Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 2

CLASS DESCRIPTION
Grade Level and Section 2 - Duryan
Quarter Fourth
Date Abril, 2024
Time (9:10 am– 10:00am)
Allotment 50 minutes
I. OBJECTIVES
A. Content Standards Nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong
binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika.

B. Performance Nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos


Standards na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto
ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
C. Learning Objectives Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 natutukoy ang iba’t ibang uri ng Pang-ukol;
 nakakalahok ng masigla sa pagbibigay ng halimbawa ng mga
pang-ukol; at
 nakabubuo ng pangungusap na may Pang-uko l.
Most Essential Learning Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t-
Competencies (MELCs) ibang Gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan/ F2WC-lig-h-5
II. SUBJECT MATTER
a. Topic Mga Salitang Kilos o Pandiwa
b. References  K to 12 Grade 2 Filipino Learners Material
 Online References

c. Materials  Larawan
 IMS
 PPT

Values Integration Kaalaman (Knowledge), Kilos (Psychomotor)


III. LEARNING PROCEDURES
A. Preliminary Activities  Panalangin
● Pagbati
● Attendance

DRILL
 Ang mag-aaral ay huhulaan kung ano ang larawang ipinakita
ng guro.

PAGGANYAK (Motivation)
 Ang mga mag-aaral ay sasagutan ang gawain. Sasabihin
kung ano ang salitang kilos na makikita sa pangungusap.

1. Si Carmel ay sumayaw sa entablado.


2. Sinipa ng kabayo ang puno.
3. Pinutol ng mga taga bayan ang mga puno.
4. Naglaro ng posporo si Miel.
5. Kinuha ni Ezra ang baso.

B. PRESENTATION Activity
 Ang mga mag-aaral ay babasahin ang bawat tanong at
tutukuyin kung ano ang ginamit na pang-ukol.

1. Tinulungan ni Kellie ang matandang tumawid sa daan.


2. Ayon sa balita, maiging maghugas ng kamay para
makaiwas sa sakit.
3. Masayang ikinuwento nina Rio at Ronnie ang kanilang
karanasan.
4. Para kay nanay ang bulaklak na hawak ni tatay.
5. Nagtuturo ng mabuti ang guro para sa mga bata.

C. Analysis/Abstraction Analysis

 Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral:


1. Ano ang naisip ninyong leksyon natin ngayon?
2. Ano ang napansin ninyo sa gawain?
3. Ano ang pandiwa?
4. Kailan ginagamit ang pandiwa?

PAGTATALAKAY

Pang-ukol - Ito ay ginagamit upang matukoy kung sanglunan o


kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang
pinangyarihan o kina – uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o
layon.

Mga uri o karaniwang Pang-ukol

1. Ni o nina
ni - ginamit ito kung tumutukoy sa isang tao.
nina ay ginagamit kung ang isang bagay o kilos ay ginawa o
para sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.
Halimbawa:
Ang lumang damit na ito ay ibinigay ni Jake.
Kinuha ni Bobet ang mga papel sa loob ng bag.
Ang lumang damit na ito ay ibinigay nina Jake at Rico.

2. Kay o kina
Kay – ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay tungkol
sa iisang tiyak na tao lamang.
Kina – ay ginagamit kung ang bagay o kilos na ginawa ay
tungkol sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.
Halimbawa:

3. Ayon sa – ito ay ginagamit sa pagtukoy kung kanino galing


ang isang impormasyon.
Halimbawa:
Ayon sa PAG-ASA magdudulot ng pagbaha ang bagyo.

4. Para sa – ginagamit kapag tumutukoy sa isang kilos o bagay


ng hindi tiyak na pangngalan.
Halimbawa:

Para sa mga tao sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juana.


E. APPLICATION GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
 Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat, bawat
pangkat ay bibigyan ng gawain patungkol sa mga Pang-ukol.

PANGKAT 1 at 2:

Panuto: Basahin at salungguhitan ang Pang-ukol na ginamit sa


mga pangungusap.

1. Si Althea ay nagluto ng turon para sa mga bata.


2. Labag sa loob ni Jannah ang pag-uwi niya ng maaga sa
parke.
3. Ayon sa bata, gagawin niya ang takdang-aralin pagkatapos
ng hapunan.
4. Kina Alan at Sally ang bahay na iyon.
5. Nagtuturo ng mabuti ang guro para sa mga bata.

PANGKAT 3 at 4:

Panuto: Piliin at isulat ang angkop na pang-ukol sa bawat


pangungusap.

1. Tinulungan ____(ni, nina) Clara ang matandang tumawid sa


daan.
2. _____ (Para sa , Ayon sa) balita, magiging maulan sa
susunod na araw.
3. Ang lapis na ito ay _____(kay, kina) Laurence.
4. Dinalhan _____(ni, nina) Grace at Jose ng pasalubong si Lola
Greta.
5. _____(Kina, Kay) Ana at Elsa ang laruang nasa lamesa.

IV. EVALUATION

PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang pang-ukol na nasa kahon na kukumpleto
sa pangungusap.

1. Ang mga mangga ay_______ Joe.


2. Ang regalo na ito ay_______ Pang at Wave.
3. ___________ doktor, kailangan ka magpahinga ng limang araw
dahil ikaw ay maylagnat.
4. Binilhan ________ Ninang Nilda si Korn ng bagong laruan.
5. Ang kwentong nabasa ko ay _________ isang prinsesa.

V. ASSIGNMENT
Panuto: Gumawa ng isang pangungusap gamit ang mga sumusunod
na Pang-ukol.
1. Ni-
2. Kay-
3. Ayon sa-
4. Para sa-
5. Nina-

Inihanda ni:
Julie Trinirose L. Soquiño
Pre-Service Teacher

Rose Sharon O. Medellin


Master Teacher II

You might also like