Lesson Plan For Demo Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Paaralan Bambang Baitang/Antas Grade 11

GRADE 11 National
DAILY LESSON LOG High School
(Pang-araw-araw Guro Kelvin Marc Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng
na Tala sa Pagtuturo) Medina Iba’t Ibang Teksto Tungo
Dalaza sa Pananaliksik
Petsa/Oras Mayo 19, Markahan Ika-apat na Markahan
2022

Bilang ng Sesyon 1
I. LAYUNIN
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
A. Pamantayang pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pangnilalaman

Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at


B. Pamantayan sa panlipunan sa bansa.
Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Pagkatuto 1. Natutukoy ang mga katangian ng Tektong Persuweysib;
2. Naibabahagi ang mga karanasan sa pangungumbinsi; at
3. Nakasusulat ng halimbawa Tekstong Persuweysib gamit ang iba’t ibang
paraan ng pangungumbinsi.

PAGKILALA SA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO


II. NILALAMAN
(Tekstong Persuweysib)

III. KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Ikatlong
ng Guro Markahan – Modyul 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto, p7.
2. Mga Pahina sa Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Ikatlong
Kagamitang Pang- Markahan – Modyul 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto, p7.
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
learning resource
B. Iba pang Modyul, laptop, T.V. o projector, at visual aid.
Kagamitang Panturo

Pahina 1
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. A. Panimulang Gawain a. Panalangin

Magandang umaga, klas.


Magandang umaga rin po, sir.
Bago tayo dumako sa ating talakayan,
manalagin tayo. Mapagpalang Ama, maraming salamat
po sa lahat ng biyaya sa araw na ito. Sa
aming lakas na amin pong ginamit sa
pagpunta dito sa paaralan. Gabayan
Ninyo po kami sa aming pag-aaral.
Bigyan Ninyo po kami ng katalinuhan
upang amin pong magamit sa aming
pag-aaral. Ito po ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Hesus, Amen.
Maraming salamat.

Bago kayo umupo, mangyaring pulutin


ninyo ang mga nagkalat na basura sa
ilalim at paligid ng inyong upuan.

b. Pasalista
Sino ang lumiban sa klase?
Wala po.
Mabuti kung ganon.

c. Pagbibigay Pamantayan
Ngayon, narito ang ilang LIGTAS
TIPS na kinakailangan nating isaalang-
alang sa tuwi-tuwina. Laging isuot ang facemask
Iwasang magdikit-dikit
Gawin ang mga aktibidad
ng buong talino
Tumahimik at makinig nang
mabuti.
Ayusin ang mga gamit

Sumunod sa panuto ng guro.

Laging tandaan ang mga paalalang ito


upang mapanatili ang ating kaligtasan
mula sa sakit at sa mababang grado.
Naintindihan ba?
Opo!
B. Pagbabalik-aral

Pahina 2
C. Paghahabi sa Layunin Bago tayo tumungo sa bagong aralin,
ng Aralin isagawa muna natin ang paunang
gawain.

PUSUAN ANG BOTO


Ilagay ang puso sa tabi ng Presidenteng
ibinoto (o nais iboto) noong nakaraang
Halalan.
Kandidato Boto

Maraming salamat! Ngayon, suriin


natin ang kinalabasan ng ating gawain,
sino ang pinusuan ng nakararami sa
inyo? Sino rin naman ang kandidatong
nagkamit ng pinakakonting puso?
Sir, kapansin-pansin po na si Ferdinand
Marcos Jr. ang pinusuan ng nakararami.
Pangalawa si Leni Robredo, Pangatlo si
Manny Pacquiao, Pang-apat si Isko
Domagoso at Ping Lacson.
Mahusay! Ang pangulong pinusuan ba
ninyo ngayon ang siyang ibinoto ninyo
noong nakaraang halalan? Bakit?
Opo Sir! Pinili ko po ang aking binoto
base sa kanyang mga plataporma.
Ano ba ang alam ninyong plataporma
ng pinili ninyong kandidato?
Isa po sa mga ipinangako niya ay ang
pagkakaroon ng libreng wifi kung siya
ang mananalo.
Sa iyong palagay, mangyayari kaya
iyon?
Maaari po ngunit may tyansang hindi
po.
Tama! Walang kasiguruhan kasi
pangako lamang iyon.
Sa tingin ninyo, bakit nangangako ang
mga kandidato tuwing nalalapit na ang
Pahina 3
halalan?

Tama!
Upang makakumbinsi po at makahikayat
ng mga botante na sila ang piliing iboto.
D. B. Pag-uugnay ng mga Kagaya ng ginagawang pangako ng
halimbawa sa bagong mga kandidato upang makahikayat ng
aralin botante, may isa ring uri ng teksto na

A 1 N 14
B 2 O 15
C 3 P 16
D 4 Q 17
E 5 R 18
F 6 S 19
G 7 T 20
H 8 U 21
I 9 V 22
J 10 W 23
K 11 X 24
L 12 Y 25
M 13 Z 26
nangungumbinsi at nanghihikayat.

BLANG-CODE
Upang malaman kung anong uri ng
teksto ang tinutukoy, idecode ang code.
Isulat ang mga letra ng karampatang
numero sa mga blangko.
__ _E_ __ __ __ __ _G_
20-5-11-19-20-15-1
__ __ _R _S __ _ _ _Y __ __ B_ Tekstong Persuweysib po!
16-5-18-19-21-23-5-25-19-9-2
Ano ang sagot?

Mahusay!
E. C. Pagtalakay ng Gawin nating kapanapanabik ang ating
bagong konsepto at pagkatuto. Ang bawat isa ay bibigyan
paglalahad ng bagong ko ng numero at tayo ay maglalaro ng
kasanayan #1
ANSWER-TE mo na hango sa larong
Bingo. Pamilyar ba kayo sa larong ito?
Opo Sir!
Mabuti kung ganon! Habang
nagkakaroon tayo ng talakayan,
bubunot ako ng numero. Kung sino ang
masuwerteng nakahawak ng numerong
babanggitin ko, siya ang sasagot sa
katanungan o magpapaliwanag ng
Pahina 4
kahulugan. Naunawaan ba?
Opo Sir!
Kung gayon, alamin natin kung ano
ang kahulugan ng Tekstong
Persuweysib. (Babasahin ang kahulugan ng Tekstong
Persuweysib)
Ano ang iyong pagkakaintindi sa iyong
binasa? Ang tekstong persuweysib po ay isang
uri ng teksto na naglalahad ng mga
impormasyong upang manghikayat ng
mambabasa.
Mahusay! Ano naman kaya ang
layunin ng tekstong nanghihikayat?
Ito po ay may layuning magbigay ng
opinyon nang makapanghikayat sa
mambabasa o tagapakinig na maniwala
sa kanyang posisyon o punto de vista.
Tama! Saan karaniwang ginagamit ang
Tekstong Persuweysib? Ito ay ginagamit sa mga iskrip para sa
patalastas, propaganda sa eleksyon at
pagrerekrut sa isang samahan o
Mahusay! Ngayon, mayroon tayong networking.
iba’t ibang paraan ng panghihikayat
ayon kay Aristotle. Pero bago iyon,
sino ba si Aristole? Babasahin ang maikling talambuhay ni
Aristotle.
Maraming salamat! Ngayon, panoorin
natin at suriin kung anong paraan ng
panghihikayat ang mayroon sa
sumusunod na patalastas.
(Papanoorin ang Patalastas ng
Ano ang produktong inihihikayat sa Sensodyne.)
mga tagapanood? Sino ang nagsasalita
sa patalastas? Sir ito po ay Sensodyne. Ang nagsasalita
po ay isang Dentista.
Mahusay! Sa iyong palagay, kapani-
paniwala ba ang sinasabi ng Dentista
sa patalastas na pinanood ninyo?
Opo sir! Dahil isang propesyonal na
mismo ang nagsasabi na ito ay
nakapagbibigay ginhawa sa nangingilo.
Tama! Maya-maya ay babalikan natin
ang patalastas na iyan. Ngayon naman,
panoorin natin ang susunod na
patalastas. (Panonoorin ang patalastas ng
Maxipeel)
Ano ang produktong inihihikayat sa
mga tagapanood? Sino ang nagsasalita
Pahina 5
sa patalastas? Ang inihihikayat po sa mga tagapanood
ay ang produktong Maxipeel. Ang
nagsasalita po ay isang babaeng
nagkaroon na ng karanasan sa paggamit
nito.
Tama! Mula sa dalawang patalastas na
pinanood ninyo, masasabi ba nating
kapanipaniwala ang nagsasalita?
Opo!
Bakit ninyo nasabi?
Maaari po nating paniwalaan ang
nagsasalita dahil ang isa po ay isang
propesyonal na maalam sa larangan ng
produktong kanyang inihihikayat habang
ang isa naman ay naranasan na mismo
ang paggamit ng produktong kanyang
inihihikayat sa madla.
Tama! Kung gayon, sa inyong palagay,
anong paraan ng panghihikayat ang
ginamit dito? Ethos po Sir!

Mahusay! Basahin ang kahulugan nito.


Tumutukoy sa kredibilidad ng
manunulat. Sa pamamagitan ng kanyang
malawak na kaalaman, makukumbinsi
Narito naman ang halimbawa ng ng manunulat ang mga mambabasa
panghihikayat na Ethos.
Ako ay dati nang Mayor. Marami na
akong nagawa sa aming bayan. Kung
ako ang inyong iboboto, tiyak na mas
Maraming salamat! Alamin naman uunlad ang ating probinsiya.
natin ang susunod na paraan ng
panghihikayat.
(Panonoorin ang patalastas ng Jollibee)
Ano ang reaksyon ninyo pagkatapos
mapanood ang patalastas? Sir natouch ako sa pinanood nating
patalastas ng Jollibee sapagkat mayroon
itong istorya ng isang ina na gagawin
ang lahat para sa kanyang minamahal na
Tama! Nabanggit ninyo na ito ay anak.
nakakatouch, ibig ipakahulugan nito na
mayroong emosyon na kaakibat ang
patalastas na ito. Sang-ayon ba kayo?
Opo sir!
Sa inyong palagay, ano kayang paraan
ng panghihikayat ang gumagamit ng
emosyon?
Pathos po Sir!
Pahina 6
Tumpak! Basahin ang kahulugan nito.
Paggamit ng emosyon upang mahikayat
ang mambabasa. Ayon kay Aristotle,
madaling makumbinsi ang mambabasa
Maraming salamat! Narito ang gamit ang kanilang emosyon.
halimbawa ng panghihikayat na nasa
paraang Pathos, basahin.
Ako po ay isang pipi. Dahil sa aking
kapansanan ay walang tumatanggap sa
akin sa trabaho. May 2 po akong anak at
maging sila ay may kapansanan. Hindi
po kami nakakakain ng 3 beses sa isang
araw at ang aking mga anak ay hindi rin
nakakapasok sa eskwelahan. Kahit
kaunting barya lamang po ay malaking
Dumako tayo sa pangatlong paraan ng tulong sa amin.
panhihikayat. Panoorin natin ang
susunod na patalastas.
(Panonoorin ang patalastas ng
Ano ang napansin ninyo sa paraan ng Bearbrand)
panghihikayat nito?
Sir gumamit po ng lohikal na datos ang
Ano ang lohikal na datos na patalastas na pinanood namin.
nagpapatunay rito?
Nabanggit po sir na 4/5 kulang sa Iron,
1/5 ng mga bata ang kulang sa Zinc,
7/10 ang kulang sa Vitamin C, na
Tumpak! Iyan ay mga lohikal na datos maaaring magdulot ng Micronutrient
na nagmula mismo sa Food and Deficiency.
Nutrition Research Institute- DOST. Sa
inyong palagay, ano ang tawag sa
paraan ng panghihikayat na gumagamit
ng lohikal na datos?

Tama! Basahin natin kung ano ang Logos po Sir!


kahulugan nito.

Paggamit ng lohika upang makumbinsi


ang mambabasa. Madalas na
Maraming Salamat! Narito ang pagkakamali ng manunulat ang
halimbawa ng Logos, basahin natin. paggamit ng ad hominem fallacy

Ayon sa pag-aaral ng DepEd noong


nakaraang taon, 86% ng mga Senior
High School respondent ay nasisiyahan
sa kanilang pangkalahatang karanasan sa
pilot na pagpapatupad ng limitadong
Pahina 7
Sang-ayon ba kayo na ito ay face-to-face class. Kaya nararapat
halimbawa ng Paraan ng panghihikayat lamang na huwag tayong matakot na
na nasa Logos? Bakit? sumali sa face-to-face class.

Tumpak! Palakpakan natin ang bawat Opo sir dahil naglahad po siya ng mga
isa! impormasyon na nakabase sa isang pag-
aaral upang masuportahan ang kanyang
Naunawaan ba ninyo ang pagkakaiba punto.
ng bawat paraan ng panghihikayat?

Opo!
F. D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2
G. E. Paglinang ng Isa sa mga halimbawa ng Tekstong
Kabisaan Persuweysib ay ang Iskrip ng mga
Patalastas. Para sa gawaing ito, gagawa
kayo ng patalastas. Patalastas Muna
Panuto:
Mamili ng kahit anong produkto o
serbisyo na maaari mong iugnay sa
iyong major. Sa pamamagitan ng
pagsulat ng Tekstong Persuweysib sa
anyo ng isang iskrip ng patalastas,
kumbinsihin ang mga manonood na
bilhin ang iyong produkto. Gawin ito sa
isang malinis na papel sa loob ng 5
Narito naman ang ilang paalala para sa
minuto.
gagawing patalastas. Basahin.
Paalala:
• Gumawa ng sariling brand name.
• Bawal kopyahin ang tagline ng
ibang brand.
• Gawing kawili-wili ang
Narito ang rubriks ng inyong gawain:
patalastas.

Pahina 8
H. F. Paglalapat ng aralin Pamagat ng Gawain: HIKAYA10
sa pang-araw-araw na NA10!
buhay
Ang bawat numero ay may isang
pangyayari. Pumili ng numero at
ipaliwanag kung sa papaanong paraan
ka manghihikayat kung ikaw ang nasa
ganitong kalagayan. Naunawaan ba? Opo Sir!
Sitwasyon: Nalaman mong
magkakaroon na ng limited face-to-
face ang ating paaralan, paano mo
hihikayatin ang iyong natatakot na Sasabihin ko pong kailangan naming
kamag-aral na sumali rito? sumali sapagkat mas malaki ang
tyansang magkaroon kami ng mataas na
grade kapag naturuan ng face-to-face.
Sitwasyon: Ipagpalagay nating
magtatayo ka ng isang restaurant sa
inyong lugar, anong mga istratehiya
ang iyong gagawin upang Maglalagay po ako ng mga poster at
makapanghikayat ng mga kostumer? magbibigay ng discount sa mga unang
customer. Magbibigay rin po ako ng
flyers para malaman ng mga tao sa amin
Sitwasyon: Palihim sayong sinabi ng
na mayroon akong restaurant.
iyong kamag-aral na nawawalan na
siya ng ganang sumagot ng kanyang
modyul, ano ang ipapayo mo sa kanya?
Ipapayo ko po na huwag siyang sumuko
at siguradong pagod lang siya. Sasabihin
ko po na ayos lang na magpahinga pero
kailangan niya pa ring maghanap ng oras
na tapusin ang module dahil para sa
kinabukasan niya iyon.

Mahusay! Palakpakan natin ang bawat


isa! Bilib ako sa inyo sapagkat likas sa
inyo ang manghikayat!
I. G. Paglalahat ng Aralin Naunawaan ba ninyo ang ating aralin
klas? Opo Sir!

Kung gayon, ano ang pinag-aralan


natin sa araw na ito? Ma’am pinag-aralan po natin kung ano
ang Tekstong Persuweysib at ang tatlong
Paraan ng Panghihikayat
Magaling! Ano ang Tekstong
Persuweysib? Ang Tekstong Persuweysib ay
naglalahad ng pahayag upang
mangumbinsi.
Tama! Ano naman ang layunin ng
Pahina 9
Tekstong Persuweysib?
Ito po ay may layuning magbigay ng
opinyon nang makapanghikayat sa
mambabasa o tagapakinig na maniwala
sa kanyang posisyon o punto de vista.
Ayon kay Aristotle, ano ang tatlong
paraan ng panghihikayat? Ethos, Pathos at Logos po.

Anu-ano ang pagkakaiba ng tatlong


ito? Ang Ethos ay nangungumbinsi gamit
ang kredibilidad ng manunulat. Ang
Pathos ay umaapela sa emosyon ng
mambabasa. Ang Logos naman ay
paggamit ng lohika.
Tama! Magbigay ng halimbawa ng
Tekstong Persuweysib.
Ang ilang halimbawa po nito ay iskrip
sa patalastas at propaganda sa eleksyon.
Mahusay! Batid kong marami kayong
natutunan mula sa ating talakayan!
J. H. Pagtataya ng Aralin Upang tayahin ang inyong napag-
aralan, mayroon ako ritong
nakahandang maikling pagsusulit na
inyong sasagutin.
Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot ng
bawat aytem. Ilagay ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Isang uri ng tekstong naglalahad


ng mga pahayag upang
makapanghikayat at makapangumbinsi.
Sagot: Tekstong Persuweysib
____2. Siya ay isang Griyegong
Pilosopo na nagbigay ng 3 paraan sa
paghihikayat.
Sagot: Aristotle
____3. Isang uri ng panghihikayat kung
saan ginagamit ng manunulat ang
kanyang kredibilidad upang
manghikayat ng mambabasa.
Sagot: Ethos
____4. Isang uri ng panghihikayat kung
saan ang manunulat ay gumagamit ng
lohika upang makapangumbinsi.
Sagot: Logos
5. Sa uri ng panghihikayat na ito, ang
manunulat ay gumagamit ng emosyon sa
panghihikayat.
Sagot: Pathos

Pahina 10
I. Karagdagang gawain Bago matapos ang klase, narito ang
para sa takdang-aralin inyong takdang-aralin, basahin.
at remediation Panuto: Magbasa tungkol sa Tekstong
Prosidyural at Naratib at ang mga uri
nito.
Inaasahan ko na pagpasok ninyo bukas,
may kaalaman na kayo hinggil sa
Tekstong Prosidyural at Naratib.

Naintindihan ba klas? Opo sir!

Mayroon ba kayong mga tanong,


klaripikasyon o karagdagan? Wala na Sir.

Kung gayon, maraming salamat sa


inyong pakikibahagi sa ating
talakayan!

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-
aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatutulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
ng aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos.
Paano ito nakatulong?
F. Aling suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa aking kapwa
guro.

Prepared by: Checked by:

KELVIN MARC M. DALAZA LADY DIANNE R. QUILANG


Pahina 11
Student Teacher Teacher I

Pahina 12

You might also like