Sino Ako Sa Mundo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SINO AKO SA MUNDO

Ako si Chynna Marie Malabanan Osia, Labing siyam na taong gulang. Ipinanganak ako noong Agosto
05, 2004 sa bayan ng Naic Lalawigan ng Cavite. Ang aking mga magulang ay sina Chino Oraye Osia 45,
nagtatrabaho bilang isang OFW sa bansang Canada at si Rubilyn Malabanan Osia 44 at isang guro sa
pribadong paaralan. Ipinanganak ako na walang ginintuang kutsara subalit sa paglipas ng panahon ay
ninanais ng aking mga magulang na ako ay mabigyan ng isang magandang buhay at mapag aral sa
isang kilalang unibersidad, Sa kasalukuyan ako ay na sa ikalawang antas na ng kolehiyo sa Emilio
Aguinaldo College-Cavite at kumukuha ng kursong Med-Tech.

Bilang isang tipikal na kabataan at mag-aaral marami akong hilig at kinawiwilihang gawin sa buhay.
Nais ko na magbasa ng mga libro upang madagdagan pa ang aking kaalaman lalo na sa medisina. Ako
rin ay isang panatikong tagahanga ng isang banyagang grupo subalit di ko naman nakakalimutan ang
pagiging Filipino. Ako bilang isang kabataan katulad ng iba ay may pangarap dilang sa aking pamilya
kundi ang higit sa aking sarili sa darating na panahon dahil nais kong maging tanyag na mangagamot
upang maipagmalaki ako ng aking mga magulang. Tipikal na estudyante sa inyong paningin subalit
may angking pangarap at prinsipyo sa buhay. Dahil para sa akin ay naniniwala ako na kung kaya ng iba
na magtagumpay ay kaya ko din. Mahiyain ako minsan subalit kapag naman ako ay nasa mood ay
nagagawa kong makihalubilo sa kahit na sino. Nais kong gawin ang lahat ng gusto ko ngunit may
limitasyon at alam kong tama lamang sa mata ng tao at lalo na sa pangin ng Maykapal.

Sa larangan ng buhay habang inaabot ko ang aking pangarap at mithiin sa buhay ay katuwang ko ang
aking mga magulang at tiwala sa Poong Maykapal, alam ko na kayak o mapagtagumpayan ang lahat ng
magdadaang suliranin sa akin bilang tao. Ikaw na babasa ng sulatin kong ito.. alam ko na kaya mo din..
Dasal at Tiwala lamang ang kailangan kaibigan.. At lalong higit ay pag kaakibat ng salitang gawa dahil
naniniwala ako sa kasabihan na “Nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa.

You might also like