Banghay Aralin Sa Filipino V 4th Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Sagnay District
BONGALON ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino V


COT-4Th Quarter-4A’s Method
June 21, 2021
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan teksto..
B. Pamantayan sa Pagganap
Nkagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isyu o
binasang paksa.
C. Tatas
 Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto.
 Naipahahayagag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin,
bilis, antala at intonasyon.
 Nababasa ang usapan, talata, kwento ng may tamang diin, tono, bilis, antala, at
ekspresyon.

Layunin:
Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang dayagram, grap,tsart at
mapa.( F5PB-IV-j-20)
I. Paksang Aralin: Ibat-ibang uri ng grap.
Batayan: Filipino, yaman ng lahing kayumanggi 5 pp. 376-379. Argado, Patricia Jo C., et al,
Alab Filipino, Batayang Aklat sa Filipino 5, pahina 234

II. Mga Gawain sa Pagkatuto.


a. Balik Aral
Ano ang sugnay?

Ano ang parirala?

b. Pagganyak
Itanong:
Sino sa inyo ang may pera sa bangko?
Sino ang naghuhulog sa alkansya?
Gusto nyo bang marinig ang isang kwento tungkol sa “Ang Susi sa Pag-unlad”?
Pagpapakita ng larawan ng manukan, magtanong.

A. (Activity) Paunang Gawain:


Pangkatang Gawain
Panuto: Ilista ang kabuuang bilang ng mga Itlog sa Bawat Linggo at sagutin ang mga tanong.

Pangalan Bilang ng Unang Pangalawang Ikatlong Ikaapat na Kabuuan


ng Bata Alaga Linggo Linggo Linggo Linggo
Carlos 10 32 42 33 34

Cristine 10 28 37 32 35

Ricardo 10 36 40 41 45

Ilan ang kabuuang bilang ng itlog ng magkakapatid?

Pag-aralan ang tsart ‘

a. Ilan ang alaga ng bawat bata?


____________________________________________________________________
b. Sino ang pinakamaraming naaning itlog noong unang lingo? Pangalawang liggo? Ikatlong lingo?
Ikaapat na lingo?
____________________________________________________________________
c. Sino ang may pinakamaraming naaning itlog sa loob ng isang buwan?
____________________________________________________________________
d. Paano mapaparami ni Cristine ang itlog na kaniyang maaani?
____________________________________________________________________
e. Ilang itlog lahat nang naani ng tatlong bata?
____________________________________________________________________
f. Anong paglalahat ang naibibigay mo ukol sa impormasyong inilalahad sa tsart.
____________________________________________________________________
B. (Analysis) Pagsusuri

Pagkukwento:’ “Ang Susi sa Pag-unlad.”

Bata pa ang mga anak ni Ginoong Aramil ay mulat na sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Dahil
ito sa kaisipagan ng kanilang magulang. Lagging tumutulong ang magkakapatid sa manukan ng
kanilang ama.
Marami na rin silang alagang inahin. Araw-araw, nakikita nila ang paggawa ng kanilang ama
paglabas nito sa trabahong pinapasukan. Paglinis, pagpapatuka, at pagkuha ng mga itlog ang
ginagawa ng magkakapatid. Tuwang-tuwa ang mga magulang sa nakikitang pagsisinop ng mga anak
sa kabuhayan.
Isang araw, narinig ni G. Aramil ang pag-uusap ng kaniyang mga anak.
“Mas maraming mangitlog ang mga alaga ko kaysa sa inyo,” wika ni Carlos, ang bunso. “Aba,
masipag yata ang mga alaga ko. Hindi kami magpapatalo sa inyo.” Sabad ni Cristine, ang pangalawan.
“Siguro, pare-pareho lang,” sagot ni Ricardo, ang panganay.
“Masisipag naman palang mangitlog ang mga alaga ninyo. O sige, para malaman kung aling alaga
ang mas magaling mangitlog, magpaligsahan kayo sa paramihan ng itlog. Mula ngayon, itatala ninyo ang
bilang ng mga itlog na manggagaling sa kulungan ng inyong mga alaga. Ipapaskil ninyo rito sa talaan ang
bilang ng itlog na inyong makukuha para Makita ng lahat. Sang-ayon ba kayo?” ang tanong ni G. Aramil sa
mga anak.
“Sang-ayon po ako tatay. Masipag pong mangitlog ang aking mga alaga. Sina Kuya Ricardo at Ate
Cristine ang tanungin ninyo,” ang wika ni Carlos.
“Payag po ako,” ang sagot ni Cristine.
“Payag din po ako,” ang tugon naman ni Ricardo.
“O sige, magsisinula tayo bukas. May premyo ang mananalo,” ang tuwang-tuwang wika ng ama.
Kinabukasan, lalong sumipag ang tatlong magkakapatid sa paggawa sa manukan. Nangigngiting
pinagmamasdan ng ama ang mga anak lalung-lalo na sa pagbibilangan ng mga itlog.
“Hoy manok, huwag kang tutulug-tulog. Lagi kitang binubusog,” wika ni Carlos habang pinatutuka
ang alaga.
Panay naman ang linis ni Cristine sa manukan. Naniniwala siya na mahalaga ang kalinisan para higit
na lumaki at lumusog ang kaniyang mga alaga. Sa gayon, higit na marami ang itlog ng mga manok.
Alam ni Ricardo na nagsisikap talaga ang kaniyang mga kapatid upang mahigitan ang dami ng itlog na
nakukuha sa araw-araw.
Hindi mapakali ang bawat isa tuwing sasapit ang bilangan ng mga itlog.
Huling araw na ng bilangan. Kinuha ni Tatay ang tsart, kung saan naksulat ang bilang ng mga itlog.
Ganito ang nakatala sa tsart.
Bilang ng mga Itlog sa Bawat Linggo

Pangalan Bilang ng Unang Pangalawang Ikatlong Ikaapat na Kabuuan


ng Bata Alaga Linggo Linggo Linggo Linggo
Carlos 10 32 42 33 34

Cristine 10 28 37 32 35

Ricardo 10 36 40 41 45

Ang tatlong magkakapatid ay may tigsasampung alaga. Sa unang Linggo, nakalamang si Ricardo,
dahil siguro siya ang unang naturuan ng ama.
Sa ikalawang Linggo, nakalamang si Carlos, dahil siguro nagbunga ang pakikipag-usap niya sa
kaniyang mga alaga.
Mababa lamang ang bilang ng mga itlog ni Cristine, pero kapansin-pasin ang kalinisan ng kaniyang
kulungan. Pinagsama-sama na ang bilang ng mga itlog at si Ricardo ang nagwagi at siyang bibigyan ng
premyo.
Kinabukasan, nagpunta ang mag-aama sa mall. Ipinasyal sila ni G. Aramil bilang premyo sa kanilang
kasipagan. Bago umuwi, dumaan sila sa bangko.
“Tatay, bakit po tayo dadaan sa bangko? Magdedeposito po ba kayo?” tanong ni Carlos sa ama.
“Kayong lahat, ihuhulog ninyo sa inyong libreta ng bangko ang napagbilhan sa mga itlog,” ang sabi
ni G. Aramil sa mga anak. “Laging tandaan na ang kasipagan ay susi sap ag-unlad at tagumpay,” dagdag pa
niya.
C. (Abstraction) Talakayin ang Kwentong “Ang Susi sa Pag-unlad”

1. Tungkol saan ang inyong binasa?


______________________________________________________________________
2. Anong ginawa ng magkakapatid upang matulungan ang kanilang ama?
_______________________________________________________________________
3. Anong paraan ang naisip ni G. Aramil upang lalong ganahan ang mga ito?
_______________________________________________________________________
4. Sa inyong palagay, bakit si Ricardo ang nagwagi sa paligsahan? Pangatuwiranan.
_______________________________________________________________________
5. Paaano ginantimpalaan ng ama ang mga anak?
_______________________________________________________________________
6. Tama bang ihulog ang pera sa bangko? Bakit?
______________________________________________________________________
7. Anong aral ang natutunan mo sa pagbasa ng kuwento?
_______________________________________________________________________
8. Angkop ba ang pamagat ng kuwento? Ipaliwanag ang sagot mo.
_______________________________________________________________________

Ang tsart o graph ay paglalarawan na nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi o bilang sa


kabuuan.Mga Uri ng grap; Bar graph, pie graph at picto graph.
Paglilibang

10%
Halimbawa ng Pie Graph
Pahinga
15%

Pag-aaral 30%

25% Pagtulong sa Magulang

20%
Badyet ng Oras ng Isang Mag-aaral
Tanungin ang mga bata tungkol sa mga datos na nasa pie grap, Picto graph, at bar graph. (pagpapalalim)
Paglinang ng Talento Pie Graph
Halimbawa ng Pictograph.

Naitanim na Puno ng mga Mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Bongalon

Pictograph

70

60

50

40

30 Punong naitanim

20

10

0
2010 2011 2012 2013 2014 2015

Halimbawa ng Bar Graph.

Porsyento ng Kabataang Pumapasok sa Paaralan at Nagtatrabaho nang Delikado at Base sa Edad.

(Bar Graph)

5--9 91.0
9

10--14 86.7
13.3

15-17 52.7
47.3
0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100
. Pumapasok sa paaralan Hindi pumapasok sa paaralan
Application (Paglalapat)

Gawain: Humanap ka ng kapareha. Gamit ang tsart sa ibaba at magtulungan sa pagbuo ng limang
Bilang ng kabataang Nagtatrabaho
tanong batay rito. Isulat sa inyong kuwaderno ang mga tanong.

350,000 Bilang ng Kabataang Nagtatrabaho nang De-


300,000 likado sa mga Rehiyon
250,000

200,000

150,000

100,000

50,000

Rehiyon

III. Takdang Aralin


Sagutin ang mga tanong sa grap.

Bilang ng mga mag-aaral


80
70
60
50
40
30
20
10
0
1 2 3 4 5 6 7 8

Bilang ng mga mag-aaral


Bilang ng mga mag-aaral sa ikalimang baitangsa Pangkat 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 (halimbawa lang)

1. Alin sa mga pangkat ang may pinakamaraming mag-aaral? _______________________


2. Aling pangkat ang may pinakakaunting bilang ng mga mag-aaral? _______________________
3. Alin ang halos pareho ng bilang? _______________________
4. Alin ang may maraming bilang ng mga mag-aaral, ang pangkat ______ o ang pangkat _________?
Ilan ang karamihan? __________
5. Ilan ang karamihan ng pangkat ____ sa pangkat _____________?
6. Ano pa ang natutunan mo sag rap na ito? _____________________________

Inihanda ni:

CESAR F. CHAVEZ
Guro I

Binalangkas ni:

RITO G. BRADECINA
Punong Guro

You might also like