Pabula Script Pangkat Isa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isang araw may isang bakang nagrereklamo kung bakit ganon ang kanyang laki at gampanin.

Carl : Bakit ba kasi ganto ako kalaki? Bakit din ba ganto ang gampanin ko? Maglabas lang ng gatas at
kumain lang ng damo, isang walang kwentang gampanin.
Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa makasalubong nya ang dalawang Pusa na naglalaro sa gilid.
Naisip nya na mas malaki sya sa Pusa, mas mahahaba ang kanyang 4 na binti at may mas gampanin sya
kesa dito, ano bang silbi ng mga ito? Mag-inarte lamang sa kanilang mga amo upang bigyan ng
makakain? Kakatawa sila’y mga walang silbi kung ikukumpara sa kanya. Nilapitan nya ito at may
pagmamayabang natanong.
Carl : Kaya nyo bang mag araro? magbitbit o di naman kaya pasanin ang inyong mga amo? o kahit
maglabas na lamang ng gatas na mapapakinabangan ng mga ito?
Maisha : Hindi ginoo, wala ni isa doon ang kaya naming gawin. Kalmadong sabi ng isa sa mga Pusa.
Napangisi naman ang Baka at napailing tila nga walang silbi ang mga ito kumpara sa kanya.
Marc : Ngunit kaya namin tumalon, tumalon na kay taas! kaya rin naming mag bigay kasiyahan saaming
mga amo, mapangiti sila at mabigyan ng dahilan upang mapanatag ang kanilang mga loob! Masigla at
mahabang paliwanag naman ng isang Pusa. Napayuko ang Baka inamin sa sarili na ni isa sa mga iyon ay
di nya kayang gawin, tila nga talaga ay wala syang binatbat kumpara sa kapwa nyang mga hayop.
Carl : Maraming salamat sa inyong kasagutan at magandang araw sa inyo.
Walang siglang pamamaaalam ng Baka.
Maisha at Marc : Magandang araw din sayo ginoo!
Masiglang pagbati ng sabay ng dalawang Pusa. Nagpatuloy na ang Baka at sa gitna ng kanyang
paglalakad ay nakakita naman sya ng dalawang Aso na masayang nag uusap sa gilid. May pumasok na
naman sa kanyang isip, mas malaki sya sa mga ito! Mas may silbi at may mas pakinabang sya sa
mga tao, eh ang mga Aso? Wala syang maisip na kahit ano, siguro ang pagtahol? Kung gugustuhin nya ay
siguradong kaya din nya ito. Lumapit sya sa mga ito at bahagyang nagtanong.
Carl : Kamusta ang inyong araw? Kayo ba ay nagagalak na nakatali lamang buong maghapon at
sakatahol ng tahol na para bang nasisiraan ng inyong mga ulo?
Bahagyang nagalit ang isang Aso sa tinuran ng Baka, kaya akma nya itong kakalmutin at kakagatin ngunit
dahil sa pagpigil ng kanyang kasama ay hindi sya nagtagumpay sa kanyang nais.
Kiel : Kumalma ka sige na, pagpasensyahan ang ginoo sapagkat mukhang siya ay may sira sa ulo turang
Aso sa kanyang kasama.
Sky : Siguro nga, sa kakatrabaho nya siguro sa bukid ay nawalan sya ng bait, ikaw ba naman maghapon
na nagtratrabaho at kinukuhanan ng gatas ng mga tao ay siguradong masisira ang iyong ulo, mabuti na
lamang at tayo’y nasa bahay lang at naghihintay sa pagdating ng ating amo, hindi nakailangan
magtrabaho upang mapansin nito.
May pang-aasar na sabi ng isang Aso at pagkatapos nito ay niyaya nya ang kanyang kaibigan na lumisan
na at iwan na ang Baka. Napatulala ang Baka sa sinabi nito, may punto naman ang Aso, siya kailangan pa
nyang magtrabaho maghapon at magbabad sa sikat ng araw upang mapansin ng kanyang amo, upang
magkaroon ng gampanin, ngunit ang mga Aso ay magbabantay lamang ng tahanan at nabibigyan na nila
ng kasiyahan ang mga amo nila, siya na ba talaga ang pinaka walang kwenta sa lahat ng nilikha? ayun din
ang tanong na sa tingin nya ay malapit na nyang mabigyan ng kasagutan. Nagpatuloy na sya sa
paglalakad, nagulat na lamang sya ng biglang may sumigaw! isang maliit at matinisna tinig. Nagpalinga
linga sya ngunit walang ibang naroroon, magpapatuloy na sana sya ng bigla nyang narinig ang isang
maliit at matinis na tinig.
Jenicka : Ginoo, ang aming pong buntot ay naipit nyo!
Napayuko ang Baka at nakita ang dalawang nilalang, nakita nya ang dalawng Butiki.
Carl : Ay pasensya na, hindi kita nakita paghingi ng tawad ng Baka
Napaisip na naman sya kaawa awang mga nilalang isang kayliit at tinuturing ng taong isang peste,
siguradong may silbi na sya kesa dito, siguro kay lungkot ng buhay ng mga Butiking ito sapagkat sino
nga ba ang magagalak kung ang pamumuhay mo ay magiging katulad nito? Aalis na sana ang mga Butiki
ng marinig nya ang tinig ng Baka.
Carl : Ayos lamang ba kayo? Ano ang inyong pakiramdam na tinitignan kayo ng iba na isa lamang na
peste at walang silbi? Hindi ko maisip kung ano ang aking madarama kung ako ang inyong nasa
kalagayan.
Wikang Baka na walang halong pagmamayabang kundi puno lamang ng awa ang mga salita.
Celestina : Bakit nyo naman natanong iyan? Tunay ngang tingin saamin ng nakararami ay peste ngunit
wala kaming magagawa kung ganon ang kanilang tingin sa akin, mahal namin kung ano kami, kung ano
ang magagawa namin, marami man kaming hindi nagagawa, maliit kumpara sa iba ngunit alam naming
may gampanin din kami sa lipunan na ito.
Mahabang sagot ng Butiki. Nagulat naman sa sagot ng Butiki ang Baka,
Carl : May ganon palang pananaw?
Hindi sya makapaniwala na ang Butiking ito ay may paniniwala na sobrang tuwid.
Carl : Paano nya kaya nagagawa iyon? Maniwala sa kakayahan kahit may mas magaling at karapat
dapat sa iyo? Imposible.
Nagpaalam na ang Baka sa Butiki at patuloy na naglakbay na ang Baka. Sa kanyang paglalakbay ay
nakita nya ang isang Kapibara na naglalakad lamang na para bang ang mundo ay kanyang pagmamay-ari,
ngayon hindi na ang kakayahan nya ang kanyang naiisip kundi ang kakulangan nito, ano bang laban nya
sa Kapibara? Di hamak na isa lamang syang alikabok kung sya ay ipaghahambing dito. Kaya nitong
makibagay kahit saan, kumbaga nandito na ang lahat ng kakulangan nya. Napahinga sya ng malalim at
napayuko. Lahat ng hayop ay mas may gampanin sa kanya sigurado pag nagtagal makakalimutan na
lamang ng lahat ang nagagawa nya sapagkat ang halaga nya ay katumbas lamang ng isang sentimo na
wala ng pumapansin at maliit lamang ang halaga kesa sa iba. Nagpatuloy na sya sa paglalakad at
nilagpasan ang Kapibara. Sa haba ng kanyang paglalakbay ay naupo na lamang syasa ilalim ng puno
dulot ng kanyang kapaguran.
Cedrick : Ayos ka lamang ba ginoo?
Tanong ng isang nilalang sa itaas ng puno. Napatingala naman ang Baka sa tinig sa taas at sya’y nagulat
ng makita ang isang Agila, isang napakagandang Agila na tila ba kagalang galang ang tindig at dating
Carl : A-ayos lamang.
Nauutal na sagot ng Baka bunga na rin ng kapaguran at kalungkutan nanadarama.
Cedrick : Mukhang may bumabagabag sayo, handa akong making kung iyong mararapatin na sabihin
saakin ang bagay na bumabagabag sa iyo.
Wika ng Agila. Napahinga ng malalim ang Baka at napayuko saka tumuran
Carl : Bakit ba ganto ako? Walang silbi kumpara sa iba, walang maipagmamalaki at walang
ipantatapat, ano pa ba ang gampanin ko sa buhay kung lahat na lamang ng bagay ay mas may
magaling at karapat dapat kesa sakin?
Mahaba at malungkot na tanong ng Baka.
Cedrick : Hay kaibigan, alam mo ba na ako’y humahanga sa mga tulad mo? Sa mga Baka na mag hapong
nagtratrabaho sa bukid para sa kanilang mga amo? Hindi mo dapat kinukumpara ang iyong sarili kahit
kanino sapagkat lahat ng nilalang ay may kakayahan at kakulangan, maaring ang isang nilalang ay may
kakayahan na gawin ang isang bagay na di mo kaya, may iba rin namang bagay na kaya mo ngunit hindi
kaya ng iba, isa kang indibidwal kaibigan, bawat isa sa atin ay espesyal kaya wag mong iisipin na mas
mababa o may mas mababa na nilalang sa iyo sapagkat pantay pantay tayong nilikha ng diyos, lahat tayo
ay may pananagutan at responsibilidad, bawat isa ay may gampanin na gagampanan. Kaya magtiwala ka
lamang sa iyong sarili at matutunan na mahalin ang kakulangan gaya ng pagmamahal mo sa iyong
kakayahan.
Pagkatapos ng sinabing ito ng Agila ay lumipad na ito at umalis. Napatingin na lamang ang Baka at saka
bahagyang napa ngiti. Imbis na isipin at tignan natin ang wala sa atin ay atin na lang ipagpasalamat kung
anong meron tayo. Dahil bawat isa sa atin ay may espesyal na katangian at kakayahan.
Ito ang pabula ng Unang Pangkat at Maraming Salamat.

You might also like