Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon sa Akademikong

Filipino

Ika- 9 ng Linggo
Departamento ng Filipino

Pangalan: Crisostomo,Nenia C. Kurso/Taon/Seksyon: BSCE II-4 Petsa: Ika-17 ng Oktobre 2020

Gawain 9: PAGSULAT- Kahulugan at Uri ng Sulatin

PAGHAHANDA

Sa ibaba ay makikita ang isang grapiko na naglalahad ng Akademikong Sulatin. Mauuri mo ba at


mabigyan ng kahulugan ang bawat isa? Subukan natin!

Impormatibo

Pantay ng
paglahad ng
ideya

Akademikong
Sulatin Intelektuwal

Maaring
Siyentipiko

Makatotohanan
PAGSASANAY

Magsanay Tayo!

Instruksyon: Suriing mabuti ang mga sumusunod na paksa. Sabihin kung ang mga ito ay
ang prosesong nagbibigay impormasyon o panuto, sa pagsasagawa ng isang bagay.
Pagkatapos, pumili ng isang paksa at sumulat ng talata ukol dito. Gumamit ng malinis na
papel dito.

1. Paano ang pagkompuni ng computer? - Nagbibigay Impormasyon

2. Paano niluluto ang sinigang na isda? - Panuto

3. Paano magkulorete sa mukha? - Panuto

4. Paano gagawin ang pagtatahi ng blusa? - Panuto

5. Paano ang pagsusulat ng pamanahong papel? – Nagbibigay Impormasyon


PAGGANAP/PERFORMANS

Gawain 1: Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod. Pumili ng isang (1) paksa at sumulat
ng talatang gumagamit ng isang kritikal na pagsulat ng Sanaysay. Magbigay ng sariling
pamagat para sa iyong Talata.

Hanggang Saan Aabut ang Emosyon mo?


( para sa may depresyon at suicidal na tao)

Lingid sa ating kaalaman ang nangyayari ngayon sa ating paligid na maraming


kabataan ang kumitil ng kanilang buhay. Nakakaalarma ito sapagka’t sa murang edad
ay nakakapag-isip na ng ganitong problema sa solusyon ng problema. Ano nga ba ang
nag-udyok sa kanila at paano natin sila matutulungan?

Ang pagkakamatay ay isang paraan upang matakasan ang mga problema dulot ng
depresyon - isang uri ng mental illness na kung hindi malabanan ay pweding ika-peligro
ng buhay ng isang tao. Marami ng salik na nakakaapekto ng depresyon at ito ay umiikot
lamang sa emosyon natin. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, nasa 3
milyong Pilipino ang nakakaranas ng depresyon. Noong 2012, nakapagtala ng WHO ng
dalawang-libo na kaso ng depresyon sa bansa . Sa buong mundo,ang suicide ang
naitalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga nasa edad
15-19 taong gulang. Ngunit nito lang buwan ng Oktobre sa Pilipinas,pumutok ang
balitang may isang 11-anyos na batang babae ang nagpapakamatay dahil umano sa
bagong paraan ng pag-aaral ngayon. Ayon kay Dr. Shiela Marie Hocson ,director ng
Guidance and Counseling ng Far Eastern University,isang seryosong usapin ang
pagpapakamatay ngunit hindi ito gaanong nabibigyan ng pansin ngayon.

Iba’t iba ang maaring dahilan ng depresyon.Maaring problema sa pag-


ibig,trabaho,pera,bullying ,pamilya,araw-araw na pinagdaraanan ,mababang grado sa
akademika at iba pang salik nito. Nakakalungkot na ang iba ay parang isang normal
na usapin lang ang depresyon. Hindi naman natin ito masisisi sa tao dahil iba’t iba tayo ng
pananaw at pagdala sa ating emosyon. Maswerte ka kung ikaw ay may matatag na
emosyon at may kakayahang gawing positibo ang negatibong nangyayari sa araw-araw
ngunit iba-iba din ang nararanasan natin. May payo naman ang DOH para maiwasan ang
depresyon tulad ng pag-ehersisyo. Nakakatulong ang ehersisyo dahil nailalabas nito ang
endorphins o “joy hormones” sa ating katawa na nakakatanggal ng stress. Makakatulong
din ang pakikipag-usap sa ibang ato dahil dito mas makakahanap ng taong susuporta sa
iyong laban sa depresyon. Ang huling opsyon ay ang paglapit sa isang eksperto sa
larangan ng saykolohiya dahil mas may alam sila kung papaano labanan ito.

Ang depresyon at pagkakamatay ay isang laban na pwedi nating pagtulungan.


Kung ikaw ay nasa estadong ito,maari kang lumapit sa mga taong mapagkakatiwalaan at
sabihin ang iyong hinanaing at mga problema sa buhay. Huwag din tayong
magdalawang-isip na tumulong sa mga taong nakikipaglaban sa ganitong problema.
Magsilbi sana tayong liwanag sa dilim ,salbahin ang buhay at manghawa ng positibong
sigasig.

TAKDANG GAWAIN

Kanser ng Lipunan

Ang Pilipinas ay tinaguriang Perlas ng Silanganan dahil umano sa angking


kasaganaan nito sa likas na yaman. Hindi naman ito maitatanggi dahil makikita naman
natin ang kagandahan ng ating paligid ngunit bakit kaya lubog parin tayo sa kahirapan?
Hindi talaga mairaos sa kahirapan ang isang bayan na pinamumunuan ng isang
buwayang may kanser. Ang buwayang ito malabo ng gumaling dahil nakaugat na ang
karamdaman nito. Kaya kung natatakot tayo sa mga taong may tattoo,mas nakakatakot
pala ang mga taong naka-tuksedo dahil sila ang tunay na kanser sa lipunan.

You might also like