Juliana v. Geronimo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 1O

Uri ng Anyong Lupa

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Matutukoy ang mga uri ng Anyong lupa
b. Mapahahalagahan ng bawat isa ang iba’t-ibang uri ng Anyong lupa
c. Maisasagawa ang tungkuling ginagampanan sa pagpapanatili ng Anyong lupa.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Uri ng mga Anyong lupa

B. Kagamitan: Mga larawan

C. Sanggunian: Batayang aklar sa Aralin Panlipunan Vlll, pahina 19

D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa iba’t-ibang uri ng lupa

III. Pamamaraan:

1. Balik-aral
“Ano ang anting pinag-aralan noong nakaraang araw?”
“Ano-ano ang mga anyong tubig?”
“Magaling! Magbigay ng halimbawa.”

B. Bagong-aralin
1. Pagganyak
“Gusto nyo ba umawit?
“Sabay-sabay nating awitin ang kantang “Mga Anyong Lupa” sa himig na “Leron-leron sinta”

Mga Anyong lupa


Dito sa ating bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

2. Paglalahad
“Ano-ano ang mga anyong lupa ang binanggit sa awitin?”
“Tama!”
“Burol, bundok, kapatagan, lambak, talampas, bulkan at bulubundukin ay isang uri ng anyong
lupa”
“Ngayon, alamin natin kung ano-ano ang mga uri ng anyong lupa at ang kanilang katangian”

3. Pagtatalakay
“Sa mga larawan sa pisara ano sa tingin ninyo ang Kapatagan?”
“Magaling! Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lypa, patag
at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais at gulay.
“Ano naman sa tingin niyo ang bundok?”

“Ang bundok at isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa sa burol.”
“Saan naman sa mga larawan na ito ang bulkan?”
“Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.”
“Alin naman dito ang burol?”
“Ang burol at higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan
ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
“Saan naman dito ang lambak?”
“Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.”
“Saan baman dito ang talampas?”
“Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar.”
“Alin naman dito sa mga larawan ang Bulubundukin?”
“Alin naman dito ang pulo?”
“Ang pulo ay mga lupainbna napalilibutan ng tubig.”
“Alin naman dito ang yungib?”
“Ang yungib ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at
hayop.”
“Ano naman ang tangwat?”
“Ang tangway ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.”
“At ang pangunahing larawan na anyong lupa na nasa pisara ay isang disyerto.
“Napakainit nito. Wala tayong disyerto sa Pilipinas. Makikita lamang ito sa ibang bansa tulad
ng Egypt at Saudi Arabia.”
“Ngayon mga mag-aaral kung naintindihan niyo na ba ang paksa natin?”

4. Paglalapat
“Magkakaroon tayo ng gawain.”
“Ihahati ko kayo sa dalawang grupo. Bawat grupo magbibigay ako ng mga letra at buuin niyo
ito. Kapag nabuo na ninyo ang mga letra, pupunta kayo dito sa gitna at sabihin kung anong uri
ng anyong lupa ang inyong nabuo sa mga letra.”

“Nagustuhan niyo ba ang ating Gawain sa araw na ito?”

5. Paglalahat
“Ano ang inyong natutunan sa leksyon natin ngayong araw?”
“Ano-ano ba ang uri ng lupa?”
“Magbigay ng halimbawa ng isa sa mga uri ng anyong lupa.”

IV: Pagtataya:

Kumuha ng isang kapirasong papel. Isulat at sagutin ang mga sumusunod. Ilagay ang angkop na
anyong lupa sa patlang.

__________1. Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunod-sunod.


__________2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.

__________3. Patag na anyong lupa sa mataas na lugar.

__________4. Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas
dito mula sa kailaliman ng daigdig.

__________5. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.

__________6. Anyong lupa na makikita sa ibang bansa tulad ng Egypt at Saudi Arabia.

_________7. Patag na ayong lupa sa mga matataas na lugar.

V. Takdang-Aralin

Alamin ang iba’t-ibang mga anyong tubig at ipakita ito sa pamamagitan ng mga larawan. Idikit ang
mga ito sa isang long bond paper.

You might also like