Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

FLORANTE AT LAURA

274 “Nag-upuan kami’t saka nagpanayám

ng balabalaki’t may halagang bagay;

nang sasalitin ko ang pinagdaanán

sa bayang Atenas na pinanggalingan.

275 “Siyang pamimitak at kusang nagsabog

ng ningning ang talang kaagaw ni Benus”

anaki ay bagong umahon sa bubog,

buhok ay naglugay sa pelas na batok.

276 “Tuwang pangalawa kung hindi man langit

ang itinatapon ng mahinhing titig;

o, ang luwalhating bukó ng ninibig,

pain ni Kupidong walang makárakip.

277 “Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhán

kay Pebo, kung anyóng bagong sumisilang;

katawáng butihin ay timbang na timbáng.

At mistulang ayon sa hinhin ng asal.

278 “Sa kaligayaha’y ang nakakaayos,

bulaklak na bagong winahi ng hamóg;

anupa’t sino mang palaring manoód,

patay o himala kung hindi umirog.

279 “Ito ay si Laurang ikinasisirà

ng pag-iisip ko tuwing magunită

at dahil ng tanang himutok at luhà

itinotono ko sa pagsasalita.
280 “Anak ni Linceóng haring napahamak,

at kinabuhusan ng aking pagliyag;

bakit itinulot, langit na mataas,

na mapanood ko, kung di ako dapat?

281 “O Haring Linceso, kung di mo pinilit

na sa salitaan nati’y makipanig,

ang buhay ko disi’y hindi nagkasakit

ngayóng pagliluhan ng anak mong ibig!

282 “Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil,

aywan ko kung ano’t lumimot sa akin

ang palad ko’y siyang alipusta’t linsil,

di laang magtamo ng tuwa sa giliw.

283 “Makakapit kaya ang gawang magsukáb

sa pinakayaman ng langit sa dilag?

Kagandaha’y bakit di makapagkalág

ng pagkakapatid sa maglilong lakad?

284 “Kung nalalagay ka’y ang mamatuwirín,

sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,

dili ang dangal mong dapat na lingapin,

mahigit sa walang kagandaha’t ningning?

285 “Ito ay hamak pa bagáng sumansalà

ng karupukán mo at gawing masamâ

kung ano ang taas ng pagkadakilà,

siya ring lagapak naman kung marapå!

286 “O bunying gererong naawa sa akin,

pagsilang na niyong nabagong bituin,

sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw,

inagaw ang pusong sa ina ko’y hayin.


287 “Anupa’t ang luhang sa mata’y nánagos

ng pagkaulila sa ina kong irog,

na tungkol sa sinta puso’y nangilabot,

baka di marapat sa gayong alindóg.

288 “Hindi ko makita ang patas na wika

sa kaguluhan ko’t pagkawaláng diwà,

nang makiumpok na’y ang aking salita,

anhin mang tuwirin ay nagkakalisyä.

289 “Nang malutás yaóng pagsasalitaan

ay wala na akóng kamahadlikaán;

kaluluwa’y gulo’t puso’y nadadaráng

sa ningas ng sintáng bago kong natikmán.

290 “Tatlong araw akong piniging ng hari

sa palasyo real na sa yama’y bunyi

ay di nakausap ang punong pighati

at inaasahang iluluwalhati.

291 “Dito ko natikman ang lalong hinagpis,

higit sa dálítáng naunang tiniis;

at binulaan ko ang lahat ng sakit

kung sa kahirapang mula sa pag-ibig.

292 “Salamat at niyong sa kinabukasan,

hukbo ko’y lalakad sa Krotonang bayan,

sandaling pinalad na nakapanayám

ang prinsesang nihag niring katauhan.

293 “Ipinahayag ko nang wikang mairog,

ng buntong-hininga, luha, at himutók,

ang matinding sintang ikinalulunod

magpahanggang ngayon ng buhay kong kapós.


294 “Ang pusong matibay ng himalang dikit,

nahambal sa aking malumbay na hibik;

dangan ang kaniyang katutubong bait

ay humadlang, disin sinta ko’y nabihis.

295 “Nguni’t kung ang oo’y di man binitiwan,

naliwanagan din sintang nadidimlán;

at sa pagpanaw ko ay pinabaunan

ng may hiyang perlas na sa mata’y nukál.

296 “Dumating ang araw ng aking pag-alis

sino ang sasayod ng bumugsong sakit?

Dini sa puso ko’y alin ang hinagpis

na hindi nagtimò ng kaniyang kalis?

297 “May sakit pa kayang lalaò ng tindi

sa ang sumisinta’y mawalay sa kasi?

Guniguni lamang di na ang mangyari,

sukat ikalugmók ng pusong bayani.

298 “O nangag-aalay ng mabangong suób

sa dakilang altar ni Kupidong diyos,

sa dusa ko’y kayó ang nakatatarók

noong mangulila sa Laura kong irog!

299 “At kung di sa luhang pabaon sa akin,

namatay na muna bago ko naatím;

dusang di lumikat hanggang sa dumating

sa bayang Krotonang kubkob ng hilahil.


300 “Kuta’y lulugso na sa bayóng madalas

ng mga makinang talagang pangwalat,

siyang paglusob ko’t ng hukbong akibat.

Ginipit ang digmang kumubkob sa s’yudad.

301 “Dito’y ang masidhing lubhang kamatayan

at Parka Atropos ay nagdamdam pagál,

sa paggapas nila’t pagkitil ng buhay

ng naghihingalong sa dugo’y naglutang.

302 “Makita ng piling Heneral Osmalik

ang aking marahas na pamimiyapis.

Pitong susong hanay na dulo ng kalis,

winahi ng tabak nang ako’y masapit.

303 “Sa kaliwa’t kanan niya’y nálagalág

mga soldados kong pawang mararahás:

lumapit sa akin mata’y nagniningas:

Halika,’ aniya’t’kita ang maglamas.”

304 “Limang oras kaming hindi naghiwalay

hanggang sa hinapò ang bato ng tapang;

nagluksa ang langit nang aking mápatáy

habag sa gererong sa mundo’y tinakhan.”


Explaination ng Saknong 274 - 304

274 – Magkaharap sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Florante. Nag-uusap-usap silang
tatlo tungkol sa mahahalagang bagay at ang karanasan ni florante sa Atenas.

275 – Habang nagkukwento si Florante sa kanyang karanasan sa bayan ng Atenas, iyon


naman ang pagdating ng babaeng maputi, na nakalugay ang buhok at nagniningning sa
ganda na inihalintulad ni florante kay Benus. Si benus ay ang diyosa ng pag-ibig at
kagandahan.

276 – Habang si Florante ay nakatitig sa Dalaga dahil sa pagkabighani sa taglay nitong


kagandahan, naramdaman niya na parang siya ay tinamaan ni kupido. Si Kupido ay Diyos
ng pag-ibig. Nakatingin din ang dalaga kay florante, at dahil sa mahinhing titig ng dalaga
pakiramdam ni florante ay abot langut ang kaligayahang naramdaman niya.

277 – Ang maaliwalas na mukha ng Dalaga ay inihahalintulad ni florante kay Pebo. Ang
Pebo ay tumutukoy sa sinag ng araw.

278 – Sabi ni Florante ang dalaga raw ay katulad ng isang sariwang bulaklak. Sino man daw
ang lalaking mapalad na makakakita sa dalaga ay titak na iibig dito, himala nalang daw ang
hindi.

279 – Si Laura na na sumisira sa isip ni Florante ay may magandang pangangatawan at


mahinhin ang boses kung magsalita.

280 – Si Laura daw ay anak ni Haring Linceo, na siyang minamahal ni Florante. Tinatanong
ng Binata kung bakit daw hinayaan siyang makita nito si Laura kung hindi naman daw sila
ang para sa isa’t-isa.

281 – Kung hindi raw siya pinilit ni Haring Linceo na umupo muna at mag-usap-usap sila ni
Duke Briseo, ay hindi niya sana nakita si Laura, na sana ay hindi niya nararamdaman ang
sakit at pagtataksil ng Dalaga.

282 – Sabi ulit ni Florante, hindi raw siya pinagtaksilan ni Laura. Hindi raw niya alam kung
ano ang dahilan ng paglimit sa kaniya ng Dalaga.

283 – Tinatanong ni Florante, magagawa kayang magtaksil ng babaeng maituturing yaman


ng langit ang kagandahan? Bakit daw hindi kayang pagilan ng kagandahan ang kataksilan?

284 – Sabi rin ni Florante, dapat daw pala dangal o pag-uugali ang tinitingnan ng isang
babae hindi ang kagandahan nito.
285 – Ang taas ng kaniyang tingin kay Laura at labis ang pagmamahal na ibinigay nito sa
Dalaga kaya’t ganoon nalang ang tindi ng sakit na kaniyang naramdaman.

286 – Sinasabi ng Binata kay Aladin na noong unang pagkikita pa lamang nila ni Laura ay
nabighani na siya rito. Simula raw noong nakita niya sa Laura, iyong pagmamahal na dati ay
para sa kaniyang ina ay naibigay niya na rin kay Laura.

287 – Kung gaano raw siya kalungkot at umiiyak ang kaniyang ina, ganoon rin daw ang
kaniyang dinaramdam noong pagtaksilan siya ng Dalaga. Pero sabi ng Binata na baka hindi
raw siya ang para sa Dalaga, at hindi siya nababagay sa kagandahan nito.

288 – Matapos daw ni Florante mapagmasdan si Laura, bumalik na daw siya sa pakikipag-
usap sa Hari at Ama, napansin niyang siya ay litong-lito sa nararamdaman niya.

289 – Nagdeliryo na ang puso ni Florante, gayong natikman na niya kung paano masunog ng
pag-ibig ang kanyang puso.

290 – Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni Florante si
Laura.

291 – Mas matindi pa ang sakit dulot ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng lungkot sa
pagkawalan ng ina.

292 – Sinuwerte si Florante ang nagkaroon siya ng ilang sandali kasama ni Laura, nung araw
bago tumungo sa Krotona ang hukbo.

293 – Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May kasama pang iyak at
buntong-hininga.

294 – Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig pa rin ang kaisipan ni
Laura.

295 – Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang patak ng luha na bumagsak mula
sa kanyang mata.

296 – Kinabukasan, aalis na si Florante. Masakit ang kanyang kalooban. Konsuelo na lang
niya na hindi nasasaktan gaano ang puso niya sa ala-ala ng kanyang yumaong ina.
297 – Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng pagkahiwalay sa taong
minamahal.

298 – Nag-alay ng mabangong suob (incense) sa altar ni Kupido, at sana madinig niya ang
lungkot at pangungulila ni Florante kay Laura.

299 – At kung hindi pumatak yung isang luha ni Laura, namatay na sa si Florante bago
makaramdam ng matinding sakit, hanggang sa umabot sila sa bakbakan sa Krotona.

300 – Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante ang mga
pwersa na nakapaligid sa siyudad.

301 – Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng kamatayan ay napagod
sa pagkuha ng mga nangamatay.

302 – Pinanood ni Heneral Osmalik (Moro) kung paano pinatay ni Florante ang pitong hanay
ng mga tropa ng mga Moro.

303 – Sa kaliwa at kanan ni Heneral Osmalik namatay ang mga katropa ni Florante.
Hinamon ni Heneral Osmalik si Florante.

304 – Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.

You might also like