IMS

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Ang Mapagbigay na si

Marga
Isang hapon nang pauwi na si Marga ay may nakita siyang isang
matandang babae na nakaupo sa gilid ng daan. “Magandang hapon po!
Saan po kayo galing at mukhang pagod na pagod kayo?” ani ni Marga.
“Binebenta ko kasi ang mga naani kong mga prutas kahapon, para may
pambili ako ng bigas ngayon.” Sagot ng matanda.

Nakaramdam ng awa si Marga para sa matanda. Binigyan niya


ito ng tubig na maiinom at tinapay na makakain ng matanda.
“Lola sa’iyo na lang po ito. tanggapin niyo po para makakain na po kayo.
” sabi ni Marga.

Naku! Maraming salamat hija! Napakabait mo naman.
Kaawaan ka ng Diyos!” ani ng matanda. “Walang anuman po! Sige
po, mauuna na po ako. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi!” sagot ni
Marga.

Pagkatapos, umuwi ng may ngiti sa labi at magaang puso si Marga


sa kaniyang nagawang pagtulong. Ugaliing tumulong sa mga
nangangailangan at ibahagi ang ating mga biyayang natanggap.
Si Juan Tamad

Si Juan ay nag-iisang anak lamang. Gawain niya ang lagging


matulog, kumain, at maglaro. Kaya niyang walang ginagawa sa isang
araw dahil ayaw na ayaw niya ang mga gawaing bahay. Isang araw nang
maging abala ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo ay
inutusan si Juan na maghugas ng plato.

“Juan! Pwede bang itigil mo muna ang paglalaro at unahin mo ang


paghuhugas ng plato?”

“Mama, malayo pa ang oras ng tanghalian. Pwede naman yang


gawin pagkatapos mo diyan.”

Iyan ang naging sagot ni Juan sa kanyang ina kaya mas lalo itong
nagalit sa kanya. Hindi na natis ni Juan ang mga pinagsasabi ng
kanyang ina tungkol sa kanyang katamaran kaya umakyat siya sa
kanyang kwarto para matulog at makaiwas sa mga gawaing bahay.
MGA TANONG:

1. Salungguhitan sa teksto gamit ang blue marker ang


tauhan sa kuwento.
Sagot: Juan

2. Bilugan sa teksto ang ginagawa ni Juan sa isang araw.


Sagot: Matulog, Kumain, at Maglaro

3. Ilagay sa kahon ang katangian ni Juan.

Sagot: Tamad

4. Lagyan ng bituin ang salitang kulang sa


pangungusap.
“Mama, malayo pa ang oras ng tanghalian. Pwede
naman yang gawin pagkatapos mo diyan.”
Iyan ang naging sagot ni Juan sa kanyang ina kaya
mas lalo itong ___ sa kanya.
Sagot: Nagalit

5. Salungguhitan sa teksto gamit ang black na marker sa


kung ano ang ayaw na ayaw na ginagawa ni Juan.
Sagot: Gawaing Bahay
MGA TANONG:

1. Salungguhitan sa teksto gamit ang blue marker ang


mga tauhan sa kuwento.
Sagot: Marga , Matandang Babae

2. Bilugan kung saan nangyari ang kuwento.


Sagot: Sa daan

3. Ilagay sa loob ng kahon ang katangian ni Marga.


Sagot: Mapagbigay.

4. Lagyan ng bituin ang lugar kung saan papunta si


Marga.
Sagot: Pauwi

5. Salungguhitan sa teksto gamit ang black na marker


kung ano ang binigay ni Marga sa matandang babae.
Sagot: Supot na mayroong laman na tinapay.

You might also like