Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Artikulong Perspektibo, Realismo at Nasyonalismo

Rolando Tolentino

Si Rolando Tolentino ay isang kilalang manunulat at kritiko sa Pilipinas. Isa sa kanyang mga kilalang akda
ay ang artikulong “Perspektibo, Realismo at Nasyonalismo.” Sa artikulong ito ay tinalakay niya ang
perspektibo, realism at nasyonalismo sa konteksto ng panitikan at kultura ng Pilipinas.

Ang perspektibo ay maaaring tumutukoy sa mga pananaw, pagtingin o punto ng mga manunulat at
mambabasa. Ang Realismo ay maaaring nagpapakita ng totoong mga pangyayari, karakter at karanasan
sa pamamagitan ng panitikan. Samantala ang nasyonalismo ay nagpapahiwatig ng pafmamahal sa bansa,
pagpapahalaga sa kultura at pagkilala sa mga katangian ng pagiging Pilipino. Sa pamamagitan ng
pagtutok sa mga konseptong ito, maaaring masuri ang pag unlad ng panitikan at kultura ng Pilipinas at
ang mga implikasyon nito sa lipunan.

Sa artikulong ito ay matatalakay kung paano ang mga konseptong ito ay naglalaarawan o nagpapakilala
ng mga tema, estilo at layunin ng mga Pilipinong manunulat at kultura sa pangkalahatan.

Perspektibo, Realismo at Nasyonalismo


Rolando Tolentino

ANG PANITIKANG FILIPINO SA IKA-20 SIGLO: PERSPEKTIBO, REALISMO AT NASYONALISMO


May magkatambal na kabanata sa Noli Me Tangere na nagpapahiwatig ng relasyon ng perspektibo,
realismo at nasyonalismo. Ito ang Kabanata 8 “Mga Alaala” at 9 “Mga Bagay-bagay ng Bayan.” Sa
Kabanata 8, ipinapakitang lulan si Ibarra ng karwahe at nagbibiyahe sa iba’t ibang lugar ng Maynila. Tila
siya isang flaneur ni Benjamin na nakakatanaw ng iba’t ibang aspekto ng syudad, at nakakapagmuni-
muni hinggil dito. Mula sa daang wala pang latag ng bato, napagnilayan ni Ibarra ang ubo’t pagkabulag
ng mga nagdaraan kapag tag-araw, at ang pag-iwan sa pagkabaon ng mga tsinelas sa putikan tuwing tag-
ulan. Ang kakatwa sa perspektiba ng nagsasalaysay, kung saan naaninag ng mambabasa ang naratibo, ay
doble ang isinusulat na kwento. Ang una ay ang literal na kwento, kung ano ang natatanaw ni Ibarra sa
kanyang paglalakbay at kung ano ang kanyang pinag-iisip hinggil dito. Ang naunsyaming pagkaunlad ng
Maynila ang axis ng pakahulugan dito. Maging ang kanyang magandang alaala tungkol sa Europa ay
nanggagaling mula sa abang kondisyon ng syudad. Ang ikalawa ay ang pagpasok ng nagsasalaysay–third
person omniscient–ng kamalayan sa mga natatanaw. Sa daang ito, halimbawa, may isang bangkay na
walang pumapansin, maliban sa isang bata. Ayon sa salaysay, “sa kanya lamang, batang labing-isang
taon, na kagagaling sa kaniyang bayan, nakapangilabot ang gayon, siya lamang ang binangungot dahil
doon, sa kinagabihan.”[1]

Paano naaninag ng nagsasalaysay mula sa natanaw ni Ibarra ang kwento ng bata–ang impormasyon
hinggil sa edad, sa pinanggalingan at ang kinahaharap ginagabihan? Kung gayon, kaninong perspektibo
ang bumubukadkad sa naratibo? Mahalagang usapin ang perspektibo dahil dito nanggagaling ang
realismo o ang estetika ng pagkaunawa sa mundo ng naratibo. Susi ang perspektibo sa interpretasyon ng
realismo, ng mundo ng naratibo, at ng mundo sa labas ng naratibo. Ang diskurso ng perspektibo ang
bumabalangkas ng pagkaunawa sa ating pagpapakaranasan. Sa loob ng nobela, halimbawa, kung paano
babasahin at mauunawaan ang naratibo. Maging sa labas ng nobela, ang diskurso ng perspektibo ay
nagsisiwalat ng kapamaraanan kung paano tayo mabubuhay, iibig, magsho-shopping, o makikinig sa mga
papel sa kumperensya. Kaya maging ang mismong diskurso ng perspektibo ay perspectival, nakabatay
kung sino ang nagsisiwalat ng diskursong ito.

Sa Kabanata 8, ang pagtanaw ni Ibarra sa syudad ang axis ng pakahulugan sa texto. Mula sa kanyang
nakita, may ibang ipinapakita sa mambabasa, ang kwento ng kanyang nakikita. Sa kabanatang ito, may
dalawang perspektibo na nagsisilbing impetus sa pamumukadkad ng naratibo. Ang pananaw ni Ibarra ay
sinasaad bilang kontradiktoryo, nakikita niya sa syudad ang ibang bagay: sa dagat, ang Europa bilang
pangako ng mga liberal na posibilidad; sa bundok sa likod ng Luneta, ang pangaral ng isang matandang
pari hinggil sa kahalagahan ng puso sa karunungan; at ang kanyang pabulong na tugon sa sarili, ang
primordial na puridad ng bayan. Sa pananaw ng narrator naman, sinisiwalat ang mga detalyeng
nagpapatingkad sa kontradiksyon ni Ibarra. Halimbawa, ang patuloy na paggulong ng sasakyan sa gitna
ng kontradiksyon ng pag-iisip ni Ibarra at ang kontradiksyon ng lugar. Mula sa narrator, matutunghayan
na ang mismong pagkilos ni Ibarra sa lugar ay maaring basahin bilang pagkilos ng lugar kay Ibarra. Ang
pagpasok ng kontradiktoryong pagkilos ng syudad kay Ibarra, ang internalisasyon sa di-pantay na
pagkaunlad ng kolonya, ang siyang magbabadya ng transformasyon ng aksyon ng pangunahing tauhan.
Hindi ang kanyang kamalayan ang nagbago, sa tingin ko. Ang pangunahing nagbago ay ang pagpili ng
ibang aksyon para matugunan ang tumitingkad na kontradiksyon ng kanyang kamalayan. Sa huling
bahagi ng nobela, masyado nang matingkad ang kontradiksyon ito na kinailangan na ni Ibarra na lisanin
ang kanyang tauhan, naging si Simoun na sa sequel na nobela. Sa gayon, muling niriimbento ni Ibarra
kay Simoun ang kanyang kontradiksyon.

Sa isang banda, tila ang pananaw ni Ibarra ay nagsisilbing geometric-optical plane lamang. Ito ang
nagbibigay-puwang para sa kahulugan hinggil sa isinasaad pang iba ng kwento. Mas maraming alam ang
narrator, kaya tila may mas sentralidad ito sa pamumukadkad ng naratibo. Pero hindi ito ganap. Sa
kabilang banda, ang nangyayari pa nga, ang pananaw sa kaganapan sa syudad ang nagsisilbing tindigan
ng pananaw at kamalayan ni Ibarra. Kung gayon, hindi lang literal na plane ng kahulugan ang pananaw ni
Ibarra; ito, higit sa lahat, ay nagsisiwalat ng hierarchical plane–kung ano ang mas pinaniniwalaan, at
kung ano ang sandigan ng kanyang paniniwala.
Sa kabanatang ito, masisiwalat na ang paniniwala ni Ibarra, pati na rin ang sandigan ng kanyang
paniniwala. Wala sa literal na espasyo ng Pilipinas ang katugunan sa kontradiksyon sinasambit ni Ibarra.
Ang pangako ng transformasyon ay galing sa Europa, sa ibayong dagat. Habang hindi pa yumayabong
ang liberalismo ng kanluran, kailangang panatilihin ang Pilipinas bilang isang purong entidad ng
pananakop at kolonialismo—ng idea ng kontra-liberalismong espasyo–hanggang sa kakayanin. Ang
kakatwa sa sinisiwalat ng kamalayan ni Ibarra ay ang realidad ng kontexto ng pagkakasulat ng tauhang
ito, at maging ang nobela ni Rizal. Kinilala ni Ibarra at Rizal ang opresibong realidad ng Pilipinas, ang
armadong kilusan na naglalayong mabago ito, at ang kontradiksyon ng pagpapanatili ng posisyon ng
bansa bilang isang purong entidad.

Mahalagang i-implicate si Rizal sa diskurso ng perspektibo dahil ang kanyang stilo ng paglalahad ng
perspektibo at kamalayan ni Ibarra ay gumagamit ng essayistic mode ng panulat. Ibig sabihin, ipinapasok
ni Rizal sa kamalayan ni Ibarra ang kanyang mga idea hinggil sa nasyonalismo at pagkabansa. At mula sa
kamalayan ni Ibarra, hinihimok ang mambabasa hinggil sa ganitong larangan ng paniniwala, pati na ang
mga kontradiksyong kaakibat nito.
Sa pagtukoy ng perspektibo, maaninag din ang ideolohiya ng pinanggagalingan nito. Kung ang
perspektibo ay tumutukoy sa relasyon ng ‘laki’ o density ng isang bagay sa kaayusang kinapapalooban
nito (tulad ng prutas sa mesa sa painting o tao sa lipunan), ito rin ay pumapatungkol sa perspektibo
hinggil sa relasyong pangkapangyarihan. Kung gayon, ang perspektibo sa naratibo ay isang naratibo ng
kapangyarihan sa perspektibo.
Ang perspektibo ang nagbubukas at nagbibigay-impetus sa pagkaunawa ng mambabasa di lamang sa
nagaganap sa kwento, pati na rin ang hindi nagaganap dito. Ang tinutukoy ko rito ay ang pagkawala ng
pinagmulan at pinatunguhan ng interpretasyon matapos matukoy ang fundasyon ng mga ito. Ang
pagkatukoy sa pananaw ni Ibarra bilang perspektibo ng kabanata’nobela ay siya rin namang nagbukas ng
maraming pagpapakahulugan nito. O ang pagtukoy sa mga kahulugan ang siya rin namang nagbukas sa
iba’t ibang dumudulas na perspektibo sa nobela. Ayon nga kay Michel Foucault sa kanyang pagsusuri ng
painting na “Las Meninas” ni Velazquez, “In the middle of dispersion which it is simultaneously grouping
together and spreading before us, indicated compellingly from every side, is an essential void: the
necessary disappearance of that which is its foundation–of the person it resembles and the person in
whose eyes it is only a resemblance.”[2] Ang perspektibo ng representasyon ni Rizal kay Ibarra sa
kamalayang makabansa ay ang pangunahing daluyan ng representasyon ng realismo.

Ayon kina Lumbera, “Noli Me Tangere marks the first time realism as a literary concept entered
Philippine writing.”[3] Dahil sa kondisyon ng Pilipinas sa panahon ng pagkasulat sa nobela, tila lubos
naman na nagagap ni Rizal ang kolektibong karanasan sa sa literal at epistemikong karahasan sa ilalim ng
tumitinding kolonialismo at ang mga kilusang bumabatikos dito. Pinatingkad ni Rizal sa mga kabanata ng
kanyang nobela ang mga karahasang ito. Realismo ang pangunahing estetika ng pagsisiwalat nitong
katiwalian sa Pilipinas. Pero dahil ang panahon ding ito ang nagbadya ng maturidad ng anyong nobela sa
Europa, may paggagap din si Rizal sa mga kontradiksyon ng pagsusulat ng nagaganap sa Pilipinas.
Modernismo naman ang daluyan ng kontradiksyon ng kamalayan, sa partikular ang politikal na
komentaryo hinggil sa disenchantment sa kolonyal na kaayusan.

Kung gayon, ang inaakalang pagpasok ng realismo sa panulatan sa Pilipinas ay hindi exaktong
obserbasyon sapagkat ang pumaloob sa panitikan ay higit pa sa realismo. Dahil na rin ang proseso ng
pagsasabansa at ang modernisasyon nito ay naganap lamang sa pangunahin sa nakaraang siglo, tila hindi
na pumasok ang panitikan sa tradisyon ng realismo. Kaagad nang sinambulat ng produksyon ng popular
na panitikan ang welding ng romantisismo at realismong may palamang modernismo. Ang mga politikal
na nobela ng unang apat na dekada ng ika-20 siglo ay hindi nakasulat sa realismong kapamaraanan.
Walang lantarang idealisasyon ng humanismo at sibilisasyon, tulad ng kaganapan sa kanluran. Wala ang
mga paknat na pagpapabuti sa pagkatao ng nilalang sa layong mapabuti ang pagkatao ng sangkatauhan,
o ang pagdakila sa trajectory ng kanluraning sibilisasyon, at ang kapasidad nito para alamin at
kolonisahin ang lahat, maging ang representasyon ng dakila at pang-araw-araw na buhay. Bagkus, puno
ang mga akdang pampanitikan ng perspektibo at naratibo ng disenchantment sa imperial na kaayusan sa
panahon ng Amerikano. Sa panahon ng matinding panunupil sa karapatang pamamahayag, lalo pang
nag-morph ang mga nobela tungo sa kontradiktoryo at sosyalistang pamamaraan ng pagbabalikwas.
Maging ang sosyalismo bilang kapamaraanan ng pagbalikwas, sa simula, ay isang import mula sa
kanluran. At sa kanluran, ito ay tumutuligsa sa idealisasyon ng kondisyon sa lipunan.

Kung gayon, ang pambansang panitikan ay kaagad napaloob sa kontradiksyong isinisiwalat ng


modernismo. May pesimismo sa mismong mga kamalayang inihahayag sa panitikan. Ang tinutukoy ko
rito ay hindi lang naman ang “pagpula ng silangan” bilang wakes na imahen ng mga akda bilang
paghudyat sa tagumpay ng pag-aaklas ng mamamayan. Mismong ang pesimismo ay maaaninag sa
konstruksyon ng pagduda sa posibilidad ng tagumpay—dahil nga ang aktwal na realidad ay nagbabadya
ng sukdulan at malawakan pagtatagumpay ng mamamayan sa isang sistematikong mapanupil na
makinarya ng kolonyalismo. At dito nanggagaling ang lakas ng pwersa ng naging gamit ng realismo-
modernismo sa Pilipinas, nasustena ng ganitong pesimismo ang pagtahak ng landas tungo sa
kasalukuyang patuloy na pagyabong ng mga panitikan sa Pilipinas.
Ang pagkilos ng lugar sa kamalayan ni Ibarra ay may paralel na kaganapan kay Julio Madiaga, ang
pangunahing tauhan sa nobelang Sa Kuko ng Liwanag. Pinatingkad ng pang-araw-araw na buhay ni Julio
sa syudad ang kontradiksyon sa kanyang kamalayan. Ang aktwalisasyon ng pagnanasang mapatay si Ah-
tek, ang dayong nagsimbolo ng kanyang kaapihan sa espasyo ng syudad, ang naging katugunan ni Julio
para magkaroon ng katarungan. Sa huli, nasukol ng lokal na pwersa si Julio sa isang eskinita at dito siya
pinaslang, tulad ng imahen na sinasambit ng narrator—naulol na asong di na nakayanan ang
regularisadong pang-aapi sa kanya. Masyadong matindi ang naging implikasyon ng kontradiksyon ng
kanyang kamalayan gayong wala naman itong aktwal na kapangyarihan sa mas malaking makina ng
syudad. Nilamon si Julio ng syudad, naging bagsak na marka ng mga taong naglalagay ng katarungan sa
sarili nilang mga kamay sa panahong walang malakihang kilusang masa sa kalunsuran. Nanghihimok ang
nobela ng opinyon sa mambabasa hinggil sa kinahinatnan ni Julio.

Ang pambansang panitikan ay may essayistic mode, nanghihimok ito ng opinyon ng mambabasa hinggil
sa nosyon ng katarungan, demokrasya, pakikibaka, politika at kultura. Sa maraming pagkakataon pa nga,
ito ay tila nag-uutos ng mga dapat gawin. Kung susuriin ang maraming kritisismong panitikan, ang
essayistic mode ay nakapaloob sa kapamaraanan ng imperative function—pautos kung magsalita ang
tinig ng sanaysay o ang perspektibong gamit nito. Ang mga pangungusap ay tadtad ng “dapat” at
“kailangan.” Impassioned ang nagsasalita dahil na nga rin sa pagtingin na ang kritisismong pampanitikan
ay kritisismong panlipunan at kasaysayan. Tunay naman na naging substansyal ang papel ng panitikan sa
transformasyong panlipunan at pangkasaysayan. Ito ang inaalingawngaw ng mga kritiko—ang historikal
na papel ng panitikan sa transformasyong panlipunan. Kaya ang tinig at perspektibo ay pumapaloob sa
diskurso ng moralidad ng pagbabago, pagkilos at pagsasabansa dahil ang mga isyung ito ay matatalakay
lamang kapag inangat sa ethics ng katarungan, demokrasya, pag-ibig at pakikibaka.

Sa kondisyon ng pambansang panitikan na di pa lubos na konkreto ang aktwal na pagsasabansa,


mayroong ethical dimension ang isinasaalang-alang ng produksyon nito. Para kanino nga ba ang
panitikang nililikha, ang perspektibo ng naratibo na isinisiwalat? Kaya paratihan, may inaakalang
mambabasa ang manunulat sa Pilipinas. Dahil kahit pa sa limitadong produksyon at sirkulasyon kumpara
sa di hamak na mas malaking populasyon ng bansa, may nagbabasa pa rin. At higit sa lahat, may
nagsusulat pa rin. Mayroon pa ring nakakapag-bigay artikulasyon sa mga kaganapan sa bansa. Kaya
mataas ang anxiety level ng manunulat. Bukod sa isyu ng inaakalang invisible na mambabasa, ang
kanyang isinusulat ay hindi lang naman kanyang obra, ito ay isang diskurso hinggil sa mga etikal na bagay
at konsepto. Sa maraming pagkakataon, ang obra ay hindi lamang akdang pampanitikan pero ito ay
isang manifesto sa papel ng panitikan sa pagbibigay representasyon at artikulasyon sa relasyong
pangkapangyarihan sa buhay at lipunan.

Sa isang maikling kwento “Dugo at Utak” ni Cornelio S. Reyes, inilarawan ang sandali ng paghagupit ng
naputol na kableng ibinababa ng barko sa ulo ng isang manggagawa. May katiyakan ang kamatayan. Ang
kakatwa rito, mismong manggagagawa ang nagsasalaysay ng sandaling ito. At ang sandali ng paghagupit
ang kabuuang nilalaman ng kwento. Mula sa perspektibo ng manggagawang nagsasalaysay binuo ang
kwento. Ang kondisyon ng paggawa ay unti-unting kumitikil sa manggagawa. At ang aktwalisasyon ng
panganib sa trabaho ang totoong kumitil sa manggagawa sa kwento.

Sa kwentong ito, pesimistikong isinasalaysay ng manggagawang napipintong mamatay ang kanyang


buhay. Skeptikal ang perspektibo sa kakanyahan ng panitikang may magawa pa bukod sa pagbibigay
representasyon sa mga panganib ng nominal na buhay ng manggagawa. Ang nagagawa ng akda ay
inaangat ang talakayan—mula sa indibidwal na buhay tungo sa isang panlipunang identidad, mula sa
generic tungo sa pagbibigay ng “proper” na identifikasyon sa panlipunang karakter at katangian nitong
ordinaryong tao. At ito ang afinidad ng panitikan sa iba pang kilusang pang-sining, tulad halimbawa ng
social realism sa sining biswal. May hinihimok na pagkilos, hindi lamang pagdulog ng mambabasa sa
klima ng intelektwal na katiwasayan. Precisely, ang perspektibo sa realismo ay nanghihimok ng
destabilisasyon sa realidad. Kaya sa mga akda, parating may nangyayari, kahit pa ito Guy de Maupassant
o Henry James na uri ng kwento. Tahimik man o nagsusumigaw, ang panitikan ay may panghihimok—
mula sa perspektibo ng tauhan at manunulat–sa mambabasa na gulantagin ang kanyang posisyon sa
lipunan, ipakita at ipaunawa na ang mismong posisyon ng mambabasa ay hindi naman talaga isang
stableng bagay. Ito ay isang artiface lamang. Samakatuwid, ang pagsuhay ng balangkas ng perspektibo sa
panitikan ay nagbabadya ng destabilisasyon at interogasyon. Sa huling pagtutuos, ang sinasakdal ay ang
mismong posibilidad at limitasyon ng panitikan sa panlipunan at pangkasaysayang pagbabago.

Sa isang kwento naman ni Luna Sicat “Lohika ng Bula ng Sabon,” isiniwalat ang nagaganap sa kamalayan
ng isang babaeng naghihinagpis ukol sa nasirang pagmamahal. Tila isang panaginip ang naratibo ng
kwento, disjointed at fragmented, pero ini-implicate ng perspektibo ang mambabasa na magtanong
hinggil sa lagay ng narrator. Ang proseso ng pag-implicate sa mambabasa bilang co-dependent ng
persona ay kahalintulad ng mismong seduksyon ng mambabasa sa mamamayan, ng panitikan sa lipunan.
Ang interogasyon ng persona ng kwento ang nagpapahiwatig ng pagiging di stable ng posisyon ng
artikulasyon, at kung gayon, ang posisyon ng pagbasa at pag-unawa, ng mismong pagbibigay kahulugan
at artikulasyon sa binabasa. Kakatwa na ang inaakalang incoherence sa kwento ay madi-diagnose sa
formalistikong pamaraan—mayroon itong banghay, tunggalian, ending at iba pang elementong
nagpapakat sa kabuuan ng isang kwento. Ginamit lamang ang perspektibo sa pagsiwalat ng psyche at
kamalayan para ipakita ang artiface ng kwento. Ang kwento ay hindi lamang ang nagaganap sa utak ng
persona, ang kwento ay ang kahalintulad na nagaganap sa utak ng mambabasa, kung paano bubuuin
ang kwento. Dahil hindi naman matatakasan ang kolonyal na kalakaran at idea ng kwento, maari pa rin
itong tawagin ang pansin sa mas produktibong interaksyon sa kwento. Ang psyche ay materyal, ang
incoherence sa kwento ay isang ring pagkabuo sa proseso ng pagbibigay-kahulugan at representasyon sa
buhay at lipunan.

Ang panitikan ay may posibilidad at limitasyon sa pagbibigay representasyon at artikulasyon sa mga


karanasan sa buhay at lipunan. Ito ang sakop ng panitikan. Ang kalakaran sa kasalukuyang produksyon
pampanitikan sa huling siglo ay tungo sa pagtawag pansin sa kakanyahan nitong panitikan—ang bawat
pag-akda ng pagsulat at pagbasa ay pagbigkas ng manifesto tungkol sa potensyal at limit ng panitikan.
Dahil ang Pilipinas ay paratihang kagyat na nakapaloob sa isang global na kalakaran sa mas
industrialisadong mga bansa, ang panitikang nalilikha rito ay paratihang kagyat rin na may kosmopolitan
na katangian. Artikulado man o hindi, ang panitikang nalilikha rito ay mga elaborasyon ng pambansa at
transnasyonal na mga lokasyon. At kung ganito, sopistikado ang mga kapamaraanan ng pagsisiwalat ng
kamalayan umiiral sa panahon ng pagkasulat ng panitikan, kahit pa ang realismo ay tila hindi gaanong
nagbabago at nag-i-inovate. Tila ang pangunahin sa agenda ng pambansang panitikan ang pagsambulat
ng kamalayan mula sa materyal na kondisyon ng lipunan at kasaysayan kaysa sa sopistikasyon ng gamit
sa formal na katangian ng panitikan. Ang kwento ay kwento at hindi na lamang kwento.

Kahawig na kahawig nito ang malimit ding isinasagawang paglitis kay Rizal bilang nobelista. Ang de-
kahong tanong sa mga klase at seminar: Realista ba o Romantisista si Rizal? Sa pagkakataong ito,
nananaig naman ang palagay na isang realista si Rizal. Malaking tulong sa ganitong kuro ang talumpati ni
Claro M. Recto noong 29 Disyembre 1958 sa kumprensiya ng International PEN sa Lungsod ng Baguio. Sa
talumpating may pamagat na "Si Rizal at si Bonifacio," ipinahayag ni Recto na isang "makatotohanan"
(realista) si Rizal samantalang isang "mapangarapin" (idealista) si Bonifacio. Baligtad ito, ani C. M. Recto,
sa palasak na paniwalang si Rizal ang umisip ng paghihimagsik, kaya siya ang mangarapin, masintahin, at
makata samantalang si Bonifacio na lumaki sa karalitaan at higid na batid ang damdamin ng bayan ang
"makatotohanan" at kaya siya'ng nagsagawa ng himagsikan. Gayunman, wika ni C. M. Recto:

Kung masidhi nating susuriin ay si Rizal ang lumalabas na makatotohanan, sapagkat sa kanyang pagiging
ganyan, sa kanyang pagiging-realista, ay para niyang laging nakikita ang sa akala niya'y talagang
mangyayari, ang katotohanan, at sa dahilang sa lahat ng kanyang mga gawai'y pinagbatayan ang tunay
na mangyayari, ay lumayo siya at di-napahalagahan ang kilusang ukol sa himagsikan, na inaakala niyang
hindi napapanahon at kailapa'y nauumang sa di-maiiwasang pagkabigo; at si Bonifacio, sa dahilang
mangarapin, o ideyalista, ay di-inalumala ang talagang mangyayaring yaon at sumuong sa
paghihimagsik, sa ilalim ng mga pangyayaring itinakwil ng katinuan at matinig na pag-iisip gaya ng
pagtatakwil na ginawa ni Rizal.

Kung si Rizal ang nasunod, disi'y hindi sumiklab ang himagsikan; ang batid niyang talagang mangyayari,
sa kanyang sinuri at matinig na pinagaaralan, ay pumipigil na gawin ang gayong kapansanan; ngunit
inakala ng mangangaraping si Bonifacio na sa pamamagitan ng mga ilang daang talibong at gulok at ng
mga suligi't sibat na kawayan, sa kamay ng mga lalaking lipakin ang mga kamay at paa, at walang ano
mang kaalamang ukol sa hukbo at digmaan ,subali't dumating na lamang sa hangungan ng kahirapan at
pagtitiis, na pinagbahabahagi sa ilang bayang kanugnog ng lungsod ng Maynila , gaya ng Balintawak, San
Juan del Monte, Mandaluyong at ilan pang bayan na dating Comandancio Politico-Militar ng Morong, na
ngayo'y lalawigan ni Rizal, at ilang bayan ng Kabite at Batangas, ay maaari nang gibain ang
nambubusabos na kapangyarihang Kastila sa Pilipinas.

REALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Rebolusyong Industriya: Ika-19
na siglo

Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan
ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.

PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan,


prostitusyon, atb.
Mga Halimbawa: ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal ‘Banaag at Sikat’ ni Lope K.
Santos ‘Santanas sa Lupa’ ni Celso Carunungan

Teoryang Kritikal na Diskurso


Ang teoryang kritikal na diskurso ay isang theoretical framework na nagpapaliwanag kung paano ang
wika at diskurso ay may kaugnayan sa kapangyarihan, lipunan, at kultura. Sa ilalim ng teoryang ito, ang
wika at diskurso ay hindi lamang simpleng komunikasyon kundi naglalarawan din ng mga puwersa at
ideolohiya sa lipunan.Isa sa mga kilalang tagapag-ambag sa teoryang ito ay si Michel Foucault. Ayon sa
kanya, ang diskurso ay nagbubuo ng kaalaman at kapangyarihan sa lipunan. Ipinapakita ng teoryang
kritikal na diskurso kung paano ang mga diskurso ay nakakaapekto sa pagpapakahulugan ng mga tao sa
mundo at kung paano ang mga ito ay nagpapalakas o nagpapahina sa mga istruktura ng
kapangyarihan.Sa pag-aaral ng panitikan at kultura, ang teoryang kritikal na diskurso ay mahalaga dahil
nagbibigay ito ng pag-unawa sa kung paano ang mga teksto ay nakakaapekto sa paghubog ng mga
pananaw at ideolohiya ng lipunan. Ipinapakita nito kung paano ang mga teksto ay nagpapakita ng mga
puwersa at kung paano ang mga ito ay maaaring magamit upang pigilan o palakasin ang mga umiiral na
estruktura ng kapangyarihan.

Isang konkretong halimbawa ay ang pagsusuri sa mga pahayag ng mga lider sa panahon ng digmaan o
kaguluhan. Sa pamamagitan ng teoryang kritikal na diskurso, maaaring suriin kung paano ang mga
pahayag na ito ay nagpapalaganap ng tiyak na ideolohiya o pananaw upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan o suportahan ang kanilang layunin. Ang pagsusuri sa mga pahayag at diskurso ng mga
lider ay maaaring magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga puwersa at struktura sa likod ng mga
pangyayari sa kasaysayan.

Talaga nga, mayroong maraming halimbawa kung paano ang teoryang kritikal na diskurso ay maaaring
gamitin sa iba't ibang larangan. Narito ang ilan pang mga halimbawa:

Media Analysis: Sa pagsusuri ng mga balita, pelikula, o palabas sa telebisyon, maaaring gamitin ang
teoryang ito upang suriin kung paano ang wika at diskurso ay nakakabuo ng mga pananaw at
pagpapakahulugan sa mga pangyayari at isyu sa lipunan.

Edukasyon: Ang pagsusuri sa mga teksto ng edukasyon tulad ng mga libro at kurikulum ay maaaring
magbigay ng pag-unawa sa kung paano ang mga ito ay nakakabuo ng mga pananaw at ideolohiya sa mga
mag-aaral.

Pamahalaan at Politika: Sa politika, ang mga talumpati, pahayag ng mga opisyal, at mga batas ay
maaaring pag-aralan upang maunawaan kung paano ang wika at diskurso ay nagpapalaganap ng mga
ideolohikal na pananaw at nagtatakda ng mga patakaran at pamamaraan sa lipunan.

Kultura at Sining: Ang mga teksto sa sining tulad ng panitikan, musika, at sining biswal ay maaaring pag-
aralan gamit ang teoryang ito upang suriin kung paano ang mga ito ay naglalarawan ng mga karanasan
at identidad ng mga tao sa isang partikular na kultura o lipunan.

Sa pangkalahatan, ang teoryang kritikal na diskurso ay isang malawak na kasangkapan sa pagsusuri at


pag-unawa sa kung paano ang wika at diskurso ay nagbubuo at nagpapalaganap ng mga ideolohiya at
kapangyarihan sa iba't ibang aspeto ng lipunan.

You might also like