Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 3

Pangkalahatang Panuto:

A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 30 aytem tungkol sa mga


kasanayang pampagkatutong binigyang tuon sa buong markahan.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem bago sumagot.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat
ang letra nito sa naibigay na hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

Para sa blg. 1-4. Isulat ang letra ng kahulugan ng salitang may


salungguhit.

1. Hatinggabi na nang maganap ang lindol.


A. Kalagitnaan ng gabi
B. Kalagitnaan ng hapon
C. Kalagitnaan ng umaga

2. Kailangang mahinahon at may lakas-loob na harapin ang pandemya.


A. Malusog
B. Masaya
C. Matatag

3. Madaling-araw na’y di pa makatulog.


A. Araw na madali
B. Bukang liwayway
C. Madali ang araw

4. Kapit-bisig na sinugpo ng mga tao ang suliranin sa kanilang lugar.


A. Nagkakaisa
B. Nagsasaya
C. Nagtatalo
Para sa bilang 5-10. Basahin ang teksto at sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa musika. Hindi


kataka-taka na maraming nagtatayuang karaoke bar sa ating paligid.
Maraming magagaling at hinahangaang mga mang-aawit ang nananalo sa
ibang bansa.

5. Tungkol saan ang teksto?


A. Pagkahilig ng mga Pilipino sa musika
B. Nagtatayuang mga karaoke bar
C. Mga mang-aawit ang mga Pilipino

6. Alin ang sumusuporta sa pagkahilig ng mga Pilipino sa musika?


A. Maraming nagtatayuang karaoke bar sa ating paligid.
B. Maraming mga Pilipino ang sumasali sa iba’t ibang paligsahan.
C. Ang mga Pilipino ay sadyang magagaling at matatalino.

7. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng teksto?


A. Ang Pilipino at Ang Musika
B. Ang Karaoke Bar sa Ating Paligid
C. Ang mga Mang-aawit sa Ating Bansa

8. Bakit maraming karaoke bar ang naitatayo sa Pilipinas?


A. Mayayaman ang mga Pilipino.
B. Madali itong maitayo sa Pilipinas.
C. Maraming Pilipino ang mahilig kumanta.

9. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang teksto?


A. Nalungkot dahil maraming mga Pilipino ang mahilig sa musika.
B. Natakot dahil maraming mga Pilipino ang may karaoke bar.
C. Masaya dahil maraming mga Pilipino ang nakikilala sa pagkanta.

10. Ano kaya ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagkahilig ng mga
Pilipino sa musika?
A. Lalong mahahasa ang galing ng mga Pilipino sa musika.
B. Yayaman ang mga taong nagpapatakbo ng karaoke bar.
C. Lalong gagaling ang mga Pilipino sa paggawa ng karaoke.

Para sa bilang 11-16. Basahin ang teksto at sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Si Lea ay batang magalang. Gumagamit siya ng po at opo. Nagmamano
siya sa kaniyang magulang at matatanda. Iniiwasan niyang makipagtalo sa
kapuwa. Dahil sa mga ito, marami ang natutuwa sa kaniya.

11. Ano ang paksa ng teksto?


A. Ang magalang na si Lea
B. Ang paggamit ng po at opo
C. Ang pagmamano sa magulang

12. Aling detalye ang sumusuporta sa pagiging magalang ni Lea?


A. Gumagamit siya ng po at opo.
B. Tinutulungan niya ang kaniyang mga magulang.
C. Pinalaki siya nang maayos ng kaniyang mga magulang.
13. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng teksto?
A. Ang Pakikipagkapuwa
B. Ang Magalang na Bata
C. Ang Magagalang na mga Salita

14. Bakit maraming natutuwa kay Lea?


A. Nagmamano siya
B. Palagi siyang magalang
C. Gumagamit siya ng po at opo

15. Anong aral ang nais ipabatid ng teksto?


A. Ang batang magalang ay tuwa ng matatanda
B. Maraming natutuwa dahil magalang na bata si Lea.
C. Ang pagiging magalang ay dapat taglayin ng lahat.

16. Ano ang maaaring mangyari kapag lahat ay may paggalang?


A. Magiging bata ang mga matatanda.
B. May katahimikan at pag-unawa sa kapwa.
C. Magiging matatalino at masisipag ang lahat.

Para sa bilang 17-18. Basahin ang teksto at sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Masipag mag-aral si Robin. Binabasa at lalo niyang iniintindi ang


kaniyang leksiyon bago matulog. Isang araw, nagkaroon sila ng pagsusulit.
Nasagot niya lahat ang mga tanong.

17. Anong marka kaya ang makukuha ni Robin dahil masipag siyang mag-aral?
A. Mataas
B. Mababa
C. Pasang-awa

18. Ano ang maaaring mangyari kung ipagpapatuloy ni Robin ang kasipagan
sa pag-aaral?
A. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.
B. Laging matataas ang makukuha niyang marka.
C. Hindi siya pagagalitan ng kaniyang mga magulang.

Para sa bilang 19-20. Piliin ang letra ng pinaangkop na opinyon o reaksiyon


sa nabasang isyu.

19. Isyu: Pamumutol ng mga punongkahoy sa kabundukan at kagubatan


ipagbabawal na!
A. Tama lang na ipagbawal upang gawing konkreto ang mga bahay.
B. Hindi dapat ipagbawal dahil marami pa namang puno sa paligid.
C. Dapat lang na ipagbawal dahil unti-unti nang nauubos ang mga
puno.

20. Isyu: Hindi puwedeng pumasok ang batang walang suot na face mask.
A. Opo, kailangan magsuot ng face mask upang maiwasan ang
pagkalat ng virus.
B. Puwedeng pumasok kahit walang face mask dahil kakaunti lamang
ang mga batang nag-aaral.
C. Opo, dapat siyang magsuot ng face mask dahil may naibibigay
namang libre.

21. Ano ang maaaring ipalit sa unang pantig ng sumapit para maging
kumapit?
A. ku
B. su
C. um

22. Kapag dadagdagan ng /ng/ sa hulihan ng saya, ito ay magiging _______.


A. sayan
B. sayag
C. sayang

23. Kung ang salitang bala ay dadagdagan ng letrang /k/ sa hulihan, anong
salita ang mabubuo?
A. balag
B. balak
C. balat

Para sa bilang 24-25. Piliin ang pang-abay na dapat gamitin sa bawat


pangungusap Isulat ang letra ng tamang sagot.

24. Maganda ang presentasyon ng mga bata kaya ang mga magulang ay
pumalakpak nang
_______.
A. mabilis
B. malakas
C. masaya

25. Si Joseph ang nanalo dahil siya ang ________ tumakbo.


A. pinakamabilis
B. pinakamalayo
C. pinakasmatagal

26. Nakarating agad si Nena dahil ______ siyang maglakad.


A. mabagal
B. mabilis
C. mahinhin

27. Maagang umuwi si tatay dahil ______ na natapos ang kaniyang ginagawa.
A. agad
B. mahusay
C. pagod

Para sa bilang 28-30. Tukuyin ang wastong pang-ukol na gagamitin sa


bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

28. Naghanda ang mag-anak ng mga kagamitang pamproteksyon _________


malakas na bagyo.
A. ayon sa
B. laban sa
C. tungkol sa
29. Ang mga mamamayan ay nagkaisa ____________ ikauunlad ng ating bansa.
A. ayon sa
B. laban sa
C. para sa

30. _____________ balita, pinayagan na ng pangulo ang limited face-to face


classes.
A. Ayon sa
B. Laban sa
C. Tungkol sa

You might also like