Hahaha

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAUNLARIN NATIN ANG ATING WIKA

Mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino sapagkat tungkulin ng isang Pilipino


na malaman at magamit ng husto sa maayos na paraan ang ating wika upang lubos na
maintindihan ang ating kultura. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang ating wika dahil ito
ang pinakapangunahing instrumento upang tayo ay magkaintindihan, ito rin ang
nagdadamit sa ating kamalayan at sumimbolo sa ating lahi. "Ang hindi magmahal sa
sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya
ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay
ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay dito.

Ang pag-aaral at pagbigay halaga sa wikang Filipino ay isa sa mga madaling


paraan ng pagpapaunlad ng wika. Karagdagan, ang pagbasa at ang paggamit ng wika
ay malaking tulong rin sa pagpapaunlad ng ng wika. Isa rin sa maaari nating gawin ay
ang makilahok sa mga aktibidad ng pamahalaan o mga paaralan patungkol sa
pagpapahalaga ng ating wika. Bukod rito, atin ring mapapaunlad ang wika sa
pamamagitan ng pagtangkilik ng ibang mga wika at diyalekto sa Pilipinas. Ito’y dahil
hindi lamang tagalog ang Filipino, sakop nito ang kabuuang koleksyon ng mga wika at
diyalekto sa buong Pilipinas.

Dahil ang ibang wika ay parte rin ng ating kultura at tradisyon, dapat rin itong
bigyang halaga. Ang paggawa ng mga tula, at ibang gawaing pampanitikan at sining ay
makatutulong rin sa pagpapaunlad ng ating wika. Dahil sa patuloy na pag sulat, ating
makikita at mas maiintindihan ang isang wika at mas nabibigyang halaga. Kailangan
may sarili tayong diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon, pwede rin tayong
magsaliksik at magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng
internet.

Maaari din tayong magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga
pagsusuring papel na gumagamit ng wikang Filipino. Maaari din tayong
makipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino. Maaari din tayong makilahok sa
mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng
wika. Maaari din tayong lumikha ng mga nakakatuwang tula, mga kinapupulutan ng aral
na mga sanaysay, kwento, o anumang artikulo gamit ang wika. Maaari din tayong
sumubok ng isang sining na may kinalaman sa pagpapahalaga ng ating wika.
Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang
wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng
tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang
bansa katulad ng Wikang Filipino.

You might also like