Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Konsepto:

I. Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pamumuhay sa panahon ng pamahalaan ni Ferdinand Marcos.
b. Naiisa-isa ang mga impraestraktura na nagawa ni Ferdinand Marcos; at
c. Napapahalagahan ang mga naigawa ng Administrasyong Marcos.

II. Paksang-Aralin:
Administrasyong Marcos
References:
 Lunday ng Kalinangang Pilipino 6., Rubilita A. Vasco, Aurelia T. Molave at
Carolina P. Danao, PhD., pahina 188-192.
Materials: Laptop, projector, powerpoint presentation, flashcards, at mga litrato.
III. Pamamaraan:

A. Paghahanda

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


Pagbati:
“Magandang araw mga bata” “Magandang araw po
Titser!”
Panalangin:
“Tumayo ang lahat para sa panalangin na pangungunahan ni (Tatayo ang lahat at
Caryn” manalangin)
“Bago kayo umupo, pulutan niyo muna ang mga papel at (Pupulutin ng mga bata ang
basurang kumakalat” mga papel at kendy wraper
na kumakalat)
Pagtsek ng Attendance:
(tumingin sa inyong kanan at kaliwa upang malaman natin “Walang lumiban titser”
kung sino ang lumiban sa klase ngayong araw)

B. Presentasyon ng Aralin

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


Balik-aral:
Bago tayo pumunta sa ating bagong leksiyon, sino ang “Ang pinag-aralan natin
makapag sasabi kung ano ang ating pinag-aralan kahapon? noong nakaraang araw ay
tungkol sa pamamahala ni
Ang ating pinag-aralan kahapon ay tungkol sa pamamahala pangulong Diosdado
ni pangulong Diosdado Macapagal. Macapagal.”

Pang-ilan nga si pangulo ng pilipinas si Diosdado “Pang-siyam po titser!”


Macapagal?

1
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Pagganyak:

Bago ang lahat maglalaro muna tayo ng hulaan ng jumbled


words. May ipapakita akong letra na kailangan ninyong
buohin, upang madali ninyong mahulaan ang salita
magbibigay ako ng palatandaan. Ang salitang mabubuo (Ang mga mag-aaral ay
natin, malalaman ninyo kung sinong pangulo ang bida sa itataas ang kanilang sagot)
araw ng talakayang ito. Ngunit gusto kong gumawa kayo ng
limang pangkat, ang bawat tamamg sagot ay may
karampatang puntos.
1. BATAS
1. ASTAB- ito ay alintuntuning pang-asal na nag-uutos o 2. MARCOS
nagbabawal sa isang natukoy nagawain na may 3. MILITAR
karampatang parusahan. Anong salita ito? 4. FERDINAND
5. PANGULO
2. ARMOCS- ito ay apelyido ng sikat na politico na si
senador Bong-bong. Sino ito?

3. LIMITAR- kapag lumabas ka ngayon ng bahay at balak


mong mamasyal nasa mga lansangan sila, pahihintuin ka at
tatanungin ang mga bagay-bagay upang makaiwas sa
COVID19, kung hindi nila magugustuhan ang sagot mo
pauuwiin ka at dadakpin. Anong salita ito?

4. DIFERDNAN- ito ang unang pangalan ni Magellan na


tinalo ni Lapu-Lapu. Sino ito?

5. LONGUAP- ito ang posisyong hinahangad ng maraming


politiko ngunit sakasalukuyan si Ferdinand Marcos Jr. ang
nagmamay-ari nito. Anong salita ito?

Ngayon may idea naba kayo kung sinong Pangulo ang


tatalakayin natin mula sa mga salitang ito? “Ferdinand Marcos”

Introduction:

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, Sr. ay isinilang


noong Setyembre 11, 1917 sa Sarat Ilocos Norte.

2
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas nang abogasya
at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng senado ng
pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago nagging pangulo
ng pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino.

Q: Pang-ilang pangulo kaya siya ng pilipinas? “Pang-sampu titser!”


Siya ay nanalo sa halalan noong Disyembre 30, 1965
hanggang Pebrero 25, 1986 bilang Pangulo. Dala ng
pangako ng reporma sa lupa, trabaho, pagbaba ng presyo ng
bilihin, pagtaas ng sahod, pag-aalis ng nepotismo, at
katiwalian sa serbisyong pampamahalaan. Ipinangako ni
Pangulong Marcos na “Ang Pilipinas ay magiging dakilang
muli”.

Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang


paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang
pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at
mga eskwela.

 Philippine International Convention Center (PICC),


San Juanico Bridge, Cultural Center of the
Philippines, Makiling Center for the Arts (National
Arts Center), Nayong Pilipino, The Tanghalang
Francisco Balagtas (Folk Arts Theater), People’s
Park in the Sky, Philippine Heart Center, Lung
Center of the Philippines, The National Kidney and
Transplant Institute.

 Nakapagpagawa ng maraming Kalsada; North


Luzon Expressway, Marcos Highway.

 Pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast

3
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Asian Nations (ASEAN) upang isulong ang
pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at
pangkultura ng mga bansa sa rehiyon.

 Nagtaguyod ng Green Revolution upang pataasin


ang produksiyon ng bigas. Itinatag ang International
Rice Institute sa Los Banos Laguna

 Nagpakolekta ng buwis para mapabuti ang


pananalapi ng bansa gayun din ang pangungutang sa
ibat’t-ibang dayuhang Institution katulad ng Word
Bank at International Monetary Fund.

Q: Anu-ano ang mga exprastrakturang pinatupad ni Sagot ng mga mag-aaral


Pangulong Marcos?
 Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at
kaayusan sa bansa, isinailalaim ni Pangulong
Marcos ang Pilipinas sa “Martial Law” noong
Setyembre 21, 1972.
Q: Kailan ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Sagot ng mag-aaral
Militar?
Q: Bakit kaya ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Sagot ng mag-aaral
Militar?
Iba pang nagawa ng administrasyong Marcos:
1. Paglipat ng tirahan ng mga informal settlers sa
kamaynilaan.
2. Paggawa ng proyektong pabahay para sa may
mababang kita.
3. Pabigang ng libreng gamot para sa mahihirap.
4. Pagsasanay sa mga pulis.
5. Pagtulong sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo.
6. Pagbibigay ng karagdagang kuryente sa ilang
lalawigan.

Trivia: Alam niyo ba na si Pangulong Ferdinand Marcos


ang bukod tanging pangulo na may pinakamahabang
panahon sa pagiging pangulo ng Pilipinas (1965-1986).
Umabot siya ng dalawampung taon sa pwesto. Dalawang
magkakasunod na termino ang kaniyang panunungkulan. Sa
parehong taon, siya ay inihalal ng taong bayan.

Ngayon alam niyo na!

PAGLALAHAT “Ang ating tinalakay ay


Ano ang ating itinalakay ngayong araw? tungkol kay dating Pangulo
Ferdinand Marcos.
Magbigay ng isa sa mga nagawa ni Marcos? Nagpatayo siya ng iba’t-
ibang impraestraktura gaya
ng San Juanico Bridge.
4
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral
Opo, dahil natulongan nito
Naging mahalaga ba ang mga naisagawa ni Ferdinand ang ating bansa.”
Marcos?

PAGLALAPAT
Pumunta sa grupo, nais kong isulat ninyo ang mga
impraestraktura na nagawa ni Ferdinand Marcos at Gagawin ng mga mag-aaral
ipapaliwanag sa harapan kung ang mga ito ba ay mahalaga ang ipinagawa ng guro.
at nakakatulong parin sa ating bansa ngayon.

IV. Pagsusuri
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan basi sa ating pinag-aralan
ngayong araw. Sagutin ito sa isang malinis na papel.
1. Ano ang buong pangalan ni Ferdinand Marcos?
2. Kailan ipinanganak si Ferdinand Marcos?
3. Saan ipinanganak si Ferdinand Marcos?
4. Pang-ilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos?
5. Kalian nilagdaan ang Batas Militar o Martial Law?
6-10. Magbigay ng limang halimbawa na nagawa ng administrasyong Marcos.

Answer:
1. Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, Sr.
2. Setyembre 11, 1917
3. Sarat Ilocos Norte
4. Ika-s ampu
5. Setyembre 21, 1972
6. Nakapagpagawa ng maraming Kalsada; North Luzon Expressway, Marcos
Highway.
7. Pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang
isulong ang pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at pangkultura ng mga bansa sa
rehiyon.
8. Pagpapalaganap ng mga paglilingkod pangkalusugan sa mga pook rural.
9. Nagtaguyod ng Green Revolution upang pataasin ang produksiyon ng bigas.
Itinatag ang International Rice Institute sa Los Banos Laguna
10. Nagpakolekta ng buwis para mapabuti ang pananalapi ng bansa gayun din ang
pangungutang sa ibat’t-ibang dayuhang Institution katulad ng Word Bank at
International Monetary Fund.

B. FACT OR BLUFF

5
Panuto: Isulat ang FACT kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA at BLUFF naman
kung ito ay MALI.
1. Si Marcos ang pangulo ng pilipinas na may pinakamahabang termino ng panunungkulan.
2. Ang tulay ng San Juanico ang pinakamahaba sa bans na nagdudugtong sa Samar at Cebu.
3. Si Diosdado Macapagal ang namuno sa pagkakatatag ng Association of Southeast Asian
Nation o ASEAN.
4. Itinatag ni Pangulong Marcos ang Blue Revolution upang matugunan ang kakulangan sa
pagkain.
5. Ipinatupad ni Marcos ang “Oplan Tokhang” upang iligtas ang bansa sa anumang
pagsalakay o kaguluhan.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga programang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos. Gamitin ang gabay sa pagsulat ng sanaysay sa ibaba.
Ilahad ang mga patunay kung paano makatutulong sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino ang mga
programa ni Pangulong Marcos.

Pamantayan
5 3 2 1
Maliwanag, tumpak Maliwanag, tumpak, May kaunting Nakasulat ng sanaysay
may kaisahan ang may kaisahan ang kaliwanagan at ngunit di maliwanag
kabuoan ng sanaysay kabuoan ng sanaysay bahagyang pagkakaisa ang mga kaisipan at
at nailahad nang wasto at nailahad nang wasto ang kabuoan ng kaunti lamang ang
ang mga impormasyon ang mga sanaysay bagamat nailahad na
at higit pa sa impormasyon. hindi gaanong impormasyon.
inaasahan. nailahad ang mga
impormasyon.

Prepared by:
Honey Ghemmalyn V. Abalos

You might also like