Professional Documents
Culture Documents
TFiL 1 - Module V
TFiL 1 - Module V
TFiL 1 - Module V
ORAS: 5 oras
PANIMULA:
Likas sa mga Pilipino ang gumamit ng matatalinhagang pahayag. Ang
paggamit ng matatalinhagang pagpapahayag ng emsahe ay nakatutulong upang
mas mag-isip ang tagapakinig o mambabasa. Kadalasang nagbibigay ito ng mas
malawak na kaalaman kung susuriing mabuti ang ginamit na salita. Nakadaragdag
ito ng kalinawan at kagandahan sa iang pahayag, pasalita man o pasulat. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga tayutay at mga matatalinhagang salita na sinamahan rin
sa paggamit ng kohesyong gramatikal at maging konotasyon/ denotasyon.
PAUNANG PAGSUBOK:
DALAWANG URI
Halimbawa:
Matulungin si Anna sa mahihirap kaya’t siya ay pinagpapala ng ating
Panginoon.
Halimbawa:
DENOTASYON KONOTASYON
Masarap kumain ng malutong na Malutong na 5.0 ang nakuha niyang
tsitsaron. marka.
Nakaluluwag nang paningin ang berdeng Berde ang kanyang utak.
paligid na puno ng halaman.
Kaytalas ng kutsilyong gamit ng chef. Kaytalas ng kanyang pakiramdam.
Ang salitang talinghaga ay mula sa mga salitang “talino” at “hiwaga” na ang ibig
sabihin ay isang pahayag na hindi tahasang ibinigay ang kahulugan- nakatago o
hindi lantad. Ang mga piling matalinhagang pananalita na nasa ibaba ay ilan lamang
sa napakaraming matalinhagang pananalita na nagmula sa librong Matalinhagang
Pananalita (with English Equivalent) ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayo’y
Komisyon ng Wikang Filipino.
Parang pinag-awayan ng aso’t pusa ang blusang binili ng ina nang pag-
agawan ito ng kanyang dalawang anak.
Kahulugan 2: magulong-magulo
Halimbawa:
Paliwanag: Likas sa aso at pusa ang lagging nag-aaway. Kung may bagay silang
pinag-aawayan, kagat nila ito sa magkabilang dulo at kapwa umaangil habang
naghihilahan sa bagay na kanilang pinag-aawayan. Dahil sa matatalim ang kanilang
mga ngipin, nagkakasira-sira ang pinag-awayan nila. Batay sa pangyayaring ito,
kapag may dalawang batang nag-aaway at nagkakasira-sira ang pinag-awayan,
nakagawian nang sabihin ang bagay ay parang pinag-awayan ng aso’t pusa.
2) Balat-sibuyas
Halimbawa:
Umiiyak na naman ang kaibigan kong balat-sibuyas.
Halimbawa:
Kung kalian kulubot na ang balat ng tiyahin ko saka pa naisipang
mag-asawa.
4) Magkibit-balikat
Kahulugan: ipagwalang-bahala
Halimbawa:
Ipinagkibit-balikat lamang ni Andremel ang balitang lumayas ang kanyang
asawa.
Paliwanag: Hindi lamang salita ang ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang
damdamin at pag-iisip. Madalas na sa galaw ng kaniyang katawan ay naipahayag
niya ang kanyang saloobin. Sa matamang pagmamasid ng mga tao noong unang
panahon ay napuna nilang ang pag-ayaw ng tao sa isang tao, hayop, bagay, ideya o
anuman ay maaring ipahayag sa pamamagitan ng iling ng ulo at kawalang interes
dito o dili kaya’y iniingos niya ang kanyang nguso’t labi. Sa pagwawalang-bahala
naman, anakagawiang kilos na ang tao ang kawalang ekspresyon ng kanyang
mukha kaalinsabay ng pagkikibit ng kanyang balikat o bahagyang pagtataas nito.
bunga ng pagkamapagmasid sila, nabuo ang kasabihang magkibit-balikat upang
tukuyin ang pagwawalang-bahala ng tao.
5) Balimbing
Kahulugan: kung sino ang kaharap ay siyang kakampi; doble kara; dalawang
mukha; hunyango
Halimbawa:
Nilalayuan ng mga kaibigan ang isang taong balimbing.
Paliwanag: Ang balimbing ay prutas na may limang anggulo at sakit saang anggulo
tingnan ay pareho ang makikita. Dahil dito, ang taong kung sino ang kaharap ay
siyang pinapanigan ay tinatawag na balimbing.
Halimbawa:
Mag-iingat sa pagsasalita sapagkat may pakpak ang balita.
Paliwanag: Ang may pakpak ay nakapaglalakbay nang mabilis. Itinutulad ang balita
sa bagay na may pakpak at sapagkat ugali ng taong sumagap ng balita na mabilis
namang nagpapasalin-salin sa bibig ng iba’t ibang tao, lumilitaw ang kasabihang may
pakpak ang balita.
7) Bantay-salakay
Kahulugan: nagnanakaw ng mga bagay na ipinagkatiwala sa kanya.
Halimbawa:
Huli na nang malaman nilang ang kanilang katulong sa bahay ay
bantay-salakay pala.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao’y parang gulong.
Animo’y matapang na leon kung siya’y humarap sa taong-bayan.
Halimbawa:
Siya ay Leon kung magalit.
Halimbawa:
Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan.
Bumaha ng luha sa kanyang kuwarto.
Halimbawa:
Kumakaway sa akin ang dahon ng talahib.
Nakia kong kumikindat ang bituin.
Halimbawa:
Nangunguna ang ating bansa, nangunguna sa katiwalian.
Ang ganda ng kanyang mga binti, sakang naman.
Halimbawa:
“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak ay katulad ng
damdamin ng binate sa dalaga”
Halimbawa:
“ Nag-aalma ang lunggati sa budhi ay sumisikad
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadambana, dumadambana kapag renda’y hinahaltak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”
-Halaw sa tulang “Erotique” ni Federico Licsi Espino, Jr.
Halimbawa:
“Lupang itinambak ng kamay ng Diyos
Ano’t nang lumao’y nakitang umumbok!
Higante ba tilang sa pagkakatulog
Ay hindi mapansing ginubat ang likod;
Minsa’y nakatayong…langit:inaabot,
Minsa’y nakadapang… dagat: niyayapos!
-Halaw sa tulang “Ang Bundok” ni Fidel M. Guilatco
Halimbawa:
“At ang baling bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dusting kamatayan”
-Halaw sa “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
Halimbawa:
“Walang kaparis ang pamamaraan niya ng pagtuturo; nakikita nilang ang mga
bunga nito ay mga taong nakapagpapayaman sa sarili nang madalian”
Halimbawa:
“Ang pananampalataya ay ating kaligtasan.”
Ang ilaw ng tahanan ay lumisan at hindi na muling magbabalik.
Ang bagong anghel ng Pamilya Castillo ay tunay na kinagigiliwan ng
marami.
Halimbawa:
“ Ang katamaran ng tao ay nagbibigay daan sa
kaunlaran ng daigdig”
Tanong Retorika o Rhetorical Question. Ang sagot ay laging paayon o nasa loob
mismo ng pahayag.
Halimbawa:
“O, pangarap
Kailan ka matutupad?
O, Pag-ibig
Kailan ka pamamasid?”
GAWAIN 7.1
PANUTO: Ang mga sumusunod ay idyoma sa Ingles. Kung sa palagay mo ay
tama ang ibinigay na kahulugan sa Filipino, isulat ang salitang TAMA. Kung sa
palagay mo naman ay mali, isulat ang salitang MALI.
GAWAIN 7.2
PANUTO: basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang uri ng tayutay na
ginagamit dito.
TALASANGGUNIAN:
Almario, Virgilio S. (2015). Manwal sa Masinop na Pagsulat, 2ND ed. Quezon City
City. Komisyon ng Wikang Filipino.