Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

3

Homeroom Guidance
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Mga Kailangang Kaalaman
sa Oras ng Pagpili
Homeroom Guidance Self-Learning Module – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan Modyul 7: Mga Kailangang Kaalaman sa Oras ng Pagpili
Unang Edisyon, 2021

The Intellectual Property Code of the Philippines states that “No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.”

Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other
copyrightable, patentable contents) included in this learning resource are owned by their
respective copyright and intellectual property right holders. Where applicable, DepEd has
sought permission from these owners specifically for the development and printing of this
learning resource. As such, using these materials in any form other than agreed framework
requires another permission and/or licensing.

No part of this material, including its original and borrowed contents, may be reproduced in
any form without written permission from the Department of Education.

Recommended Entry:

Department of Education. Homeroom Guidance Grade 3 Self-learning Module 7: Mga


Kailangang Kaalaman sa Oras ng Pagpili. Manila: Department of Education Central Office,
2020.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Development Team Mga Bumubuo ng Nakontekstwal na Modyul

Writers: Euniclaire Mae Anne A. Herrera Manunulat: Mary Ann S. Lacandola


Kareen Arcenas Glenda S. Hernandez
Illustrators: Joel R. Gallano Tagaguhit: Archie C. Lacandola
Jerichko Bauer L. Laroco Tagalapat: Archie C. Lacandola
Layout Artist: Jacqueline E. Libut Tagasuring Grapiko:
Grade Level Coordinator: Roland M. Suarez
Annaliza A. Magsanoc Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Editors: Mark Anthony V. Bercando, Maria Carmen M. Evangelista
Melynda Andres, Edna L. Severo, PhD
Jona Kristen Valdez Bernadette M. Lejarde, PhD
Language Editor: Daisy A. Omega Tagasuri ng Wika:
Management Team: Cherry G. Vinluan, EdD
- Bureau of Curriculum Development: Teresita D. Punla, EdD
Jocelyn DR. Andaya, Director IV, Lowie D. Lupos
Ma. Isabel A. Victorino, CSDD Chief, Tagapamahala:
Mark Anthony V. Bercando, - Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Supervising EPS, Jona Kristen Melissa S. Sanchez, PhD, CESE
Celia R. Lacanlale, PhD
Valdez, Senior EPS Melynda Andres,
Maria Carmen M. Evangelista,
Senior EPS
June D. Cunanan
- Bureau of Learning Resource
Ruby M, Jimenez, EdD

2
Homeroom Guidance: Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Mga Kailangang Kaalaman sa Oras ng Pagpili

Gabay sa Magulang/Tagapangalaga

Ang modyul na ito ay sinulat upang gabayan ang inyong mag-aaral na linangin
ang kanyang aspetong personal at sosyal, akademiko, at panlipunan. Ito ay dinesenyo
para sa distance learning” o alternatibong pamamaraan ng pagkatuto na hindi
nangangailangan ng pisikal na presensya sa paaralan, bilang tugon sa direktiba na
pagkansela ng face-to-face class dulot ng pandemya.
Ang inyong paggabay ay hinihiling upang matagumpay na maisakatuparan ng
mag-aaral ang mga tagubilin upang masiguradong maisagawa at masasagot ang mga
gawain at katanungan.

Gawain 1: Ang mag-aaral ay mag-aayos ng mga titk upang makabuo ng trabaho o


propesyon batay sa larawang nasa loob ng kahon. Inaasahang tutulungan ninyo sila
upang mas maging kasiya-siya ang gawain
Gawain 2: Ang mag-aaral ay inaasahang sasagot sa ilang katanungan na nasa loob
ng mga bituin. Inaasahan na sila ay may mga katanungan tungkol sa kanilang
kakayahan, interes at ang kanilang nais na maging trabaho o propesyon sa hinaharap.
Inaasahan na gagabayan sila sa pagsagot sa mga katanungan. Mapag-uusapan din
ang pangarap ng magulang para sa kanila.
Gawain 3: Inaasahang kukumpletuhin ng mag -aaral ang talahanayan kung saan
isusulat ang pangalan ng kilalang naglilingkod sa komunidad at ang ibat’ ibang gawain
ng mga ito. Maaaring sila ay humingi ng tulong upang mapunan ang talahanayan at
masagot ang mga katanungang kasunod ng gawaing ito.
Gawain 4: Babasahin ng bawat mag-aaral ang bawat sitwasyon at pag-iisipan kung
konektado ang interes at kakayahan at ang mithiing trabaho o propesyon ng taong
inilalarawan sa sitwasyon. Maaaring tulungan sila upang lubos nilang maunawaan ang
bawat sitwasyon.
Gawain 5: Iguguhit ng mag-aaral ang kanyang sarili na taglay ang propesyon o
trabahong nais niyang makamtan sa hinaharap. Inaasahang gagabayan sila upang
maging matagumpay ang gawain.

Hinihiling ng Kagawaran ang inyong supporta upang matagumpay niyang


maisakatuparan ang mga gawaing ito. Ang araling ito ay makakatulong upang
magkaroon siya ng mas malalim na pag-unawa sa kanyang kaalaman ukol sa kanyang
propesyon o trabaho sa hinaharap. Tiyakin na sasagutin niya ang bawat bahagi ng
modyul nang tapat hangga't maaari, kapag siya ay sumasagot sa mga gawain at
pagtatasa. Siguraduhing maipapasa niya ang kanyang sagutang papel sa petsa at
oras na itinakda ng kanyang gurong-tagapayo.

3
Introductory Message
For the learner:
This module is designed to help you analyze responsible
decisions and goals toward achievement of personal welfare and
common good; strengthen your connection among knowledge,
skills and roles of your parents or guardians and significant adults in
choosing a profession, vocation and future plans.

The module has six interactive activities for you to


follow, namely:

Let’s Try This – which will help you to get ready to learn;
Let’s Explore This – which will guide you towards what you need
to learn;
Keep in Mind – which will give you the lessons that you need to
learn and understand;
You Can Do It – which will help you apply the lessons learned in
daily activities;
What I Have learned – which will test and evaluate your learning;
Share Your Thoughts and Feelings – which will help you express your
thoughts, opinions and feelings.

Make sure to read, think, follow, and enjoy ever task that you are
asked to do.

Have fun! Stay safe and healthy!

4
Modyul
Mga Kailangang Kaalaman
7 sa Oras ng Pagpili

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. mapaghahambing ang iba’t ibang tungkulin at
responsibilidad ng mga tao sa komunidad;
2. napahahalagahan ang tungkulin ng pamilya, paaralan, at
komunidad sa pagpili ng nais maging trabaho o propesyon
sa hinaharap; at
3. naiuugnay ang sariling interes at kakayahan, at gabay ng
magulang o tagapangalaga sa nais maging trabaho o
propesyon sa hinaharap.

Itinakdang Araw ng Pagsagot:


Ika-anim hanggang Ika-pitong Linggo ng Ikalawang Markahan
Itinakdang Oras ng Pagsagot: 120 minuto
Mga Kailangang Kagamitan: papel, krayola, lapis

Unang Linggo

Panimula

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 10 minuto

Sa modyul na ito matutuklasan mo ang iba’t ibang tungkulin


at responsibilidad ng mga taong naglilingkod sa iyong
komunidad. Makatutulong ito upang lubos mong maunawaan
ang iba’t ibang trabaho o propesyon.

5
Kasama ang iyong magulang o tagapangalaga at iba
pang miyembro ng pamilya, mapahahalagahan mo ang
kaugnayan ng iyong interes at kakayahan sa pagpili ng gusto
mong maging trabaho o propesyon sa hinaharap.

Subukin Natin

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 20 minuto

Mga Bumubuo sa Komunidad


Ayusin ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang
trabaho o propesyon ng mga taong naglilingkod sa komunidad.
Isulat ang iyong sagot sa malinis papel.

1. 4.

PNDROAEA YDBRAER

2. 5.

UMREOBB PLUIS

3. 6.

BRETOU SANR

6
7. 9.

MSASKAGAA ORGU

8. 10.

IIHYENNRO ADGWRYAI

Pamprosesong Katanungan:
Sa malinis na papel, sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Naging madali ba o mahirap ang pagsagot sa isinagawang


gawain? Bakit?
2. Sa mga nakalistang trabaho o propesyon, pumili ng isa at
isulat ang ginagawang tungkulin at responsibilidad
sa komunidad.

Tuklasin Natin

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 5 minuto

Aabutin ko ang Bituin

Kopyahin ang mga bituin sa isang malinis na papel at


kumpletuhin ang bawat pangungusap na nakasulat sa loob nito.
Ang bituing ito ay magpapaalala sa pag-abot mo sa iyong
nais maging trabaho o propesyon.

7
1. Paglaki ko, gusto 2. Ito ang aking mga
kong maging kakayahan
isang ______________.
______________.

3. Ito naman ang


aking mga interes.
______________.

4. Maaabot ko ang 5. Pangarap ng aking


aking pangarap magulang na ako
kung ay maging isang
_______________. ________________.

Pamprosesong Katanungan:
1. Naging kawili-wili ba para sa iyo ang isinagawang gawain?
Bakit?
2. Ano ang kaugnayan ng iyong interes at kakayahan sa nais
mong maging trabaho o propesyon?
3. Paano ka matutulungan ng iyong magulang o ibang
miyembro ng pamilya sa pag-abot ng iyong pangarap?

8
Itanim Sa Isip

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 20 minuto

Tuklasin natin ngayon ang ilan sa mga trabaho o propesyon


ng mga naglilingkod sa komunidad. Maaaring ang iyong
magulang o iba pang miyembro ng pamilya ay may kaparehong
trabaho o propesyon tulad ng nasa talaan. Habang binabasa
mo ang mga ito may mga kawili-wili kang matutuhan
at magugustuhan.

1. Panadero - gumagawa ng iba’t ibang uri ng tinapay at keyk.

2. Barbero - gumugupit ng ating buhok upang mapanatiling


maayos ito.

3. Karpintero - gumagawa at nagkukumpuni ng bahay, gusali, at


kagamitang yari sa kahoy at iba pang materyal.

4. Kahera - tumatanggap ng bayarin sa groseri, bangko, at iba


pang negosyo.

5. Chef – namamahala sa kabuuang operasyon ng kusina sa


hotel o restawran.

6. Doktor – tumitingin at gumagamot sa ating


karamdamang medikal.

7. Elektrisyan - naglalagay at nag-aayos ng mga linya ng


kuryente kasama ang komunikasyon.

8. Magsasaka – nagtatanim ng palay at iba pang pananim at


nag-aalaga ng mga hayop sa bukid.

9. Bumbero - nagaapula ng sunog at nagliligtas ng mga


taong nasusunugan.

9
10. Mangingisda - nanghuhuli ng mga isda at iba pang
yamang dagat.

11. Hardinero - nangangalaga at nagtatanim ng mga halaman


sa hardin.

12. Mekaniko - sumusuri at nagkukumpuni ng sasakyang


panlupa, pandagat o panghimpapawid.

13. Tubero - naglalagay at nag-aayos ng daluyan ng tubig.

14. Pulis - nangangalaga sa kaligtasan ng mga tao at


katahimikan ng komunidad.

15. Pari – naglilingkod sa simbahan at nangangaral sa mga


mananampalataya gamit ang salita ng Diyos.

16. Negosyante - nagpapatakbo ng negosyo at tumutulong sa


mga nangangailangan ng trabaho.

17. Gwardiya – nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng


mga tao at ari-arian tulad ng bangko at mall.

18. Mananahi - tumatahi ng iba’t ibang uri ng damit tulad ng


pantalon, bestida at iba pa.

19. Guro- nagtuturo at nagbibigay ng kaalaman sa


mga mag-aaral.

20. Drayber - nagmamaneho at naghahatid ng mga pasahero


sa kanilang destinasyon gamit ang jeep, bus o iba
pang sasakyan.

Interes - ito ang mga bagay na kinagigiliwan mong gawin at


gustong pag-aralan tulad ng pagtugtog ng kagamitang
pangmusika, pagluluto, isports at sining.
Kakayahan – ito ay tumutukoy sa mga bagay na kaya mong gawin
tulad ng pagiging lider, pakikiisa at pangangalaga sa sarili, sa
kapwa at sa komunidad.

10
Mahalaga na maiugnay ang sariling interes at kakayahan sa
pagpili ng nais maging trabaho o propesyon sa hinaharap.

Ikalawang Linggo

Kaya Mo

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 30 minuto


Sa tulong ng iyong magulang o tagapangalaga, kumpletuhin
ang hinihinging impormasyon sa talahanayan. Gawin ito sa isang
malinis na papel at sagutin ang mga pamprosesong katanungan.

Sino ang kilala kong tao na Ano ang kanyang ginagawa


naglilingkod sa komunidad? sa trabaho o propresyon?
1.

2.

3.

Pamprosesong katanungan:
1. Paano nakakatulong ang mga taong isinulat mo sa
iyong komunidad?
2. Ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang iyong
pasasalamat sa kanila?

Mga Natutuhan Ko

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 15 minuto


Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa isang malinis
na papel ilagay ang tsek (/) kung ang inilalarawang interes at
kakayahan ay may kaugnayan sa nais na trabaho o propesyon
sa hinaharap at ekis (x) naman kung hindi.
_____1. Si Rina ay mahilig magbasa ng mga kwento at
ibinabahagi niya ang mga ito sa kanyang mga kaibigan.
Tinuturuan din niya ang nakababatang kapatid sa mga
gawain sa paaralan. Gusto niyang maging isang guro.

11
_____2. Si Ben ay may kakayahang sumulat ng tula at kwento.
Nais niyang maging bumbero.
_____3. Si Maria ay may interes sa paglutas ng mga problema sa
iba’t ibang sitwasyon. Hangad niyang maging isang pulis.
_____4. Si Andres ay mahilig magluto para sa kanilang pamilya.
Tutumulong din siya sa kanyang magulang sa paggawa
ng keyk. Pangarap niyang maging chef.
_____5. Si Eric ay nawiwili sa pagtatanim ng iba’t ibang gulay at
pag-aalaga ng mga hayop. Gusto niyang maging
isang magsasaka.

Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 15 minuto

Sa isang malinis na papel, iguhit ang sarili na taglay ang


trabaho o propesyon na nais makamtan. Sumulat din ng maikling
mensahe para iyong sarili sa hinaharap.

Bumuo ng nakontekswal na modyul:

Mary Ann S. Lacandola Archie C. Lacandola


Glenda S. Hernandez Tagaguhit/Tagalapat
Manunulat

12
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Schools Division of Pampanga, Learning Resource
Management System

High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando Pampanga,


Philippines 1200

Telephone No: (045) 435-2726


Email Address: pampanga@deped.gov.ph

13

You might also like