SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4 q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4 (2ND QUARTER)

Test 1: A
Panuto: Basahing Mabuti ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran?
a. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
b. Palaging pagwawalis sa bakuran at kalsada.
c. Madalas sa pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
d. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga ito at pagrerecycle ng mga
patapong bagay.
2. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbawal ang pagsusunog ng basura?
a. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
b. Pwedeng irecycle ang mga patapong bagay na susunugin.
c. Ang pagsunog ng basura ay pwedeng magbunga ng maruming hangin sa kapaligiran.
d. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita.
a. Sa parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na nakikita na nakikita mo.
b. Sa palikuran ay pina-flush mo ang kubeta at itinatapon ang tissue sa toilet bowl.
c. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may tagalinis naman dito.
d. Sa daan ay inilaglag mo ang mga basura galling sa iyong bulsa.
4. Nakita mong tinatapakan ng iyong kalaro ang mga tanim sa inyong halamanan.
a. Susuntukin ko sila isa-isa.
b. Sasabihan ko sa kanila na huwag nilang sirain ang mga halaman.
c. Lalapit ako sa kanila at tatapak din ako sa mga halaman.
d. Ngingiti ako at sasabihan ko na ipagpatuloy nila ang pagtapak sa halaman.
5. Nakita mong basta na lang itinatapon ng iyong nakababatang kapatid ang mga bsura sa likod ng inyong
bahay.
a. Sasabihan ko siya na sa tamang basurahan niya dapat ito itapon.
b. Sasabihan ko siya na itapon iyon sa tabi ng bahay ng aming kapitbahay.
c. Sasabihan ko sa kanya itapon iyon sa bubong ng aming bahay.
d. Wala akong pakialam sa ginagawa niya.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan?
a. Pitasin ang mga bulaklak sa harden.
b. Pagtamnan ng mga gulay at halaman ang mga bakanteng lote.
c. Batuhin ang ibon na nakatungtong sa sanga ng puno sa bakuran.
d. Manghuli ng mga gagamba at pasabugin ang mga ito.
7. Gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman sa wastong pangangalaga ng kalikasan. Alin dito ang maaari
mong Gawain?
a. Makikinig sa talakayan sa paaralan tungkol sa kalikasan.
b. Lumahok sa patimpalak ng pagrerecycle ng mga gamit.
c. Manood ng programang nagtatalakay tungkol sa kalikasan.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Nakikita mo na gumagamit ng dinamita sa paghuhuli ng isda ang iyong kapitbahay. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Sasabihin ko sa kanaya na mali ang kanyang ginagawa.
b. Ipaalam sa mga kapitbahay ang bawal niyang ginawa.
c. Makibahagi sa mga huling isda ng hindi ko pagsusumbong sa bawal niyang pangingisda.
d. Isusumbong ko siya sa kinauukulan.
9. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan?
a. Sunugin agad ang mga basura para iwas sa ipis at langaw.
b. Makilahok sa tree planting na inilunsad ng paaralan.
c. Punitin agad ang papel kapag may kaunting mali na naisulat.
d. Itapon sa kanal ang basura kapag walang nakatingin.
10. Paano nakakatulong ng sambayanan ang likas kayang pag-unlad?
a. Nauubos ang mga puno sa kagubatan.
b. Nawawalan ng tirahan ang mga ligawa na hayop.
c. Lumulobo ang populasyon ng bansa.
d. Napanatili ang pinagkukunan hanggang sa sumusunod na henerasyon.
Test 1: B
Panuto: Piliin kung anong gawaing pangkabuhayan ang makikita sa mga hamon at oportunidad na nakatala. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Pagbaba ng produksiyon ng isda at yamang dagat.
a. Gawaing pagsasaka b. Gawaing pangingida
b. Gawaing pagmimina d. Gawaing nagmula sa kagubatan
2. Pagpapaunlad ng pagpapanatili sa mga pook minahan sa bansa.
a. Gawaing pagsasaka c.. gawaing pangingisda
b. Gawaing pagmimina d. Gawaing pangnegosyo at komersiyo
3. Pagbabawal sa pagkakaingin
a. Gawaing pagsasaka c. Gawaing pangingisda
b. Gawaing pagmimina d. Gawaing nagmumula sa kagubatan
4. Paghihikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na matatag ng maliit na Negosyo.
a. Gawaing pagsasaka c. Gawaing pangingisda
b. Gawaing pagmimina d. Gawaing pangnenegosyo at komersyo
5. Paglikha at pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa pagsira ng mga coral reefs.
a. Gawaing pagsasaka c. Gawaing pangingisda
b. Gawaing pagmimina d. Gawaing nagmula sa kagubatan
Test 1. C
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang bilang kung ang paggamit sa likas na yaman ay may kaugnayan sa pangangasiwa at
pangangalaga ng bansa at ekis ( X ) naman kung hindi.
______1. Pagbabawas sa paggamit ng plastic.
______2. Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig, at langis o krudo.
______3. Pagpapanatili ng kalikasan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.
______4. Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at pangangalaga sa mga bahay-itlugan ng mga isda.
______5. Pagtatanim ng mga punongkahoy bilang kapalit sa mga pinutol.
______6. Pagluluwas ng mga de-kalidad na prutas at gulay sa ibang bansa.
______7. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim.
______8. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestraktura at gusali.
______9. Pagsali sa mga larong pampalakasan.
______10. Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malaking kompanya ng minahan.

Test II.
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang N kung nakatutulong sap ag-unlad ng bansa at NK kung hindi nakatutulong sa
pag-unlad ng bansa ang sumusunod na gawain.
______1. Bumili ng ating produkto kaysa produkto ng ibang bansa.
______2. Humiling ng pasalubong na imported na pabango na ipagbibili sa mga kaibigan.
______3. Ipinagmalaki mo ang mga magagandang tanawin sa ating bansa.
______4. Namasyal kayo sa Chocolate Hills sa Bohol at may marami kang nakitang mga turista na naaliw sa lugar
habang ikaw ay nakatingin sa kanila, at naisipan mong lapitan at magsimulang magsalita nang puro nigatibo.
______5. Paboritong bilhin sa supermarket at kainin ang imported na dark chocolate.
______6. Ipagwawalang-bahala ang mga batas pangkalikasan.
______7. Magtanim ng mga puno at halaman sa bakanteng lote.

You might also like