Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

III. WASTONG GAMIT NG WIKA

3.1 Pagpapalitan ng “D” tungo sa “R”

Ang mga tiyak na pagkakataon na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita.

Halimbawa, ang dito ay nagiging rito at ang dami ang nagiging rami. Karaniwan
nagaganap ang pagpapalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o
salita na nagtatapos sa A. Halimbawa, ang D ng “dito” ay nagiging R sa narito o naririto.
Ngunit nananatili ang D kapag andito o nandito. Tingnan pa ang sumusunod:

doon- naroon (ngunit andoon o nandoon)

dami- marami (ngunit pagdami o dumami)
dapat- marapat, nararapat, karapatan (ngunit karapat-dapat)
dunong- marunong, pinarunong (ngunit dunong-dunungan)
dalita – maralita (ngunit nagdalita o pagdaralita)

Ang naturang pagpapalit ng tunog ay malinaw na isang paraan ng pagpapadulas

sa pagsasalita. Kaya karaniwang ginagamit ang D sa unahan ng salita. Sa loob ng salita,
karaniwang sumusunod ito sa katinig (sandok, kordon, bundat) samantalang higit na
malimit makikita ang R sa loob ng salita lalo na’t sumusunod sa patinig (markado, kariton,
bolero, bangkero, bordador, birtud).

Kasong Din/Rin, Daw/Raw.

Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at

daw/raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang
daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y),
gaya sa sumusunod:

Masaya rin ngunit malungkot din

Uupo raw ngunit Aalis daw
Nabili rin ngunit Nilanggam daw

Ngunit sinsabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa –ri, -ra, -
raw, o –ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw, gaya sa sumusunod:

3.2 Kailan “ng” at kalian “nang”

Isang malimit pagtaluhan kahit ng mga eksperto sa Filipino ang wastong gamit ng
ng at nang. May mga nagmumungkahi tuloy na alisin na ang ng at nang na lamang ang
gamitin sa pagsulat. Isang panukalang paurong ito dahil ganoon na nga ang ugali ang
Balarila ni Lope K. Santos. Sa panahon ng mga Espanol, nang lamang ang ginagamit sa
pagsulat ng mga misyonero.

Mga Gamit ng “Nang”. Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit ng nang :

Una, ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong.

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

1
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

Halimbawa:
1. Umaga nang barilin si Rizal.
2. Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.”

Ikalawa, ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o para.

Halimbawa:
1. Sa isip ng mga Espanol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot
ang mga Filipino.
2. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.

Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsamang na at ng.

Halimbawa:
1. Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanol.
2. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.

Ikaapat, ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na

pamaraan at pang-abay na panggaano)
Halimbawa:
1. Binaril nang nakatalikod si Rizal.
2. Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakit.

Ikalima, ginagamit ang nang bilang pang-angkop ng inuulit na salita.

Halimbawa:
1. Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siya mamamatay sa puso ng mga
kababayan.
2. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.

Ang iba pang pagkakataon, bukod sa nabanggit na lima, ay kailangang gamitan

ng ng.
Halimbawa:
1. Ipinabaril ng mga Espanyol si Rizal.
2. Pinainom ng gamut si Pedro.
Ngunit tingnan ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap. (1) Pagkamartir ang
katulad ng sinapit ni Rizal. (2) Gusto mob a ang katulad nang magmartir si Rizal?

Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang”.

Malimit mapagkamalang nang ang kontraksiyon ng na at ng, gaya sa

pangungusap na “Laganap nang himagsik pagbaril kay Rizal.” Kailangang isulat ito nang
may kudlit (‘) upang ipahiwatig ang naganap na kontraksiyon ng na at ng ang gaya sa
“Laganap na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.”

3.3 Palitan E/I at O/U

Wala namang batas hinggil sa nagaganap na pagpapalit ng E at I at ng O sa U.

May ilang tuntunin lamang ang Bararila kung kalian ito nagaganap kaya umiiral ang
paniwalang isang natural na pangyayari sa mga wikang katutubo sa Filipinas ang gayong
pagpapalit. Maaari din itong ugatin sa pangyayari na tatlo (3) lamang ang titik ng baybayin
para sa mga tunog ng patinig. Sa naturang sitwasyon, nagsasalo sa isang titik ang E at I
gayudin ang O at U. Maaring ito ang sanhi ng nakaugaliang pagdausdos ng dila sa
pagbigkas ng E at I at ng O at U gayundin ang nagkakapalitang pagsulat sa dalawang tila
kambalang mga patinig.

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

2
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

Alam ito ni Tomas Pinpin. Kaya noong isulat niya ang aklat na Librong pagaaralan
nang manga Tagalog nang uicang Caftilla (1610) ay nag-ukol siya ng mga leksiyon
hinggil sa wastong pagbigkas ng E o I at O sa U kalakip ang babala na hindi dapat
ipagkamali ang E sa I at O sa U sapagkat may mga salita sa Espanol na magkatulad ng
baybay ngunit nagkakaiba ng kahulugan dahil sa may E ang isa at may I ang ikalawa o
may O ang isa at may U ang ikalawa. Ibinigay niyang mga halimbawa ang pecar at picar,
queso at quizo, peña at piña, modo sa mudo at poro sa puro.
Kahit ngayon, maaring idagdag ang pagkakaiba sa isa’t isa ng penoy sa Pinoy,
ng meron at miron, ng balot at balut ng Mora at mura, ng ebun sa Kapampangan at
ibon sa Tagalog, ng otot (daga) at utot (kirot) sa Pangasinan. Kahit sa hanay ng mga
kabataan, ibinubukod ng E ang ekspresyon nilang “Hanep!” sa ibig sabihin ng orihinal na
“hanip”.

3.3.1 Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U.

Bahagi sa pagdisiplina sa ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E at I at

ang O sa U. Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawiing I ang E sa
umpisa ng mga salita, gaya sa “iskandalo” sa halip na eskandalo, “istasyon” sa halip na
estasyon, istilo sa halip sa estilo. Bagaman nakapagtatakang hindi napalitan ng I ang
unang E sa estero, estranghero, erehe at eredero. Kung didisiplinahin, mapipigil ang
paabakada kunong “liyon” sa leon, “nigtaibo” sa halip na negatibo. Mapipigil din ang
ugaling palitan ng U ang O sa gaya ng “kuryente” sa halip na koryente, “Kuryano” sa
halip na Koreano, “pulitika” sa halip na politika.

3.3.2 Senyas sa Espanol o sa Ingles

Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula
sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S,
gaya sa sumusunod:

eskandalo (escandalo) iskandal (scandal)

estasyon(estacion) isteysiyon (station)
espesyal (especial) ispesyal (special)
esmarte (esmarte) ismart(smart)
eskuwela(escuela) iskul (school)
estandarte (estandarte) sitandard(standard)
estilo(estilo) istayl (style)
escolar(escolar) iskolar (scholar)

3.3.3 Kapag Nagbago ang Katinig

Sa kaso ng O/U, ipinahihintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang
kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-
uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F. Halimbawa, ang anyong kumperensiya
ng conferencia. Napalitan ng U nag O kaugnay ng naganap ng pagpapalit ng kasunod na
N sa M dahil sumusunod na P/F. Ito rin ang katwiran sa pagpalit ng U sa O sa orihinal ng
salitang Espanol sa sumusunod:

kumbesiyon (convencion)
kumpisal (confesar)
kumbento (convent)
kumporme (conforme)
kumportable (confortable)
kumpiska (confisca), kumpiskasyon (confiscacion)
kumpeti (confeti)

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

3
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

Hindi sakop ng tuntuning ito ang “kumpanya” at “kumpleto” na dapat baybaying

kompanya at kompleto dahil compañia at complete ang orihinal sa Español. Letrang M
na talaga ang kasunod ng O sa orihinal. Kaugnay ng tuntunin, malinaw din na hindi dapat
gawing U ang O kung N nag orihinal na kasunod sa mga salitang gaya ng monumento
(monumento), kontrata (contrata), kontrobersiya (controvercia), at konsumo
(consume).
3.3.4 Epekto ng Hulapi
Nagiging I ang E at nagiging U ang O kapag nasa dulo ng salita at sinusundan ng
hulapi. Halimbawa, ang E sa “babae” ay nagiging I sa kababaihan; ang O sa “biro” ay
nagiging U sa biruin.

balae - balaihin
bale- pabalihin
kalbo- kalbuhin
takbo- takbuhin
tabo- tabuan

Ngunit tandaan: Nagaganap lamang ang pagpapalit kapag binubuntutan ng hulapi ang
salitang-ugat.

3.3.5 Kailan Hindi Nagpapalit

Taliwas sa lumalaganap na akala, hindi awtomatiko ang pagpapalit kaya hindi
nagaganap sa ibang pagkakataon, gaya sa sumusunod:

(1) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na na(-

ng). Tumpak ang “babaeng masipag” at hindi kailangan ang “babaing masipag”
at hindi kailangan ang “babaing masipag”; tumpak ang “birong masakit” at hindi
kailangan ang “ birung masakit”.

(2) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. Wasto
ang babaeng-babae at di kailangan ang “babaing-babae”; wasto ang biro-biro at
hindi nararapat ang “biru-biro”. Maaring nagaganap ang pagpapalit ng I sa E o
ng U sa O sa karaniwang pagbigkas ng mga Tagalog ngunit hindi kailangan isulat,
maliban kung bahagi ng realismo sa wika ng isang akdang pampanitikan. Ang
ibig sabihin pa, hindi kailangan ang tuntunin hinggil sa pagpapalit dahil may mga
Tagalog na hindi isinasagawa ang gayong pagpapalit sa kanilang pagsasalita.
Bukod pa, isang bawas na tuntuning dapat isaulo ng mga hindi Tagalog ang
tuntuning ito mula sa Balarila. Tandaan pa ang sumusunod:

3.3.6 Kapag Bago ang Kahulugan

Sa kabilang dako, nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at U sa O kapag walang
gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ng bagong kahulugan, gaya sa “haluhalo” na iba
sa “halo-halo”. Isang popular na pagkaing pampalamig ang haluhalo; paglalarawan
naman ng pinagsama-samang iba’t ibang bagay ang halo-halo. Narito ang halimbawa ng
salitang may gitling at walang gitling:

salo-salo magkakasama at magkakasabay na kumain

salusalo isang piging o handaan para sa maraming tao

bato-bato paraan ng paglalarawan sa daan na maraming tao

batubato ibon, isang uri ng ilahas na kalapati

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

4
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

3.3.7 Huwag Baguhin ang Dobleng O.

Iminumungkahi rin ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O (oo) kahit
sinusundan ng hulapi, gaya sa noon a lagyan man ng hulapi ay nanatiling noohin.
Iminumungkahi ring pairalin ito sa ilang salita na may UO gaya ng tuon at tuos na dapat
baybaying pagtuonan at tuosin. Narito ang halimbawa:

noon- kanoonan
nood- panoorin
doon- paroonan

3.4 Iba pang Wastong Gamit ng Wika

KAPAG at KUNG - ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan;

ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.

Halimbawa:
1. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
2. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.

KIBO at IMIK - pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy ng imik.

Halimbawa:
1. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
2. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

MAY at MAYROON - iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng
salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan
(mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Halimbawa:
1. May anay sa dingding na ito.
2. May kumakatok sa pinto.

Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-
abay na panlunan.

Halimbawa:
1. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
2. Mayroon iyang malaking suliranin.

Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.

Halimbawa:
“May asawa ba siya?’ “Mayroon.”

Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.

Halimbawa:
Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino
ang wala.

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

5
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

PAHIRAN at PAHIRIN

Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis

Halimbawa:
1. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.
2. Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.

PINTO at PINTUAN
Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi iito
mapagdaanan

Pintuan- ang puwang sa dingding o pader na

pinagdaraanan.
Halimbawa:
Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan

Hagdan - ang inaakyatan at binababaan

Hagdanan- nag kinalalagyan ng hagdan

SUBUKAN at SUBUKIN

Subukan - pagtingin nang palihim

Subukin - pagtikim at pagkilatis

Halimbawa:
1. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis
ako sa bahay.
2. Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.

Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at

pangnakaraan: sinusubok, sinubok. Magkaiba nang anyo sa
panghinaharap: susubukan, susubukin

WALISAN at WALISIN

walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis

walisan ang ang pook o lugar

Halimbawa:
1. Nais kong walisan ang aklatan.
2. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

OPERAHAN at OPERAHIN
operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
operahan - tumutukoy sa tao

Halimbawa:

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

6
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

1. Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.

2. Si Luis ay ooperahan sa Martes.

NAPAKASAL AT NAGPAKASAL

Napakasal kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang

nilalang na nagmamahalan.

Halimbawa:

Napakasal na ang malaon nang magkasintahang Bernadette at Marvin.

Nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang nangasiwa upang

makasal ang isang lalaki at babae.

Halimbawa:
Ang mag-asawa ay nagpakasal ng kanilang panganay na anak.

SUNDIN AT SUNDAN

- Ang SUNDIN (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o

pangaral.
- Ang SUNDAN (follow where one is going: follow what one does) ay
nangangahulugan gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.

Halimbawa:
1. Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong
maligaw ng landas.
2. Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong
magtampo.

DAHIL SA AT DAHILAN SA

 Ang Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang

pangyayari.
 Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay pangngalan mismo.

Halimbawa:
1. Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
2. Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating
magkakaibigan.

TUNGTONG, TUNTONG AT TUNTON

- Ang TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawali.
- Ang TUNTONG ay pagyapak sa ano mang bagay.
- Ang TUNTON ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay.
Halimbawa:
1. Hindi makita ni Aling Nenita ang tungtong ng palayok.
2. Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang bumbilya.
3. Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

7
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

GAWAIN 2.6 Piliin ang angkop na sagot sa bawat pangungusap.

1. Ang luwang naman ng inyong (hagdan, hagdanan).

2. Ang lawak-lawak talaga ng aking (wawalisan, wawalisin).
3. (Punasin, Punasan) mo ng basahang may floorwax ang ating sahig.
4. Igtingan mo ang hawak sa (pinto, pintuan) sa iyong pagpasok.
5. Mag-ingat ka naman (kapag, kung) nagmamaneho ka.
6. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
7. (May, Mayroon) bisita sa labas na naghihintay sa iyo.
8. (Mayroon, May) kaming balak na magbaksyon sa Surigao.
9. (May, Mayroon) silang tinatagong sikreto.
10. (Subukin, Subukan) mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
11. Patakbong umakyat sa (hagdan, hagdanan) ang bunsong anak ni Dr. Belo.
12. Napahawak siya sa (hagdan, hagdanan) nang marinig ang hindi
magandang balita.
13. Dali-daling sinara ni Lerosea ang (pinto, pintuan) upang hindi na marinig
ang galit na boses ng Ina.
14. (Walisin, Walisan) ang buong gymnasium para sa gagawing kasalan ng
bayan.
15. Pinayuhan ng Doktor na (operahin, operahan) ang bahagi ng kanyang
tiyan na sumasakit bago lumala.

16-30- Wastong paggamit ng “nang” at “ng”

16. Gabi na ________ nakauwi si Lee mula sa pinagtatrabahuang kompanya.

17. Pinapayuhan ang bawat OFW na sumunod sa health protocol _______
maiwasan ang aberya.
18. _________ makita niya ang malking sasakyan ay huli na upang umiwas.
19. Umiyak ________ umiyak ang bata sa sakit ng kanyang tiyan.
20. Bumili ________ bagong laptop si Gia na isang DepEd na guro.
21. Umiwas ______ umiwas man si Marjorie ay pilit na pinagtagpo ang
kanilang landas.
22. Malaki ang epekto _______ pandemya sa ekonomiya ng bansa.
23. Isang panawagan ang pinaabot ________ Pangulo na magtulungan sa
halip na magbangayan.
24. _________ nakita ng bata ang Ama ay agad itong sumigla.
25. Namayat ________ bahagya si Mia, isang COVID survivor.
26. Umalis si Leon __________ mawala ang tensiyon.
27. Pinagawa _______ vlog ang mga mag-aaral bilang proyekto.
28. Nakita nan i Mica ang daungan ________ barko.
29. Labis ang tuwa ________ Ama sa bagong trabaho.
30. Sira ang bagong payong ng Ate ________ umuwi sa bahay.

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

8
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

SELF-EVALUATION:

Magbigay ng mga bagong kaalaman

na natutunan sa kabanatang ito.

_________________________________________________________________

________________________________________________________________

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

9
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1
BATAYANG MANWAL SURIGAO DEL NORTE STATE UNIVERSITY- MALIMONO CAMPUS

TALASANGGUNIAN:

Acopra, Jioffre, et al.(2018). “Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning

Komunikasyon. Intramuros Manila: Minshapers Co, Inc.

Almario, Virgilio S. (2015). Manwal sa Masinop na Pagsulat, 2ND ed. Quezon City City.
Komisyon ng Wikang Filipino.

http://teksbok.blogspot.com

http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/pantukoy-at-uri-ng-pantukoy.html

TFiL 1- Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

10
Inihanda ni: RINALYN N. BONOTAN, MAEd- Instructor 1

You might also like