Banghay Aralin Sa Filipino Week 4 (Ikatatlo at Ikaapat Na Araw)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

St. Michael Academy of Pontevedra Inc.

Cortez Street, Pontevedra, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino


Ika-8 Baitang
Ikaapat na Linggo (Ikatlo at Ikapat na araw)

Asignatura: Filipino
Tema: Salamin ng Kahapon...Bakasin Natin Ngayon
Bilang ng pagkikita: 2 araw
Inihanda ni: Bb. Razel E. Jomen

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay may pag-unawa:


Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay:


Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

Mga kasanayang pampagkatuto: Ang mag mag-aaral ay:


a. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
F8PN-Ig-h-22

Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Naisusulat ang naging bisa ng epiko sa buhay.
Nakakapagtala ng epiko at nailalahad ang mensaheng nais ipaabot nito.

Sanggunian:
 DepEd Modyul
 Quipper

Kagamitan:
 Modyul sa pag-aaral

Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa panitikan ng Mindanao.

Pamamaraan:

A. Tuklasin (Explore)
Gawain 1
Panuto: Magtala ng 3 katutubong epiko ilahad ang mensaheng nais ipaabot ng bawat isa at ang aral na iyong
natutunan sa mga ito.
1. Pamagat:
Mensahe:
Aral na natutunan:

2. Pamagat:
Mensahe:
Aral na natutunan:

3. Pamagat:
Mensahe:
Aral na natutunan:

B. Nilalaman (Firm-up)
*Basahin at unawain nang mabuti ang Epikong “Bidasari” at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Gawain 2
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa akdang binasa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang dahilan nang pagkakawalay ni Bidasari sa kaniyang tunay na mga magulang?
2. Sino si Lila Sari? Paano mo siya mailalarawan?
3. Ano ang pinangangambahan ni Lila Sari na gagawin ng kaniyang asawang sultan? Ano ang kaniyang
ginawang hakbang upang maiwasan ito?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Lila Sari upang maiwasan ang kaniyang kinatatakutan? Ipaliwanag.
5. Anong kahirapan ang dinanas ni Bidasari sa mga kamay ni Lila Sari?
6. Ano ang dulot ng gintong isda kay Bidasari? Naniniwala ka ba sa kapangyarihan nito? Ipaliwanag.
7. Ano ang paniniwalang nakapaloob tungkol sa pagpapatagal ng buhay sa kuwentong Bidasari?
8. Paano natuklasan ng sultan ang ginawa ni Lila Sari kay Bidasari?
9. Ano ang parusang ipinataw ng sultan kay Lila Sari? Nararapat ba ito para sa kaniya? Ipaliwanag.
10. Anong aral ang iyong nakuha mula sa kuwento?

C. Pagpapalalim (Deepen)
Gawain 3
Panuto: Paghambingin ang dalawang tauhan sa Epikong Bidasari. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bidasari Lila Sari

Tiyakin Natin
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot ng bawat pahayag. Isulat lamang ang tamang sagot sa sagutang Papel.

1. Siya ang nakapulot sa sanggol na naiwan sa Bangka.


2. Ito ang ibon na kinatatakutan ng lahat ng tao sa kaharian ng kembayat.
3. Siya ang asawa ng Sultan ng Mongidra.
4. Saan nagtatago ang mga tao tuwing dumarating ang Garuda?
5. Ano ang Ipinangaln ni Diyuhara sa napulot na sanggol?
6. Siya ay kamukhang-kamukha ni Bidasari.
7. Ano ang ginawa ni Lila Sari kay Bidasari ng dalhin niya ito sa kanilang kaharian?
8. Ano ang nakita ng Sultan sa gitna ng gubat?
9. Anong uri ng Kuwentas ang isinusuot ni Lila Sari?
10. Bakit kinulong ni Lila Sari si Bidasari?

D. Paglilipat (Transfer)
Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung ano ang naging bisa ng Epiko sa iyong buhay.
Bisa sa Isip Bisa sa Damamin Bisa sa Asal

Ang pamantayan sa ibaba ay gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na ito.

Pamantayan Napakahusay(5) Mahusay(3) Hindi Gaanong Kailangan


Mahusay(2) pa ng Gabay
(1)
Nailalahad ang mga naging bisa
ng epiko sa Sarili.
Kakikitaan ng kaangkupan sa
paggamit ng mga salita,
gramatika, at pagbabantas.
Naiisa-isa ang mga bisa nito.
Kabuuang Puntos

You might also like