Filipino 10 - Pangkalahatang Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region X
Division of Misamis Oriental
MATANGAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Matangad, Gitagum, Misamis Oriental

FILIPINO 10-PANGKALAHATANG PAGSUSULIT

Pangalan: Taon at Seksiyon: ______ Iskor: _____


Guro: GIRLIE L. ABEJO, MT-I
I.Panuto: Para sa bilang 1-7, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng sinalangguhitang
salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 8-10, tukuyin naman ang
KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos
matunghayan ang nilalaman nito.
A. nagliyab B. nagngitngit
C. nagsaya D. nagtimpi
2. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.
A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako D. walang isang salita
3. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang
Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit sa salitang
ito.
A. pagbanggit B. pagbigkas
C. pagtikom D. pagtahimik
4. Baka mapagkamalan ka’t humandusay d’yan sa tabi.
A. makahiga B. manirang-puri
C. manlait D. makatayo
5. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir.
A. kaawa-awa B. kahanga-hanga
C. kahapis-hapis D. kapalad-palad
6. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng gobernador-
heneral.
A. kumaripas nang mabilis B. lumayas nang matulin
C. mabagal na umalis D. mabilis na umalis
7. Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo.
A. dinaig B. harapin
C. iwasan D. nagtagumpay
8. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan.
A. baon B. nakita
C. napangaginipian D. narrating
9. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing pagbabago at
kalayaan ng mga Pilipino.
A. adhikain B. pananaw
C. pangako D. pangitain
10. Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok.
A. bukas-palad B. kabutihang-palad
C. kapus-palad D. kuyom na palad
II.Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo batay sa
kaligirang pangkasaysayan nito, mga patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa kabuoan ng
akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib
12. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi
isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat
13. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela?
A. El Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan
14. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na kanyang
nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan
15. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan habang isinusulat
ang nobela sa Brussels, Belgium?
A. Namasukan bilang katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.
16. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi
isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat
17. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib
18. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na kanyang
nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan
19. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela?
A. El Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan
20. Ang mga sumusunod ay ginagawa ni Rizal upang makatipid lamang at matustusan ang
pagsusulat MALIBAN sa?
A. Nagsangla ng alahas.
B. Halos lumiban sa pagkain.
C. Nanggamot ng mga maysakit.
D. Naghugas ng pinggan sa karenderya
21. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan habang isinusulat
ang nobela sa Brussels, Belgium?
A. Namasukan bilang katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.
22. Ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng ikalawang nobelang El
Filibusterismo.
A. Gobernador Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Gobernador Maria Odulio de Guzman
D. Gobernador- Heneral Jose Alejandrino
23. Ano ang nagbigay-inspirasyon kay Rizal upang tapusin na ang kanyang nobela?
A. Ang kasiyahan ng kanyang ina.
B. Ang ganda at kabaitan ni Leonor Rivera.
C. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris.
D. Ang kabaitan ng mga tao doon sa Brussels, Belgium
24. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa ibaba na
umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita
Gomez.
A. Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.
25. Ano ang naisabay gawin ni Rizal habang isinusulat niya ang El Filibusterismo?
A. Pagsulat ng mga tula at iba pang mga akda.
B. Pagtuturo sa mga bata na nakikita niya sa mga lansangan.
C. Pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar.
D. Pagguhit ng iba’t ibang guhit tungkol sa kabuktutan ng mga Espanyol
26. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ang pagpapalimbag ng
aklat MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya .
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob.
27. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari
sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo? Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales
sa pangangamkam ng mga prayle kahit walang katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa.
C. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
28. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral
sa bahagi ng El Filibusterismo?Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain.
A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.
29. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit
kulang sa panustos mula sa pamilya?
A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya.
30. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
C. Masalamin ng mga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
31. Ano ang ginawa ni Rizal upang makatipid?
A. lumiban sa pagkain B. nakipagpalitan ng kanyang obra
C. namasukan D. nanghingi ng pagkain
32. Ano ang ginawa niya sa kanyang mga alahas?
A. ibinenta B. ipinamigay
C. isinangla D. itinapon
33. Ano ang naramdaman ni Rizal bago pa man siya magsimulang isulat ang El Filibusterismo?
A. lungkot B. panganib
C. saya D. takot
34. Alin sa pagpipilian ang hindi ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga nobela?
A. pag-aangkat B. pagpapakalat
C. pagpapalimbag D. pagtatago
35. Ano ang ginawa ni Rizal upang malayo siya sa panganib at ang kanyang pamilya?
A. kinaibigan ang mga Espanyol B. lumisan sa Pilipinas
C. sumuko sa pamahalaan D. umanib sa pamahalaan
36. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng nobelang El
Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador-Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
37. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag.
A. Ambeth Ocampo B. Dr. Ferdinand Blumentritt
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
38. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas?
A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.
39. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso?
A. Dahil hindi makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.
40. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela?
A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ang palimbagan.
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal.
41. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya?
A. Dahil namatay ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.

42. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.
43. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan?
A. Dahil trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasira ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad.
D. Dahil lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad
44. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin?
A. Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Naging masaya siyang tapusin ang kanyang layunin.
45. Bakit ikinalungkot ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong illustrado sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak ang mga Pilipinong Illustrado.
C. Dahil hindi naging matibay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino.
46. Anong pangyayari ang nangyari noong Setyembre 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium
47. Anong pangyayari ang nangyari noong 1890?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
48. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1891?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
49. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1885?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
50. Anong pangyayari ang nangyari noong Marso 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

Inihanda ni:

GIRLIE L. ABEJO
Master Teacher I

You might also like