Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of The Philippines

Department od Education
Region VI-Western Visayas
School Division of Iloilo City
ILOILO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
District-I Iloilo City Proper

Pre-Final Test
ESP 5
S.Y. 2023-2024
Pangalan: _________________________________ Petsa : ______
Baitang/Seksyon : __________________________ Iskor : ______

I.PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Pagkatapos magdasal ni Marie ay nakagawian na niya ang magbasa ng bibliya. Sa iyong
palagay,tama ba na magbasa pa siya ng bibliya?
A. Hindi, dapat ay may ibang oras ang pagbabasa ng bibliya at hindi ito dapat
isinasagawa pagkatapos ng pagdarasal
B. Hindi, sapagkat nakapagdasal na siya at wala itong kaugnayan sa kanyang
pagdarsal.
C. Oo, sapagkat higit niyang mauunawaan ang mga salita ng Diyos
D. Oo, sapagkat pampalipas oras ito
2. Pupunta kayo sa kamag-anak sa kabilang bayan. Sa isang hintuan ng bus, kahit wala ng upuan,
pinasakay parin ng tsuper ang isang babaeng buntis. Inialok mo ang iyong upuan sa kanya dahil sa
nakita mong hirap na hirap siya sa kanyang pagkakatayo. Ano ang magandang kaugalian ang iyong
ipinakita?
A. Pagiging maka-Dyos
B. Pagiging makatao
C. Pagiging Maka-kalikasan
D. Pagiging Makabansa
3. Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan. Nasira ang kanilang mga
pananim sa bukid at bahay.Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling pagbangon.
Ikaw ay nagpapakita ng ugaling____________.
A. Matapat
B. Nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
C. Nakikipagbayanihan
D. Pagtulong sa mga nangangailangan
4. Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo na maraming dalang gamit. Ang lahat
ay nakaupo nang maayos. Ano ang iyong gagawin?
A. Magkukunwari na wala akong nakita
B. Pababayaan sya
C. Pagtatawanan
D.Tatayo at ialok ang upu-an ng siya’y makaupo.
5. Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong
kalye. Ano ang nararapat mong gawin ?
A. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na magkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
C. Sasabihan ko ang mga nakakatanda na linisan nila ang mga kanal
D. Wala akong gagawin.
6. Marami kang inimbak na tubig nagkataong nasira ang poso at walang mapagkunan ng tubig ang
iyong kapitbahay. Humingi siya sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Bibigyan ko siya ng tama lamang sa pangangailangan niya
B. Hindi ko sya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan siya ng aral.
C.Pababayaran mo sa kanya ang tubig
D.Wala rito ang tamang sagot
7. Plano ng inyong samahan ang mangampanya laban sa polusyon at napagkasunduan ninyong
gumuhit ng poster tungkol dito. Ano ang dapat maging desisyon mo?
A. Hindi ako kikibo kahit ayaw ko
B. Makikiisa ako sa plano ng samahan para sa ikakabuti ng mga mamamayan
C. Sasalungat ako sa plano dahil iniisip ko ang pagod at gagastusin sa paggawa ng poster
D.Wala rito ang tamang sagot
9. Nagulat ka ng malaman mong itinuloy pa rin ni Harvey ang kanyang planong paglalayas.
Tinawagan ka niya at sinabi sa iyo kung saan siya naroroon. Dumating ang mga magulang niya at
tinanong ka sa kinaroroonan ni Harvey. Alin ang nararapat mong gagawin?
A. Hahayaan kong mamoroblema ang mga magulang ni Harvey.
B. Hindi ko sasabihin sa kanila kunwari hindi ko alam
C. Sasabihin ko sa mga magulang niya kung bakit ginawa iyon ni Harvey at ituturo ang
kinaroroonan nito
D.Susumbatan ko ang mga magulang ni Harvey na kasalanan nila ang paglalayas ni Harvey
10. Bukas na ang pyesta sa inyong lugar. Ang mga opisyales ay abalang-abala sa p ag-aayos ng
kapilya. Sa dinami dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga opisyales kung
ano ang uunahing gawin. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain
B. Makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya
C. Magkukunwaring abala ka sa inyong bahay
D.Tutulungan ko sila upang mabilis matapos ang mga gawain
11.Kumakain ka at mayroong gutom na batang humihingi ng pagkain. Ano ang nararapat mong
gawin?
A. Hahatian ko siya ng pagkain
B. Ibibigay ko sa bata ang lahat ng aking pagkain
C. Sasabihan ko ang bata na humingi na lang sa iba.
D. Itataboy ko siya
12.Naghihingalo ang inyong kapitbahay na si Mang Gorio. Nagkataon na wala na siyang kasama sa
kanilang bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hintayin na lamang na dumating ang kamag-anak ni Mang Gorio
B. Huwag na lamang siyang pansinin
C.Tatawag ng kapitbahay upang isusugod sa ospital si Mang Gorio.
D.Tatawagin ang kamag-anak ni Mang Gorio
13. Ano ang ating dapat na ilaan sa ating kapwa?
A.Atensiyon B. Oras C. Pag-aaruga D. Sarili
14. May habilin sa atin ang Diyos. Ano ang iyong saloobin dito?
A. Babalewalain B. Hahayaan C. ipagpapasalamat D. Susundin
15.Humahanga ka sa isang artista. Ano ang nararapat na gawin?
A. Balewalain siya B. Pupurihin siya
C. Sasambahin siya D. tularan siya
16.Binigyan kayo ng takdang aralin ng inyong guro na gumawa ng isang panalangin. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Isusulat ko sa aking panalangin ang lahat ng mga kahilingan ko
B. Isusulat ko sa aking gagawing panalangin na bigyan ako ng maraming pera.
C. Isusulat ko sa aking panalangin na magkaroon pa ko ng maraming damit.
D. Isusulat ko sa aking panalangin ang pagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap
17. Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig ng
Diyos ang kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain. Hinihikayat ka nilang sumali sa
grupong ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Iiwasan ko sila
B. Magtatanong muna sa mga magulang
C.Pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D.Titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
18.Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyo na nasa malayong lugar. Hindi kayo nakapunta sa
kanyang burol dahil kulang sa pera. Ano ang pinakamainam mong gawin ?
A. Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B. Ipagwalang bahala ito dahil namatay na siya
C. Magalit sa magulang at piliting makapunta sa burol
D. Matuwa at namatay na siya para wala ng tiyuhin na laging humihingi ng
tulong sa iyong mga magulang
19. Laging nag-aaway ang iyong mga magulang dahil sa pera. Wala ka namang kakayahan na
makatulong sa kanila sapagkat may kapansanan ka sa paa. Ano ang pinakamainam mong
magagawa?
A. Hindi mo na lamang sila papansinin at mamaya naman ay bati na sila ulit
B. Magdarasal at humingi ng tulong sa Diyos na masulusyonan ang problema
C. Magalit sa magulang dahil sa palagi nilang pag-aaway
D. Magtatampo sa Diyos at binigyan ka ng ganoong klaseng magulang
20. Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Halos lahat ng mga pananim ay wala na
dahil nasira at nakakaranas na ng tag gutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa
kanila?
A. Hindi ko sila papansinin kasi marami naman kaming pambili ng pagkain
B. Ibibigay ko sa kanila ang lahat ng pagkain at pera
C.Tatawanan ko sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan ko sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang paghihirap na ito
21. Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria. Nagkataong
hindi ka katoliko. Ano ang nararapat mog gawin?
A. Hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang kanilang pananampalataya.
B. Hindi ko na lamang papansinin ang paanyaya.
C. Kukutyain ko ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D. Makikilahok ako sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
22. Pinag-aaralang awitin ni Mea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya
sa pagsimba. Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka
sa iyong pinapanood na pelikula. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B. Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pag-awit upang pareho silang
magkaroon ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses
23. Kasama mo sa pagsisimba ang maliit mong kapatid. Habang nagmimisa ang pari ay nakita mong
naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong
gawin.
A. Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B. Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C. Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D. Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mong makinig muna sa pari at
pagdating na sa bahay maglaro
24. Si Jonas ay isang manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang
distrito. Isang araw habang sila ay naglalaro, nakita niya na sadyang binangga ng kanilang ka-team si
Peter. Nadapa ito at napasubsob.Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa
halip,tinulungan niya si Peter na siyang kinatalo ng kanilang team.Anong katangian ang pinamalas ni
Jonas na siyang pagkakataong ito?
A. Pagiging isport
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C. Pagiging patas
D. Lahat ay maaaring maging sagot
25. Nagpabili ang kapatid mo sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ito. Alam mong walang
pera ang iyong nanay. May pera kang naipon, ibinigay mo kaagad sa iyong kapatid ang pera at nang
makabili siya bagong sapatos. Ikaw ay __________.
A. Mapapagkatiwalaan C. Matulungin
B. Matipid D. Palakaibigan
26. Matalik na kaibigan ni Rex si Jec. Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain, nais ni
Rex na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang kaibigan, paano papayuhan ni Jec si Rex?
A. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
B. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain
C. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D.Sasabihan na huwag na lamang siyang sasali sa pangkat
27. Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-
aaral sa kabilang pangkat. Ano ang karapat-dapat mong gawin?
A.Hayaan na lamang silang mag –away
B. Huwag silang pansinin
C. Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D. Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa kapwa.
28. Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na gastusin
at walang hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil dito, nais na ng mga kapatid mong huminto
na sa pag–aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B. Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C. Hahayaan ko na lamang silang huminto sap ag-aaral
D.Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-aral.
29. Oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain. Ikaw ay
pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ko ang isang baong tinapay sa akingng kamag-aral
B. Huwag na lamang siyang pansinin
C. Kakainin ko ang dalawang tinapay upang labis na mabusog
D. Sabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral
30. Kaibigan mong matalik si Jose at batid mo ang kanyang mga suliranin sa mga magulang. Binalak
niyang maglayas. Bilang isang matalik at matapat na kaibigan, paano mo siya papayuhan?
A. Alam kong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan ko siya
B. Isusumbong ko siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong ko siya sa kanyang mga magulang
D. Sasang-ayon ako siya sa kanyang binabalak

You might also like