Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

KAKULANGAN SA MATERYALES SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA

BAITANG 11 SA JAEN NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa kagawaran ng Sekundarya ng mga Sining at

Agham Jaen National High School, Senior High School. Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Uri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Anne Claire DG. Erilla


Mariel Pallarca
Mariell P. Manlangit
Ayessa Ayen P. Gillo
Cristian Luriz
Carl Justine A. Daligdig

Pangkat Blg. 1

GAS 11- DIAMOND

Ipinasa kay;
Bb. Giselle G. Ruiz, MEd
Mayo 2024
PINAGTIBAY

Ang Pamanahong Papel "Kakulangan sa Materyales sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa

Baitang 11 sa Jaen National High School" na inihanda ng pangkat blg na mula sa seksyon ng

GAS 11 DIAMOND na binubuo nila:

Anne Claire DG. Erilla


Mariel Pallarca
Mariell P. Manlangit
Ayessa Ayen P. Gillo
Cristian Luriz
Carl Justine A. Daligdig

Bilang Partial Requirement sa Pagbasa at Pagsuri ng iba't ibang Tektso tungo sa


Pananaliksik ay dumaan sa pamamagitan ng Oral Defense at inirekomenda para tanggapin at
pagtibayin.

Bb. Giselle G Ruiz, MEd


Tagapayo
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Carl Justine A. Daligdig


KAARAWAN: Setyembre 17, 2006
EDAD: 17
KASARIAN: Lalaki
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Muñoz Quezon City
TIRAHAN: Sapang Jaen Nueva Ecija
KATAYUANG SIBIL: Walang Kasintahan
RELIHIYON: Born Again
TAAS: 5'8
TIMBANG: 72kg
MGA MAGULANG
AMA: Romulo T. Daligdig
TRABAHO: MMDA
INA: Lolith Alas
TRABAHO: Wala
ELEMENTARYA: Blessed Hope
Christian School
KARANGALANG NATAMO: May Karangalan
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: May Karangalan
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS: carldaligdig267@gmail.com
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Anne Claire DG. Erilla


KAARAWAN: Enero 14, 2007
EDAD: 17
KASARIAN: Babae
LUGAR NG KAPANGANAKAN: San Antonio District Hospital
TIRAHAN: Sapang Jaen Nueva Ecija
KATAYUANG SIBIL: Walang Kasintahan
RELIHIYON: Katoliko
TAAS: 5'0
TIMBANG: 45
MGA MAGULANG
AMA: Eduardo D. Erilla
TRABAHO: Farmer
INA: Josephine DG. Erilla
TRABAHO: N/A
ELEMENTARYA: Sapang Elementary School
KARANGALANG NATAMO: May Karangalan
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: May Karangalan
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS :acerilla@gmail.com
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Mariel A. Pallarca


KAARAWAN: Setyembre 3,2007
EDAD: 16
KASARIAN: Babae
LUGAR NG KAPANGANAKAN: San Anton San Leonardo
TIRAHAN: San Anton San Leonardo
KATAYUANG SIBIL: Walang Kasintahan
RELIHIYON: Katoliko
TAAS: 5'2
TIMBANG: 50
MGA MAGULANG
AMA: Ariel P. Pallarca
TRABAHO: Tricycle Driver
INA: Gina A. Pallarca
TRABAHO: N/A
ELEMENTARYA: Jaen Central Elementary School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: May karangalan
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS: pallarcamariel@gmail.com
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Mariell P. Manlangit


KAARAWAN: Nobyembre 30, 2005
EDAD:17
KASARIAN: Babae
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Mexico Pampanga
TIRAHAN: Apo Esquivel
KATAYUANG SIBIL:
RELIHIYON: Katoliko
TAAS:5'6
TIMBANG:35
MGA MAGULANG
AMA: Marlon Manlangit
TRABAHO: Latero
INA: Lyka Manlangit
TRABAHO: N/A
ELEMENTARYA: Jaen Central School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS: mariellmanlangit03@gmail.com
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Ayessa Ayen P. Gillo


KAARAWAN: Agosto 14, 2006
EDAD:17
KASARIAN: Babae
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Nueva Ecija
TIRAHAN: N/A
KATAYUANG SIBIL: Walang Kasintahan
RELIHIYON: Katoliko
TAAS:5’2TIMBANG: 60
MGA MAGULANG
AMA: N/A
TRABAHO: N/A
INA: Lorena Pangilinan
TRABAHO: OFW
ELEMENTARYA: Sto Tomas South Elementary School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS: ayessaayen07@gmail.com
CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Cristian Luriz


KAARAWAN: Oktobre 06, 2006
EDAD:17
KASARIAN: Lalaki
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Pampanga
TIRAHAN: San Roque Jaen Nueva Ecija
KATAYUANG SIBIL: Walang Kasintahan
RELIHIYON: Katoliko
TAAS:5'6
TIMBANG: 46
MGA MAGULANG
AMA: Arnold Luriz
TRABAHO: Vendor
INA: Rochela Luriz
TRABAHO: Vendor
ELEMENTARYA: Mapalad Elementary School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SEKUNDARYA: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
SENIOR HIGH SCHOOL: Jaen National High School
KARANGALANG NATAMO: N/A
EMAIL ADDRESS: Cristian06@gmail.com
Kabanata 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pananaliksik na ito ay tatalakayin at malalaman kung ano ang mga epekto ng

kakulangan ng materyales sa pagbabasa ng mga senior hayskul sa Jaen National High School,

bukod pa dito mabibigyang pansin ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral na hirap sa

pagbabasa at kung bakit sila nahihirapang magbasa. Ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad

sa mga mag-aaral ay nagdudulot ng malaking epekto sa isang paaralan. Malaking epekto sa

estudyante ang kakulangan ng gamit sa Senior High School, gaya na lamang ng kakulangan sa

silid-aralan, libro, at kompyuter. Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi

niyang "Ang mga mag-aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan

sa semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa mga salita". Ayon

naman kay Saucer (mula kay Ranco, 2002), Ang kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang

ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa

pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga

mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng

kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.


Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) "Ang pagbasang may pag-unawa ay isang

komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong proseso na

nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng isang

teksto". Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na "Habang ang mga

mag- aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa kanila ang

mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto". Winika din ni Leipzig (2001) na "Ang

pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay isang komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa

isang sasakyan. Malaking kawalan ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ng mga studyante,

maaring mahinto ang kanilang pagkatuto sa pagbabasa dahil dito. Sa Unibersidad ng Warsaw,

Poland lumitaw sa pag-aaral nina Zawadka et al., (2021) na ang mga mag-aaral sa naturang

paaralan ay mayroong makabuluhang mabigat na suliranin pagdating sa pang-araw-araw na

gawain ng pagbasa gaya ng pag-unawa sa panuto kahit sa isang maliit na pakete ng pagkain at

lebel ng gamot kung kaya't suporta, paggabay at pagpapabasa ay higit na kinakailangan nila.

Ayon kina Rasouli & Ahmadi, (2021) ang pagbabasa ay isang kumplikadong kasanayan na

nangangailangan ng kasama upang ang tagabasa ay maging matagumpay. Layunin nito na

isaisip, gumamit ng mga diskarte kapag nagbabasa ng teksto. Binigyang-diin nina Fountas at

Pinnell (2017), nasa lipunang may mayaman na literatura, ang kakayahang magbasa ay mahalaga

para sa kalidad ng buhay ng isang tao. Dagdag pa, binigyang-diin nina Echaure at Torno, (2017);
Heguerra at Cacho, (2022) ang kakayahang magbasa ay napakahalaga sa henerasyong ito dahil

sa maraming kaganapan at puwersang nangyayari sa buhay ng tao. Sa dami ng impormasyong

madaling magagamit para sa lahat, ito ay magiging kapus-palad kung ang isang indibidwal ay

hindi makibabahagi at makikinabang sa kanyang mga nasalubong na impormasyon. Ang

pagbabasa ay isang pasaporte ng ordinaryong indibidwal tungo sa kaalaman, papunta sa pintuan

ng malawak na daigdig. Ang pagbabasa ay isang pinakamalaking tulong saatin, sapagkat sa

pamamaraan na ito aymabilis natin mauunawaan ang mga bagay na ating nakikita kaya

nalamang sa natuklasan nina Zawadka et al., (2021). Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa

ay maraming pwedeng maging epekto sa isang estudyante.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nagpapalawak ng mga kaisipan na tumatalakay sa mga

pananaw ng paksang ito. Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ng mga

estudyante ang Kakulangan sa Materyales sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 sa Jaen

National High School.

Ang ilan pang suliranin ay nakikita ng mga mananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral ay mga

sumusunod:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral?

1.1 Edad?
1.2 Kasarian?

2. Ano ang epekto ng kakulangan ng materyales sa pagbasa ng mga estudyante?

3. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa kakulangan ng materyales sa pagbasa ng mga

estudyante?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung ano ang magiging

pananaw ng mga estudyante sa kakulangan ng materyales sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Jaen

National High School. Gayundin ang alamin kung saan nila magagamit ang kanilang kaalaman

upang mas lalong mapaunlad at mas mapalawak ito. Higit sa lahat ay malaman kung mayroon ba

na pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa Kakulangan sa Materyales sa Pagbasa ng mga

Mag-aaral sa Baitang 11 sa Jaen National High School.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay isinasagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa pag –

unlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa epekto ng kakulangan sa materyales sa pagbasa ng mga

estudyante. Hinahangad ng mga mananaliksik na maiparating at maunawaan ng mga mag-aaral

sa Jaen National High School na mahalaga ang may sapat na materyales para sa mabilis at
epektibo na pagkatuto sa pagbasa, at kaalaman kung ano ang mga sanhi ng kakulangan

sa kagamitan sa paaralan.

Ang pag – aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

PARA SA MGA MAG-AARAL: Mapaunlad pa lalo ang kanilang kaalaman at kagalingan sa

pagbabasa.

PARA SA MGA GURO: Malaman ang kakulangan at kahinaan ng mga mag-aaral pagdating sa

pagbabasa.

PARA SA PAARALAN: Magkaroon ng pagbabago sa sistema ng pagtuturo ng mga guro para

sa pag - unlad at pagkatuto ng mga estudyante o mag-aaral sa pagbabasa.

PARA SA MGA MAGULANG: Mabigyang gabay, pansin at tuon ang mga anak sa pagbabasa.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay malaman ang magiging pananaw ng mga

estudyante sa kakulangan ng materyales sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11 sa Jaen

National High School. Ano ang mga nakakaapekto sa kaalaman ng mga mag-aaral sa kakulangan

ng mga materyales sa pagbabasa. Malalaman ang pananaw at resulta ng datos mula sa 20 na

respondente na mag-aaral na may edad 16,17, at 18.


PARADIGMA NG PAG AARAL

INPUT PROSESO OUTPUT

*Propayl ng mga estudyante *Sarbey Kwestyuner *Kakulangan sa Materyales sa

Pagbasa ng mga Mag-aaral sa

*Matukoy ang kakulangan ng *Online Sarbey Kwestyuner Baitang 11 sa Jaen National

materyales sa pagbasa ng mga High School

mag-aaral sa baitang 11 sa Jaen *Pagsusuri ng Datos

National High School para mas

mapaunlad ang kaalaman at *Resulta ng Talakayan

pagkatuto ng mga mag-aaral

*Paggamit ng Estatistika
DEPINISYON O KAHULUGAN NG TERMINONG GINAMIT

Kakulangan- tumutukoy sa kawalan o pagkukulang sa isang kagamitan ng estudyante o

nino man.

Materyales- mga kagamitan na ating pinakikinabangan at iniingatan.

Pagbasa- ito ay proseso ng pagkuha ng kahulugan mula sa mga teksto, simbolo, at iba pang mga

uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag-unawa at interpretasyon ng mga nakasulat na

salita.

Mag-aaral -ito ay tumukoy sa isang estudyante sa paaralan, kolehiyo, o anumang institusyon ng

edukasyon.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

DAYUHANG LITERATURA

Ayon sa Global Partnership for Education ang edukasyon ang pinakaimportante sa ating

bansa kung saan ito ay nakakatulong sa hinaharap. Ayon sa mgamag-aaral sa Amerika ang

edukasyon ay nag dudulot ng stress kung ang kagamitan sapaaralan ay hindi sapat. Ang pagbili

ng materyales ay isang malaking problema dahilhindi sapatang ipinopondo ng gobyerno na

nagiging hadlang sa magandang kinabukasan ng mga kabataan. Ayon sa mga bagong ulay na

naitalaula sa Rural School and Community trust, taong panuruan 2015-2016, karamihan sa mga

paaralan sa Rural ay patuloy nakumakaharap sa ibat-ibang suliranin, kasama na rito ang kasama

na rito ang kakulanganng mga angkop na materyales at sa paghihirap na makakuha ng

magagaling nakaguruan. Ayon sa kanilang pag aaral pati ang mga nasa Urban ay nakakaranas ng

parehongproblema. Nananatiling mahirap na punan sa mga paaralan sa Rural ang mga

Staffspecial education teachers, ELL educators, as well as STEM, male teachers, teachers

ofcolor, foreign language educators at mga kaguruan sa Arts. Samantala, mayroon namansilang

mas maliit na bilang ng klase o estudyante sa kanakailangang suportahan ngkunidad na

makakatulong upang mahikayat ang mga kaguruan na dito na


lamangmagturo kaysa sa malaking lungsod.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Villanueva sa kanyang lathalain na pinamagatang “Teachers Reporting More

Toilets Converted to Faculty Rooms.” (2019), habang ang mga guro ay nakakayanan pa rin ang

dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan, (Philippine Basic Education,

2012) mayroon pa ring kapansin-pansing kakulangan ng mga kagamitan at pasilidad sa parehong

pampubliko at pribadong paaralan na mahalaga para sa mabisang pagtuturo. Ayon sa

Intergovernmental Relations Staff Information Report ng Tennessee Advisory Commission,

mayroong isang malakas na ugnayan sa pagitan ng kalidad ng mga pasilidad ng. paaralan at

pag-uugali at pakikipag-ugnayan ng mag-aaral.

Ang malawak na pananaliksik na isinagaw sa estado sa nakalipas na tatlong dekada ay nagpakita

na mayroong makabuluhang kaugnayan sa istatistika sa pagitan ng mga kondisyon ng paaralan,

silid-aralan, at mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga mag-aaral na natututo sa moderno at

mahusay na kagamitan na mga pasilidad ay may posibilidad na makakuha ng lima hanggang

labimpitong puntos na mas mataas sa mga pagsusulit kumpara sa mga kailangang makipaglaban

sa hindi sapat na mga pasilidad.


DAYUHANG LITERATURA

Ayon kay Steeves “May mga mag aaral na nahihirapang matuto dahil saKakulangan ng

pangangailangan lalo na sa suporta ng gobyerno pati na ang nga guro aynahihirapangSuportahan

ang mga batang ito”Kakulangan ng kagamitansa paaralan para sa malawakang pangangailangan

ngestudyanteMalaking pursyento ng mga kaguruan sa U.S. ay naniniwala na hindi sapatang mga

paaralan upang ihanda ang mga estudyante para sa malawak na kaalamang kinakailangan sa

matagpay nilang pagtatapos ng sekondarya, ayon sa napapanahong sarbey. Kabuuang 91

pursyento ng mga guro sa pampublikong paaralan naNakapanayam para sa taunang “metlife

survey of the American teachers” ang nag sasabi na ang pagpapatibay sa programa ay

makatutulong ang estudyante na may mababangkatayuan, limitadong kaalaman sa Ingles, o

mahina sa pag intinde- nagiging kolehiyo at kahandaan sa tatahaking landas ay dapat maging

prayoridad sa edukasyon. Mahigit kalahati ng mga kaguruan (59 na pursyento) nagsasabi na ito

ay dapat na may pinakamataas na priyoridad. Kakulangan ng mga angkop na kagamitan sa mga

paaralam sa Rural, naiuulat.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon sa pag-aaral ni (Braza, 2014) layunin nito na malaman at matuklasan ang mga

problema at mga solusyon ng mga guro sa ikapitong baiting ng sekondarya sapagpapatupad ng

programang k-12. Sa kanyang pag-aaral sinasabi na ang mganakapagtapos ng pag-aaral,

makalipas ang sampung taon ay napansin ng nakararami. Sinasabi rito na ang edukasyon
saPilipinas ay lubhang napag iiwanan ng iba pangbansang pumapaligid dito. “Pinatupad ang

programang k-12 upang mas maipataas angkalidad ng panganuhing pamamaraan ng pagaaral sa

ating bansa ngunit angpangunahing problemang nakitaan ng mga Pilipino aykakulangan sa pera

upang matustusan ang dalawang taong dagdag sa edukasyon ng mga Pilipino.


KABANATA 3

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili namin na gamitin ang Deskriptib

Survey Research Design, na ginamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng

mga datos. Mas pinaniniwalaan namin ang angkop ng disenyong ito para sa paksang aming

napili sapagkat mas mapapadali nito ang pangangalaga ng mga datos mula sa maraming

respondente.

LOKAL NA PANANALIKSIK

Ang lokal ng aming isinagawang pananaliksik ay isinagawa sa paaralan ng Jaen National

High School na matatagpuan sa Brgy. Dampulan, Jaen, Nueva Ecija. Ang paaralan na ito ay

ipinatayo ng dating Punong Bayan noong ika Dalawang libo at walo na ngayon ay mayroon ng

labing limang taon.


TAKTIKA SA PAGKUHA NG DATOS

Pagkatapos makapili ng tiyak na paksa sa pag-aaral ang mga mananaliksik ay nangalap

ng datos buhat sa websayt na kanilang pinagkunan na may kinalaman sa kanilang paksa. Ang

mga mananaliksik ay nangalap din ng datos mula sa iba’t-ibang websayt sa internet na maaaring

maiugnay sa kanilang napiling paksa. Matapos pagtibayin ng mga mananaliksik ang kanilang

paksang tinalakay ay maaari nila itong gawing batayan upang makabuo ng mga talatanungan.

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng dalawampung katanungan upang maging batayan ng

kanilang magiging kabuuan na thesis itinakdang araw ng kanilang pagsusurbey, at isa-isang

tinungo ng mga mananaliksik ang bawat kwarto o silid sa paaralan ng Jaen National High

School. Ang mga talatanungan na sinagutan ng mga respondente ay agaran ding kinuha. Ito ay

tinabyulat (tabulated) para naman sa paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos.


HAKBANG SA PAGKUHA NG DATOS

MGA PARAAN SA PAGLIKOM NG DATOS;

1. Paggawa ng mga katanungan o surbey, alamin kung anong grupo (baitang, seksyon, etc.) ng

mga respondenteng kailangan sumagot sa mga hinandang katanungan at kung ilan dapat ang

tugon.

2. Pagsaliksik o paghahanap ng detalye sa internet upang makita ang kaugnay ng paksang

kinukuhanan ng datos.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang aming ginamit na instrumento sa pananaliksik ay kwestyuner/surbey, ito ay

naglalaman ng mga katanungan na may kinalaman sa aming piniling paksa na maaaring

mapagkunan ng sapat na impormasyon o mga kaalaman mula sa mga respondente ng mga

mag-aaral na nasa baitang labing isa sa Jaen National High School.


SARBEY KWESTYUNER

Pangalan (Opsyonal): ____________ Baitang: _________

Edad: ___________ Kasarian:____________

“Kakulangan sa Materyales sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 sa


Jaen National High School”
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang napiling sagot.
1 - Sumasang-ayon
2 - Lubos na sumasang-ayon
3 - Hindi sumasang-ayon
4 – Lubos na hindi sumasang-ayon
1. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring makaapekto sa pag-unlad ng kakayahan sa

pagbasa ng mga mag-aaral.

2.Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay dapat

bigyang pansin ng paaralan upang mapabuti ang

kalidad ng edukasyon na kanilang ibinibigay.

3. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring maging hadlang sa pag-unlad ng kasanayan

sa pag-unawa at interpretasyon ng mga mag-aaral.

4. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring magresulta sa pagbaba ng antas ng pag-unlad

sa akademikong larangan ng mga mag-aaral.

5. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring magbunga ng kawalan ng kumpiyansa sa

sarili ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa

pag-unawa ng mga teksto.


6. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring magdulot ng kawalan ng kasiglahan sa klase

at hindi pagkahilig sa pag-aaral.

7. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring maging hadlang sa pagbuo ng kritikal na

pag-iisip ng mga mag-aaral.

8. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring magdulot ng kawalan ng pagkakataong

makaranas ng iba't ibang uri ng teksto at panitikan

ang mga mag-aaral.

9. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring maging sanhi ng hindi

pagkakapantay-pantay sa edukasyon ng mga

mag-aaral.
10. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring maging sanhi ng pagkabigo sa mga

pagsusulit at iba pang akademikong gawain.

11.Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring magdulot ng pagkalito at kawalan ng

direksyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

12. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring maging hadlang sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa komunikasyon ng mga mag-aaral.

13. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring magdulot ng pagkabigo sa pagtamo ng

mataas na marka sa asignaturang Filipino.

14. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring magdulot ng pagkukulang sa pagpapalawak

ng bokabularyo at kaalaman

sa kultura ng mga mag-aaral.


15. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring maging hadlang sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagsusuri at pagtukoy ng mga

mahahalagang impormasyon sa teksto.

16. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring magdulot ng kawalan ng pagkakataong

magamit ang sapat na kaalaman at sanggunian para sa

pananaliksik at iba pang proyekto.

17. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaring magdulot ng kawalan ng pagkakataong

makalikha ng mga akademikong gawain na may

mataas na kalidad.

18. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

maaaring magdulot ng kawalan ng pagpapahalaga sa

kultura at panitikan ng bansa.


19. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

makakabuti.

20. Ang kakulangan sa materyales sa pagbasa ay

makakasama.

ISTATISTIKONG PAMAMARAAN

Sa pagsuri ng pahayag ng problema, mapaglarawang buod istatistika tulad ng datos at

porsyento ay ginamit. Upang pag aralan at bigyang kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa

sarbey kuwestyuner.

You might also like