Week 12 Rehiyunal Na Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon sa Akademikong

Filipino

Ika-12 ng Linggo

Departamento ng Filipino
Pangalan: ________________________________
Kurso/Taon/Sekyson: _____________________

YUNIT III: Wikang Rehiyunal ng Pilipinas

Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang:


1.

Materyales Computer, laptop, printer,at iba pa

Sanggunian Ang Mga Wika ng Pilipinas

STEFFI MARI SANCHEZ AND JOHN REINER ANTIQUERRA August 25, 2017 | 12:00:00 PM

https://pcij.org/data/164/ang-mga-wika-ng-pilipinas

Panimula

“ANG TINATAWAG na ‘mga wika ng Filipinas’ ay ang iba’t ibang wikang katutubo na sinasalita sa
buong kapuluan. Hindi tiyak ang bilang ng mga ito, ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170.
Itinuturing ang bawat isa na wika (language sa Ingles) dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang
tagapagsalita nitó na may magkaibang katutubong wika…”
Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na kinamulatan ng isang tao na
ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang katutubo ang mga
pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Ito rin ang
tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya.

Paghahanda

Maglista ng mga salita na tingin mo ay iyong ginagamit noong ikaw ay marunong ng magsalita.

____________________________________________________________________________________

Alam mo ba? Ang nakasaad sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d) Philippine


languages—refer to the indigenous languages of the Philippines
including the national language and the regional and local languages.”
Ibinibilang ng batas sa “mga katutubong wika” (indigenous languages)
ang Wikang Pambansa (the national language).
Paglalahad

(PCIJ Note: Teksto halaw sa “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa (Frequently Asked Questions
on the National Language)” na akda ni Virgilio S. Almario* at Salin sa Ingles ni Marne L. Kilates; at
impormasyon mula sa Census of Population and Housing, Philippine Statistics Authority, at Komisyon sa
Wikang Filipino.)
MGA DIYALEKTO
“Bawat isa sa mga wika ay may mga sanga at tinatawag na mga diyalekto na maaaring magkaiba sa isa’t
isa sa ilang katangian. Ngunit nagkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita na may magkaibang
diyalekto…”

WIKANG KATUTUBO
“Dapat tandaan, ang itinuturing na ‘wikang katutubo’ ay alinman sa mga wika na sinúso ng isang tao na
ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Filipinas. Kabílang sa wikang katutubo ang pangunahing
gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Kahit maraming nagsasalita
ngayong mamamayan ng Filipinas ay hindi maituturing na wikang katutubo ang Tsino o kahit ang Ingles.”
MGA PANGUNAHING WIKA NG PILIPINAS
“Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon,
Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte). Malimit ding tawagin ang mga ito
na wikang rehiyonal. May pagkakataóng isinasáma sa pangkat ang Mëranaw, Tausug, at Magindanaw.
Ang karaniwang katwiran sa “pangunahing wika” ay dahil (1) may malaking bílang ito ng tagapagsalita,
karaniwang umaabot sa isang milyon ang tagapagsalita, o (2) may mahalagang tungkulin ito sa bansa
bílang wika ng pagtuturo, bílang wikang opisyal, o bílang wikang pambansa.”

* Si Virgilio Almario, mas kilala sa taguring “Rio Alma”, ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa
Literatura (National Artist for Literature), makata, literary historian, kritiko, at tagapagsalin ng mga tula,
dula at nobela, lalo na ng mga akda ni Jose Rizal. Siya nagayon ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang
Filipino.

Pagsasanay

1. kung ang itinuturing na unang wika (first language) ay ang kinamulatang wika ng isang tao sa kanyang
pamayanan_________________________ (anong unang wika mo?).

Ano naman sa palagay mo ang maituturing na ikalawang wika (second language)? Magbigay ng
halimbawa.

Pagganap/Performans

Ilista ang mga nakalap na salita mula sa inyung lugar na may kinalaman sa rehiyunal na wika.
Halimbawa: ang tawag ng pagatanim sa tagalog ay nagtatanim, habang sa Cebu ay nagtanom

Maaaring ilista ang mga salitang meron kayo sa inyung lugar kagaya ng espisipikong gawi:
a. pagluluto ng barbeque: saging, inihaw na mga lamang loob at iba pa

b. pagsasaka ng … d. pananahi at iba pang katulad meron


c. pangingisda.. kayo sa bawat lugar ninyo
e. pagmamaniko g. online modyuls
f. trabahong wfh h. at iba pa

Takdang Gawain

Same format sa ginawang unang pagsasaliksik ng mga katawagan sa material at di’ material na
kultura, ipasa sa classwork ang inyung mga sagot by pair ang gawaing ito nasa performans

You might also like