Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Komunikasyon sa Akademikong

Filipino

Ika- 7 ng Linggo
Departamento ng Filipino

Pangalan: ________________________________
Kurso/Taon/Sekyson: _____________________
Materyales: Computer, laptop, printer,at iba
Paksa: PAKIKINIG: KAHULUGAN, PROSESO AT KAHALAGAHAN pa
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto: Sanggunian
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: 1. Bernales, R. A., et al (n.d.). Malayang
1. nakapagbabahagi ng kaalaman sa pagtatamo ng Komunikasyon sa Lokal at Global na Konteksto.
kasanayan sa pakikinig Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
2. nakapagsusulat ng isang reaksyong papel kaugnay 2. Arrogante, J.A. (2012). RETORIKA: Masining
sa isang papakinggang awitin/talumpati/balita. na Pagpapahayag. National Bookstore.

Panimula
Lahat ay sasang-ayon sa katotohanang malaki ang maitutulong ng pakinig sa buhay ng tao. Sa
pamamagitan ng pakikinig ay nadaragdagan ang ating kaalaman na magagamit at makatutulong nang malaki sa
ating pag-aaral, gawain at pamumuhay sa araw-araw. Nagiging daan din ito upang mauunawaan ang damdamin
at kaisipan ng isang tao upang mabigyang-katwiran ang kanyang mga gawi, kilos at paniniwala. Ang mabuting
kasanayan sa pakikinig ay itinuturo at hindi nakukuha lamang.
Sapagkat mahalaga sa mabilisang pagkatuto, sa pagpapanayam ng pansariling buhay at sa pakikilahok sa
mgapangyayaring panlipunan at pansibiko sa makabagong panahon, kailangang linangin ang kasanayang ito.

Paghahanda
1. Sa palagay ninyo, paano nakapagsalita ang isang tao?
2. Magkakaroon ng talakayan sa magiging sagot ng mga estudyante.

Paglalahad
Ang kahulugan ng pakikinig ay ang pag-uunawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan.
Nangangahulugan ito ng pagdinig nang may layunin – ang pag-uunawa sa kahulugan ng mga salita at
pangungusap na naririnig. Ito ay hindi pasibo kundi aktibong paraan ng pagtanggap at pagbuo ng mensahe mula
sa pinanggalingang tunog. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napakinggan.
Ipinoproseso ng isipan ng tao ang mga bagay na kanyang napakinggan
hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.
Bagamat magkaugnay ang pagdinig (hearing) at pakikinig (listening) ito ay may pagkakaiba. Sa level na
pisikal ang pagdinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na bumubuo sa isang salita.
Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pag iisip na may layuning unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na
pinakikinggan ang pakikinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang
pagdinig.
Ang Proseso ng Pakikinig
Sinabi ni Kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa
tatlong magkakasunod na hakbangin:
jeom |GECKAF – Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1
1. Pagdinig – tumutukoy sa pagtanggap ng tunog (salita, parirala o pangungusap) na nagdadala
ng mensahe.
2. Atensyon – sa puntong ito, hindi sa lahat ng tunog (salita) nakafokus ang ating atensyon sa
halip pinipili natin ang mga mahahalagang katotohanan o ideya na bumubuo sa mensahe o
paksang tinatalakay. Ito ay tinatawag ni Kline (2006) na selektibong atensyon.
Ito rin ay tinatawag na rekognisyon na pagkilala sa tunog.
3. Pag-unawa/Pagbibigay Kahulugan – ang pinakahuli subalit pinakamahalagang proseso ng
pakikinig.
Mga Uri ng Pakikinig
1. Pakikinig na May Layunin (Purposeful Listening)
- nangangailangan ng layunin at kamalayan sa layunin ng guro at mga mag-aaral.
2. Wastong Pakikinig (Accurate Listening)
3. Mapanuring Pakikinig (Critical Listening)
- kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, evalwativ at apresyativ.
4. Pakikinig Upang Maaliw (Appreciation)
- Ito ang pinakamadaling uri ng pakikinig dahil hindi ito nangangailangan ng masusing atensyon.

Pagsasanay
Tipo ng Pasulit: PAGPILI
Panuto: Bilugan ang titik na tutugon sa wastong sagot ng mga pahayag.
1. Uri ng pakikinig na may layuning makasagot sa tanong.
a. Wastong Pakikinig c. Pakikinig na may Layunin
b. Mapanuring Pakikinig d. Pakikinig Upang Maaliw
2. Pampakondisyon lamang kaya’y pampalipas-oras na nakagawiang pakikinig.
a. Wastong Pakikinig c. Pakikinig na may Layunin
b. Mapanuring Pakikinig d. Pakikinig Upang Maaliw
3. Pakikinig upang magkaroon ng kakayahang tukuyin ang mga mahahalaga at hindi
mahahalagang detalye.
a. Wastong Pakikinig c. Pakikinig na may Layunin
b. Mapanuring Pakikinig d. Pakikinig Upang Maaliw
4. Pakikinig upang makasunod sa daloy ng talakayan.
a. Wastong Pakikinig c. Pakikinig na may Layunin
c. Mapanuring Pakikinig d. Pakikinig Upang Maaliw
5. Ipaliwanag kung bakit sinabi ni Kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso.

___________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_______________________

jeom |GECKAF – Komunikasyon sa Akademikong Filipino 2


Pagganap/Performans

Tipo ng Pasulit: Reaksyong Papel


Panuto: Pakinggan ang balita sa video. Gumawa ng isang reaksyong papel batay sa rubriks sa
Ibaba at alalahanin ang bahagi ng teksto ang: Simula, Gitna at Wakas.

https://news.abs-cbn.com/video/news/04/16/20/pinatagal-na-lockdown-makasasama-rin-sa-kalusugan-
public-health-expert

Takdang Gawain

Ipapasa ang ginawang Reaksyong papel sa class work sa takdang oras.

jeom |GECKAF – Komunikasyon sa Akademikong Filipino 3

You might also like