Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Desiderata

Isinalin sa Tagalog ni: ALVIN T.


CLARIDADES

Humayo kang mapayap sa gitna ingay at


pagmamadali at alalahanin mo kung anong
kapayapaan mayroon sa
katahimikan.Hangga’tmaa ri,nang walang
pagsuko, maging Mabuti ang pakikitungo mo sa
lahat ng tao. Ipahayag mo ang iyong katotohanan
nang tahimik at buong linaw; at making ka sa iba,
maging sa mga kabagut-bagot at mangmang; sila
man ay mayroon ding sari-sariling salaysay.

Iwasan mo ang mga maiingay at mapupusok na


tao; sila ay mga pang-inis sa isip. Kung
ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, maari kang
maging palalo o may sama ng loob,sa pagkat lagi
na’y mayroong mas nakahihigit at mas
nakababang mga tao kaysa sa iyo.
MASAYAHAN ka sa iyong mga
nakamtangayundin sa iyong mga balakin. Manatili
kang interesado sa iyong sariling hanapbuhay,
gaano man kababa; ito’y isang tunay nap ag-aari
sa pabago-bagong kapalaran ng panahon.

GAWIN mo ang pag-iingat sa iyong mga


gawaing pangkalakal, sapagkat ang daigdig ay
tigib ng panlilinlang. Subalit huwag mo itong
bayaang bumulag sa iyo kung anong kabutihan
ang mayroon ditto; maraming tao ang
nagpupunyagi tungo sa matataas na hangarin , at
kahit ang buhay ay puno ng kabayanihan.

IKAW ay maging ikaw. Lalo’t higit ay huwag


mong dayain ang pagmamahal. O ‘di kaya’y
maging mapag-alinlangan ka tungkol sa pag-ibig;
sapagkat sa harap ng lahat ng kahungkagan at
pagkasuklam, ito’y kasing-tatag ng mga damo.
Tanggapin mon ang may kagandahang loob ang
payo ng mga taon, buong kagitingang isinusuko
ang mga bagay ng kabataan. Alagaan mo ang
lakas ng pag-iisip upang ipinanggalang laban sa
madidilim na kaisipan. Marami sa mga pangamba
ay hatid ng pagod at kalungkutan. Sa kabila ng
isang mabuting disiplina, maging mahinahon ka.

IKAW ay anak ng sanlibutan, hindi hamak kaysa


mga puno at mga bituin; may karapatan kang
maparito. At maging ito man ay malinaw o hindi
sa iyo, walang alinlangan na ang sanlibutan ay
umiinog gaya ng nararapat nitong gawin. Kung
gayon, maging mapayapa ka sa piling ng Diyos,
anuman ang iyong pananaw tungkol sa kanya. At
anuman ang iyong mga pagpapagal at mithiin, sa
maingay na kalituhan ng buhay, pamalagiin mo
ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.

Sa kabila ng kaniyang mga pagkukunwari.


Pagkaalipin at gumuhong mga pangarap, ito’y isa
pa ring magandang daigdig. Maging maingat
ka.Pagsumikapan mong maging maligaya.
FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK
Ni: Jennifor L. Aguilar

Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik


Pinipilit, ginigiit, sinisiksik
Wikang Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig makamit ang antas maging
wika ng saliksik

Hindi mararating ni hindin maihahambing


Maging higanteng wika’y suntok lamang sa dilim
Hangga’t walang bait, buti at panalanging taimtim
Na gamit sa saliksik ang wika nating angkin

Sa mga paaralan, hindi siya pinapansin


Mga guro’t administrador, napakababa kung tinuturing
Sa matatalinong usapin, debate’t mga sulatin
Hindi maipilit na gamitin lang man din
Sa larang- medical, naririnig ba natin?
Mga terminolohiya ng sakit at gamut na generic
Hindi nga mabigkas ng pasyenteng namimilit
Kasama na niyang namatay hanggang sa mailibing

Maging sa hudikatura, may puwang ba nakalaan?


Pobreng Pilipinong nasasakal, sa Ingles pinagtatalunan
Nakulong na’t lahat, nabulok sa bilangguan
Hindi man lamang nakapagtanggol sa wika niyang alam.

Hindi magtatagumpay at walang mararating


Wikang mahal natin kung ganito itinuturing
Tuluyan siyang masasandlak,mananatiling alipin
Mabibilanggo’t magkakasakit hanggang tayo’y linisanin

Simulang pahalagahan, gamitin nang gamitin


Talastasan sa tahanan at komunidad natin
Sa simbahan, paaralan, ospital o hukuman
Senado at Kongreso, Hanggang sa Malakanyang

You might also like