Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
City Schools Division of Digos
DIGOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Digos City

DAILY LESSON LOG (Baitang – 10)


S.Y. 2023- 2024

Guro:____________________ Petsa: ________________


Markahan: UNANG MARKAHAN Linggo: IKAWALA

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya .
(F10PD-Ia-b-61)

Mga Gawain:

Pagsasanay/
Pagbabalik-aral

IPALIWANAG MO!
Suriing mabuti ang pahayag . “Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa
Ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.”

Pangganyak

Mula sa cartoon na napanood o sa binasang mitolohiya, ibigay ang layunin ng


tauhan at ang mensahe na nasa larawan.

Layunin: Ninais ng magkapatid na patayin ni Psyche ang kanyang asawa dahil


nainggit sila sa yaman nito .

Mensahe: Kailanman ay hindi magtatagumpay ang isang gawain na may masamang


hangarin.

Pagtalakay sa Paksa

Pagtalakay sa mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
1. Ano ang kahulugan ng salitang MENSAHE ?
2. Ano ang kahuluganng salitang LAYUNIN ?
3. Bakit mahalaga ang pagpapatukoy sa mensahe at layunin ng napanood na cartoon
na isang mitolohiya?
3. Naniniwala ka ba na mapapalawak natin ang kaalaman sa daigdig ng
panonood habang tinutukoy natin ang mensahe at layunin ng ating
napanood na cartoon o palabas ? Sa paanong paraan?

Mensahe - ay ang nais sabihin o nais iparating ng isang tao o


teksto.
nangangahulugang tunguhin o mithiin na kailangan
Layunin -
makamit,
makamtan o maisakatuparan na may kaakibat na
pagkilos.
 Malayang talakayan ukol pagtukoy sa mensahe at layunin sa cartoon napanood.

Gawain 1

Ibigay ang layunin ng tauhan at ang mensahe na nasa larawan.

Layunin:

Mensahe:

Gawain 2

1. Ano ang pamagat ng cartoon na nasa sa larawan?


2. Nakikita ba ninyo ang katangian ng isang mitolohiya?
3. Tukuyin ang mensahe ng tauhan at layunin ng larawan na ito?

Paglinang sa Kabihasaan
1. Paano mo higit nakikilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego
sa tulong ng mga larawan na ito?
2. Tukuyin ang mensahe at layunin ng mga larawan na nasa itaas ?
3. Kung susulat ka ng ng sariling mitolihiya, sino sa kanila ang nanaisin mong
tauhan? Bakit ?

Paglalapat

Bilang kabataan, naniniwala ka bang dapat pahalagahan ng kabataan sa kasalukuyan ang


mga mensahe at layunin ng inyong pinanonod na mga cartoon ? Bakit?

Paglalahat

Ano-ano ang mga mensahe at layunin ng inyong pinanonood na mitolohiya ? Alin sa mga
ito ang masasabi mong gabay sa tamang pagpapasya ?

Pagtataya

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng palabas na inyong pinanonood sa GMA ?


2. Nakikita ba sa palabas na ito ang katangian ng isang mitolohiya?
3. Tukuyin ang mensahe at layunin ang nasa larawan ?

Takdang-aralin:

Manood ng iba pang mga palabas sa TV o you tube na may kaugnayan sa mitolohiya.
Tukuyin ang mensahe at layunin ng inyong pinanood.

You might also like