Lektyur Panahon NG Amerikano

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Lektyur (Panahon ng Amerikano)

▪Tinawag na “Panahong Ginto ng Nobelang Tagalog” – Mahigit 50 nobela ang


naisulat at halos lahat ng ito ay orihinal ng may-akda at hindi hango sa mga
kathambuhay na Ingles at Kastila.

▪Dula/Dulaan

-Sa lahat ng sangay ng panitikan, sa dulang Pilipino sumingaw nang husto ang diwang
makabansa: ang paghihimagsik laban sa mga Amerikano at ang
pagkikipaglabang maiwagayway ang bandilang Pilipino. Sa lahat ng manunulat sa
iba’t ibang larangan, ang mga mandudulang Pilipino nang panahong iyon, ang siyang
nakaranas maaresto, mabilanggo, at mabigyan ng babala ng mga matataas na
pinunong Amerikano.

▪Dalawang uri ng paghihimagsik ang ipinamalas ng mga mandudula sa kanilang mga


isinulat. Ang una’y paghihimagsik laban sa kalupitan at pagmamalabis ng mga
Kastila. Ito ang uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang
ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban sa
pamahalaang Amerikano.

▪Sarswela –Ito ay isang dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17
siglo, binubuo ng mga pagsasalaysay na sinaniban ng mga sayaw at tugtugin at may
mga paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguri sa maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid Espanya.

-Ang dayuhang zarzuela ay nagbagong bihis at naging Pilipino. Ang kauna-unahang


sarswelang bernakular ay isinulat sa wikang Pampango, ang Ing Managpe ni Mariano
Pabalan Byron na itinanghal noong Setyembre 1 1900 sa Teatro Sabina sa Bacolor,
Pampanga.

-Makabagong uri ng dulang Tagalog na nakilala sa kapuluan noong 1901.

-Lubos na kinagiliwan ang mga sarswela dahil sa ang mga Pilipino ay likas na mahiligin
sa awit at sayaw. Dahil dito, sumikat si Atang dela Rama at tinagurian siyang “Reyna
ng Sarswela ng Pilipinas”.

-Ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes ay isang sarswelang labis na kinagiliwan ng


mga tao nang panahong iyon. Sinasabing inuumaga ang mga tao sa lansangan upang
pag-usapan ang bagong uri ng dulang nakita nila.

▪Dulang Sedisyoso o dulang makabayan ang namalasak noong panahong iyon.


Inusig ng mga mandudula ang mga mananakop na Amerikano sa mga dulang
Tanikalang Ginto ni Juan Abad, Hindi Ako Patay ni Juan Matapang Cruz, at
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.

▪Sa panahong ito, lumabas ang Batas sa Sedisyon na nagbawal sa paglilimbag at


pamumudmod ng mga pahayagan at iba pang materyales na mag-uudyok ng kalayaan
at kasarinlan, gayundin ang Batas sa Watawat na nagbawal sa pagwawagayway ng
bandilang Pilipino at pag-awit ng Himno Nacional.

-Sa kabila ng mga paghihigpit at pagbabawal ng mga Amerikano, naging matapang an


gating mga mandudula. Dahil dito, ilan sa kanila ang mga nabilanggo.

-Upang maiparating ang mensahe, gumamit ang mga direktor ng iba’t ibang simbolo.
Nariyan na pasuotin ang mga tauhan ng pula, asul, dilaw at puti; ang pag-awit ng
pambansang awit at pati na rin ang pagsingit ng mga talumpati upang magbigay
kabatiran at makahikayat sa mga pinaplanong pag-aalsa. Sa unang pagkakataon,
nakita sa tanghalan ang mga dulang ganap na maka-Pilipino. Ang mga dulang
sedisyoso ang nagbukas sa mata ng mga Pilipino sa tunay na layunin ng mga
Amerikano sa ating bansa.

▪Ang Tanikalang Ginto ni Juan Abad (Ang unang pagtatanghal ay noong 1902) ay
kumakatawan sa protesta laban sa imperyalismong Amerikano. Ang dulang ito ay
tungkol temang pag-iibigan na may trahedyang katapusan. Ang mga tauhan sa dula
ay sina Dalita (simbolo ng Pilipinas); Maimbot (kumakatawan sa United States;
Liwanag (sagisag ng kalayaan); K’Ulayaw (ang mga Pilipinong nagmimithi ng
kalayaan) at si Nagtapon (ang mga Pilipinong ayaw kumawala sa anino ng mga
Amerikano).

Buod ng Tanikalang Ginto

Si Maimbot ay amain ni Liwanag at siya na rin ang itinuturing na parang ama


nito. Sumang-ayon si Maimbot na ipakasal si Liwanag kay K’Ulayaw. Hindi
naglaon nagbago ang isip nito. Hindi na niya pinahihintulutang dumalaw si
K’Ulayaw sa kanilang pamamahay. Hinandugan niya ng mga regalo si Liwanag at
kaniyang inakit ito upang kalimutan si K’ulayaw. Binigyan ni Maimbot ng isang
kuwintas na ginto si Liwanag. Binayaran ni Maimbot si Nagtapon upang
manmanan ang mga kilos ni K’Ulayaw. Hindi nagtagumpay si Maimbot sa
kaniyang mga balak dahil hindi nakalimutan ni Liwanag si K’Ulayaw. Dahil sa
matinding poot, ginapos siya ni Maimbot sa isang puno ng Balite at ang
naatasang magbantay ay si Nagtapon. Dahil sa pangyayaring ito, naghamok ang
magkapatid at napatay ni Nagtapon si K’Ulayaw. Si Dalita, ang ina ni K’Ulayaw at
Nagtapon ay binawian ng buhay dahil na rin sa kasamaan ng ugali ng huli.
Sa tindi ng hapis, nais na sanang magpakamatay ni Liwanag. Subalit pinigil
siya ni Diwa na nangakong muling magkakasama ang magkasintahan sa kabilang
buhay. Si K’Ulayaw naman ay pinagyaman ni Bathala, na magdadala rito sa
kabundukang kaharian niya. Bago lumisan, hinipan ni Diwa ang pakakak at si
Maimbot ay kinalawit ni kamatayan. Samantala si Nagtapon naman ay kinaladkad
ng Demonyo.

-Naging bahagi na ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas ang Tanikalang Ginto. Si Abad


ay pinaratangan ng salang sedisyon at nahatulang magbayad ng 2,000 dolyares at
mabilanggo ng 2 taon. Subalit binago ng Korte Suprema ang hatol noong 1906 at
ipinawalang sala ang mandudula.

▪Ang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay isa ring dulang makabayan.
Ang dula ay isang paghihimagsik laban sa mga Amerikano na puno ng mga
pagbabanta ng pagdanak ng dugo kung hindi ipagkakaloob ang minimithing kalayaan.
Sa dulang ito’y tahasang ibinaba ang bandilang Amerikano at ito’y ginampanan ni
Tolentino. Siya si Taga-ilog o si Juan dela Cruz. Sinabayan pa ng sigawan sa
pagbabandila sa kalayaan at sa Inang Bayan.

▪Mga Manunulat ng Dula

-Severino Reyes –Kilala sa mga Kwento ni Lola Basyang. Nag-ukol ng panahon sa


pagsusulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Nagtatag ng Gran Compaña de
Zarzuela Tagala upang ito ay puspusang magtaguyod sa sarswela at upang ganap na
mapawi ang moro-moro sa isipan ng mga tao.

-Hermogenes Ilagan –Isa sa pinakamasigasig na tagapagtaguyod ng sarswelang


Pilipino. Itinatag niya ang Samahang Ilagan na nagtanghal ng mga sarswela sa iba’t
ibang lalawigan ng Luzon. Isa pang kampanyang kaniyang itinatag ay ang Ilagan
Films. Itinangghal nito ang kaniyang dulang “Nasaan ang Diyos?” noong 1934.

-Pascual H. Poblete –Kinikilalang mandudula. Siya ay may maapoy na pagmamahal


at pagmamalasakit sa kasarinlan. Ginamit ang larangan ng panitikan sa paggising
sa damdaming makabayan.Sa mga unang taon ng Amerikano ay itinanghal ang
kaniyang dulang “Amor Patria”, ang dulang naging dahilan upang siya at ang may-
ari ng pinagpalabasan nito ay mabilanggo. Sila’y pinalaya matapos bantaang huwag
nang mauulit ang nasabing pagtatanghal lalo na ang paggamit ng bandilang Pilipino
pagkat hindi pa raw panahon.

-Juan K. Abad –isang dramatist, nagtatag ng pahayagang Dimas-alang noong Peb.


1990. Ngunit ang paglilimbag ay natigil. Siya rin ang naglathala ng pahayagang Laong-
laan. Dahil sa pagiging makabayan ng peryodikong nabanggit, Si Abad kasama si Jose
Palma ay inaresto at binilanggo noong 1899.
-Pedro Paterno –makata, nobelista, mamamahayag, mandudula, abogado at musikero.
Nagtapos sa Ateneo de Manila noong 1871. Sinulat niya ang buhay ni Rizal, isang
sarswelang may tatlong yugto.

-Juan Cruz Balmaceda -14 na taong gulang pa lamang siya ay isinulat niya ang
kaniyang unang dula na pinamagatang “Sugat ng Puso” Nagkamit siya ng unang
gantimpala sa kaniyang dulang “Ang Piso ni Anita”. Sumikat siya sa pagsulat ng
mga dulang nagtataglay ng pilosopiyang sosyalismo gaya ng budhing
manggagawa, Dugo ng Aking Ama at Kaaway na Lihim. Sumulat din siya ng isang
dulang tumutuligsa sa mga usurero at ito ay pinamagatang sa “Bunganga ng Pating”.

-Aurelio Tolentino – Gumamit ng panulat sa paghihimagsik. Di iilang ulit siyang


nabilanggo dahil sa mga sinulat niyang dulang makabayan. Siya ang pumulot ng
salitang dula mula sa Bisaya at pinatumbas sa salitang drama. Sa salita ring ito hinango
ang dulaan sa kahulugang teatro. Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” –dulang naging
daan upang siya ay mabilanggo. Ang “Luhang Tagalog”-ang kaniyang obra maestro.
Ito’y dulang pangkasaysayan.

MGA IBA PANG PANITIKANG FILIPINO

▪Panitikang Ilokano

-Pedro Bukaneg – “Ama ng Panitikang Iloko”. Sa pangalan niya hinango ang


salitang “Bukanegan” na nangangahulugan sa Tagalog ng balagtasan.

-Claro Caluya – “Prinsipe ng mga Makatang Ilokano”. Kilala siya sa pagiging


makata at nobelista

-Leon Pichay – kinikilalang “pinakamabuting bukanegero”. Isa rin siyang makata,


nobelista, kwentista, mandudula at mananaysay.

▪Panitikang Kapampangan

-Juan Crisostomo Soto – “Ama ng Panitikang kapampangan”. Ang salitang


“Crisotan” na ngangahulugan ng balagtasan sa Tagalog na hinango sa kaniyang
pangalan.

-Aurelio Tolentino –Ang kaniyang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay ginawan niya ng


salin sa Kapampangan – “Napon, Ngeni at Bukas”.

▪Panitikang Bisaya

-Eriberto Gumban –“Ama ng Panitikang Bisaya”. Nakasulat siya ng sarswela, moro-


moro at mga dula sa Bisaya.
-Magdalena Jalandoni –nag-ukol naman ng panahon sa nobelang Bisaya. “Ang mga
Tunuk San Isa Ca Bulaclac” ang kaniyang isinulat.

ANG PANITIKANG FILIPINO SA INGLES

Nagsimulang ituro sa mga paaralang Filipino ang Ingles noong 1900. Mula sa taong
ito hanggang 1930 ay maraming naisulat na mahahalagang sanaysay, maikling kwento,
at mga tula. Ang ilan sa mga sanaysay ay madaling unawain dahil pawang mga
katatawanan subalit ang iba nama’y nauukol sa mga paksang pormal tulad ng tungkol
sa edukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliraning panlipunan.

Mapapansin na ang mga kwento noon ay kadalasang tungkol sa pag-ibig at ang mga
paksa at pangyayari ay pawing mga ginaya lamang.

Sa larangan naman ng tula, pinunang pawing mga mukhang artipisyal ang gayon sa
paglalarawan ng mga makatang Amerikano . Sa madaling salita, walang orihinalidad
ang mga akdang pampanitikang naisulat noong panahon ng Amerikano.

▪Ilan sa Ating Mga Manunulat

-Jose Garcia Villa –pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng


maikling katha at tula. Kilala sa sagisag na “Doveglion”.

-Jorge Bocobo –isang mananaysay at mananalumpati. Ilan sa kaniyang mga sinulat ay


ang “Filipino Contact with America, A Vision of Beauty” at “College Education”.

-Zoilo Galang –sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na


pinamagatang “A Child of Sorrow”.

-Angela Manalang Gloria –umakda ng “April Morning”. Nakilala siya sa pagsulat ng


mga tulang liriko noong panahon ng Comonwealth.

-Zulueta de Costa –nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang “Like The


Molave” sa Commonwealth Literary Contest noong 1940.

-NVM Gonzales –may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered


Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India.

-Estrella Alfon –ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles


bago magkadigma. Siya ang sumulat ng “Magnificence” at “Gray Confetti”.

-Arturo Rotor –may-akda ng “The Wound and the Scar” na siyang kauna-unahang
aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild.

You might also like