulo 2, Seksiyon 3
B. Artikulo 2, Seksiyon 2 D. Artikulo 2, Seksiyon 4

______2. Ano ang tawag sa samahang pangheopolitika, pang-ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. APEC B. ASEAN C. UN D. WTO

_____3. Anong bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang pinag-aagawan ng bansang Tsina at Pilipinas sa kasalukuyan?
A. Dagat Sulu B. Dagat Kanlurang Pilipinas C. Dagat Celebes D. Karagatang Pasipiko

_____4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa ASEAN?


A. Pilipinas B. Thailand C. Taiwan D. Indonesia

_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sinasabing estratehiko ang lokasyon ng Pilipinas?
A. Pagbaba ng ekonmiya ng bansa C. Mainam na pagtayuan ng base military
B. Daungan ng gawaing pangkalakalan D. Nagsisilbing terminal ng pandaigdigang paliparan

_____6. Bakit itinuturing na pinakamahalagang rutang pangkalakalan ang Pilipinas?


A. angking ganda B. kanyang estratehikong lokasyon
C. maraming turistang dumarayo sa bansa D. magandang pamumuno ng mga lider

_____7. Paano nakakatulong ang APEC sa paglago ng ekonomiya ng bansa?


A. Maraming dayuhang turista ang bumibisita sa bansa
B. Maraming bansa sa Asya at Pasipiko ang malayang nakikipagkalakalan sa Pilipinas
C. Pagpasok ng mga smuggled goods sa bansa
D. Pagpataw ng mataas na buwis sa mga negosyo ng mga dayuhan

_____8. Ano ang dapat ugaliin ng mga Pilipino kaugnay sa usapin sa agawan ng teritoryo?
A. maging mapagmatyag C. matutong makipag-away
B. matutong magpaubaya D. hindi makialam

_____9. Ano ang katunayan na mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng Asya at mundo?
A. Ipinadadala rito ang kanilang mga mag-aaral upang mag-aaral ng politika
B. Binigyang pansin ng ibang mga bansa ang mga usaping kinasasangkutan ng Pilipinas
C. Dinarayo ito ng iba’t ibang bansa upang magnegosyo
D. Ipinadadala rito ang mga mag-aaral upang mag-aral ng Ingles

_____10. Ano sa iyong palagay ang pinakamabuting gawin ng Pilipinas tungkol sa usapin ng agawan ng teritoryo?
A. Humanap ng solusyon sa mapayapang paraan
B. Himukin ang Estados Unidos na makipagdigma sa Tsina
C. Huwag tangkilikin ang mga produkto ng Tsina
D. Ipaubaya na lamang sa Tsina ang mga pulo

You might also like