Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabuuang Panuto: Basahin at Unawaing mabuti ang bawat katanungan.

Isulat
patlang ang sagot sa bawat katanungan. Bibigyan lamang ng sampung segundo (10
seconds) ang bawat isa upang sagutan ang mga tanong na kayang
sagutan ,pagkatapos ng sampung segundo ay papalitan na ang estudyanteng
nagsasagot sa harap. Kinakailagang matapos ang pagsasagot sa loob lamang ng 30
minutes.
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Panuto: Tukuyin kung anong element ng maikling kwento ang tinutukoy sa bawat bilang.

KAISIPAN BANGHAY KAKALASAN O PABABANG AKSYON


PAKSANG DIWA TUNGGALIAN WAKAS
SULIRANIN PANIMULA KASUKDULAN
TAGPUAN

_________1. Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento.

_________ 2. Ito ay ang pinakakaluluwa ng kwento.

_________3. Ito ay mayroong apat na uri; tao vs tao, tao vs sarili, tao vs sa kalikasan at tao vs sa Lipunan.

_________4. Sa bahaging ito ng kwento ay malalaman ang kinahitnan o tinatawag ding pinakahuling bahagi.

_________5. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

_________6. Sa bahaging ito ay ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan at nagpapakita ng sulyap sa problemang
kahaharapin ng mga tauhan.

_________7. Sa bahaging ito makikita ang paunti-unting paglutas sa mga suliranin ng mga tauhan.

_________8. Ito ay tumutukoy sa mensahe ng kwento.

_________9. Ito ay tumutukoy sa pinakamasidhing pangyayari sa kwento.

________ 10. Tumutukoy sa lugar o panahon kung kailan naganap ang kwento.

PANG-UGNAY NA PAGHIHINUHA

Panuto: Bilugan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa paghihinuha.

11. Makulimlim ang kalangitan, baka uulan mamaya


12. Hindi pinagkakatiwalaan ang kaniyang sinasabi, marahil ay sinungaling siya.
13. Tila mahuhuli ako sa klase, dahil sa mabagal na daloy ng trapiko.
14. Umiiyak ang bata, siguro siya ay nagugutom.
15. Sa palagay ko ay pinagalitan siya ng guro dahil siya’y umiiyak.

ACRONYM

Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang salita para sa mga acronym na ginagamit sa proyektong panturismo.

16. DOT- ______________ OF TRANSPORTATION


17. 3R’s- REUSE, REDUCE,___________________
18. DILG- DEPARTMENT OF ______________ AND LOCAL GOVERNMENT
19. ESWMA- ECOLOGICAL SOLID WASTE _________________ ACT
20. DOTC- DEPARTMENT OF _________________ AND COMMUNICATION

SANHI AT BUNGA

Panuto: Salungguhitan ang SANHI sa loob ng pangungusap at bilugan naman ang BUNGA.

21. Gumuo ang lupa sa bayan ng Montalban dahil sa magdamag na pag-ulan.


22. Dinala sa ospital ang bata dahil sa magdamag nap ag-iyak dahil sa sakit ng ngipin.
23. Pinarusahan ng Diyosa ang mga tao dahil sa patuloy na pagputol ng puno.
24. Nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit dahil nag-aral siya magdamag.
25. Dahil sa paggamit ng illegal na droga kaya hinuli sila ng pulis.

PANANALIKSIK
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pananaliksik. Isulat ang 1-5.

______26. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas


_____27. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
_____28. Pagpili ng Paksa
_____29. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
_____30. Paglalahad ng Layunin
PANG-UGNAY NA PANUBALI
Panuto: Ikahon ang mga pang-ugnay na panubali na ginamit sa loob ng pangungusap.
31. Sakaling hindi ako makakasama sa mall, magbibigay na lamang ako ng pera.
32. Kapag sinama mo siya sa lakad natin ay hindi na lang ako sasama.
33. Maghuhugas ako ng pinggan kong bibigyan mo ako ng pera.
34. Bibigyan ako ng malaking baon ng aking mama kapag sinunod ko ang mg utos niya.
35. Kpag nag-aral ka ng mabuti, makakakuha ka ng mataas na marka.

PANG-UGNAY NA PANGHIKAYAT
Panuto: Salunggihitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa panghihikayat.
36. Totoong mabisa ang lagundi sa ubo.
37. Tunay ngang nakagagamot ng malubhang sakit ang albularyo sa bayan naming.
38. Talagang mabisang panggamot sa ubo ang lagundi.
39. Naniniwala akong nakagagaling ng sakit ang pag-inom ng tubig mula sa mahiwagang bukal.
40. Kitang-kita mong epektibo ang paggamit ng silka dahil pumuti ang aking balat.

You might also like