Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 4: MGA ANTAS NG WIKA AT MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

DALAWANG ANTAS NG WIKA

1. PORMAL

Maayos at pili ang mga salita na ginagamit sa antas na ito. Itinuturing ito na wilang
kalimitang ginagamit ng mga may pinag-aralan o ng mga makata ng bayan.

Dalawang Uri ng Pormal

1. Pambansa – Literal ang pagpapakahulugan sa mga salita na ginagamit dito. Sa madaling


salita, ginagamit nito ang pagpapakahulugan ayon sa denotasyon. Lantarang isinasaad ang
mga ideya o mensahe sa akdang ito. Layunin din nito na maging malinaw ang organisasyon ng
mga ideya o konsepto.

HALIMBAWA

Pormal na Sanaysay, Artikulo, Pamanahong Papel, Reaksyong Papel, Rebyu, at ang


Pananaliksik na Papel.

2. Pampanitikan – Nakapaloob naman dito ang kulay at buhay ng wika. Ginagamit dito ang
mga masining na pamamaraan sa paglalahad ng mga ideya.

HALIMBAWA

Tula
Dula
Nobela
Maikling Kuwento

2. IMPORMAL

Nakapaloob naman sa antas na ito ang mga salita na karaniwang ginagamit sa


pang-araw-araw na buhay.

Apat na Uri ng Impormal

1. Lalawiganin – Ito ang mga salita na ginagamit sa partikular na lalawigan. Kalimitang


malalalim ang mga kahulugan ng mga ito kaya’t halos kapareho ito ng nasa pormal na antas,

HALIMBAWA
1. Guyam at Apanas ( Langgam – Lalawigan ng Quezon).
2. Bubulos (Kakain muli – Nasugbu, Batangas).

2. Kolokyal – Tinatalakay sa bahaging ito ang impormal na pagkakagamit ng mga salita


kung saan ay pinapaikli ang baybay nito.

HALIMBAWA
Pwede (Puwede)
Meron (Mayroon)

3. Balbal – Ito ang pinakadinamiko sa lahat ng antas ng wika, sapagkat ito ang pinakamabilis
magbago o magpalit ng anyo.

HALIMBAWA

Jejemon
1. Jologs ( Mababang uri o klase, baduy)
2. Halleerr (Hello)
3. Sirena o Baklush (Bakla)
Tivoli (Tomboy)
4. Bonggang – bongga (Sobra-sobra)

4. Bulgar – Ito ang pinakamababang antas ng wika, sapagkat nakapaloob dito ang mga mura
at iba pang magagaspang na salita na masakit sa pandinig at maaaring makasugat ng
damdamin ng tao.

SIYAM NA MGA BAHAGI NG PANANALIKSI

1. Introduksyon at Paglalahad ng Tesis

Tatlo ang layunin ng bahaging ito: Una, para pukawin kaagad ang atensyon ng
mambabasa; Ikalawa, para magbigay ng maikling background tungkol sa pag-aaral; at huli,
para ilatag kaagad ang pangunahing ideya ng pag-aaral o tesis ng pag-aaral.

2. Paglalahad ng Suliranin

Ito ang mahalagang bahagi ng Pananaliksik dahil dito inilalatag ang mga tanong na
sasagutin ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral.

Dalawang hati ng bahaging ito:

1. Pangunahing tanong – gagawing tanong ang inilalahad na tesis ng pag-aaral.


2. Mga sekondaryong tanong – layunin nitong tutukan ang detalye ng pangunahing tanong sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga susi at tiyak na tanong.

3. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Hindi magsisimula ang pananaliksik kung hindi pa ito nagagawa. Ang bahaging ito ang
naglalaman ng nakaraan, kasalukuyan, at panghinaharap na pag-aaral.

4. Saklaw at Limitasyon

kung ano lamang ang tatalakayin sa pananaliksik at binabanggit naman sa limitasyon ang
hindi na saklaw ng pag-aaral.

5. Metodolohiya

Para maisagawa ang pag-aaral, kailangan ng metodo sa pananaliksik na nababagay ayon sa


kahingian sa paglalahad ng suliranin.

6. Dalumat

konsepto o teoryang gagamitin sa pananaliksik. Para sa tesis na pangbatsilyer at pang-MA,


ang minimum na pangangailangan ay ang aplikasyon ng mga konsepto/teorya sa ginagawang
pag-aaral.

7. Daloy ng Pag-aaral

nakasalansan ang mga kabanata o bahaging lalamanin ng susulating pananaliksik. Sa mga


kabanata o bahaging ito nilalatag ang mga sagot sa suliranin ng pananaliksik at masusing
tinatalakay ang buong paksa ng pag-aaral.

8. Pagtalakay sa Resulta ng Pag-aaral

sisimulang sagutin ng mananaliksik ang mga tanong na kanyang inihain sa kanyang


pag-aaral.

9. Konglusyon (Buod at Rekomendasyon)

pangunahin at suportang mga tanong. Kasunod nito ang buod na sagot sa mga tanong.
Dito mababasa kung may napatunayan ba sa ginawang pag-aaral o kung may maidadagdag ba
sa iskolarsyip. Sa rekomendasyon inilalagay ang maaari pang pag-aralan

You might also like