Misteryo NG Paglalang

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IKA�SIYAM NA AKLAT: ANG MISTERIO NG PAGLALANG

ang unang nilalang ng Diyos ay ang Kanyang Sarili. sa lahat ng dako ay sumilay ang
liwanag na walang hangganan. ang liwanag na ito ay ang Diyos at ito ay mula sa
kanyang sarili. sinabi ng Diyos sa Kanyang Sarili: AEIOVEIAOEVIA at ang unang anyo
Niya ng Liwanag ay nalikha.
Sinabi ng Diyos, AIEOVIEAOEVIAOVIEAVIA at ang Kanyang liwanag ay naitago sa wala.
Ang wala ay tinawag na AIN SOPH.
Mula sa kawalan ay nilagyan ng Diyos ng 3 suson ng Wala ang Kanyang Sariling
Uniberso� at ito ang tinatawag na AIN. AIN SOPH. AIN SOPH AUR. At mula sa Kawalan
ay tinagos ng Diyos pamamagitan ng isang butil ng Liwanag na mula sa Kanya ang 3
suson ng wala.
Ang butil ng liwanag na ito ay may Pangalan: AEIOVEIOA. Ang sinumang makakabigkas
ng tama ng pangalan ng Butil ng liwanag na tumagos sa 3 suson ng wala ay
pagkakalooban ng Diyos ng Kanyang lihim.
Ang sinabing ga�tuldok na liwanag ang naging unang pagpapakilala ng Diyos mula sa
wala. Sinasabing ang mga itinuturing ng Diyos na mga anak Niya ay may marka ng
tuldok ng liwanag sa kanilang mga noo.
Ang butil ng liwanag ay nagkaroon ng sariling anyo, hugis at transformasyon at
nag�anyong animo ay higanteng tao. Ito ay ang unang anyo ng Diyos sa ating uniberso
na kung tawagin ay ARIKH ANAFIN o ARIKH ANFIN o MACROPROSOPUS o ang ANIMA SOLA.
Mula sa anyo ng ARIKH ANAFIN o ANIMA SOLA ay nanganak Siya ng kudlit, na pumorma at
naging animo ay tao. Ito ang ikalawang imahen ng Diyos sa Kanyang uniberso na kung
tawagin ay ang MICROPROSOPUS.
Sinasabing ang kinikilala ng Diyos bilang Anak Niya ay nagtataglay ng dalawang
tatak� ang tuldok sa noo, at ang kudlit sa puso. Walang sinumang masamang tao ang
magkakaroon ng mga nasabing mga tatak.
Ang mga anyong ito ng Diyos ay nagtago, sapagkat ang sinumang nilalang na masabing
makakita sa mga anyong ito ay mamamatay ng daglian. Ang mga taong pinakitaan ng
anyong ito ng Diyos na nabuhay ay yaong mga anak ng Diyos� na sa paningin ng Diyos
ay mga diyos din.

You might also like