Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosyolingguwistik

ARALIN 14.3
Sosyolek
Talaan ng Nilalaman

Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Sosyolek 3

Sagutin Natin 7

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 8

Pag-isipan Natin 8

Dapat Tandaan 9

Pinagkunan ng Larawan 10

Mga Sanggunian 10
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Aralin 14.3
Sosyolek

Lar. 1. Bawat uri ng grupo ng tao sa ating lipunan ay may sariling paraan ng pagsasalita.

Introduksiyon
Mapapansin natin na ang bawat uri ng grupo ng tao sa ating lipunan ay may sariling paraan
ng pagsasalita. Samakatuwid, mayroon silang kani-kanilang barayti ng wika. Ang mga nasa
ikatlong kasarian ay may sariling barayti ng wika. Gayundin ang mahihirap at mayayaman.
Sa araling ito ay pagtutuunang pansin natin ang tungkol sa sosyolek.

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang natatalakay mo ang pagkakaiba ng sosyolek ng mga
tiyak na grupo sa lipunan.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nabibigyang kahulugan ang mga salitang
ginamit sa talakayan. (F11PT – Ile – 87).

Simulan

Pamagat ng Gawain

Materyales
● papel at panulat

Panuto
Pag-aralan ang larawan sa kanan at sagutin
ang mga gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong


1. Saang grupo ng tao kalimitang naririnig
ang mga salitang ito?
2. May katumbas ba ang mga salitang ito sa
ibang grupo ng mga tao? Paano sinasabi ang mga ito?

2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

3. Ano ang kongklusyon na maaaring mabuo mula sa dalawang tanong?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
● Ano ang sosyolek?
● Bakit maliban sa dayalek ay mayroon pang sosyolek ang lipunan?
● Paano nagkakaroon ng iba’t ibang sosyolek ang lipunan?

Alamin Natin
identidad pagkakakilanlan

kapuspalad mahirap

elitista mayaman; may mataas na antas sa lipunan

jargon tawag sa tanging bokabularyo ng isang pangkat ng lipunan

Sosyolek
Isa pa sa mga barayti ng wika ay ang sosyolek na nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Ang
sosyolek ay tumutukoy sa barayti ng wika na ginagamit ng bawat tiyak na grupo ng tao sa
lipunan.

Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, kasarian, uri ng trabaho, katayuan sa
buhay, uri ng edukasyon, at iba pa. May mga pangkat na gustong mapanatili ang kanilang
identidad kaya pinipilit nilang gawin ito sa paraan ng pagsasalita o sa paggamit ng wika. May
barayti ng wika ang masa, mga elite, mga artista, LGBTQ, at iba. Upang mapabilang at

3
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

manatili sa ginagalawang grupong sosyal, kailangang magsalita ng sosyolek nito.

Narito ang ilang halimbawa ng pangkat sa lipunan na nagpapakita ng kani-kanilang paraan


ng pakikipag-usap. Pansinin natin ang paraan ng pakikipag-usap ng isang kasapi ng LGBTQ.

Talahanayan 1: Ilagay ang pamagat ng talahanayan

Pangkat Panlipunan Sitwasyong Komunikatibo

Mga kasapi ng LGBTQ+ Harold: Cairo akech jukas, join force ka ‘neng?

Greg: Gora ako jan! Bet ko ang rampage bukas, anek ba


ang outfit jukas, Girlie Mendoza?

Harold: Plangak! Kailangan gerlie tayis jukas ano.

Greg: Oki girl... see you jukas na lang. Tom Jones na


aketch.

Harold: Babooo!

Gay lingo o swardspeak ang tawag dito. Ito ay isang halimbawa ng sosyolek na ginagamit
tuwing sila ay nasa malaking grupo ng tao upang itago o ikubli ang kanilang usapan.
Kalimitan, pinapalitan o dinadagdagan ng letra ang salita upang maiba ang tunog. Ang ibang
termino ay hango sa kilalang tao o bagay na walang kinalaman sa pagkakagamit ng salita.

Halimbawa:
● Tom jones na akech (gutom na ako). Si Tom Jones ay pop singer, walang kinalaman sa
pagiging gutom.
● Girlie Mendoza (pa-girl o pa-anyong babaeng gayak)
● jukas (bukas)
● rampage (rampa o gala)

4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Isa pa sa mga pangkat ng lipunan na may sarili ring paraan ng pagsasalita o sosyolek ay ang
mga pasosyal.

Talahanayan 2: Ilagay ang pamagat ng talahanayan

Pangkat Panlipunan Sitwasyong Komunikatibo

Mga “sosyal at Abby: So, guys, what did you do kahapon? I'm so jelly.
pasosyal na Maan: Wala ‘no. We just made nood some movies. It was
kolehiyala” so fun talaga!
Abby: Really? I should have been there kung hindi lang ako
sick.
Maan: I know, right!

Konyo o conyo ang tawag dito. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino na may halong kaartehan.
Sa Pilipino show business ay may mga artistang naging tatak na nila ang pagiging conyo. Sa
katunayan, masasabing ang pagiging conyo nila ang isa sa naging daan upang matandaan
sila ng tao.

Isa pa rin sa mga kapansin-pansing paraan ng pagsasalita ay ang sosyolek na gamit ng mga
tambay sa mahihirap na komunidad ng ating lipunan. Pansinin ang mga salitang kanilang
ginagamit.

Talahanayan 3:

Pangkat Panlipunan Sitwasyong Komunikatibo

Mga tambay sa Marlo: Astig ka talaga ‘pre!


mahirap na Bruno: Wala yun, panis! Pare, samahan mo ako,
komunidad susunduin ko lang syota ko.

5
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Marlo: Sige ba, basta libre tsibog.

Usapang kanto o kalye ang tawag dito. Gumagamit sila ng mga balbal (slang) na salita.
Halimbawa:
● astig (tigas)
● syota (pang-short time na karelasyon)
● tsibog (pagkain)

Ang sosyolek ay maaari ding may rehistrong okupasyonal. Bawat isa ay may sariling jargon o
tanging bokabularyo.

Talahanayan 4: Mga halimbawa ng jargon

Batas korte, hustisya, apila, piskal, hatol, nasasakdal, mosyon

Accountancy kabuuang kita, account, neto, buwis, utang, tubo, cash, salapi

Edukasyon akademiko, kasanayan, kaalaman, pagpapahalaga, pagtataya

Buhay na buhay ang wika, patunay nito, sa ating lipunan ay may iba’t ibang pangkat na may
kani-kaniyang sosyolek. Ang sosyolek ng bawat pangkat ay maaaring nabuo dahil sa ilang
dahilan: bilang teknikal na salita para sa isang larangan, para itago ang kahulugan ng ilang
salita at mensahe ng usapan, at estadong kinalalagyan sa lipunan. Masasabi ring bawat
sosyolek ay nagbibigay ng kontribusyon sa pagpapadami ng bokabularyong Filipino,
sapagkat may kani-kaniyang salita na habang patuloy na naririnig bilang sosyolek ng isang
pangkat ay nagagamit na rin ng karamihan.

Sagutin Natin

6
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang sosyolek?
2. Paano nabubuo ang sosyolek?
3. Paano masasabing buhay ang wika nang dahil sa mga sosyolek?

Subukan Natin
Gawan ng usapan ang mga sitwasyong nakakahon sa ibaba.
1. May magkaibigang kolehiyala na nag-uusap tungkol sa bagong labas at nauusong
cellphone. Bakas sa kanilang pananalita ang antas ng kanilang maalwang
pamumuhay.
2. Nag-uusap ang magkumpareng barker na sina Tonyo at Lito. Pinag-uusapan nila ang
madalang na pagdating ng mga pasahero dahil alam nilang dumarami na ngayon ang
may sariling sasakyan dahil sa mga car loans.

Talahanayan 5. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa


Magaling Napakahusay
Pamantayan kaysa ng Pagsasanay
3 4
Inaasahan 2
1

Nilalaman Hindi Karamihan sa Tama ang ilang Tama ang


(50 %). nakapagpakita impormasyong impormasyong impormasyong
Aplikasyon ng mga ng sapat na ipinakita sa ipinakita. Hindi ipinakita tungkol
natutuhang impormasyon o usapan ay mali gaanong sa itinanghal na
konsepto sa pawang kaya hindi naging pinagsikapan na iba’t ibang gamit
gawain palagay/walang maayos at maging malinaw ng wika. Sinikap
batayang katanggap- ang pagpapakita na maging
paktuwal ang tanggap ang ng iba’t ibang malinaw ang
pagpapakita ng pagpapakita ng gamit ng wika. simulasyon nito
iba’t ibang gamit iba’t ibang gamit bilang usapan.
ng wika. ng wika.

7
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Diyalogo (50 May higit sa May tatlo May isa Wasto ang lahat
%). limang hanggang limang hanggang ng bahagi ng
Kawastuhan ng pagkakamali sa pagkakamali sa dalawang diyalogo na
binuong diyalogo mga bahagi ng mga bahagi ng pagkakamali sa minarkahan ng
diyalogo. diyalogo. mga bahagi ng iba’t ibang uri ng
diyalogo. gamit ng wika.

Isaisip Natin
Paano nagiging bahagi ng wikang Filipino ang ibang salitang bahagi ng sosyolek ng iba’t
ibang uri ng pangkat ng tao sa ating lipunan?

Pag-isipan Natin
Magsagawa ng isang obserbasyon sa iyong paligid. Pakinggan ang mga salitang malimit na
ginagamit ng mga tao na iyong nakasasalamuha at itala ang mga ito. Batay sa iyong mga
naitala ay bumuo ng sarili kongklusyon tungkol sa sosyolek na barayti ng wika.

Talahanayan 6. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pang


Pamantayan Kaysa Inaasahan Magsanay Magaling Napakahusay
1 2 3 4

Tatas sa Di-gaanong Hindi espesipiko Espesipikong Mahusay ang


Paghahayag ng pinag-isipan kung ang naisalaysay ang pagkakasalay-
paano mabisang pagsasalaysay at mga ideya. say at
mga Ideya (60
makapaghahayag paglalahad ng Maaari pang paglalahad ng
%). mga ideya. palawakin ang mga ideya.
ng kaisipan at
Malinaw na bokabularyo Gumamit ng
damdamin.
paglalahad ng mga para maging mga salitang
punto mas mabisa at mabisang
mas malinaw sa nakapaghayag

8
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

paghahayag ng ng kaisipan at
mga kaisipan at damdamin.
damdamin.

Pagsulat (40 %). Higit sa lima ang Hindi hihigit sa May ilang Walang maling
Wastong balarila, pagkakamali sa lima ang mali sa pagkakamali sa paggamit ng
gamit ng wastong paggamit ng pagbaybay o bantas at wasto
pagbabaybay, at
bantas, wastong bantas paggamit ng ang lahat ng
paggamit ng mga pagbaybay, at at pagbaybay, at bantas na hindi pagbaybay.
bantas balarila. Halatang pagsunod sa nakaapekto sa Sumunod sa
hindi sumailalim balarila. nilalaman, wastong balarila
sa rebisyon. ngunit wasto ang mga
ang balarila. parirala o
pangungusap.

Dapat Tandaan

● Ang sosyolek ay tumutukoy sa wika/dayalek na ginagamit ng bawat tiyak na grupo


ng tao sa lipunan.

Pinagkunan ng Larawan
Lar 1. Ang larawan ng mga mag-aaral na gawa ni upklyak ay sumasailalim sa Lisensiya ng
Freepik sa pamamagitan ng Freepik.

9
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

Baitang 11 • Yunit 14: Kakayahang Sosoyolingguwistik

Mga Sanggunian
Arrogante, Jose A., Lakandupil C. Garcia, Myrna A. Torreliza, at Angelica H. Ballena. 2007.
Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mandaluyong City: National Book
Store.

Alcaraz, Cid et. al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik. Quezon City: Educational Resources
Corporation.

Villafuerte, Patrocinio V. et. al. 2005. Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1. Quezon City:
Lorimar Publishing Co. Inc.

10

You might also like