Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

eto share ko sa inyo: Paano Makakakuha ng Mutya at Anting Anting By Admin Puto Pao

August 14, 2011 at 6:53pm

Dahil na rin marahil sa pangangailangan ng tao, kung bakit marami pa rin sa atin
ang hanggang ngayon ay nanniniwala sa husay at galing ng mga bagay na may kakaibang
dating at anyo tulad ng Mutya at Anting-anting.

Naniniwala ang mga taong nagtatangan nito na sila aay makasusumpong ng mga
biyaya at pagpapala, proteksyon sa sarili at ari-arian, gabay at katuwang sa
kanilang buhay, kung ang mutya o anting-Anting ay nasa kanilang katawan.
Ngunit sinasabi na hindi lahat ng mutya o anting-anting na iyong makukuha ay
pawang kabutihan lamang ang taglay. Iyo ring mahihinuha na minsan sa pag-iingat mo
sa mga ganitong bagay ay may mabigat ang dating sa iyong kabuhayan at kung minsan
pa nga ay kapariwaraan ng iyong sariling buhay
Kung ikaw ay mapapasyal sa gilid ng Basilica ng Nasareno sa Quiapo Manila na
kilala sa ganitong larangan. Marami kang makikitang mga Magick Object tulad ng
mutya at anting-Anting. Subali't ano nga ba ang mga ito?

Sinasabi na ang MUTYA ay isang bagay na nagmula sa kalikasan na naging kakaiba

sa karaniwan mula sa kaniyang orihinal na anyo, hugis, tigas o lugar na pin

agmulan. Mga bagay na kakaiba sa ating pangkaraniwang nakikita at tuloy ay
pinaniniwalaang may sariling kapangyarihan, galing o vertud na taglay, kung kaya
nga't sinasabi ng ilang matatanda noon na hindi na raw nito kakailanganin pa ng mga
espesyal na oracion o pakain para ito ay magkaroon ng bisa.

Subali't, kalaunan, sa pagdaan ng mga panahon, sa makabagong henerasyon, nakita
nila na may ilang mga mutya na kinakailangang ilagay o ibabad pa sa langis o lana
upang higit o lubos na gumana ang taglay nitong kapangyarihan, tulad ng Bayag ng
Kampana (maliban kung ibabaon sa katawan) na sinasabing gamit sa labanan.

Ang iba naman, ang pakain na kanilang ibinibigay sa kanilang mutya ay ang
pagpapausok ng insenso tulad ng Mutya ng Bagwis na napasakamay ng aking pinsan sa
Mabitac, Laguna.

Ilan din sa mga koleksyon ko na nakalagay sa pentakulo
ng aking wiccan altar na nais kong ibahagi sa inyo ay ang Mutya ng Apoy at Mutya ng
Tubig na magkasunod na natuklasan ng mga kaibigan nating Mangyan sa probinsya ng
Mindoro, mula sa ilalim ng isang falls una nilang nakita ng Mutya ng Tubig na halos
parang puting sago lamang ang katulad, kasama ang Mutya ng Apoy na kung ia ahon mo
sa tubig at hahayaang matuyo ay kusang mag-aapoy kung kaya't tunay na
napakadelikado kung ito ay iaalis sa tubig.

Tunay na napatalino ng
lumikha, sapagka't tila parang pinababantayan ng mutya ng tubig ang mutya ng apoy
kung kaya't ang dalawang mutya ng kalikasan ay natagpuan dito. sapagka't kung
mangyayari nga namang ilalagay ang mutya ng apoy sa kagubatan, kakahuyan o kung
saan mang ibabaw ng lupa, ito ay maaaring mag-liyab at tiyak na malaki a
ng
magiging epekto sa buhay at pamumuhay ng tao.

Sinas ab i n a ang mutya ng apoy ay gamit sa lahat, subalit bilang siyang

nagtatangan sa nasabing mutya, pinaniniwalaan ko ang mutya na ito ay may galing sa
pangg agamot sa iba't-ibang kaparaanan.

Ang mutya ng tubig naman na nasa akin din ay mahusay sapagpapalago ng negosyo
at sa maayos na pakikisama sa tao, kung kaya't sinasabi na mahusay na tangan dapat
ito ng isang pulitiko.

At ayon pa rin sa aking mga matatandang nakilala
sa larangang ito, ang mga taong makakakuha o makapag-iingat ng mutya mula sa
kalikasan, ang siyang taging dapat at mainam na tumuklas ng vertud o galing nitong
taglay. Katulad ng Mutya ng Goma na ayon sa mga nagtatangan nito ay mahusay ito
para sa Cabal, Ang Mutya ng Palos na magaling sa takasan, at Mutya ng Kidlat na
para sa bilis.

Kabilang din sa maraming makikita sa gilid ng Quiapo
Church ay ang mga iba't-ibang uri ng ANTING-ANTING. Kung ang mutya ay nagmula sa
Inang Kalikasan na hinubog at pinagtibay ng panahon sa kanyang pangangalaga, ang
Anting-Anting naman ay ginawa ng tao, at kinargahan ng kapangyarihan sa pamamagitan
ng mga dasal o oracion na magbibigay buhay rito. Kinokonsgrada din ang gamit at ang
taong magtatangan nito upang higit na mapalakas at gumana ang kapangyarihan
nito.

Ang Anting-Anting, Agimat o Gamit ay ilan lamang sa mga
salitang madalas nating naririnig sa mga taong naniniwala dito. May Anting-Anting
na hinulma sa tanso, may Anting-Anting na gawa sa Dignum at Anting-Anting na gawa
sa iba't-ibang bagay tulad ng panyo, tiyaleko at mga batong hiyas. May Anting-
Anting na ikinukwintas, may Anting-Anting na ibinibigkis sa baywang o isinisilid sa
hukbutan at may ibinabaon din sa katawan.
Sa mga Anting-Anting na ito kadalasan
ay makikita ang mga Salita, Titik, Simbulo o Dibuho upang maging kasangkapan ng
paniniwalang mahikal.

Alam nyo ba na ang medalyon na may Korona at
Clavio ni Hesukristo ang pinaniniwalaang Panginoon ng mga Anting-Anting? Kaya raw
nito na suetuhan ang OX (Kidlat), sinasabi rin na ito ang pinakamalakas na gamit at
kaya nitong kumitil ng buhay. Sinasabi rin na ang Anting-Anting na ito na may
kapalit ang paggamit nito, dahil dito, binansagan itong BIGAY-BAWI na Anting-Anting
at ang masaklap pa raw nito, ang malapit sa iyo ang kinukuha nito.

Kung
kaya't pinapayuhan na kilalanin at piliin natin ang inaakala lamang natin na para
sa atin. Ang anumang sobrang paghahangad ay kapamahakan ang madalas na
kinahahantungan. Huwag din tayong laging umasa sa mga bagay na inaakala nating
maghahatid sa akin ng suwerte at tagumpay sa buhay. Hindi masamang mag-angkin ng
mga ganitong kapangyarihan subali't huwag din nating kalilimutan na ang ating
kinikilalang Dios nawa ang maging sentro lagi ng ating sarili at ng ating buhay.
Siya Nawa

Narito ang isang ORACION na ibubulong sa medalyon o gamit na
pinaniniwalaang makapagpapalakas sa inyong Anting-Anting.

HAEC DONA
HAEC MUNERA
HAEC SANCTA SACRIFICIA
ILLIBATA ALSASES LATORES
CAENIG AOEUI ADNA
CELIM GAIGAPANANIGAN
MEC MAC MAIGSAC MASAC
MASUD UHA AHA HAH
JO-HAOC AB-HA HICAAC
JUA AHUHAI.

You might also like