Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Administrasyong Rehiyon ng KARAGA
Dibisyon ng Timog Agusan
Unang Distrito ng Sibagat
MABABANG PAARALANG ELEMENTARYA NG VILLANGIT

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I – Layunin:

1. Naipamamalas ang kahalagahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa


wikang panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
1.1 Naipapaliwanag kung paano nakatulong ang mga ginawa ng mga natatanging Pilipino sa
pagkamit ng kalayaan.
1.2 Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kwento o salaysay.

II - Paksang Aralin:

A. Topiko: Pagsasagot Ng Mga Tanong Na Bakit At Paano Sa Kwento O Salaysay


B. Sanggunian: K to 12 Teaching Guide, F6 PB-IF-3.2.1. (Pag-unawa sa Binasa)
K. Kagamitan: Pilipinas Bansang Pag-unlad 6, pahina 191-194,
Laptop, projector, larawan, tsart, pocket chart
D. Focus ng Pagpapakatao: Katapangan at tiyaga

III – Pamaraan:

A. Pagsasanay: (Power point at Activity Sheets)


Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na digmaan ng
panahon ng mga Amerikano.

M D I G M A A N R S U

O L U K N O K H I G D

B I N A R I L D K E L

U B M N O P A U A H T

W N T A K A S M L R N

I Y A B O R T N A T A

S A K R I P I S Y O K

C I A Y K D E O A I G

D M S G H I L I A L A

P K U M L A B A N A N
B. Balik-Aral: Tungkol sa mga kilalang bayani

K. Pagpapakita ng Rubriks (Power point)

Pamantayan:

1. Ang presentasyon ay nagkaroon ng tamang sagot.


2. Magaling ang pagpapahiwatig sa sagot.
3. Nagpapakita ng pagtutulungan ang pangkat.
4. Nasusunod ang mga kaukulang gawain.
5. Wastong pag-ugali ay dapat ipapairal habang may ginagawa.

Pagpapakahulugan:
5 puntos – nakakuha ng lahat ng kriterya
4 puntos – nakakuha ng 4 lamang sa kriterya
3 puntos – nakakuha ng 3 lamang sa kriterya
2 puntos – nakakuha ng 2 lamang sa kriterya
1 puntos – nakakuha ng 1 lamang sa kriterya

D. Pagganyak: (Power point)

Pagpapakita ng larawan ni Antonio Luna, Gregorio del Pilar

Itanong: Sino siya?


Ano ang kanyang ginawa sa panahon ng mga kastila?
Paano nila nakamit ang kalayaan?

1. Pag-alis ng balakid ng mga salita:


digmaan takas labanan
binaril sakripisyo aklas
buwis kalayaan nagkanulo

2. Paglalahad: (Power point)


Pagbasa ng maikling salaysay tungkol sa buhay ni Gregorio del Pilar.
3. Pangkatang Gawain (Power point)
4. Pag-uulat ng bawat pangkat o grupo/pagtatanong ng bawat pangkat sa nag-uulat.
5. Pagwawasto ng kanilang ginagawa gamit ang RUBRIKS
6. Pagtatalakay:
 Anong pamaraan ang ipinakita ni Gregorio del Pilar upang makamit ang pinaglalabang
kalayaan?
 Ano sa inyong palagay ang kinalaman ng mga larawan sa ating paksa?
 Paano nakatulong ang kanyang ginawa sa kalayaan ng bansa?
 Kung ikaw si Hen. Gregorio del Pilar, ipagtatanggol mo rin ba si Aguinaldo sa panahong iyon?
Bakit?
7. Pagpapakatao:
 Anu-ano ang mga katangian mayron ang ating mga bayani?
 Ano ang kanilang ipinakita sa taong bayan?
8. Aplikasyon
Pangkat I – Isadula ang pangyayari sa Tirad Pass
Pangkat II – Iguhit si Gregorio del Pilar
Pangkat III – Buuhin ang larawan sa cut outs
Pangkat IV – Awitin ang nabuong tula sa tonong Leron-Leron Sinta

9. Paglalahat:
 Bakit naantala ang paglusob ng mga Amerikano?
 Paano siya namatay?
 Bakit siya tinaguriang bayani ng Tirad?
 Paano nakatulong ang kaniyang ginawa para sa bansa?
 Bakit napasok sila ng mga kaaway?

IV – Pagtataya:
Sagutan ang mga tanong na bakit at paano. Hanapin sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik
lamang sa unahan ng bilang.
1. Paano siya namatay?
2. Bakit siya tinaguriang bayani ng Tirad Pass?
3. Paano siya nagpakita ng pagmamahal sa bansa?
4. Bakit naantala ang paglusob ng mga Amerikano?
5. Paano nakatulong ang kaniyang ginawa o ambag sa bansa?

a. Nakipaglaban siya hanggang sa huling hininga.


b. Hinadlangan niya ang makipot na daan.
k. Siya ay nagbuwis ng buhay.
d. Nakamit ang kasarinlan o kalayaan ng bansa.

e. Siya ay binaril.

V – Takdang Aralin:
Magsaliksik pa ng karagdagang impormasyon tungkol kay Gregorio del Pilar.

Inihanda ni:
RICHELL E. SABLAS
Guro

You might also like