Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

DWEE 107.

1 FM
D’ Ani-Kita Radio
Program Title: IJuanaKnow
Program Topic: Father’s Day Special (DADventure)
Segment Titles: VersaTAYle, My Tatay My Hero, and PAPsalamat
Hosts: _____________________
Scriptwriters/Researchers: Arjon I. Muñoz

1. MSC: BG MUSIC (FADES IN, UP AND UNDER FOR)

2. HOST 1: Isang mapagpala at masiglang araw po sa ating lahat. Kayo ay


nakikinig sa DWEE 107.1 FM D’ Anikita Radio. Welcome po sa
ating programang I Juana Know. Kami po ang inyong makakasama
sa programang ito. Ako po si ________.

3. HOST 2: Ako naman po si _________. At Siyempre, bago natin umpisahan


ang ating talakayan gusto naming batiin ng isang mapagpalang
araw ang lahat ng ating tagapakinig at empleyado sa Pampanga
State Agricultural University, sa mga academics, sa ating OIC ng
President’s Office, pati po ang mga Vice Presidents: VP for
Research, Extension and Training, Dr. Emelita C. Kempis; VP for
Academic Affairs, Dr. Anita G. David; VP for Administration,
Business and Finance, Ms. Myrna B. Lorenzo; at VP for Planning,
Innovation, Linkaging, Land and Agroecological Resources for
Development, Dr. Lyndon G. Solis: and Extension Director, Dr.
Geraldine C. Sanchez.

4. HOST 1: Binabati rin natin ang ating Department of Agriculture Secretary Mr.
William Dar maging ang mga estudyante ng Pampanga State
Agricultural University. Isang mapagpalang araw po sainyong lahat!
Grabe Ka-ani no, ang bilis ng araw biruin mo Marso na nga! Parang
kailan lang eh tumatalon pa tayo nung Bagong Taon, ngayon pa
summer na ulit! At sa mga buwan na ‘to, dito nanaman na uuso ang
mga outing outing ng magpa-pamilya.

5. HOST 2: Tama ka d’yan Ka-ani! Dahil sa mga darating na buwan, maraming


okasyon rin ang mga ipinagdiriwang. At isa na rito ay ang okasyon
na tatalakayin natin sa araw na ito: ang “Father’s Day” o ang “Araw
ng mga Tatay”. Madalas ka-Ani ang okasyon na ito ay
ipinagdiriwang lang tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, pero sa araw
na ito, ang mga tatay ang magiging bida sa ating bawat kuwento!

6. HOST 1: Nakuha mo ka-Ani! Kaya naman sa araw na ito, ang ating talakayan
ay pinamagatang “DADventure”. Lahat ng ating magiging usapin ay
patungkol sa mga tatay. Mula sa iba’t ibang responsibilidad ng mga
tatay: mga nakagawian na tungkulin ng mga tatay at mga
makabagong obra na kayang gawin ng mga tatay. Ganun ding atin
tatalakayin ang iba’t ibang kuwento ng mga huwarang tatay na
sumikat sa internet dahil sakanilang kahanga hangang sakripisyo
para sakanilang pamilya. At panghuli, ay mga iba’t ibang paraan o
pakulo na nauuso ngayon na pweding gawin para maipadama ang
pasasalamat sa ating mga tatay. Grabe ka-Ani ngayon palang eh
na-eexcite na ako. Dahil sa usapin natin ngayon, siguradong
makaka-relate ang lahat.

7. HOST 2: Tama, ka-Ani! Napaka-ganda ng ating magiging talakayan. Dahil


lahat naman tayo ay may kwentong tatay. Maaaring sa ating
biyolohikal na tatay, o pwedi rin sa ibang tao na itinuturing nating
tatay. Dahil ang tatay no ka-Ani, hindi lang naman nagmumula sa
anyo ng mga tunay nating tatay, pwedi ring sa ating mga kapamilya,
kaibigan, o kakilala na tumatayong tatay sa ating buhay. Kaya
paniguradong walang maiiwan o ma-o-out of place sa ating usapin,
lahat kayo ay makakasabay at paniguradong mararamdaman
niyong kayo ay in.

8. HOST 1: Tumpak ka-Ani! Rhyming pa yon ah! Siguradong maraming aral


nanaman ang makukuha ng ating mga tagapakinig. Panigurado ring
sa araw na ‘to, mas lalo nating mabibigyang halaga ang mga tatay
sa ating buhay! Kaya’t ‘wag po kayong aalis, magbabalik po kami
dito lang sa istasyong DWEE 107.1 FM D’ Ani Kita Radio
pagkatapos ng mga iilang paalala.

9. PLUGS:

10. HOST 1: Kayo pa rin ay nakikinig sa DWEE 107.1 FM D’ Ani-kita Radio dito
sa programang I Juana Know. At para sa ating magiging paksa sa
araw na ito, ito po ay pinamagatang “Father’s Day - DADventure”.
Ating pag-uusapan ngayon ang iba’t ibang nakagawian at
makabagong tungkulin na ginagawa ng mga tatay sa henerasyon
ngayon. Atin ring tatalakayin ang iba’t ibang huwarang kwento ng
mga tatay na lubos ang sakripisyo para lamang maipadama ang
pagmamahal nila sa kanilang pamilya. Gayun ding ating aalamin
ang iba’t ibang paraan o pakulo na ginagawa ng mga tao sa
panahon ngayon upang maipadama ang pasasalamat nila sa
tinuturing nilang wonder dad ng kanilang buhay. Ngunit bago ‘yan
ay atin munang pakinggan ang balitang hatid ng himpilang ito.

SEGMENT 1: VERSATAYLE
11. MSC: BG MUSIC FOR NEWS (FADES IN, UP AND UNDER FOR)

12. HOST 2: Isang kwentong naitampok sa GMA news ang nagpahanga sa mga
mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ni Jamil Santos, bukod sa
pagbabarbero, nagkikilay din at may home service na masahe pa
ang isang ama para tugunan ang mga pangangailangan ng
kaniyang pamilya. Ayon sa ama, hindi raw sapat ang iisang trabaho
lamang sa panahon ngayon lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin.

Sa special report ni Bam Alegre sa UB Specials, sinabing nakapag-


ipon si Toto Sumayang, ang amang tampok sa kwento, ng puhunan
sa pagbabarbero, hanggang sa nakapagbukas siya ng sariling
barber shop sa Bagong Silang, Caloocan.

Gayun pa man, hindi pa pala sapat ang kaniyang kinikita sa


trabaho, dahil sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Kaya naman kahit nakararamdam ng pagod, nagdesisyon si Toto


na humanap pa ng iba pang pagkakakitaan. At ito nga ay sa
pamamagitan ng pag sideline sa isa pang barber shop na ilang
kilometro ang layo, kung saan nagkikilay din siya.

Sa kaniyang pagkikilay, natutuhan na rin ni Toto ang mag


microblading o threading. Ito ngayon ay naging isa na ring dagdag
na sideline ni Toto lalo pa’t may sarili na rin siyang mga gamit.

Pag-uwi naman sa bahay, nagho-home service pa si Toto ng


masahe, at hindi nakatatanggi kapag nag-request ang mga suki
niya.

Sa likod ng pagsusumikap ni Toto, hindi pa rin siya nawawalan ng


oras sa kaniyang asawa at dalawang anak.

"Kahit pagod, kakayanin, kasi kailangan eh. Kahit masakit ang


katawan kakamasahe, sige pa rin, kailangan talaga ng pampamilya
na budget eh," sabi ni Toto.

"Pero kahit paano nagagampanan pa rin 'yung [tungkulin] sa


pamilya. Mahirap talaga kasi hindi kaya dahil mamahalin na ngayon
ang bilihin, hindi sapat ang isang trabaho lang. Kailangan rumaket
ng tulad ng service ng kilay, massage, kung ano pa. Basta kumita,"
dagdag ni Toto.
-more-
IJuanaKnow...444
Sinabi naman ng misis ni Toto na si Femia Sumayang na may mga
pagkakataong hindi na kinakaya ng katawan ni Toto ang maraming
trabaho.

"Kagabi noong pauwi na siya, nagsabi siya na iba ang pakiramdam


niya. 'Yung dito raw niya (tainga) may pumipintig na. Dinala ko siya
sa [doktor], ang taas ng dugo niya, umabot na sa 200/120. Kaya
grabe ang taas ng dugo. Sabi ko, sa puyat din 'yan at sa pagod.
Kasi minsan sa gabi may service din siya sa gabi, kapag may
biglaang tawag hindi niya matanggihan kasi pera na," sabi ni
Femia.

Katuwang ni Toto si Femia, na rumaraket na rin ng manicure home


service.

"Wala tayong ibang ano kundi para sa pamilya eh. 'Yun ang
pinagtutuunan ko kaya naghahanapbuhay ako. Kaya kung ano
pang dapat malaman tulad ng paggupit, sa pagkikilay, masahe,
kulay, kung ano pang mayroon, alamin dapat natin para dagdag
income," sabi ni Toto.

"Mag-iingat siya lagi sa araw-araw. Mahal na mahal namin siya ng


pamilya niya, lahat kami, mga anak niya. Basta lagi siyang magpe-
pray bago pumasok. Dasal dasal lang din. Nagtatrabaho nga tayo,
para saan pa kung mamatay naman?" sabi ni Femia.

Sinabi ng Commission on Population and Development


(POPCOM), na kailangan sa higit isang trabaho para malagpasan
ang kahirapan sa Metro Manila.

Inilahad naman sa datos ng Philippine Statistics Authority na


umakyat na sa 26 milyong Pilipino o 23% ng kasalukuyang
populasyon ang napapasailalim sa poverty line dahil sa pandemya
noong 2021.

Sinabi naman ng ekonomistang si Emmanuel Leyco na indikasyon


ang mga raket at sideline na hindi na sapat ang minimum wage.

"Pagod ang mga mamamayan, pagod ang mga manggagawa, so


ang productivity ng mga manggagawa, maapektuhan na rin ito.
Hindi dapat normal ito, kasi ang mga taong nagtatrabaho, ang
kailangan kumikita sila nang sapat para makatugon sila sa kanilang
mga pangangailangan," sabi ni Leyco.
-more-
IJuanaKnow...555
"Mabili nila ang kailangan nilang bilhin, pagkain, damit, kailangan
magbayad sila ng pamasahe, bayad ng bahay, bayad ng kuryente,
tubig. Kailangan kung ano ang kinikita nila sa loob ng isang araw,
dapat 'yan ay maging sapat," dagdag ni Leyco.

IJuanaKnow...666
Tunay ngang ang mga tatay gagawin ang lahat para sakanilang
pamilya. Handang gawin at pasukin ang lahat maibigay lang ang
pangangailangan ng kanilang mga anak. Hinggil dito, hiling ng mga
mangagawa na itaas ang kanilang sweldo at bawasan ang kanilang
buwis. Nang sa ganon wala nang mga ama o magulang ang
kinakailangan pang humanap ng 2 o higit pang trabaho mabuhay
lamang ang kanilang pamilya. Muli mga ka-Ani, ito si
_____________ nag-uulat para sa DWEE 107.1 FM D'Ani-Kita
Radio.

13 MSC: BG MUSIC (FADES IN, UP AND UNDER FOR)

14. HOST 1: Atin pong napakinggan ang balitang hatid sa atin ni Ka-Ani _____,
na talagang nakakabilib mapakinggan. Bilang isang anak,
nakakataba ng pusong makakita ng Ama na handang gawin ang
lahat para sa kanyang pamilya. Sa balita, ipinakita kung gaano ka
versatile ang mga tatay pagdating sa iba’t ibang larangan. Para
lamang ma suportahan ang pamilya hindi lang isa ang trabaho ni
Mang Toto kundi tatlo. At hindi lamang yon, kahit trabahong
pambabae eh pinasok na rin niya matustusan lang ang
pangangailangan ng kaniyang pamilya.

15. HOST 2: Tama ka diyan Ka-ani. Barbero, taga-ayos ng kilay, at masahista!


Lahat eh mga obrang kamay. Siguradong pagod magdamag si
Mang Toto. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang Misis, hindi umiinda
si Mang Toto dahil nga determinado siyang maibigay lahat ng
pangaingailan ng kanyang pamilya.

16. HOST 1: Sa panahon talaga ngayon ka-Ani wala na sa kasarian ang batayan
ng trabaho, nasa determinasyon at tiyaga nalang ng mga tao.
Kwento nga sa akin ng lola ko noon, nung unang panahon ang mga
lalaki lang ang mga nakakapag-aral dahil sila ay nakatadhanang
magtrabaho para sa kanilang pamilya at ang mga babae naman
ang mga naiiwan sa bahay para alagaan ang kanilang mga anak at
gawin ang mga gawain sa bahay. Pero sa panahon natin ngayon,
may mga nanay na ang nag-ta-trabaho para sa kanilang pamilya at
may mga tatay na rin ang naiiwan sa bahay para gawin ang mga
gawain sa bahay.
-more-
IJuanaKnow...777

17. HOST 2: Tama ka-Ani. At nakakabilib talaga ang mga magulang na kayang
makipag palit ng nakagisnang gawain para lamang sa ikakabuti ng
sitwasyon ng kanilang pamilya. Lalo pa’t hindi lahat ng lalaki
kayang tanggapin na kailangan nilang gawin ang mga gawain na
pang babae. Ani nga nila, natatapakan nito ang kanilang pride.
Kaya nakakatuwa talaga at nakakataba ng puso makarinig ng mga
kwentong gaya ng kay Mang Toto. Kaya pag saludo sa lahat ng
mga Tatay na kaya ring gawin ang mga gawain na pang nanay!
Mga versaTAYle, mabuhay po kayo!

18. HOST 1: Sa atin namang pagbabalik ay ating tatalakayin ang iba’t ibang
kwentong sakripisyo ng mga tatay. Pakikinggan natin ang tatlong
kwento ng mga tatay at kung ano ano ang mga kaya nilang gawin
para lamang sa kanilang pamilya. Naku! Siguradong maaantig
nanaman ang inyong mga puso at may kapupulutan kayong aral sa
segment na ito. Kaya ‘wag po kayong aalis magbabalik pa po ang
DWEE 107.1 FM D’ Ani KIta Radio pagkatapos ng ilang paalala.

19. PLUGS:

SEGMENT 2: MY TATAY MY HERO

20. HOST 2: Muli pong nagbabalik ang DWEE 107.1 FM D’Ani-Kita Radio at ang
programang I Juana Know. At sa pagkakataon pong ito ay dadako
na tayo sa ating ikalawang segment na ‘My Tatay My Hero’ kung
saan atin pong tatalakayin ang iba’t ibang kwentong sakripisyo ng
tatlong tatay. Kung ano ano ang kanilang kalagayan at kayang
gawin para sa kanilang pamilya sa kabila ng hirap na kanilang
dinaranas.

21. HOST 1: Tama Ka-ani, itatampok natin ang tatlong tatay na pinag-usapan
dahil sa kanya kanya nilang nakakaantig na kwento ng buhay.
Silang tatlo ay may ibat’t ibang kwentong sakripisyo pero iisa lang
ang kanilang hangarin sa buhay, at yun ay ang maibigay ang sapat
na pangangailangan ng kanilang pamilya.

22. HOST 2: Ka-ani, sino-sino nga ba sa milyong super tatay sa ating bansa ang
ating itatampok sa ating programa ngayon? At ano ba ang
sakripisyong ginagawa nila para lang magampanan ang kanilang
responsibilidad bilang ama?

23. HOST 1: Sa totoo lang talagang nakapakaraming super tatay ang talaga nga
namang kapuri puri sa ating bansa, pero itong una nating tatay,
hindi lang siya simpleng tatay na kumakayod para may maipakain
sa kanyang mga anak, tatay siya na nagtatrabaho parin para sa
kanyang pamilya sakabila ng kanyang sakit o kapansanan. At ang
kahanga hanga pa rito ka-Ani, ang kanyang kapansanan ay kung
tutuusin ay medyo delikado para sa trabahong meron siya.

Alam naman natin na ang mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga
masisipag na tao sa mundo, na kahit ano pa mang trabaho ang
ibigay sa kanila ay tatanggapin o gagawin nila para lamang sa
kanilang pamilya. At gaya nga ng napag-usapan natin kanina,
noongg panahon ng mga kastila lalaki lang ang mga nagtatrabaho
at ang mga babae ay nasa bahay lamang. Kaya dito tumatak sa
isipan ng mga Pilipino na kailangan lahat ng mga tatay lamang ang
dapat kumayod para sa pamilya.

-more-
IJuanKnow...888

Tulad ng isang nakilala kong tatay na si tatay “Niel” isang UV


Express driver na may kapansanang Parkinson’s Disease. Kung
ikaw ay isang pasahero at sumakay ka sa isang UV Express at
nakita mong hindi normal ang kanyang paggalaw, sasakay ka pa
ba? Halos lahat ng mga pasaherong sumasakay sakanya
nagtataka o nagduda sa mga kinikilos ni Tatay Niel. May halong
kaba at takot ang mga pasahero dahil si Tatay Niel ay mayroong
Parkinson’s Disease. Ang karamdamang Parkinson o sakit na
Parkinson, kilala rin bilang paralysis agitans (paralisis na
kumakalog) ito ay isang krinokong kapansanan ng sistemang
nerbyos o hindi macontrol na pag galaw ng katawan. Madalas
nangyayari ito sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Pero hindi
naging hadlang ang kanyang kapansanan para buhayin ang
kanyang pamilya.

Si Tatay Niel ay 13 years nang UV express driver. 17 yrs old pa


lamang siya ay nagmamaneho na siya ng sasakyan. Ang kanyang
ruta ay mula sa Pasig hanggang Binangonan Rizal. Maraming
pasahero ang bumababa sa kanyang sasakyan kapag umaatake
ang kanyang kapansanan. Ayon kay Tatay Niel may isang
insidente na apat nalang ang kanyang pasahero tapos bumaba pa
silang lahat gawa ng natakot silang lahat dahil sa kanyang
kapansanan. Ani niya “Kahit medyo masakit na masakit yon,
parang dinaganan ako ng langit at lupa, at kahit pinagtawanan ako,
inisip ko nalang na para saking mga anak titiisan at kakayanin ko
ang lahat ng ito”.

Sa likod ng kanyang kapansanan, patuloy paring nagsusumikap at


binubuhay ni Tatay Niel ang kanyang pamilya. Kaya naman sa mga
tulad ni Tatay Niel na may kapansanan pero patuloy paring
nagtatiyagang magtrabaho, saludo po kami sa inyo! Ikaw Ka-Ani
anong masasabi mo sa kwento ni Tatay Niel?

-more-
IJuanKnow...999

24. HOST 2: Ka-Ani talagang kahanga-hanga ang ginagawang sakripisiyo ni


Tatay Niel para sa kanyang pamilya. Hindi madali ang magtrabaho
nang may kapansanan. Tayo ngang buo at may kumpletong parte
ng katawan reklamo tayo nang reklamo kapag may ginagawa
tayong mahirap sa buhay, pero si Tatay Niel kahanga hanga no.
Kaya niyang tiisin lahat ng sakit, pangungutya, at paghuhusga ng
mga tao maitaguyod lang ang kanyang mga mahal sa buhay.
Grabe! Ka salu-saludo nga po talaga kayo Tatay Niel!

25. HOST 1: Tama ka riyan, Ka-Ani _____. Biruin mo aalis nalang ang
sasakyan ni Tatay Niel para pumasada pero nang makita nilang
siya ang driver, nagbabaan ang mga pasahero niya. Masakit nga
naman yon, na parang ipinaramdam nila sa’yo na nakakatakot ka
at hindi sila ligtas sa mga kamay mo.

26. HOST 1: Oo nga, ka-Ani. Kaya sa mga pasaherong nagtitiwala parin kay
Tatay Niel maraming salamat po sainyo. Nang dahil sainyo eh may
pinang-kakain parin ang pamilya ni Tatay Niel. At sa mga tulad
naman ni tatay Niel na may kapansanan pero patuloy paring
nagsusumikap mag trabaho, saludo po kami sainyo!

-more-

IJuanaKnow...10

27. HOST 2: Grabe ka-Ani unang kwento pa lang pero talagang naantig na ang
mga puso natin. Ikaw ba ka-Ani ano ba ang trabaho ng iyong tatay?
Isa ba siyang Doctor? Teacher? O Engineer? Madalas pag ganito
ang trabaho ng mga kapamilya natin talagang ipinagmamalaki natin
sila no. Pero alam mo ka-Ani sa pangalawang kwentong itatampok
natin. Tungkol siya sa isang anak na sobrang proud sa kanyang
tatay na isang basurero. Ang batang ito ay si Andrew. Ayon kay
Andrew hindi siya mahihiyang ipagsigawan na ang kanyang tatay
na si “Tunying” ay isang basurero.

Ani ni Andrew, si Tatay Tunying daw ay 68 taong gulang na na


nakatira sa Payatas, Quezon City. Alas kwatro palang ng madaling
araw ay naghahanda na ito sa pag pasok sa trabaho. Kape lamang
raw na hiningi pa sa kanyang katrabaho ang kanyang almusal
araw-araw. Kahit nasusugat na raw ang mga kamay ni Tatay
Tunying sa pagbabasura, ay patuloy parin itong nagtatrabaho. Ayon
kay Tatay Tunying ito na lang daw ang alam niyang pweding
pagkuhanan nila ng pagkain magpapamilya at ang pagbabasura
naman daw ay isang marangal na trabaho. Sa kabila ng katandaan,
ayaw parin tumigil sa pagtratrabaho ni Tatay Tunying sa
kadahilanang kailangan niyang kumayod para sa pagpapagamot ng
kanyang isang anak na may sakit na “Cerebral Palsy” at para narin
masuportahan pa sa pag-aaral si Andrew.

Hindi matatawaran ang kasipagan ni Tatay Tunying para


maitaguyod ang kanyang pamilya sa kabila ng hirap ng buhay. May
katandaan man at may iniinda na ring mga sakit, hindi parin tumigil
magtrabaho si Tatay Tunying magampanan lamang ang
responsibilidad niya sa kanyang pamilya. Kaya naman mabuhay ka
Tatay Tunying! ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para iyong
pamilya at alam ko balang araw magbubunga rin ng maganda ang
lahat ag iyong sakripisyo.

-more-

IJuanaKnow...11
.

28. HOST 1: Wow, ka-Ani! Ang ganda rin ng kwento ni Tatay Tunying no. Biruin
mo 68 years old na siya pero patuloy parin siyang nagbabasura
para lamang mabigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

29. HOST 2: Totoo ‘yan, Ka-ani! Kamang-mangha rin ang kwento ni Tatay
Tunying. Madalas sa edad na yan ay nagre-retiro na ang mga
manggagawa. Madalas nagpapahinga na lamang sila sa mga
bahay at nag-eenjoy sa buhay. Pero si Mang Tunying no, para lang
mabili ng gamot at masuportahan sa pag-aaral ang kanyang mga
anak, walang 68 years old sa kanya. Tingin ko para sa kanya,
hanggat kaya niya at nabubuhay siya patuloy parin niyang
susuportahan ang pamilya niya.

30. HOST 1: Tama ka-Ani! Pero isa rin sa nakakataba sa pusong marinig sa
kwentong ‘to ay kung paanong ipagmalaki ni Andrew ang kanyang
ama. Nakakatuwang malaman na hindi man ganoon kalakihan ang
sweldo ni Tatay Tunying, sobrang proud pa rin si Andrew sakanya.
31. HOST 2: Nakuha mo ka-Ani! Dahil tunay nga namang ka proud proud si Mang
Tunying. Biruin mo sa ganoong edad sinusuportahan parin niya ang
pamilya niya. At ang pagbabasura naman, gaya nga ng sabi ni Mang
Tunying, ay isang marangal na trabaho. Hindi man kalakahihan ang
sweldo niya, nadudumihan man siya, pero ang importante sa malinis
na paraan at legal nanggagaling ang pinang-kakain at pinang-
susuporta niya sa kanyang pamilya. Kaya naman Mang tunying,
proud din po kami sainyo! Isa rin pong pagsaludo sa inyo dahil sa
pagiging huwaran ninyong ama.

32. HOST 1: Saludo po kami sainyo Mang Tunying! Pero kahit masarap ang ating
talakayan ay ating muna po itong pansamantalang puputulin. Ngunit
sa amin pong pagbabalik ay tatalakayin naman po natin ang ikatlo at
huli nating kwento tungkol sa sakrpisyo ng ama para sakanyang
pamilya. Kaya wag po kayong aalis dahil magbabalik pa rin ang
DWEE 107.1 FM D’ Ani KIta Radio pagkatapos ng ilang paalala.

33. PLUGS:

34. HOST 2: Muli pong nagbabalik ang DWEE 107.1 FM D’Ani-Kita Radio sa
programang ‘I Juana Know’. Ngayon naman po ay ating tatalakayin
ang ikatlo at huling kwento ng pagmamahal ng ama sakanyang
pamilya.

35. HOST 1: Ka-Ani sobrang sarap pakinggan ng mga kwento ng ating


magigigiting na tatay. Pero itong huling kwentong pag-uusapan
natin ay maituturing mong kahalera ng mga kwentong superhero na
napapanood natin sa T.V.

ito ang kwento ni Tatay “Toto” na isang kargador. At mula sa


pagkakargador naipagtapos niya sa pag-aaral ang kanyang anak
na si Mailyn.

Si Tatay Toto ay taga Sultan Kudarat, at pasan-pasanin niya ang


mahigit na 50 kilos na sako ng abono para lang matustusan ang
pangangailagnan ng kanyang pamilya. Mapapansin mo kay Tatay
Toto na meron nang pilay ang kanyang kanang hita pero patuloy
parin itong nag tatrabaho. May oras na hindi siya maka lakad at
hindi makapagtrabaho nang maayos dahil dito pero hindi niya
iniinda ang lahat ng sakit na ito para makapagtrabaho lang para sa
kanyang pamilya. At kahit na pagod na siya sa kanyang trabaho,
araw-araw parin niyang hinahatid sundo ang kanyang anak na si
Mailyn sa eskwelahan gamit ang kanyang lumang bisikleta.
-more-

IJuanaKnow...12

Isa pa sa nagpa sakit sa pamilya nila noon ay noong masunugan


sila ng bahay dulot ng natumbang lampara. Lubos na naapektuhan
pati ang kanyang asawa – na nasunog pati ang balat. Dahil doon
napilitan silang lumipat sa isang pinagtagpi-tagping bahay. Ngunit
hindi pa roon natapos ang kanilang kalbaryo. Namatay din ang
anak na lalaki ni Tatay Toto sa panahon ng kanilang paghihirap, na
naging dahilang upang magsumikap at mahalin pa siya lalo ng
kanyang anak na si Mailyn.

Sa kabila ng hirap na dinanas ng magpa-pamilya, nakatapos parin


sa pag-aaral si Mailyn sa kursong B.S. Economics. Sa
kasalukuyan, si Mailyn ay nagtetraining sa isang Car Company sa
siyudad ng Coronadan. Para kay Mailyn, napaka laking parte ng
kanyang Ama sa kanyang tagumpay. Ani niya, kung hindi dahil sa
bigat ng pasanin ni Mang Toto noon, hindi magiging magaan ang
lahat sa kanilang magpapamilya ngayon.

36. HOST 2: Ayan Ka-ani_____, hindi naman natin maikakaila na grabe rin ang
sakripisyong ginawa ni Mang Toto sa kanyang pamilya. Biruin mo
yon 50 kilos na sako ng abono buhat buhat niya araw araw. Para
lamang makakuha ng perang pang suporta sa kanyang pamilya.

37. HOST 1: Tama ka d’yan, Ka-ani. Hindi lang yon, may pilay na rin sa paa si
Mang Toto pero patuloy parin siyang nagta-trabaho dahil nga sa
ganoong paraan lamang sila may pinang-kakain ng kanyang
pamilya. Eh kung tayo nga magbuhat lang ng kalahating kaban ng
bigas eh hirap na hirap na tayo. Eh yun pang ang pagbubuhat nang
mabibigat ang ikinabubuhay mo. Grabe! Siguro si Mang Toto
ngayon malaki na ang mga muscle niya! Hahaha.

38. HOST 2: Oo nga ka-Ani no. Para rin palang nag wo-workout si Mang Toto sa
trabaho niya. Yun nga lang pinagsamang init at matinding pagod
talaga ang nararanasan niya sa pagkakargador. Kaya naman, gaya
ng mga naunang tatay, saludo rin kami sayo Tatay Toto!

39. HOST 1: Grabe ka-Ani iba talaga magmahal ang mga tatay no. Lahat ng
trabaho papasukin, may kapansanan man at iniindang sakit,
gagawa at gagawa parin sila ng paraan matugunan lang ang
pangaingailanangan ng kanilang pamilya.
40. HOST 1: Sang ayon ako diyan, Ka-ani. Kaya napaka swerte ng mga anak na
may tumatayong Ama sa pamilya nila. Meron silang tao sa buhay
nila na siguradong po-protekta sa kanila at susuporta sa kanila
maabot lang nila ang mga pangarap nila sa buhay.

41. HOST 2: Tama yan, ka-Ani. Lalo na sa mga anak na kasama pa ang
kanilang mga biological na tatay. Napaka swerte ninyo dahil meron
kayong mga responsableng Ama. At sa lahat naman ng mga tatay,
o tumatayong tatay sa kanilang pamilya, pagsaludo po sa inyong
lahat! Mahirap man ang buhay, salamat at hindi parin ninyo
tinatalikuran at pinapabayaan ang inyong pamilya. Mabuhay po
kayo!

42. HOST 1: Ka-Ani talaga nga namang napaka ganda ng ating ikalawang
segment. Nawa ay natutunan ng ating mga tagapakinig na hindi
biro ang pagbubuo ng pamilya. Na ang pagiging Ama ay katumbas
rin ng pagkakaroon ng malaking responsibilidad sa buhay.

42. HOST 2: Tumpak ka-Ani! Nawa ay na inspire rin sila bilang mga anak na
pagbutihan pa ang pag-aaral at lalong mahalin pa ang kanilang
mga magulang, habang sila ay nariyan pa. Ngayon naman para sa
ating ikatlong segment, atin namang bibigyan ng honoring ang
lahat ng ating mga tatay. Tutulungan din namin kayo at bibigyan ng
mga ideya kung ano ang iba’t ibang paraan na maaari ninyong
gawin para mapakita ninyo ang pasasalamat ninyo sa inyong ama
sa darating na Father’s Day. Kaya Huwag po kayong aalis
magbabalik ang ating istasyong DWEE 107.1 FM D’Anikita Radio.

-more-

IJuanaKnow...13

43. PLUGS:

44. MSC

SEGMENT 3: PAsalamat

45. HOST 1: At nagbabalik po ang programang ‘I Juana Know’. Narito na po


tayo sa ating huling segment na pinamagatang ‘Pasalamat’. Sa
oras na ito atin pong bibigyan ng pasasalamat ang ating mga Ama
sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ipinaparamdam nila sa
ating buhay. Magtatampok din tayo ng tatlong kwento ng mga anak
tungkol sa pag su-surpresa na ginawa nila sa kanilang mga Ama
noong Father’s Day. Kaya’t huwag na nating patagalin pa, halina’t
ating tuklasin ang unang kwento sa segment na ito.

46. HOST 2: Para sa ating unang kwento, ka-Ani. may isang grupo na gumawa
ng isang Social Experiment tungkol sa kung ano ang magiging
reaksyon ng mga tao kung narinig o nakita nila na ang isang Tatay
na hindi makauwi sa kanyang pamilya. Ayon sa video, gumawa ang
grupo ng isang eksperimento sa iba’t ibang pampublikong lugar.
Pinakita nila dito na kausap ng isang tatay ang kanyang anak at
umiiyak. At sakanilang pag-uusap, sadyang ipinaririnig ng ama sa
mga taong nakapaligid sa kanya na hindi siya makakauwi ng
probinsiya dahil hirap ito sa buhay at walang pamasahe.

Mula sa video, doon nakita na maraming Pilipino ang mapagmahal


sa kanilang tatay. Sa iba’t ibang lugar kung saan nila ginawa ang
experiment, halos lahat ng tao na nakarinig at nakakita sa nangyari
ay kinausap si tatay. Merong mga nag-alok ng tubig, at halos
naman ay binigyan ng pamasahe si tatay para makauwi sa kanyang
pamilya. Meron ding mga nag-alok na ihatid si tatay pauwi gaano
man kalayo ang pupuntahan nila.

At dito, noong sinabi na ng grupo na experimento lang ang lahat,


merong ibang hindi naniwala at gusto paring tulungan si tatay, ang
iba naman ay natawa nalang sa nalaman nila. Dito natin malalaman
na ang mga Pilipino kahit hindi nila ka ano-ano ang isang tao handa
parin silang magbigay ng tulong.

Ayon sa mga taong nag-alok ng tulong kay Tatay, nakarelate raw


kasi sila sa sakit na nararamdaman ni Tatay. Alam daw kasi nila
ang pakiramdam na hindi makasama ang mga taong mahal nila sa
buhay. Dahil ang iba pala sa mga nag-alok ng tulong kay tatay ay
wala na ring tatay o yumao na ang kanilang mga ama.

Patunay lang na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kanilang mga


Tatay o pamilya. Kaya Ka-Ani kung ikaw may nakita o narasan
kang ganito sa isang lugar, tutulungan mo ba o hndi?
.

47. HOST 1: Syempre naman ka-Ani tutulungan ko siya dahill alam ko din ang
nararamdaman nila. Tulad ngayon Ka-Ani wala na akong Tatay,
kaya sa mga nakikita ko, napapanood ko o napapakinggan kong
kwento na marunong silang magpasalamat at pahalagaan ang
kanilang mga magulang ay talagang tumataba ang aking puso.
Kaya kahit mahirap man ang buhay, dapat matuto tayong
magpasalamat sa lahat ng sakripisyo ng ating mga Tatay.

48. HOST 2: Tama ka-Ani! Tulad nga ng payo natin sa ating mga tagapakinig
kanina, habang nariyan pa ang ating mga magulang, habang may
pagkakataon pa tayong iparamdam ang pasasalamat at
pagmamahal natin kanila, ay maiging gawin na natin ito. Dahil hindi
natin alam kung hanggang kailan lang natin sila makakasama.

49. HOST 1: Well said, ka-Ani. Ngayon naman para sa ating ikalawang kwento,
ito ay tungkol sa isang sikat na vlogger na kilala bilang ‘Whamos’ sa
internet. Isa sa most viewed videos sa kaniyang youtube channel ay
ang surpresang ginawa niya para sa kanyang ama noong Father’s
Day. Ayon kay Whamos, bago pa raw niya pinasok ang buhay
vlogging ay talagang napaka supportive na ng tatay niya sa mga
pangarap niya. Sa kabila ng hirap ng buhay, napag patuoy daw ni
Whamos ang pag v-vlog sa tulong ng kanyang Ama. Kaya naman
bilang pasasalamat sa tulong, sakripisyo, at pagmamahal ng
kanyang tatay, niregaluhan niya ito ng kotse na ‘Honda City’ noong
Father’s day.

Kitang kita sa mukha ng ama ang pagkabigla at kasiyahan sa


regalong natanggap niya sa kaniyang anak. Gayun din naman ang
kasiyahang naramdaman ni Whamos dahil matagal niya ng
pangarap na masuklian kahit papano ang lahat ng hirap at
sakripisyo na ginawa ng tatay niya para sa kanya.

50. HOST 2: Grabe ka-Ani sa kwento natin ngayon talagang mapapa ‘sana all’
ka nalang no. Sana all nakakapag regalo ng ganoon ka bongga sa
mga magulang nila.

51. HOST 1: Oo nga ka-Ani, parang bigla akong nakaramdam ng inggit sa


kwento natin. Ako kasi hanggang pagluluto lang para sa mga
magulang ko ang kaya kong gawin ngayon. Pero kahit ganon diba,
atleast kahit papano napaparamdam ko parin ang pagmamahal ko
sakanila.

52. HOST 2: Tama ka-Ani! Kung tutuusin wala naman sa regalo talaga yan e.
May iba man na gumagawa ng supresa sa kanilang tatay gaya ng
pagbibigay ng money cake, pag susurpresa gamit ang mga naka
disenyong kotse, pagbibgay ng mga pyesa ng kotse o motor, pagbili
ng mga damit, sapatos, o pabango, o ano-ano pa. Pero alam mo
ka-Ani ang mga magulang natin kahit bigyan lang natin sila ng flot
tops or curly tops talagang sobrang saya na nila. Naalala ko yung
tatay ko nung elementary ata ako noon, binigyan ko lang siya ng
letter nung valentine’s day talagang naiyak siya. Kaya doon ko na
realize, sa murang edad talaga na yon, na maparamdam mo lang
yung tunay na pasasalamat at pagmamahal mo sa mga magulang
mo, may regalo man o wala, masaya na sila.

53. HOST 1: Totoo yan ka-Ani. Hindi naman materialistic ang mga magulang
natin. Kumbaga bonus nalang sakanila kung mabibigyan natin sila
ng kung ano ano. Pero syempre ka-Ani, gaya nga ng pamagat ng
segment na ito na ‘Pasalamat’, bibigyan pa natin ng iba pang ideya
ang mga anak kung paano nila mapaparamdam ang pasasalamat
nila sa kanilang mga Tatay. Kaya naman atin ng ilahad ang ating
ikatlong kwento na patungkol sa paraan na ginawa ng content
creator na si “Sir Geybin” upang maparamdam ang pasasalamat sa
kanyang ama.

Si Sir Geybin ay kilala bilang isa sa mga Capinpin brothers na hilig


gumawa ng mga kalokohan na video. Subalit sa likod pala ng
laging pagtawa at kasiyahan, may itinatago rin itong malungkot na
istorya. Dahil simula pala noong mga panahon na pasikat na sila, o
nakikilala na sa internet, ay kasabay pala nito ang pagkasakit ng
kanilang ama. Na hindi rin naglaon ay binawian ng buhay. Subalit
sabi nga nila life goes on, kaya may lungkot mang nadarama, pinag
patuloy parin ni Sir Geybin ang gumawa ng mga content na
magbibigay saya sa kaniyang mga followers, dahil ani niya,
pangarap din ito ng kanilang Ama na makilala sila sa kanilang
piniling larangan sa buhay.

Kaya naman nitong nagdaan na Father’s Day, sinurpresa nila ang


kanilang Ama sa pamamagitan ng pagdalaw sa puntod nito. Sa
kanilang pagbisita buong giliw nilang ipinagmalaki ang mga
achievements nila sa buhay at progreso ng kanilang vlogging life.
Kanila ring pinasalamatan muli ang Ama sa lahat ng ginawa nito
para sa kanila.

Sa kabilang dako naman, hindi rin nila nalimutang i-greet at


pasalamatan ang kanilang nanay na tumayo na ring tatay sa
kanilang pamilya, mula nang mawala ang kanilang biyolohikal na
ama. Pag uwi nila ng bahay may inihandang surpresa ang Capinpin
brothers na nagbigay tuwa sa kanilang Nanay. Pinasalamatan nila
ito sakanyang mga sakripisyo at katatagan na pinakita mula nang
mawala ang kanilang ama. Ipinaramdam nila na may pagka
makukulit man ang mga ito at pasaway, mahal na mahal nila ang
kanilang NayTay.

54. HOST 2: Uuhh, na touch naman ako sa ikatlo nating kwento ka-Ani. Dito
naman naipakita natin ang pagmamahal ng Ama sa kanyang anak
hanggang sa kanyang kamatayan. Gayun din ang pasasalamat ng
mga anak sa kanilang Ama kahit hindi na nila ito kasama ng pisikal.
Kaya sa kwentong ‘to, natutunan natin na pwedi parin pala nating
iparamdam ang pasasalamat natin sa ating mga yumaong tatay sa
pamamagitan ng pagbisita sa kanilang puntod. Pwedi parin nating
iparamdam, kahit papano, na mahal natin sila sa pamamagitan ng
pag-alaala sa kanila.

55. HOST 1: At hindi lang yon ka-Ani. Gusto ko ring bigyang pansin sa kwentong
ito kung paanong na recognize ng Capinpin brothers ang ginagawa
ng kanilang Nanay para sa kanilang pamilya, mula nang mamatay
ang kanilang Tatay. Dahil ka-Ani, kahit ulit ulit man, gusto ko lang
bigyan ng emphasis na ang father’s day ay hindi lamang para sa
mga lalaki na tatay o mga biological na tatay. Ang father’s day ay
para rin sa lahat ng mga tatay, nanay, tito, tita, ate, kuya, mga pari,
at kung sino sino pang mga tao ang gumagawa ng mga duties ng
isang tatay. Ang father’s day ay para sa lahat ng tao na tumatayong
tatay sa buhay ng kanya kanyang tao. Wala ito sa pangalan,
kasarian, o dugo, kundi nasa aksyon o gawa ng tao.

56. HOST 2: Tama ka-Ani! Kaya naman sa oras na ‘to, nais ko lang i honor lahat
ng Tatay o mga tumatayong tatay sa buhay ninuman. Salamat po
sa pagmamahal at pag sasakripisyo maparamdam lang na hindi
kami nag-iisa dahil nandiyan kayo na laging handang sumuporta sa
magagandang plano namin sa buhay. Maraming maraming
salamat po! Salamat sa Diyos dahil binigay nila kayo sa aming
buhay.

57. HOST 1: Sang-ayon ako diyan, ka-Ani. Napaka swerte natin kung mayroon
pa tayong mga tatay sa ating buhay. Kaya naman sa lahat ng ating
tagapakinig, hangga’t kaya at may oras pa, lagi rin sana nating
iparamdam ang pagmamahal at pasasalamat natin sa ating mga
Tatay. Hindi natin kailangan gumastos nang mahal o bumili ng
kung ano ano maparamdam lang natin ang pagmamahal natin sa
kanila, kahit sa paghalik lang o pagyakap at pagsabi ng
‘Pasalamat’, siguradong magiging masaya na ang ating mga tatay.
At higit sa lahat, sana ay hindi lang tuwing father’s day natin itong
ginagawa. Sana kahit sa normal na araw lang ay maparamdam
nating mahal natin sila

58. HOST 2: Agree ako diyan, ka-Ani. Kung maaari araw-araw. Dahil mabilis
lang ang panahon, hanggat nakikita, naririnig, at kilala pa nila tayo,
sana maparamdam natin kung gaano tayo ka proud sa kanila at
kung gaano natin sila kamahal.
Grabe ka-Ani nakapa heartwarming naman ng mga segment natin
sa araw na ito. Talagang nag enjoy ako sa iba’t ibang kwento, at
mas na-appreciate ko ang halaga ni Daddy sa buhay ko.
59. HOST 1: Ako rin ka-Ani. Napaka saya ko na napag-usapan natin ang topic
na ‘to sa ating programa. Paniguradong marami nanamang aral
ang napulot ng ating mga tagapakinig. Nakakabusog ng utak at
nakakataba ng puso. Kaya muli, bago magtapos ang programang
ito, pagsaludo po ulit sa lahat ng Ama sa mundo. Salamat po
sainyo Tay, Nay, Ate, Kuya, Tito, Tita, Lolo, Lola, Father, Ma’am at
Sir na nagsisilbing tatay sa aming buhay. Proud po kami sainyo at
mahal na mahal po namin kayo! Muli ako po si ___________.

60. HOST 2: At ako naman po si __________, maraming salamat po sa lahat


ng mga nakinig, nakikinig at patuloy pa na makikinig pa sa
programang “I Juana Know” .Abangan po ninyo ang mga susunod
pa naming usapin na patuloy pa ring tatalakay sa mga huwarang
tao na may malaking kontribusyon sa ating buhay. Manatili lang
pong makinig para sa mga susunod pang programa, dito lang yan
sa DWEE 107.1 D’ Ani-kita Radio FM.

61. MSC: EXTRO MSC (FADES IN, UP AND OUT).

###

You might also like