Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Republika Ng Pilipinas

Betinan National High School


Betinan, San Miguel, Zamboanga Del Sur

“EBALWASYON SA DAHILAN NG PALAGING PAGLIBAN SA KLASE AT


EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NG
BAITANG 10 SA PANURUANG TAON 2023-2024”
___________________________________________________________________
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangaialangan ng asignaturang
FILIPINO – 2
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik)

Iprinisenta kay

G. LARRIE B. MORALES
Guro

Iprinisenta nina:

Aclan, Vicente Melanio III, E.


Flores, Mark Stephen, A.
Martinez, Alyza, C.
Nobleza, Ergen, N.
Rocha, Justin Mark, S.
Sabejon, Jemar, D.
Mga mananaliksik

Mayo, 2024
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay Isang pag-aaral tungkol sa mga mag-aaral ng
baitang 10 sa Betinan National High School. Layunin nito ay alamin at unawain kung
ano-ano Ang mga posibleng dahilan at epekto nang palaging pagliban sa klase ng
mga mag-aaral. Layunin din ng papel na ito na malaman Ang mabuting solusyon at
paraan kung paano ito maiiwasan.

Sa pag-aaral na ito, lumalabas na hindi maganda ang naidudulot nang


palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral dahil ito ay nakakasira sa kanilang
pag-aaral.

Nakasentro sa pananaliksik na ito kung ano Ang mga dahilan at epekto nang
palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng baitang 10 sa Betinan National
High School.
Kabanatang I

Panimula

Introduksyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong madiskubre ang mga pangunahing mga


dahilan at epekto ng laging pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng baitang 10.
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at unawain ang dahilan ng Pagliban ng mga
mag-aaral at matukoy kung ano ang mga posibleng epekto nito kaya pamagat ng
aming pananaliksik ay Dahilan at epekto ng laging pagliban sa klase ng mga mag-
aaral ng baitang 10 sa panuruang taon 2023-2024.

Paglalahad Ng suliranin

I. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral?


II. Ano-ano ang posibleng epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral
pagdating sa;
A. Performance task
B. Kaalaman
C. Marka
III. Paano nakakaapekto ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating
sa;
A. Kaalaman
B. Kaugalian
C. Kinabukasan

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay pakinabang sa


mga sumusunod.

 Magulang
Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga magulang upang magabayan nila ang
kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na huwag lumiban sa klase.
 Mananaliksik

Maaaring sumalamin ang mga mananaliksik base sa naging konklusyon


ng pag-aaral kung negatibo man ang kanilang nakita sa sarili, maari nila itong
baguhin para sa kanilang ikabubuti.

 Guro
Ang mga guro ay magkakaroon ng kaalaman sa pananaliksik na maaaring
maging esensyal sa pagbigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral na
pumasok. Magagabayan rin nito ang mga kailangan gawin ng guro sa is ang
mag-aaral.
 Mananaliksik sa hinaharap
Ang pag-aaral na ito ay pwede magbigay sa inyo ng mga paunang detalye
at pwedeng magamit bilang kaugnay na literatura.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin Ng pananaliksik na ito ay makatulong upang malaman ng bawat


isa ang dahilan at epekto ng palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral.
Magsisilbi rin itong gabay upang maiwasan na nila ang kanilang palaging pagliban
sa klase.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

1. Alamin ano ang dahilan ng mag-aaral kung bakit sila lumiliban sa klase?
2. Sa paanong paraan makakaapekto ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral?
3. Alamin ano ang magiging epekto ng palaging pagliban sa klase ng mga mag-
aaral?

Iskop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay ang pagsusuri sa kung ano ang maging dahilan at
epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral at kung paano ito masusulusyonan.

Nakatuon ito sa reaksyon at opinyon ng mga guro tungkol sa pananaliksik na


ito. Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa opinyon ng mga indibidwal na napili
upang sumagot sa surbey-kwestyuner na inihanda ng mananaliksik tungkol sa mga
dahilan at epekto nang palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng baitang
sampo.

Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlongpung (30) estudyante na


natatakdang sumagot sa surbey-kwestyuner, at ang mga respondenteng to ay
nagmula sa iba’t ibang seksyon ng baitang sampu.
Kabanata II

Kaugnay na Literatura at pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga magkakaibang pag-aaral ayon sa


literatura na may kaugnay sa pananaliksik na siyang basehan patungkol sa sanhi at
epekto ng laging pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng baitang 10 sa panuruan
2023-2024.

Lokal na Literatura

Pagliban sa klase: Epekto nito sa Akademikong pagganap ng mga mag-aaral

Ayon kay ELis (2016), Ang pagliban sa klase ay isa sa mga dahilan na
nakaapekto sa pagganap ng isang mag-aaral. Ang kadalasang pagliban sa klase ay
natatawag ding isang “behavioral problem” kung saan ang mga bata ay nasanay
nang lumiban sa klase ngunit mag iba’t ibang dahilan.

Ayon kay Edelyn S. Tan, Sa panahon ngayon marami na rin ang mga
estudyante ang binabalewala, ito rin ang nagiging dahilan kaya tinatamad at
nawawalan ng gana sa pagpasok sa klase.

Dayuhan na Literatura

Ayon kay Regie I. Gentizon dagdag pa sa mga dahilan nang pagliban ng mga
estudyante sa kanilang klase ay ang: Biglaang traffic, May sakit, Hindi magandang
panahon, Maling balita, Walang allowance, Na stranded, May mahalaga ng okasyon
na pupuntahan at iba pa.

Ayon kay Zoe Isabelle Carugda malaki ang nagiging epekto ng pagliban sa
klase ng isang mag-aaral sa kanilang pag-aaral, magiging dahilan ito ng pagbagsak
nila at pag-ulit sa kanilang mga asignatura.
Ayon sa mga literatura nakalap at ginamit sa pananaliksik na ito ay may
iba’tibang opinyon ang bawat isa patungkol sa Dahilan at epekto nang palaging
pagliban sa klase ng mag-aaral. Karamihan dito, ay may mga epekto nang palaging
pagliban sa klase mayroon ring mga opinyon ukol sa Dahilan nang palaging pagliban
sa klase ayon sa nakalap na mga literatura.
Kabanata III

Metodolohiya ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
deskriptib-analitik na pamamaraan, tatangkain ilarawan sa pag-aaral na ito ang mga
dahilan at epekto ng palaging pagliban sa klase ng baitang 10 sa Betinan National
High School, lungsod ng San Miguel, Zamboanga del Sur.

Respondente
Ang napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa
Betinan National High School ng San Miguel, Zamboanga del Sur sa panuruang
taon 2023-2024. Sa pag-aaral na ito ay may tatlongpung (30) respondenteng
kinakailangan kung kung saan sila ang sasagot sa mga katanungan ng mga
mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling na pumili
lang ng mga respondente na may karanasan ayon sa paksa.

Mga Instrumento ng Pananaliksik


Sa aming pananaliksik kami ay nagsagawa ng surbey at kami ay naghanda
ng surbey-kwestyuner upang makakalap nang sapat na impormasyon na
kinakailangan sa pag-aaral may sampung katanungan na ipapasagot sa mga mag-
aaral sa Betinan National High School na nakapukos sa Junior High School Students
ika 10 na baitang

Tritment ng mga Datos


Ang pagtatali ng mga sagot ay kinakailangan gawin ng mga mananaliksik
upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral. Gagamitin ay rRobert Likerts Scale
Analysis.

Paraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsusurbey. Ang
mga mananaliksik ay naglalahad ng surbey-kwestyuner na naglalayong makahanap
ng mga datos upang malaman ang mga dahilan at epekto. Masasagawa rin ng
pangangalap ng impormayson ng mga mananaliksik sa aklat.
Pagtatali ng mga Datos

Robert Likerts Scale analysis

3-point scale

1. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral?

Respondente T6 T7 T9
1 3 3 3
2 3 3 3
3 1 3 2
4 1 2 3
5 3 1 1
6 1 1 1
7 1 2 2
8 1 2 2
9 1 2 2
10 1 2 1
11 3 2 1
12 2 2 1
13 3 1 2
14 2 2 2
15 2 2 2
16 3 2 3
17 1 1 3
18 1 2 2
19 2 3 2
20 1 1 1
21 1 1 3
22 2 1 3
23 2 3 2
24 2 1 2
25 2 2 2
26 2 2 2
27 3 3 3
28 3 3 2
29 2 2 3
30 3 3 3
Total 1.93 2.00 2.13

Range: 3-1 = 2

Interval: 2 / 3 = 0.66

3point scale

Interpretasyon

1- 1.00 – 1.65

2- 1.66 – 2.31

3- 2.32 – 3.00

T6 – 2 kadalasan

T7 – 2 kadalasan

T9 – 2 kadalasan
Respondente T1 T2 T3 T8
1 1 3 3 2
2 2 3 1 3
3 1 3 1 2
4 2 3 3 2
5 2 3 3 3
6 2 2 1 3
7 2 3 2 2
8 2 3 2 2
9 1 3 2 2
10 3 2 1 1
11 3 2 1 1
12 2 2 3 3
13 1 3 2 2
14 2 2 1 1
15 3 2 1 1
16 1 2 2 2
17 1 3 1 1
18 3 1 3 3
19 3 3 1 1
20 3 2 2 2
21 3 3 2 2
22 3 2 2 2
23 3 2 2 2
24 3 2 2 2
25 3 2 1 1
26 2 1 2 2
27 3 2 2 2
28 3 1 2 2
29 3 1 2 2
30 3 1 1 1
Total 2.32 2.23 2.33 2.00

Range: 3-1 = 2

Interval: 2 / 3 = 0.66

3point scale

Interpretasyon

1- 1.00 – 1.65

2- 1.66 – 2.31

3- 2.32 – 3.00
T1- 3 Sa Lahat ng Panahon
T2- 2 Kadalasan
T3- 3 Sa Lahat ng Panahon
Kabatana IV

Presentasyon at Interpretasyon Ng mga Datos

1.1 Katampatan ng mga katanungan ng unang suliranin

Sa lahat ng panahon Kadalasan Hindi sa lahat ng panahon

2.13

1.93

T6 T7 T9

Ang bar graph ay nagpapakita ng katanungan T6, T7, at T9 na binuo mula sa


unang suliranin “Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-
aaral?” Ang T6 ay may katampatan 1.93 na may interpretasyong ‘KADALASAN”,
Ang T7 ay may katampatan 2.00 na may interpretasyong ”KADALASAN” at ang T9
ay may katampatan 2.13 na may interpretasyong “KADALASAN” bilang resulta sa
ginawang surbey sa tatlongpung respondente mula sa baitang 10.
2.1 Katampan ng mga katanungan ng ikalawang suliranin

Sa lahat ng panahon Kadalasan Hindi sa lahat ng panahon

2.32 2.33
2.3

T1 T2 T3 T8

Ang bar graph ay nagpapakita ng katanungan T1, T2, T3, at T8 na binuo mula
sa ikalawang suliranin “Ano-ano ang posibleng epekto ng pagliban sa klase ng mga
mag-aaral pagdating sa Performance task at Kaalaman?”

Ang T1 ay may katampatan 2.32 na may interpretasyong “SA LAHAT NG


PANAHON” ang T2 ay may katampatang 2.23 na may interpretasyong
“KADALASAN” ang may katampatan 2.33 na may interpretasyong “SA LAHAT NG
PANAHON” at ang T8 na may katampatan 2.00 na may interpretasyong
“KADALASAN” bilang resulta sa ginawang surbey sa tatlongpung respondent mula
sa baitang 10.
3.1 Katampatan ng mga katanungan ng ikatlong suliran*

Sa lahat ng panahon Kadalasan Hindi sa lahat ng panahon

2.4
2.32

2.1

T4 T5 T10

Ang bar graph ay nagpapakita ng katanungan T4, T5, at T10 na binuo sa


ikatlong suliranin “Paano nakakaapekto ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral
pagdating sa kinabukasan, kaalaman, at kaugalian.

Ang T4 ay may katampatan 2.32 na may interpretasyong sa “SA LAHAT NG


PANAHON” ang T5 ay may katampatan 2.1 na may interpretasyong “KADALASAN”
at ang T10 ay may katampatan 2.4 na may interpretasyong “SA LAHAT NG
PANAHON” bilang resulta sa ginawang surbey sa tatlongpung respondente mula sa
baitang 10.
Katampatan ng mga katanungan ng lahat ng suliranin

Sa lahat ng panahon Kadalasan Hindi sa lahat ng panahon

2.32 2.3 2.33 2.32 2.4


2.1 2 2 2.13
1.93

0
T1 T2 T3 T4 T5 T6 T7 T8 T9 T10

Ang bar graph na ito ay nagpapakita sa lahat ng katanungan tanong bilang 1


hanggang tanong bilang 10 na kinuha sa lahat ng suliranin.

Ang tanong bilang 10 “Maapektuhan ang kinabukasan ng isang mag-aaral


dahil sa palaging pagliban sa klase” na may pinakamataas nakatampatang 2.4 na
may interpretasyong “SA LAHAT NG PANAHON” at ang tanong bilang 6 “Tinatamad
sa klase ang isang mag-aaral kaya laging lumiliban sa klase” na may
pinakamababang katampatang 1.93 na may interpretasyong “KADALASAN” bilang
resulta sa ginawang surbey sa tatlongpung respondent mula sa baitang 10.
Kabuuan, ang tanong 9 na “Naimpluwensyahan ng mga barkada/kaibigan ang
isang mag-aaral kaya lumilibansa klase” ay ang mayroong mataasna katampatang
2.13 na may interpret a song “kadalasan” na nagpapakita ng konkretong dahilan
nang pagliban sa klase ng mga mag-aaral na tumutugon sa unang suliranin na “Ano
ang posibleng dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral”.

Sa kabuuan, ang tanong 3 “Maaapektuhan ang marka ng isang mag-aaral


kung palaging lumiban sa klase” ay mayroong mataas na katampatang 2.33 na may
interpret a song “Sa lahat ng panahon” na nagpapakita ng konkretong epekto nang
pagliban sa klase ng mga mag-aaral na tumutugon sa ikalawang suliranin na “Ano-
ano ang posibleng epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa
marka.

Sa kabuuan, ang tanong 1 “Nakakaapekto sa Akademikong pagganap ng


mag-aaral ang palaging pagliban sa klase” ay mayroong mataas na katampatang
2.32 na may interpretasyong “Sa lahat ng panahon” na nagpapakita ng konkretong
epekto nang pagliban sa klase ng mga mag-aaral na tumutugon sa unang suliranin
na “Ano-ano ang posibleng epekto nang pagliban sa klase ng mga mag-aaral
pagdating sa performance task”.

Sa kabuuan, ang tanong 2 “Naaapektuhan ang kaalaman ng mag-aaral kung


palaging lumiban sa klase “ ay mayroong mataas na katampatang 2.3 na may
interpretasyong “Kadalasan” na nagpapakita ng konkretong epekto nang pagliban sa
klase ng mga mag-aaral na tumutugon sa ikalawang suliranin na “Ano-ano ang
posibleng epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa kaalaman”.

Sa kabuuan, ang tanong 4 “Maaring magdulot sa kakulangan ng kaalaman


ang isang mag-aaral kung palaging lumiban sa klase” ay may interpretasyong 2.32
na may interpretasyong “Sa lahat ng panahon” na nagpapakita ng konkretong
epekto nang pagliban sa klase ng mga mag-aaral na tumutugon sa ikatlong suliranin
na “Paano nakakaapekto ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa
kaalaman”.

Sa kabuuan, ang tanong 5 “nawawalan ng respect of ang mag-aaral kung


palaging lumiban sa klase” na may katampatang 2.1 na may interpretasyong
“Kadalasan” na nagpapakita ng konkretong epekto nang pagliban sa klase ng mga
mag-aaral na tumutugon sa ikatlong suliranin na “Paano nakakaapekto ang pagliban
sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa ”.

Sa kabuuan, ang tanong 10 “Maapektuhan ang kinabukasan ng isang mag-


aaral dahilan sa palaging pagliban sa klase” ay may katampatang 2.4 na may
interpretasyong “Sa lahat ng panahon” na nagpapakita ng konkretong epekto nang
pagliban sa klase ng mag-aaral na tumutugon sa ikatlong suliranin na “Paano
nakakaapekto ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa kinabukasan”.

Batay sa mga sinuring datos, Ayon sa pag-aaral na ito ay nagpapakita ng


interpretasyong “Kadalasan” na bilang konkretong dahilan at epekto nang palaging
pagliban sa klase ng mga mag-aaral.

Ang naturang suliranin sa pag-aaral na ito ay natutugunan batay sa nasuring


impormasyon hinggil sa isyu na ito'y nagpapatunay na ang naka sa na yan pagliban
sa klase ng mga mag-aaral na kadalasan o normal na nangyayari sa loob ng silid-
aralan ang pagkakaroon ng ganitong kaganapan na nagdudulot ng sari-saring
epekto sa mga mag-aaral pagdating sa performance task, kaalaman, marka at
kinabukasan.
Kabanata V
Lagom, konklusyon, at rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Dahilan at epekto nang palaging


pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng baitang 10 sa panuruang taon 2023 – 2024.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin at unawain kung ano-ano ang mga
posibleng dahilan ng palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral at kung ano-ano
ang mga posibleng epekto nito sa mga mag-aaral na palaging lumiliban sa klase.

Ang pananaliksik na ito ay may tatlong suliranin: “Ano-ano ang posibleng


dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa; Performance task,
kaalaman at marka”, at ang panghuling suliranin ay “Paano nakakaapekto ang
pagliban sa klase ng mga mag-aaral pagdating sa; Performance task, kaalaman,
kaugalian at kinabukasan”.

Ayon kay ELis (2016), Ang pagliban sa klase ay isa sa mga dahilan na
nakaapekto sa pagganap ng isang mag-aaral. Ang kadalasang pagliban sa klase ay
natatawag ding isang “behavioral problem” kung saan ang mga bata ay nasanay
nang lumiban sa klase ngunit mag iba’t ibang dahilan.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan para sa subey, gamit


ang surbey-kwestyuner na pinasagutan sa tatlongpung mag-aaral ng baitang 10 sa
Betinan National High School.

Batay sa mga sinuring datos, ayon sa pag-aaral na ito ay nagpapakita ng


interpretasyong “KADALASAN” na bilang konkretong dahilan at epekto nang
palaging pagliban sa klase ng mga mag-aaral.

Ang naturang suliranin sa pag-aaral na ito ay natutugunan batay sa nasuring


impormasyon hinggil sa isyu na ito'y nagpapatunay na ang nakasanayang pagliban
sa klase ng mga mag-aaral na kadalasan o normal na nangyayari sa loob ng silid
aralan ang pagkakaroon ng ganitong kaganapan na nagdudulot ng sari-saring
epekto sa mga mag-aaral pagdating sa performances task , kaalaman, marka at
kinabukasan.
Para sa mga mag-aaral huwag ng lumiban sa klase dahil ito ay nakakasira sa
marka at kinabukasan, ugaliin na palaging pumasok sa klase para magkaroon Ng
magandang kinabukasan. At para sa mga susunod na mananaliksik Ang pag-aaral
na ito ay pwedeng magamit bilang paunang detalye at gawing kaugnay na literatura.
Pasasalamat

Kaming mga mananaliksik sa Aclan’s group ay taos-pusong nagpapasalamat sa


lahat ng mga taong naging bahagi ng aming pananaliksik.

 Sa poong may kapal na nagabay sa bawat hakbang sa aming pananaliksik at


nabigay saamin ng lakas at hinding-hindi kami pinabayaan sa gitna ng aming
kahirapan upang matapos ang pananaliksik na ito.
 Sa kanya-kanya naming mga pamilya na walang sawang tumulong sa
pinansyal na kailangan namin upang matapos at maisagawang pananaliksik
na ito.
 Sa aming naging respondente na nagbigay sa amin ng oras upang
masagutan ang aming mga katanungan at dahil sakanila nagkaroon kami ng
sapat na impormasyon at malawak na kaalaman sa aming paksa.
 At kay Ginoong Larrie B. Morales na nagbigay gabay sa bawat hakbang ng
aming isinagawa sa aming pananaliksik upang matapos ito ng maayos at
naglaan siya ng oras upang turuan kami ng mabuti at maisaayos ang aming
pananaliksik.

MULI MARAMING SALAMAT SA INYO!

You might also like