I. Pamagat NG Akda

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri ng Maikling Kwento/Dula/Nobela/Pelikula

Mga Bahagi:

I. Pamagat ng Akda

Anghel

II. May-Akda o Awtor

Noel De Leon

III. Mga Tauhan

- Salvador Catacutan (Badong) – isang basagulero

- Tikboy- ang alalay ni Badong

- Goryong Gwapo – mahigpit na kaaway ni Badong sa kanilang lugar

- Chelo - ang babaeng bumago sa buhay ni Badong

IV. Buod ng Akda

.- Si Salvador Catacutan o mas kilala na “Badong Buldozer” , isang ulilla sa ina at ang ama naman ay
pinabayaan na siya. Kasama niya sa buhay ay si Tikboy na hinahangan siya a mga diskarte sa
buhay.Sa kabilang Barangay ang mahigpit niyang karibal sa teritoryo at si “Goryong Gwapo.
Hanggang dumating sa buhay ni Badong ang isang anghel na si “Chelo” siya ang magbabago sa buhay
niya. Isang araw ay nasagasaan siya at sa tulong ni Chelo ay naipagamot siya . Tinulungan rin siya ng
doktor na magbago . Bumalik siya ng bayan nila, malaki na ang nagbago. Si Goryong Gwapo na ang
naghahari sa teritoryo nito, kasama si Tikboy. Kaya hinamon niya ito at nasaksak ni Goryo si Badong .

V. Paksa: (Anong mga usaping panlipunan)

Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama rito ang pagkalat ng
illegal na mga gawain at mga taong nasisira ang buhay dahil sa mga gawaing ito.

VI. Pagsusuri

 Mga Teoryang Kinasasaligan ng Akda


- Teoryang Sosyolohikal
-Teoryang Moralistiko
- Teoryang Realismo

 Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip
-tumatak sa isip ng mga mambabasa na gaano man kahirap ang buhay hindi susi ang paggawa ng
masama para lutasin ang mga paghihirap mo.

Bisa sa Damdamin

- Ang mga mambabasa ay naka ramdam ng Galit at Inis dahil sa paggawa ng masasamang bagay ni
Badong

- Nakaramdan din ang mga mambabasa ng awa at paghihinayang dahil kung kaylan magbabago na si
Badong ay saka pa siya binawian ng buhay.

Bisa sa Kaasalan

Ang tinataglay na Kaasalan ng mambabasa sa Akdang ito ay maaaring mapanghusga dahil sa


paggawa ng masama ni Badong tulad ng pagnanakaw para mabuhay.

- Sila din ang naging maawain dahil sa kinagisnang buhay ni Badong

- Itinuro ng Akdang ito na magpasalamat kung ano ang meron ka sa buhay dahil ang iba ay
gumagawa na ng masasamang bagay para lang mabuhay.

VII. Mensahe ng Akda

Paksa

- Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga kahirapan ng atin bansa. Ang mga tao na gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot at ang pagbabago ng isang tao upang maitama na niya ang kanyang
pagkakamali.

VIII. Sangunian o Source

OoCities.org

Ipinasa nina:

Ruiz, Rochelle B.

Bugawan, Angel Ann M.

You might also like