Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

DEBATE

NAME : DELA CRUZ, APRILYN P.


SECTION : BSA 301
DEBATE
Ang debate ay may estrukturang pagtatalo na kung
saan ang dalawang panig o pangkat ay naglalahad
ng magkasalungat na ideya o pangangatwiran ukol
sa napagkaisahang paksa. Ang kadalasang paksa sa
debate ay mga kontrobersyal o napapanahong isyu.

ito’y isang paraan ng paglalahad na nagbibigay ng


sapat na katibayan o patunay
upang ang isang panukala ay maging katanggap-
tanggap at kapani-paniwala.
KATANGIAN NG DEBATE
NILALAMAN ESTILO

ESTRATEHIYA
NILALAMAN
Isa sa mga unang kailangang isaalang-alang bilang isang
debater ay ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa mga
paksang pinagtatalunan. Dapat na may sapat na
kaalaman hindi lamang sa panig ng debater kundi
maging sa pangkabuuang paksang tinatalakay.

Upang maipahayag nang maayos ang posisyon ng iyong


panig na ipinagtatanggol ay kailangan ng paghahanda
para sa debate. Upang magkaroon ng malawak na
kaalaman sa mga paksang maaaring pagtalunan ay
kailangang ng pananaliksik, pagbabasa, at pangangalap
ng datos gayundin ang mga ebidensya ukol sa paksa. Ito
ang magbibigay patunay o patotoo sa mga ipapahayag
ng debater.
ESTILO
Mahalaga sa isang debate kung paano
maipapahayag ng debater nang maayos ang
kanyang nalalaman sa paksa. Upang maging
mahusay na debater ay kailangang piliin ang mga
salitang gagamitin sa pagtatalo maging ang
pagiging angkop ng mga pangungusap na
sasambitin. Ang linaw at lakas ng tinig o pagbigkas,
maayos at mahusay na tindig, at kumpiyansa sa
sarili ay dapat ding isaalang-alang ng isang
debater. Ang paraan ng pagsasalita at nilalaman
nito ay dapat na mag-iwan ng pangkalahatang
epekto o impact sa mga hurado upang mas
mahikayat sila.
ESTRATEHIYA
Kinakailangang makatawag pansin ang
ilalatag na argumento o katwiran ng debater.
Marapat na mayroong nakahandang plano at
mga estratehiya kung paano sasaluhin o
sasagutin ang mga argumento. Masusing pag-
uusap at pagpaplano ang kinakailangan ng
magkakapangkat na nasa isang panig upang
matiyak na ang pagpapabulaan ay
sumusuporta o umaayon at hindi tataliwas sa
mga sasambitin ng bawat isa.
THANK YOU SO MUCH :)

You might also like