Panukalang Proyekto Sa Pagkakaroon NG Lockers Sa Buong Senior High School NG Paaralang Inosloban Memorial Integrated National High School Updated

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG MAAYOS NA PASILIDAD PARA SA MGA

ATLETA AT MANANAYAW SA PAARALAN NG INOSLUBAN MARAWOY INTEGRATED


NATIONAL HIGHSCHOOL

PROPONENT NG PROYEKTO:
Julian Rodrigo
Stephanie Audrey Empaz
Astrid Pandia
Dan Albert Galvez
Jay Vee Libao
Arianne Cabrera
Lance Casalme
Lester Recinto

Kategorya:
Ang proyektong pagkakaroon ng maayos na pasilidad ay upang magkaroon ng maayos at komportableng
lugar ang mga atleta at mananayaw. Ito ay pagtutulungan gamit ang pangangalap ng pondong galing sa fund
raising. Mangongolekta sa mga nasasakupan upang sa gayon ay maka kalap ng sapat na pera para sa maayos na
pasilidad. Kasama na dito ang tulong ng mga magulang, guro, at punong guro ng Inosloban Marawoy Integrated
National High School.

Petsa ng bawat hakbang:


Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos ang pag
sasaayos ng mga materyales para sa gagawing pasilidad para sa mga atleta at mananayaw na ilalahad sa ibaba.
Petsa Mga Gawain Lugar/Lokasyon

May 20-25 2024 Pag sasang-ayon o pag aproba ng guro at IMINHS


punong guro

June 5-28 2024 Pag hahanap ng donasyon sa mga gagamiting CITY HALL
materyales sa gagawing pasilidad

June 30-july 09 2024 Pangongolekta ng perang gagamitin pambili IMINHS


ng materyales

July 21-august 03 2024 Pag hahanap o pag bili ng murang materyales IMINHS

August 09 2024 Inaasahang matupad ang Plano sa araw/buwan na ito IMINHS

September 28 2024 Inaasahang pagsisimula ng proyekto IMINHS

January 03 Pagtatapos ng proyekto IMINHS

Rasyonal
Sa panahong nahihilig ang ating mga kabataan sa social media, isang makabuluhang gawain ang naisip
naming ipagkaloob sa kanila. Ito ay ang maibahagi nila ang kanilang angking galing sa larangan ng palakasan at
pagsasayaw. Sa ganitong gawain mas magiging maayos at produktibo ang kanilang bahagi sa komunidad bukod
sa maipamamalas nila ang kanilang talento. Kaugnay nito, mas magiging maayos ang daloy ng gawaing ito
kung ang paaralan ng IMNHS ay makapaglalaan ng silid o lugar para sa kanila na kung saan malaya nilang
maisasagawa ang mga aktibidad. pagpupulong, pagsasanay at iba pang makabuluhang gawain.

Deskripyon ng proyekto:
Ang proyektong ito ay naglalayong magkaroon ng maayos na pasilidad para sa mga atleta at mananayaw sa
paaralan ng Inosloban Marawoy Integrated National High School. Layunin nito na magbigay ng sapat na
espasyo at mga kagamitan para sa mga pagsasanay at kompetisyon ng mga estudyante sa mga larangan ng
atletika at sayaw. Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais nating magkaroon ng isang pasilidad na may mga
espasyong disenyo para sa iba't ibang uri ng pagsasanay tulad ng track and field, basketball court, volleyball
court, dance studio, at iba pa. Bukod dito, kasama rin sa proyekto ang pagkakaroon ng mga kagamitan tulad ng
mga barbell, mga bola, mga kasuotan, at iba pang kailangan ng mga atleta at mananayaw.Ang pagkakaroon ng
maayos na pasilidad para sa mga atleta at mananayaw ay magbibigay ng mga oportunidad sa mga estudyante na
maipakita ang kanilang galing at talento sa mga pagsasanay at kompetisyon. Sa pamamagitan ng proyektong
ito, inaasahan nating mapalakas ang pag-unlad ng mga estudyante sa larangan ng atletika at sayaw, at patuloy na
magbigay ng inspirasyon at pagkakataon sa kanila na magtagumpay sa kanilang mga pangarap at ambisyon.Sa
kabuuan, ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng maayos at kumpletong pasilidad para sa mga atleta at
mananayaw sa paaralan ng Inosloban Marawoy Integrated National High School. Ito ay isang mahalagang
hakbang upang palakasin ang mga estudyante sa larangan ng atletika at sayaw, at magbigay ng mga oportunidad
sa kanila na maipakita ang kanilang galing at talento.

Badyet:

Dami Kagamitan Gastos ng Renta Kabuuan (15 months)


1 Backhoe Php 160,545/buwan 2,405,175
2 Plate Compactor Php 20,600 309,000
1 Concrete Vibrator Php 10,200 153,000
1 Pumpcreate Php 150,436 2,256,540
1 Bagger Mixer Php 29,000 435,000
1 Bar Cutter Php 5,500 825,000
1 Bar Bender Php 72,900 1,093,500
2 Welding Machine Php 9,546 143,190
1 Cutting Outfit Php 11,095 166,425
1 T.mounted Crane Php 169,000 2,535,000
5 Drilling Machine Php 16,681.15 600,521.40
1 Power Trowel Php 20,539 308,085
2 Dump Truck Php 200,072 7,202,592.00

Kabuuan: 18,137,928.9

You might also like