Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: Nenia Crisostomo Kurso/Taon/Seksyon:BSCE II-4 Petsa: Ika-27 ng Setyembre,2020

Gawain 1.3 Ang Baybayin/Badlit at Klasipikasyon ng Wika sa Pilipinas

1. Bakit mahalagang matutunan ang sistema ng pagsulat ng ating bansa?


- Batay sa aking pananaw,mahalaga na matutunan ito upang mas
maunawaan natin ang kasaysayan kahapon , malaman natin ang
koneksyon nito sa buhay atin ngayon at mabigyan ng kahalagahan
sa hinaharap.

2. Maglahad ng kaugnayan hinggil sa pagsasalita at sistema ng pagsulat ng


ating bansa.
- Batay sa aking murang pag-iisip, ang ating pagsasalita at
pagsusulat ay direktong proporsyonal sa isa’t isa.Maaring hango
ang mga titik ng pagsusulat sa ating mga salita o nakikita sa
paligid.

3. Maraming pulo sa Pilipinas na may iba’t ibang paraan ng pagsulat, bakit


walang hinirang bilang pambansang sistema ng pagsulat?
- Sa tingin ko, walang hinirang na pambansang sistema sa pagsulat
dito sa Plipinas sa dinami-dami ng pagpipilian dahil ang
kahulugan ng paghirang nito ay ang pagsanay din sa mga
pagsasalita gamit ang sistemang ito. Sa kasalukuyan, nakikita ko
na alpabitong Englis ang ginagamit natin dahil ito ay unibersal at
upang makasabay tayo sa global na aspeto ng pagsusulat at
pagsasalita nang hindi tayo mapagiwanan.
1. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto.
Nailahad ang kasaysayan ng ating pagsulat at ang pagkakaiba nito ng
gamit sa iba’t ibang bahagi ng bansang Pilipinas. Bakit kailangan nating
pag-aralan ang paraan nito kahit ito ay nasabi na bahagi nalang ng
kasaysayan at kailangan nang kalimutan ?
- Isang malaking pagkakamali ang kalimutan ang nangyari sa
nakaraan sapagka’t ito ang ugat ng kasalukuyan at bahagi na ng
ating pagka-Pilipino. Marami sa atin ang hindi pa alam kung ano
ang ating kasaysayan kaya mainam lang na balikan natin at
unawain ang kahalagahan nito. Maaring ito ay dumaan pa sa
digmaan at pilit inilaban ng ating mga ninuno.Mainam lang na
bigyan din natin ito ng hangad. Ano ba ang saysay ng pagka-
Pilipino kung wala kang malay sa iyong pagkakakilanlan?

2. Mapapansin na sa kasalukuyang panahon ay maraming kabataan at


edukador ang nagsasanay sa pagsulat ng Badlit at Baybayin na siyang
sinaunang paraan ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino. Bilang isang
Pilipino na may pusong matapat sa bansa, ano ang reaksiyon na
maibabahagi mo sa konsepto o hakbang na ito?
- Humahanga ako sa kapwa ko na hindi tinalikuran ang isang
bahagi na ng ating kasaysayan at sa halip ay binigyang-buhay uli
ito.Mas mainam din kung gawin itong parte ng ating kurikulum sa
sekondarya kaysa sa pag-aaral ng ibang wikang dayuhan. Dapat
hindi natin kakalimutan na tatak ito ng ating pagka-
Pilipino .Mabuti lang na sanayin natin ulit ito nang maipagmalaki
natin ang pagkamalikhain ng dugong Pilipino.Huwag natin
hayaang manatili ito sa kahapon kung pwedi naman na maging
parte ito ng ngayon.
Takdang Gawain

Ilista ang mga (5) salita sa inyong lugar na sa tingin mo ay may sariling
katawagan ayon sa kultura.

Lugar Salita Kahulugan sa Filipino


Siyudad ng Bogo , 1.Sangpit Seremonya na
Hilagang parte ng ginagawa kung lilipat
probinsya ng Cebu sa bagong bahay
upang lumayas ang
mga masasamang
espirito
2. Uray Pagbubuntis dahil
ginalaw ng engkanto
ang damit-panloob
na pinatuyo sa labas
lagpas ng dapit-hapon
3.Habak Anting-anting panangga
sa mga masasamang
element sa
lupa;panlaban din sa
lason ng pagkain
4.Urimos Pagdadasal sa mga
hindi nakikita at
nakikitang bagay
5.Talirungan Sakit na galing sa
diwata at pinapasa sa
tao na kasabay niyang
pinanganak

You might also like