Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Background of Author (Sophia)

- ipinanganak noong ika-10 ng Hulyo, 1921, at lumaki sa Detroit, Michigan sa United


States, sa pangalang Henry King Ahrens.
- kursong journalism sa University of Wisconsin
- doctoral studies sa Unibersidad ng Santo Tomas
- dedikasyon sa pagsusuri ng pre-Hispanic source materials
- lumaki sa Estados Unidos, kaya mayroon siyang sariling pananaw at daan sa
pag-aaral ng Pilipinas.
- ang pananaliksik ay ginawa niya ng may bukas na isip at isang pandaigdigang
pananaw.
- naging target din siya ng political na pag-uusig o political persecution noong
Martial Law
- 240 na pamagat
- A Critical Study of the Pre-Hispanic Source Materials for the Study of Philippine
History, ang librong nagpatibay sa kaniyang reputasyon bilang kilalang awtoridad.
- Tanglaw ng Lahi award
- binigyang diin ang pre kolonyal na lipunan ng Pilipinas, mayaman na pamana ng
kultura ng mga Pilipino, masalimuot ng istrukturang panlipunan, sistemang
pang-ekonomiya at kasaysayan ng Cordilleras.
- pumanaw noong ika-4 ng Oktubre, 1993.

Sources:
https://sinaunangpanahon.com/william-henry-scott-a-renowned-historian-of-phili
ppine-history/?expand_article=1

https://sinaunangpanahon.com/william-henry-scott-a-renowned-historian-of-phili
ppine-history/?expand_article=1

Summary of Chapter (Aeriel, Sydney, Lyka)


A. CHAPTER 4 - Maragtas
Kasaysayan ng Maragtas
- Maragtas, Code of Kalantiaw, Povedano Manuscript, Pavon Manuscript ay ang mga
prehispanic source materials o mga batis bago dumating ang mga spaniards sa
ating bansa para maaral ang history ng Pilipinas ayon sa may akda.
- Ang Maragtas (History of Panay) ay isinulat ni Pedro Alcantara Monteclaro gamit
ang dalawang manuscript. Ang mga manuscript na kanyang ginamit ay mula sa
tatay ng tatay (lolo) ng isang 83 years old na teacher at iyong nakita nya sa gamit
(bamboo tube) ng sariling lolo ng manunulat.
- Pinublished ito ng Kadapig sang Banwa (Advocate of the Town) sa El Tiempo Press,
Iloilo, noong 1907
- Nakasulat to sa hiligay-non at kin-irya.
- Nagkaron ng second at third edition noong 1929 at 1957
- Ang kasaysayan ng unang mga naninirahan sa isla ng Panay, ang pagdating ng
mga Datu mula sa Borneo, ang kanilang pag-aari at paglalatag sa ating lupain, ang
kanilang pagkalat sa iba't ibang bahagi ng isla, at ang kanilang mga kaugalian at
gawi bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Nilalaman ng Maragtas

- Ang Maragtas ay binubuo ng isang introduksyon ng tagapaglathala na si Salvador


Laguda, ang " Foreword to the Readers," anim na kabanata at isang epilogo na
pinamagatang, " Author's concluding statements to his countrymen in the island of
Panay.
- Chapter 1: Ang unang bahagi ng Maragtas ay tungkol sa mga nakalap na datos
tungkol sa mismong mga naninirahan (Aetas) sa Panay
- Chapter 2: Isinalaysay ang pagdating ng sampung datus mula sa Bomeo para
takasan yung oppressive administration ni Datu Makatunaw. Dito, inilahad din na
nabili ng sampung datus ang lupa o isla ng Panay mula sa Marikudo.
- Unang Kabanata
- Hinggil sa dating mga kaugalian, kasuotan, diyalekto, pamana, organisasyon,
at iba pa, ng mga Aeta o mga Negrito sa Panay kung saan binanggit si
Marikudo, ang anak ng dating puno na si Polpulan.
- Ikalawang Kabanata
- Salaysay ng pagdating ng sampung datu mula sa Borneo, na tumakas mula
sa pang-aapi ni Datu Makatunaw, at ang kanilang pagbili ng isla ng Panay
kay Marikudo. Ang presyong napagkasunduan ay isang sombrero at
palanggana, parehas na gawa sa ginto. Humiling din ang asawa ng hepe na
Negrito na si Maniwantiwan ng abot-tuhod na kuwintas mula sa asawa ng isa
sa mga datu mula sa Borneo, kung saan bilang ang kapalit ay ang
pagbibigay ng mga katutubo ng isang takal ng mga buhay na alimasag,
isang baboy na may mahabang pangil, at isang puting usa na may mga
sungay.
- Ang mga pangalan ng mga datu:
- Si Puti, pinuno ng ekspedisyon at kamag-anak ni Makatumaw, at ang
kaniyang asawa na si Pinangpang na bumalik sa Borneo
- Si Sumakwel na inaiwan ng pamayanan sa Panay at ang kaniyang asawang
si Kapitangan, na mas kilala sa pangalang Aloyon, na kapatid ng asawa ni
Bangkaya
- Si Bangkaya at ang kaniyang asawang si Katurong, kapatid ni Kapinangan, na
nakatira sa Aklan, at ang kanilang anak na si Balingsanga na hindi
makapagbigkas ng tunog na r, na nagpapasa ng depekto sa pananalita sa
kasalukuyang tagapagsalita ng Hiligaynon sa lalawigan.
- Si Paiburong at ang kanyang asawang si Pabulanan, na ang mga manugang
ay mag-aatake, manghihimasok, at papatayin ang tiranong si Datu
Makatunaw bilang paghihiganti.
- Si Padohinog at ang kanyang asawang si Ribongsapaw
- Si Dumangsol at ang kanyang asawang si Kabiling
- Si Dumalogdog at si Lubay, parehong binata;
- at si Balensuela at si Dumangsil na nanirahan sa Taal.
- Ikatlong Kabanata
- Hinggil sa romansa nina Sumakwel, Kapinangan, at ang kanyang kabit na si
Gurung-gurung. Sa pagsumbong ng kaniyang mga alipin, si Sumakwel ay
nagtago sa silong ng bubong sa itaas ng kuwarto kung saan naroon sina
Kapinangan at Gurung-gurung at tinuhog ang lalaki flagrante delicto, habang
nasa akto, kung saan nag panghinayangan ang kaniyang asawa, "Ah, ilang
beses ko na ring sinabihan si Sumakwel na huwag iiwanan ang sibat doon sa
itaas kung saan baka ito mahulog at makasakit sa sinuman!"
- Pagkatapos ay ginupit ni Kapinangan ang katawan ni Gurung-gurung para
mailibing ito ng hiwa-hiwalay, at bilang parusa ay dinala si Kapinangan sa
dagat sa utos ni Sumakwel upang malunod. Ngunit ang naatasang mga
alipin ay iniligtas siya, at dinala siya sa isang isla kung saan, nagkataong si
Sumakwel na napunta rin doon. Doon niya nakita ang isang magandang
dalaga sa bintana ng bahay at natuklasan na siya ay si Aloyon, isang
diyosa-reyna na pinagsisilbihan ng mga lokal na Negrito, kung saan
nagpakasal sila, hindi kailanman nalalaman na ito ay kaniyang dating asawa.
- Sa kanilang pag-uwi, si Bangkagu, ang kapatid na lalaki ni Sumakwel, ay
nagligtas ng isang babae mula sa isang operasyon ng panganganak sa
pamamagitan ng masahe at pinagantimpalaan sila ng iba't ibang uri ng buto
na kanilang itinanim sa paligid ng isla.
- Ikaapat na Kabanata
- nagwakas sa kuwento ng sampung datu, na naglalarawan ng kanilang mga
politikal na kaayusan at ang kanilang paglalayag sa paligid ng isla.
- Ikalimang Kabanata
- antropolohikal na akda na naglalarawan ng wika, kalakalan, kasuotan, kaugalian,
kasal, libingan, kaugalian sa pagdadalamhati, pagsusugal ng manok, mga
pamamaraan sa pagtukoy ng oras at kalendaryo, at mga personal na katangian.
- Ikaanim na Kabanata
- naglalaman ng isang talaan ng mga opisyal na Kastila mula 1637 hanggang
1808.
- Epilogo
- naglalaman ng ilang mga petsa mula sa ika-18 na siglo mula sa Miag-ao.

B. CHAPTER 5 - Contributions of Jose E. Marco


1. Reseña histórica de la Isla de Negros
- Ang unang kontribusyon ni Jose E. Marco sa histograpiya ng ating bansa ay
ang kanyang 1912 Reseña histórica de la Isla de Negros desde los Tiempos
más remotos hasta nuestros Días, which appeared serially as a special
supplement to the Renacimiento Filipino from Ano II, Núm. 87 (21 April 1912), p.
1378-a, to Ano III, Núm. 128 (28 February 1923), p. 1104-d.
- Unang account ng Island of Negros bago iestablish ng mga Spaniards ang
kanilang mga sarili sa isla ng sugbo at samar
2. Three bark documents
- Sinend nya noong 1912 sa philippine library and museum ang tatlong
one-sheet documents na nakasulat sa lumang philippine script which is
assumed as cuttlefish ink
- Nawala ito noong kasagsagan ng battle of manila noong feb. 1945 pero
na-preserved nila yung photographic copies sa duke university’s robertson
collection of filipiniana section iii, item 35
- Sabi nya sa interview, natagpuan nya itong three bark document na
nakabalot sa wax sa bandang sungay ng wooden carved na six-legged
bull-shaped sa kweba which is Camesana, malapit sa La Castellana,
Occidental Negros
- Kahit nakasulat sa old philippine script, yung characters or letters mismo ay
maling nagamit as equivalent of the spanish alphabet
- Walang kudlit, wala rin ang letrang ng, pati ang pagkalito sa y at i, and u at w
- Pati na rin ang paggamit ng gi sa hi
- Content:
● tungkol sa shortest invocation to the bird
● Buod ng sayaw na tinatawag na “lolay”
● Yung pinakamahabang linya which is 87 lines ay tumutukoy (describes)
kung ano mga personality ng lumang Philippine Methodology
3. Informes ineditos sobre filipinas at Un Mapa Antiquisimo
- 1913, ininform nya yung annotator nya na si Manuel Artigas sa unexistence ng
isang unpublished manuscript ni Reverend Father Jose Maria Pavon (pari ng
Himamaylan, mid 19th century) para sa special third anniversary ng
Renacimiento Filipino
- Pinublished ni Artigas ang article na “Prehispanic civilization: unpublished
information about the Philippines: a calendar, written laws, at forts” —-
kasama doon is yung illustration ng calendar which is namana ng
Pangibalonan sa mga ninuno pa nila. Both calendar at datinng forts sa Negros
ay described in detail, kasama yung nasa Gagalangin na built by King
Kalantiaw na nasira ng earthquake. Yung written laws naman ay referring
doon sa sa kalantiaw in 1433.
- Noong november 21 1913, nadiskubre naman ang “An historic discovery; a most
ancient map” kung saan makikita ang isla ng Buglas (Negros)
● Marami pang natanggap ang library kay Mr. Jose E. Marco:
1. Historia de la Isla de Negros ni Encomendero Diego Lopez Povedano noong
1572 na nakasulat sa parchment o balat ng hayop
- Naglalaman ng mga old bisayan characters na ginamit at the time of
spanish discovery
2. Map of Negros (1572) by Povedano sa parchment
3. Las Antiguas Leyendas de la Isla de Negros ni Fr. Jose Maria Pavon
- First volume nito ay naglalaman ng criminal code ng mga Pilipino
4. Brujerias y los cuentos de fantasmas ni Pavon, 1837
5. Los cuentos de los indios de esta isla de Negros ni Pavon, 1838
- Naglalaman ng transcription at translation ng old bisayan document
mula pa noong 13th century
- Sobrang mahalaga
4. The Povedano 1572 Map of Negros
- Orihinal na mapa ng Negros na nilarawan sa parchment nang may 14 by 23 cm na sukat
- Tinuturing na pinakalumang mapa ng Negros
- It is a geographical map describing the voyage of Diegus Lope povedano of Buglas Island
and shores for his majesty the king and spain made on our land journey and the sea
voyage amongst them
- Sa 25 na nabanggit na lugar, amg pinakamadaling marecognize ay Illog, Himamaylan,
Binalbagan, Hinigaran, at Marayo (Pontevedra) sa nortwest coast pati general area ng
Himamaylan, Pontevedra at Bacolod
- Kita rin ang tip ng Cebu at Isla ng Siquihor at Moount Kanlaon
- May curious feature yung mapa, “leuea linea” (mile in medieval british)
5. Povedano Manuscript of 1572
- Tungkol sa La Isla de Negros o Isla ng Negros straight ethnograpy
● Naglalaman ng:
- 17 pages legends tungkol sa pinagmulan ng mundo at mga pangalan ng lokal
nating lugar
- 14 pages tungkol sa marriage of customs, relihiyon at mga kalendaryo
- 10 pages patungkol sa paglalarawan sa Bisayan Alphabet
- Reference section called “on how they worshipped their false Gods” na tinatawag na
Kabunian
- Yung pagsulat ay inconsistet at hindi tugma sa tipikal na dokumento between 1550 -
1600
- Meron ding tinatawag na Povedanoo spelling which is ginagmit ang k imbis na c and
q at ph imbis na f
- Yung transcription ni Povedano ay improbable since alphabetic yung document
hindi syllabic
- Mahirap basahin yung kalendaryo kasi magulo at dikit dikit yung mga letra
- Meron din itong mga kudlit

6. The Pavon Manuscripts of 1838-1839


7. The Povedano Manuscript of 1578
8. The Povedano Manuscript of 1577-1579
9. The Code of Kalantiaw
- Ito yung nagsisilbing “proof” na mayron na tayong batas bago pa talaga
dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas.
- Rajah/Datu Kalantiaw wrote/authorized the Code of Kalantiaw.
- One of the greatest controversies in our history. Maraming historian ang
nagsasabi na hindi talaga totoo na may “Code of Kalantiaw” pero yung
government eh in-instigate yung belief na meron nito for the sake of Filipino
Pride
- This code contains 18 articles - sa articles na ‘to stated yung 36 offenses na
punishable by 15 kinds of corporal and capital punishment
- Hindi pwedeng maduplicate yung Code of Kalantiaw dahil para sa iba
ay mahirap sya intindihin or kaya naman para sa kanila ay hindi ito
valid dahil cinocontradict ng isa’t-isa yung mga articles and most
important i-note dito eh dahil yung ibang punishment is very severe na
characterized na ito as unfilipino
- ARTICLES:
- ARTICLE I. You shall not kill, neither shall you steal, neither shall you do
harm to the aged, lest you incur the danger of death. All those who
infringe this order shall be condemned to death by being drowned in
the river, or in boiling water.
- ARTICLE II. You shall obey. Let all your debts with the headman be met
punctually. He who does not obey shall receive for the first time one
hundred lashes. If the debt is large, he shall be condemned to thrust his
hand in boiling water thrice. For the second time, he shall be beaten to
death.
- ARTICLE III. Obey you: let no one have women that are very young nor
more than he can support; nor be given to excessive lust. He who does
not comply with, obey, and observe this order shall be condemned to
swim for three hours for the first time and for the second time, to be
beaten to death with sharp thorns.
- ARTICLE IV. Observe and obey; let no one disturb the quiet of the graves.
When passing by the caves and trees where they are, give respect to
them. He who does not observe this shall be killed by ants, or beaten to
death with thorns.
- ARTICLE V. You shall obey; he who exchanges for food, let it be always
done in accordance with his word. He who does not comply, shall be
beaten for one hour, he who repeats the offense shall be exposed for
one day among ants.
- ARTICLE VI. You shall be obliged to revere sights that are held in respect,
such as those of trees of recognized worth and other sights. He who fails
to comply shall pay with one month's work in gold or in honey.
- ARTICLE VII. These shall be put to death; he who kills trees of venerable
appearance; who shoots arrows at night at old men and women; he
who enters the houses of the headmen without permission; he who kills
a shark or a streaked cayman.
- ARTICLE VIII. Slavery for a doam (a certain period of time) shall be
suffered by those who steal away the women of the headmen; by him
who keep ill-tempered dogs that bite the headmen; by him who burns
the fields of another.
- ARTICLE IX. All these shall be beaten for two days: who sing while
traveling by night; kill the Manaul; tear the documents belonging to the
headmen; are malicious liars; or who mock the dead.
- ARTICLE X. It is decreed an obligation; that every mother teach secretly
to her daughters matters pertaining to lust and prepare them for
womanhood; let not men be cruel nor punish their women when they
catch them in the act of adultery. Whoever shall disobey shall be killed
by being cut to pieces and thrown to the caymans.
- ARTICLE XI. These shall be burned: who by their strength or cunning have
mocked at and escaped punishment or who have killed young boys; or
try to steal away the women of the elders.
- ARTICLE XII. These shall be drowned: all who interfere with their superiors,
or their owners or masters; all those who abuse themselves through
their lust; those who destroy their anitos (idols) by breaking them or
throwing them down.
- ARTICLE XIII. All these shall be exposed to ants for half a day: who kill
black cats during a new moon; or steal anything from the chiefs or
agorangs, however small the object may be.
- ARTICLE XIV. These shall be made slave for life: who have beautiful
daughters and deny them to the sons of chiefs, and with bad faith hide
them away.
- ARTICLE XV. Concerning beliefs and superstitions; these shall be beaten:
who eat the diseased flesh of beasts which they hold in respect, or the
herb which they consider good, who wound or kill the young of the
Manaul, or the white monkey.
- ARTICLE XVI. The fingers shall be cut-off: of all those who break idols of
wood and clay in their alangans and temples; of those who destroy the
daggers of the tagalons, or break the drinking jars of the latter.
- ARTICLE XVII. These shall be killed: who profane sites where idols are
kept, and sites where are buried the sacred things of their diwatas and
headmen. He who performs his necessities in those places shall be
burned.
- ARTICLE XVIII. Those who do not cause these rules to be obeyed: if they
are headmen, they shall be put to death by being stoned and crushed;
and if they are agorangs they shall be placed in rivers to be eaten by
sharks and caymans.

Summary of Book (Queen, Lana, Kim)


-

In this book;
– Sa kabuuan, ito ay isang maingat na pagsusuri ng mga impormasyong mayroon tayo
(pertains to historical sources) tungkol sa mga Pilipino bago pa dumating ang mga
Espanyol para sakupin ang Pilipinas.
– He unmasked different documents including yung famous codes of Maragtas and
Kalantiaw.
(1) Maragtas - mga kaugaliang praktis ng mga mas matandang miyembro ng komunidad,
politikal na konfederasyon (idealised), at mga alamat tungkol sa mga Bornean settlers
noong 1858
(2) Kalantiaw - mga istraktura ng lipunan at mga ideya ng batas ng mga sinaunang Pilipino
– He uncovered various insights about early Filipino people (or about the indigenous
communities) social structures, religious beliefs, and other practices
– He challenged in this book yung notion na 'primitive (or uncivilized) society' ang Pilipinas
bago pa mangyari ang Spanish colonization

- Reference:
https://sinaunangpanahon.com/william-henry-scott-a-renowned-historian-of-philippine-h
istory/?expand_article=1

- Ang Code of Kalantiaw ay hango sa pangalan ng datu na si Datu Kalantiaw. Ito ay


nakasaad sa libro na “Las Antiguas Leyendes de la isla de Negros” na isinulat ni Jose E.
Marco noong 1913.
- Ito ang itinuturing batas para sa mga mamamayan bago pa man dumating ang mga
kastila.
- Ito ay naglalaman ng 18 artikulo na nagsasaad ng bawat parusa sa bawat paglabag ng
isang mamamayan sa kanilang mga batas.
- Dahil sa kakulangan ng impormasyon at datos na nagpapatunay sa mga batas na ito
napatunayan na ang Code of Kalantiaw ay peke at walang katunayan.

Relationship with present conditions (Jaysiel, Kimberly)


- Nadagdagan kaalaman natin sa mga indigenous people - kultura, mga paniniwala, at
kasaysayan, particularly the negritos. (Pagkuha nila ng pagkain ay through hunting.
Naniniwala sila sa espiritu ng mga normal na bagay tulad ng puno, bato, at mga hayop.)
- Mas naiintindihan natin ang kahalagahan ng pagppreserve ng ating kultura at mga
lumang gamit. (Dahil sa mga libro na nailathala noon, mas nabigyang linaw kung ano
ang mga tunay na nangyari. Kung hindi naitabi ng maayos ang mga libro noon ay hindi
magkakaroon ng kalinawan sa mga nangyari, at gamit lamang sa salita ang tanging
paraan upang maibahagi ang inpormasyon.)
- Naging common na apelyido sa mga tao roon ang apelyido ng ibang mga datu. (Tulad
na lamang ng Bangkaya at Padohinog na laganap sa Capiz at Iloilo.)
- Ang kodigo ng maragtas at kalantiaw ay naglalaman ng mga batas na syang
gumagabay para sa kaayusan at proteksyon ng bawat isa. Sa kasalukuyang panahon ay
mayroon rin ipinapatupad na mga batas katulad na lamang ng bawal magnakaw at
pumatay na siya ring nakasaad sa mga kodigo noon.
- Ang pangalan ng mga taon noon ay ipinangalan sa ibang lugar ngayon. Katulad na
lamang ng pangalang Aloyon na syang ipinangalan sa isang tabing ilog baryo sa pagitan
ng Hamtik at San Jose. Si Aloyon ay asawa ni Sumakwel, isa sa mga datu galing
Borneo.
- Pasalita ang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon noon kung kaya’t hirap ang mga
historian na malaman kung ano ang totoo sa hindi. Ito ay nangyayari padin
magpasahanggang ngayon tulad ng chismis kung saan ang impormasyong ibabahagi
ay nahahaluan ng sariling pananaw at kwento.

Lesson
- Sophia: Kapansin-pansin na nagbago ang mga kaugalian at gawi ng mga taong
naninirahan sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, noong nandito
ang mga Kastila, at nang makalaya. Hindi lamang sa kaugalian, pati sa wika,
kasuotan, paraan ng pakikipag-kalakalan, pagtukoy ng oras, at iba pa. Ang mga
source materials na nabanggit ay nagsilbing daan upang malaman ang nakaraang
kaganapan, at marealize na dapat pahalagahan ang ating pang-araw-araw na
buhay.
- Aeriel: Naging daan ang babasahin na Pre-hispanic Source Materials for the Study of
Philippine History ni William Scott upang mas mapagnilayan ko ang kahalagahan ng
pag-aaral ng ating nakaraan. Dahil sa pag-aaral na ginawa sa panahon bago pa
sakupin ang bansa natin, naipakita ang mga sistema, struktura, paniniwala at mga
tunay na kayang gawin ng mga Pilipino wala mang gabay ng mga dayuhan. Ngunit
hindi dapat matapos sa pagbabasa at pagaaral ng mga manuscript na
nagpapakita ng sinaunang kalagayan ang dapat bigyang pansin, panatilihin nating
maging mapanuri sa mga nababasa natin at ang mga sanggunian nito upang
ma-fact check ito. Kung wala ang librong ito, magpapatuloy ang paniniwala natin
na totoo ang Maragtas at ng Code of Kalantiaw.
- Sydney:
- Lyka: May rich history tayo na hindi pala natin alam and naging instrument or tulay
to para mas makilala yung history natin bago pa tayo sakupin ng Spaniards.
- Queen: It taught us kung gaano kayaman ang cultural heritage ng Pilipinas even before the
spanish colonization. At sa kabila ng mga contradictions and vagueness ng mga sources,
ang mga prehispanic sources ay makakatulong sa mga historians, teachers, students, and
kahit sa mga ordinaryong Pilipino upang magbigay liwanag sa kung ano talaga ang
katotohanan and even act as an inspiration para pag-aralan pa yung history natin. Pinakita
rin sa basahing ito kung gaano katatag ang ating mga ninuno at ang mga nagawa nila sa
panahong iyon na nag contribute sa kasalukuyang Pilipinas.
- Lana: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang uri ng tao bago sakupin ng mga
Espanyol. Nagkakaroon ng sari-sariling wika at kultura na nagagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Isang aral na natutunan ko ay ang dapat na
maging maingat sa mga napupulot na impormasyon. Ang pagpapatunay sa Code
of Kalintiaw ay hindi lamang upang mapatunayan na totoo ito, kung hindi ito ang
nagpapatunay na tayo ay may sariling sistema at sibilisasyon kung saan kinakaya
nating mamahala bago pa man tayo 'tulungan' ng mga Espanyol.
- Kim: Isa marahil sa napulot ko na aral mula sa kabanatang ito ay may mabuti ring
epekto ang pagkakapatunay na huwad o peke and Maragtas at Code of Kalantiaw.
Ang nais ko lamang ipahatid sa pahayag ko na ito ay, mas mainam na
napatunayang huwad ang Maragtas at Code of Kalantiaw kaysa naman sa
mabuhay tayong naniniwala sa isang kasinungalingan.
- Jaysiel: Maging maingat sa mga inpormasyong kumakalat kung saan-saan.
Paniguruhin na credible ang source ng mga inpormasyon upang maiwasan ang
paglaganap ng maling balita. Hangga’t maari ay huwag bumase lamang sa mga
sinasabi ng iba kung hindi ay humanap ng maayos at siguradong pinagkukuhanan
ng inpormasyon.
- Kimberly: Ang kasaysayan ng maragtas at kalantiaw ay naging daan upang mas
makilala natin ang ating sarili at pinagmulan. Nakatulong din ito upang mas
maintindihan natin kung bakit at paano nangyayari ang mga kasalukuyang
kaganapan na ating nararanasan ngayon. Sa tulong ng kasaysayan,
napagkukumpara natin ang ating pamumuhay noon at ngayon na syang
nakakatulong upang masabi natin kung may pag-unlad bang naganap o wala.

You might also like